Chapter 41: Walang Humpay na Bangayan
HANGGANG sa mansyon ay nagbabangayan pa rin ang buong pamilya. Wala pa ring gustong magpatalo kina Maria Isabel at Donya Glavosa. Si Don Felipe na ang pumagitna sa kanila at di kalaunan ay lumapit din sa panig ng paboritong anak.
"Mama naman! Hindi man lang kayo nahiya sa mga bisita! Pinahiya n'yo si Maria Isabel sa mismong kasal niya! Wala na ba kayong natitirang respeto sa pagkatao n'yo?"
"Huwag mong mabanggit-banggit ang salitang respeto, Felipe! Dahil kahit ikaw wala ka rin no'n! Huwag kang magmalinis sa harap ng anak mo dahil alam ng lahat dito kung gaano rin kahaba ang sungay mo!"
"Pero hindi pa rin sapat iyon para guluhin n'yo nang ganoon ang kasal ng anak ko! Nakakahiya sa mga panauhin! Nakakahiya sa may-ari ng isla! Nakakahiya sa pamilya nina Ronaldo! Isang malaking kahihiyan ang ginawa n'yo, Mama!"
"Bakit ako!" namilog ang mga mata ng donya. "Iyang anak mo ang pagsabihan mo! Naging maayos naman ang takbo ng kasal, ah? Maayos din ang naging pagtatanghal ng mga guest performers! Ayaw pa ba niya iyon? Sa dinami-dami ng mga singers na inimbita ko, lahat sila puro mga kanta niya ang inawit sa reception! Dahil para sa kanya naman talaga ang araw na iyon! Tapos ano? Bigla-bigla siyang maninigaw sa akin? Imbes na magpasalamat siya sa mga taong kumanta para sa kanya, nilayasan pa niya talaga at kahit katiting na ngiti walang ipinakita! Ganyan kawalang modo ang anak mo sa mga bisita, Felipe! Siya ang walang respeto, hindi ako!"
"Bakit kailangan mo pang imbitahin si Roselia Morgan! Bakit kailangan pa niyang kumanta sa kasal ko! Alam kong kayo ang lumapit sa kampo niya para imbitahin siyang kumanta!" paninigaw naman dito ni Maria Isabel habang patuloy na umiiyak.
"Ano namang masama roon, Maria Isabel? Sabihin mo nga sa akin, ano'ng masama! Kinanta lang naman niya ang isa sa pinakasikat na kanta mo! Nag-alay lang naman siya ng isang napakagandang rendition ng iyong awit sa kasal mo! May ginawa ba siya sa 'yo? Inaway ka ba niya? Sinampal? Sinabunutan? Ngayon mo sabihin sa akin, ano ba ang ikinagagalit mo sa kanya?"
"Hindi mo naiintindihan, abuelaaa!"
"Naiintindihan kooo! Naiintindihan ko kung bakit ayaw mo sa kanya. Dahil alam naman nating lahat na nasasapawan ka na niya, hindi ba? Mas kumikinang na ang pangalan niya ngayon kaysa sa 'yo! Iyon ang ikinagagalit mo sa kanya! Iyang inggit mo ang sumisira sa 'yo, Maria Isabel! Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nag-utos ng tao para sabuyan siya ng suka sa meet and greet niya? Alam kong pakana mo ang lahat ng iyon kaya huwag mong itanggi! Wala kang dapat ikagalit sa kanya dahil kahit na kailan wala siyang ginawang masama sa 'yo! Ikaw ang may ginagawang masama sa kanya! Kaya dapat lang na magpasalamat ka pa dahil nagawa pa rin niyang tanggapin ang imbitasyon para kumanta sa kasal mo! Para bigyang-pugay ka sa mga narating mo sa buhay! Para batiin ka sa pinakamasayang araw mo!"
"Hindi naging masaya ang araw ko dahil sa 'yo, abuela! Walang naging masaya sa kasal na ito!"
"Kung ganoon problema mo na iyon at hindi ako!"
"Puwede ba, Mama, tama naaa!" sabat ni Felipe sa matanda. "Hindi magiging ganito ang lahat kung hindi mo inimbita ang babaeng iyon! Hindi naman siya kailangan dito kung tutuusin, eh! Nais mo lang talagang sirain ang kasal ng anak ko!"
"Bagay nga sa kanya 'yan! Iyan ang napapala ng taong masyadong mataas ang tingin sa sarili! Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko, Maria Isabel. Ikaw ang dapat na magsisi sa ginawa mo kay Roselia Morgan. Pasalamat ka hindi ko pa binubulgar sa publiko ang tunay na baho mo! Mag-iingat ka dahil kung gaano kataas ang iyong paglipad, ganoon din kalakas ang iyong pagbagsak!"
"Itigil mo na ang bunganga mo, Mama! Hindi ka nakakatulong! Kung wala ka nang matinong sasabihin umakyat ka na lang kung ayaw mong ipatapon kita sa America para mawala ka na sa landas namin!" hindi na napigilan ni Felipe na sigawan nang ganoon ang sariling ina.
"Hindi ako natatakot sa 'yo, Felipe! At huwag na huwag mo rin akong pagbabantaan dahil kapag pinatapon mo 'ko sa ibang bansa, lalo lang magdidilim ang mga buhay n'yong lahat dahil hindi n'yo makikita kung ano ang mga kaya kong gawin sa inyo! Subukan mo!" pinandilatan siya ng mata ng donya. Wala na siyang nagawa.
Hindi nagtagal ay umakyat na rin sa taas ang matanda kaya doon pa lang natahimik ang buo nilang sala. Napayakap na lang si Felipe sa anak na patuloy pa ring umiiyak.
HANGGANG sa paghiga ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Maria Isabel. Pareho silang nakasandal sa kama ng asawa niya habang patuloy namang nakaakbay si Ronaldo sa kanya.
Ang masaya at engrandeng kasal na pinapangarap niya ay parang gintong nalusaw dahil sa apoy. Bukod sa gulong nilikha ng kanyang abuela, dagsa rin ang mga bumabatikos ngayon sa kanya sa social media. Dahil sa mga video niya na sinasabunutan at pinapatulan ang matanda, iniisip ngayon ng mga tao na ganoon ang tunay na ugali niya.
Muli tuloy siyang sumikat at pinag-usapan sa buong mundo. Hindi nga lang sa paraang gusto niya. Dahil din sa nangyari, hindi na niya alam kung paano pa haharap sa publiko. Ni hindi na nga niya magawang sumilip pa sa kanyang social media account dahil siguradong hindi rin niya magugustuhan ang mga mababasa niya sa comments.
"Tahan na, Maria Isabel. Hindi mo dapat iniiyakan ang mga taong katulad ng abuela mo. Hindi siya worth it iyakan. Tandaan mo, sa inyong dalawa ikaw ang may pangalan, ikaw ang may talento, at ikaw ang kilala sa buong mundo. Siya, ano ba ang meron sa kanya? Ang pagiging donya lang dito sa mansyon. Nothing more, nothing less. Wala siyang maipagmamalaki sa 'yo. Kaya sa halip na iyakan mo ang mga sinabi niya, dapat ay naging palaban ka pa kanina at ipinamukha mo sa kanya kung sino ang tunay na reyna."
"Hindi naman iyon ang iniiyakan ko, mahal kong Ronaldo. Kung siya lang naman ang iiyakan ko, kahit isang patak na luha hindi ko ilalabas sa kanya. Ang ikinaiiyak ko lang talaga ngayon ay ang nasirang moments ng kasal natin. 'Yung masayang kasal na pinapangarap ko ay nasira dahil sa nangyari kanina. Naging memorable nga sa buong mundo ang naging wedding natin, hindi nga lang sa paraang gusto ko."
"It doesn't matter to me. Ang mahalaga kasal na tayong dalawa. Ganap nang magkadikit ang ating puso. Kaya ngayon, wala nang mananakit sa 'yo hangga't nandito ako. Pasisimulan ko na sa lalong madaling panahon ang bahay na ipapatayo natin malapit sa isang dalampasigan. Para makalipat na tayo agad."
"Pero matagal pa iyon. Ilang taon pa ang aabutin no'n bago maitayo ang dream house natin. Kailangan pa nating magtiis ng ilang taon dito sa mansyon kasama ang salot na abuleang iyon."
"Puwede ka namang tumira sa bahay ko, Maria Isabel. Welcome na welcome ka sa amin. Dahil kasal na rin naman tayo, wala nang dahilan para hindi ka payagan ng papa mo na tumira sa amin. Puwede ka namang dumalaw na lang rito paminsan-minsan. What do you think?"
Napasinghot ng sipon si Maria Isabel. "Well... I-I guess...t-that's a good idea..."
"For sure! Kaya bukas na bukas din, mag-empake ka na ng mga gamit mo. Aalis na tayo rito at doon ka na muna titira sa amin, okay?"
"Pero teka lang. Kung aalis ako rito, parang sinabi ko na rin na si abuela na ang panalo. Siguradong pagtatawanan lang niya ako kapag nalaman niyang ako na ang umaatras sa kanya. Ako ang magmumukhang talunan sa mga mata niya."
"Huwag mo nang isipin kung ano pa ang mga sasabihin niya sa 'yo. Don't waste your time on her. Just focus on me, baby. Focus on our life. Mag-asawa na tayo. May sarili na tayong buhay. Huwag mo nang pagtuunan ng pansin ang mga taong walang kuwenta sa buhay nating dalawa."
Hindi na sumagot doon ang babae. Sumandal na lamang ito sa balikat ng lalaki habang patuloy nitong pinagagaan ang loob niya sa pamamagitan ng mga haplos at halik nito.
NASIRA agad ang umaga ni Maria Isabel nang si Donya Glavosa ang makita niyang nagtitimpla ng kape sa kitchen. Tinalikuran na lamang niya ito at balak niyang bumalik na lang sa kuwarto.
Pero natigilan siya nang bigla itong magsalita. "Bakit mo 'ko tinatalikuran? Inaamin mo na bang talo ka na?"
Napilitan siyang sagutin ito kahit binilinan na siya ng asawa kagabi na huwag na itong patulan. "Kahit kailan, hindi ako magiging talo sa 'yo, abuela. I have a big career, unlike you, nagkakalat na lang ng lagim sa natitirang sandali ng iyong buhay. How poor of you..."
"Oh really? Sa tingin mo magtatagal ka pa sa industriyang ipinagmamalaki mo? Mark my words, Maria Isabel. Hindi magtatagal, ang career mo ring iyan ang magbabagsak sa 'yo."
"Not in a million years, abuela. Malaos man ako, patuloy pa ring titingalain ng mundo ang legacy na iiwanan ko. Ikaw, mamatay ka man ngayon o bukas, walang malulungkot at iiyak sa harap ng kabaong mo. Lahat sila, lahat kami rito, magdidiwang pa sa araw ng kamatayan mo!"
Ngumiti lang ang matanda. Pagkatapos ay bigla nitong ibinuhos sa mukha niya ang tinimpla nitong mainit na kape. Napasigaw siya habang sapo ang buong mukha. Muli siyang humagulgol sa pag-iyak.
Hindi nagtagal ay dumating naman doon si Ronaldo na tila bagong gising pa lang din at mabilis na niyakap ang asawa. "Maria Isabel! What happened?" Awtomatiko itong napalingon kay Donya Glavosa. Mabilis na nanlisik ang mga mata ni Ronaldo. "You! You did this to her!"
"And so?" malditang sagot ng donya.
"Who do you think you are? Akala mo powerful ka na sa ginagawa mong 'yan? Ganyan na ba kalungkot ang buhay mo, Madam Glavosa? Gusto mo bang pasayahin kita sa kama para didiretso ka na hanggang langit?"
Nagtaas naman ng kilay ang matanda sa sinabi niya. "At naglakas-loob ka talagang pagsalitaan ako ng ganyan?"
"Why not? Totoo naman ang sinabi ko, ah? Masyado nang malungkot ang nangungulubot mong buhay kaya gumagawa ka na lang ng eksena para mapansin. Kung pasayahin kaya kita sa mga kakilala kong mahilig sa matrona? Baka kapag ginalaw ka, mamatay ka sa sarap! Doon mo matatagpuan ang tunay na kaligyahang maghahatid ng kapayapaan sa buhay mo!"
Nagsalubong ang mga kilay ng donya. "Kung makapagsalita ka, daig mo pa ang baklang makati ang singit." Bigla itong naglakad papalapit sa kanila. "Kung inaakala mong nakakatakot ka na sa sinabi mo, huwag kang pakasisiguro, Ronaldo. Baka ikaw ang matakot kapag may pinagawa ako sa asawa mong 'yan. Ang suwerte mo nga, eh, dahil v*rgin pa 'yan. Paano kung isang araw, matagpuan mo na lang siyang maluwag na? Matatanggap mo kaya 'yon?"
Tumalim ang mga mata ni Ronaldo. "Bakit, ano'ng gagawin mo? Ipapa-r*pe mo ang asawa ko? Ang haba na talaga ng sungay mong matanda ka! Dapat d'yan pinuputol na!" Isang malakas na sampal ang napakawalan nito sa matanda na agad din naman nitong pinagsisihan.
Gulat na gulat naman si Donya Glavosa at mas tumalim ang mga mata. "Bakla ka nga talaga ano? Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nananampal ng babae! Hindi ako papayag na sampalin lang ako ng isang baklang maharot ang dila gaya mo!" Isang mas malakas at malutong na sampal naman ang ibinigay ng matanda sa lalaki.
Dito na napilitang pumagitna ni Maria Isabel para awatin ang dalawa. "Tama na, puwede ba! Abuela! Tigilan mo na kami por favor! Bumalik ka na lang sa America at magpakasasa ka sa mga Americano roon! Huwag mo na kaming guluhin dito! Halika na nga, Ronaldo! Mag-starbucks na lang tayo sa labas!" Hinila na niya ang lalaki palabas ng kitchen area. Naiwan namang umuusok pa rin ang ulo ng donya sa galit.
HINDI pa man lumalamig sa media ang balita sa eskandalong nangyari sa kasal ni Maria Isabel, isang panibagong balita na naman ang nagpainit sa lahat ng headline ngayon. Viral sa internet ang mga kumalat na litrato ni Imelda Iglesias kung saan makikita siyang naka-uniporme habang naglilinis sa isang opisina.
Ayon sa kalakip na deskripsyon, nagtatrabaho raw ang babae ngayon bilang janitress sa isang kumpanya. Hindi makapaniwala ang lahat kung paano naging janitress ang isang Iglesias na katulad niya at asawa pa mismo ng isang maimpluwensyang Gobernador.
Maging si Felipe ay gulat na gulat nang ipakita sa kanya ni Nemencio ang balitang iyon. Hindi na niya tinapos ang pag-i-scroll sa cellphone at ibinalik na ito sa tauhan. Napaupo na lang siya sa harap ng kanyang mesa habang pinoproseso sa utak ang mga nabasa.
Kailan pa naging janitress ang asawa niya sa kumpanyang iyon? Ito ba ang dahilan kaya lagi itong wala sa bahay at gabi na umuuwi? Ang akala ba naman niya ay abala lang ito sa clothing business na nabanggit nito sa kanya na balak itayo. Hindi niya akalaing iyon pala ang tunay na pinagkakaabalahan nito.
"Paano kaya naging janitress doon ang asawa n'yo, Don Felipe? Siya ba ang pumasok doon o may nagpasok sa kanya?" tanong sa kanya ni Nemencio.
Matagal bago siya nakasagot dito. "Napakaimposible naman kung siya ang papasok at mag-a-apply roon. Kung may magpapasok naman sa kanya, sino naman kaya? At bakit siya pumayag?"
Pareho silang nagtataka kung paano nga ba naging janitress si Imelda roon. Ito ba ang kusang pumasok sa ganoong trabaho? O may nagpasok dito? Bakit naman ito papayag na maging janitress kung sakali? Imposible namang may pangangailangan ito sa aspetong pinansyal gayong isa itong Iglesias.
PAGKATAPOS ng interview ni Roselia Morgan sa mga Paparazzi, pinalabas na ng bodyguard niya ang mga ito at sinara na ang entrance door ng kanilang studio. Kasama naman niyang pumasok sa elevator ang kanyang manager na si Doniel Jr.
Wala silang kibo sa isa't isa hanggang sa makarating na sa ikalawang palapag. Pagdating nila sa opisina ng lalaki, doon lang siya nito hinarap at kinausap.
"I'm very proud of you, Roselia. Ang galing ng performance mo sa wedding ni Maria Isabel. Napahanga mo ang lahat sa rendition na ginawa mo sa kanta niya. Totoo 'yung sinabi ng mga kritiko na nahigitan mo si Maria Isabel sa sarili niyang kanta. You did it better! She doesn't own that song anymore. You owned it with your powerful voice!"
Isang matipid na ngiti lang ang pinakawalan ni Roselia rito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsaya sa balitang iyon. "Ewan ko ba, Sir Doniel, p-pero parang hindi ko naman dapat ikatuwa iyon."
Nangunot ang noo ng lalaki. Saka ito naupo sa swivel chair nito. "Bakit naman? Hindi ka ba natutuwa sa magagandang feedback sa 'yo ng mga tao? Just think about it. Isang malaking promotion sa 'yo ang ginawa mong iyon. Dahil doon mas lalo mo pang napatunayan sa kanila kung gaano ka kagaling, kung gaano ka kahalimaw sa entablado. Pati sa sariling balwarte nina Maria Isabel, ikaw ang pinakapinalakpakan!"
"Iyon na nga ho, eh! Dahil doon, parang nagalit yata sa akin si Ms. Isabel. Parang ako yata ang dahilan kaya nag-away sila ng lola niya. Hiyang-hiya tuloy ako sa kanya. Kung alam ko lang na hindi niya magugustuhan 'yung ginawa ko, hindi ko na lang sana tinanggap 'yung invitation sa akin ni Ma'am Glavosa."
"Ano ka ba, Roselia! Wala kang dapat ikahiya roon! Dapat nga maging proud ka pa dahil mas nagustuhan ng mga tao ang version mo do'n sa sarili niyang kanta. Kung hindi niya nagustuhan iyon, siya na ang may problema. At hindi mo na problema 'yon!"
"Ayoko naman po kasing makasakit sa damdamin ng iba. Alam mo naman ako. Mahina ang loob ko sa mga taong may galit sa akin. A-ayokong ma-bully na naman gaya ng nangyari sa meet and greet ko."
Napahagod ng ulo si Doniel Jr. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo dapat sila katakutan. Kailangan mong maging matapang para sa sarili mo, Roselia. Lalo ka lang nilang ilalaglag kapag pinakita mo ang kahinaan mo."
Hindi na nakasagot doon si Roselia Morgan. Naupo na lang din ito sa sarili nitong lamesa habang iniisip pa rin ang nangyaring gulo sa wedding ng karibal niya sa music industry. Sa totoo lang, parang sinisisi rin niya ang sarili niya dahil sa nangyari. Parang gusto niyang bumalik sa nakaraan para tanggihan ang alok sa kanya na mag-perform doon. Ayaw na ayaw talaga niyang may nasasaktan siyang tao, dahil nasasaktan din siya.
Makalipas ang isang oras, biglang may kumatok sa pinto. Si Doniel Jr. na ang tumayo roon para pagbuksan ito. Nang magbukas na nga ang pinto, gulat na gulat silang dalawa nang masilayan si Donya Glavosa.
Napangiti si Doniel Jr. "Ikaw pala 'yan, Ma'am Glavosa! Tuloy po kayo!" Magiliw na pinapasok ng lalaki ang matanda sa loob at binigyan ito ng komportableng upuan.
"Good afternoon to you, Doniel. Lalo kang gumuguwapo ngayon," bati naman dito ng donya na lalong ikinatuwa ng lalaki.
Umupo naman ito malapit sa kanya at binati siya. "Kumusta ka na, Roselia Morgan? Sorry kung ngayon lang kita nadalaw rito. Alam kong mabigat pa sa 'yo ang mga nangyaring gulo sa wedding. And I want to say sorry for that."
"Ma'am Glavosa, you don't need to say sorry. Actually, ako po dapat ang manghingi ng tawad sa pamilya n'yo, lalo na kay Maria Isabel, dahil mukhang ako pa yata ang pinagmulan ng pag-aaway n'yong dalawa."
"No, hija! Wala kang dapat ipaghingi ng tawad! Wala kang kasalanan sa nangyari. Napakahusay nga ng ginawa mo, eh. Ikaw ang nagbigay ng pinakamagandang performance sa lahat ng mga guest performers doon. I want to salute you for that. Kaya lang pala ako nagpunta rito ay para batiin ka tungkol doon. Hindi na kasi kita gaanong naasikaso no'ng kasal dahil sa nangyari. Kami nga ang nahihiya sa 'yo dahil alam kong hindi ka sanay makakita ng gulo, lalo na sa mga pinagdanan mo noon sa buhay. Sana nga lang at hindi ito nagdulot ng trauma sa iyo."
"Oh no, Ma'am Glavosa! Wala po sa akin iyon, promise! Naiintindihan ko naman po ang nangyari. Kayo na po sana ang magsabi kay Maria Isabel na wala akong masamang intension sa ginawa ko. Wala rin akong balak na higitan siya sa rendition na ginawa ko sa kanta niya. Trabaho lang po ang lahat at walang personalan. Katunayan nga po, isa siya sa mga hinahangaan ko sa larangang ito na nagtulak sa akin para pasukin ang mundo ng musika."
Napangiti ang matanda. "Nakakatuwang marinig 'yan, hija. Huwag kang mag-alala. Asahan mo ang aking suporta mula sa iyo. Mas hinahangaan kita kaysa sa kanya sa totoo lang. Dahil sa ugali mong 'yan, nakatitiyak akong ikaw ang mas magtatagal sa larangang ito. Ipagpatuloy mo lang 'yan, Roselia Morgan. Mas malayo pa ang mararating mo!"
Abot-tainga ang naging ngiti rito ni Roselia. "Maraming maraming salamat po talaga, Ma'am Glavosa!"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro