Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40: Engrandeng Kasal

ISANG malakas na sipa ang sinubukang pakawalan ni Maria Elena. Pero mabilis nahawakan ni Evandro ang kanyang paa at binihag iyon gamit ang dalawa nitong kamay. Ginamit naman niya ang kabila niyang paa at iyon ang pinangsipa niya rito hanggang sa pareho silang bumagsak at gumulong sa sahig ng ring.

Bago pa siya makagawa ng aksyon, mabilis nitong binihag ang kanyang katawan gamit ang magkabila nitong hita saka ito nagpakawala ng mahigpit na yakap sa kanya. Sinadya rin nitong ipagdikit ang kanilang mukha.

"Grabe! It's been a month pa lang pero nakukuha mo na ang ibang galaw. You're getting better and better every day!"

"Talaga ba? Pero mukhang hindi ka naman nasasaktan sa ginagawa ko," natatawang sagot niya.

"It doesn't matter dahil training lang naman ito. We're not supposed to actually hurt each other. Ang mahalaga nakukuha mo nang maayos ang mga tinuturo ko."

Hinayaan na niya ang sarili sa pagkakapatong sa lalaki habang magkalapit pa rin ang kanilang mga mukha sa pag-uusap.

"Pero malayo pa rin ako para maging kasing lakas mo. Marami pa akong kakaining bigas."

"No, you're not supposed to eat a lot of rice dahil tataba ka, at lalo ka lang hindi makakagalaw. Maintain a proper diet and exercise. That's what you need to do."

Nasampal niya ang bibig nito at sabay pa silang natawa. "Ikaw talaga. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, eh. Pero siyempre dahil ikaw ang coach ko, ang mga advice mo lang ang susundin ko."

Hindi na niya napigilan ang sarili na halikan sa labi ang lalaki. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakabihag sa kanya. Pagkatapos ay ito naman ang humalik sa kanya.

"I love you, Maria Elena."

Idinikit niya ang noo sa noo nito. "I love you too, Evandro."

Ang palitan nila ng mga suntok at sipa ay nauwi na lang sa halikan at yapakan. Patuloy nilang hinalikan ang isa't isa sa loob ng ring. Nakalimutan na yata nilang nasa kalagitnaan sila ng kanilang training. Hanggang sa makarinig na lang sila ng mga paparating na boses at yabag ng mga paa.

Mabilis siyang kumalas sa lalaki nang magsibalikan na ang ibang mga nagwo-workout sa area na iyon. Itinuloy na lang uli nila ang kanilang training na parang walang nangyari.

ONE MONTH LATER.

PUNONG-PUNO ng tao sa harap ng dalampasigang iyon. Karamihan ay mga kamag-anak nila, mga kaibigan, at kasamahan ng kanilang ama sa mundo ng politika.

Halos sakupin nila ang buong kalupaan ng private island na inarkila ng mga Iglesias para sa grand wedding nina Ronaldo at Maria Isabel. Nagkalat ang mga cameraman sa paligid. Punong-puno rin ng mga bulaklaking dekorasyon ang buong kapaligiran na lalong nagpaganda sa bahaging iyon ng isla.

Bawat mga bulaklak ay magkakaiba ang kulay na pumupukaw sa atensyon ng mga ibon. Ang paglipad ng mga ito sa paligid ang isa pang nakadagdag sa nature-themed na aesthetic ng wedding. Napakapayapa. Napakaaliwalas sa paningin.

Hindi na nila kailangan ng magagarbong pailaw at dekorasyon. Dahil ang mga natural made attractions palang na nakapalibot sa islang iyon ay sapat na para magmukhang Paraiso ang kasal. Dagdag pa ang maulap at payapang hitsura ng kalangitan na nagbibigay ng napakagandang overall view sa paligid. Kasabwat din siyempre ang sariwang hangin na nagpapagaan naman sa pakiramdam ng mga bisita.

Mayroon ding live broadcast iyon na kasalukuyang mapapanood sa mga social media account ni Maria Isabel. Pumapangatlo naman ang wedding na ito sa mga top trending topic ngayon sa internet.

Pagkatapos ng munting mga programa, nagsimula na ang pinakahihintay ng lahat. Isa-isa nang nagmartsa sa harapan ang mga bridesmaids at groomsmen. Sunod namang naglakad sa aisle ang maid of honor at best man. Nagbigay naman ng ngiti sa ilang mga bisita ang napaka-cute na ring bearer kasama ang chubby at maputing flower girl.

Habang masayang naghihintay si Ronaldo Evasquez sa harap ng altar, umugong naman ang mumunting palakpakan nang magsimula nang maglakad sa aisle si Maria Isabel kasama ang amang si Don Felipe.

Hindi maawat ang napakatamis na ngiti ng babae habang pinagmamasdan ang kanilang mga bisita na sobrang natutuwa sa kanya.

At nang magtagpo naman ang kanilang paningin ng groom niya, nakita nito sa mga mata ng lalaki ang labis na pagkabighani sa kanya. Hindi niya mapigilang tumawa sa sobrang saya. Kahit natatakpan ng puting belo ang kanyang katawan, agaw-pansin pa rin ang kumikislap niyang mga ngipin sa labis na kaputian.

Pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng oras sa kanyang paligid habang naglalakad patungo sa harap ng altar. Bawat ligayang ibinabagsak ng langit ay buong sigla niyang sinalo. Nang makarating na siya sa harap ng altar, lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso nang masilayan sa malapitan ang napakaguwapo niyang groom.

Magkasabay naman silang lumingon sa altar. At magmula roon ay masayang nagbigay ng opening remarks ang officiant ng kasal.

"Dear friends and family of the bride and groom, we welcome you to this big and important occasion. We are gathered together on this day to witness and celebrate the marriage of Maria Isabel and Ronaldo. Every one of us has a deep desire to love and to be loved. Your marriage today is a public and legal affirmation of the bonding that you had already begun. Marriage is a commitment to live that will allow you to share your lives together."

Sa mga sandaling iyon ay patuloy na tumataas ang views ng wedding sa live broadcast na nagaganap sa internet. Binalita na rin ito sa isang local channel na kaalyado ng administrasyon ni Felipe. Halos lahat ng mga headline ngayon sa online, ito ang pinag-uusapan.

Dahil nasa Barcelona, Spain sina Evandro at Maria Elena, pinanood na lamang nila sa live broadcast ang kasalang nagaganap. Nakatutok din ngayon si Aaron doon na kasalukuyan pa ring nagla-lie low sa secret headquarters nito sa America.

Pagkatapos ng iba pang mga processionals, nagsimula na ang exchange of ring nina Maria Isabel at Ronaldo. Masaya nilang isinuot ang singsing sa kaliwang bahagi ng kamay ng isa't isa dahil iyon ang mas malapit sa kanilang mga puso.

Kasunod naman niyon ang pronouncement of marriage na isinagawa ng officiant sa kanilang harapan. "I now pronounce you, husband and wife!"

Umugong ang magarbong palakpakan pagkatapos niyon. Doon na rin iniangat ni Ronaldo ang puting belo ni Maria Isabel. Pagkatapos ay unti-unting naglapit ang kanilang mga labi habang mas lumalakas ang mga sigawan at palakpakan.

Marahang binuhat ng lalaki ang kabila niyang hita habang nakapatong naman sa likod nito ang kanyang mga kamay. Makalipas ang ilang sandali, tuluyan na ring nagtagpo ang kanilang mga labi at binigyan ng napakatamis na halik ang isa't isa.

Mas lumakas pa ang palakpakan sa pagkakataong iyon. Nagtagal ng mahigit sampung segundo ang kanilang halikan. Doon naging ganap ang kaligayahan nilang dalawa. Sa wakas, dalawa na ang ikinasal sa Tres Marias. Isang napakasayang araw iyon para sa mga Iglesias, lalo na kay Maria Isabel. Ito na yata ang pinakamakulay na sandali ng buhay niya.

Isang closing remarks naman ang sunod na pinakawalan ng officiant pagkatapos ng matamis na sandaling iyon.

"May you have many joys, and be the light of each other's days. May all that you are, always be in love; And may all that is love, always be in you. May you always see and encourage the best in each other. May the challenges that life brings your way make your marriage grow stronger. May you always be each other's best friend and greatest love. Congratulations to both of you, Maria Isabel and Ronaldo!"

Nagsimula nang maglakad paalis ang bride at groom. Kasunod naman nila ang flower girl at ring bearer sa kanilang likuran. Naglakad na rin muli ang maid of honor at best man kasama ang mga bridesmaids at groomsmen. Sunod namang naglakad sa aisle ang mga magulang ng bride at groom. Ang pinakahuling umalis sa venue na iyon ay ang kanilang mga panauhin.

Nagtungo naman silang lahat sa kabilang bahagi ng isla kung saan matatagpuan ang napakalaking ancestral house na inarkila rin ng mga Iglesias para maging reception ng kasal. Doon gaganapin ang magarbong party at kainan.

Tuwang-tuwa ang bagong kasal nang tumambad sa kanila ang napakalaking wedding cake na may action figure pa ng dalawa na gawa sa icing.

Hindi na nila nasunod ang magiging order ng party. Nagkanya-kanya na ang mga bisita sa kung ano ang nais nilang gawin. Ang iba ay nauna nang sumandok sa pagkain. Ang iba naman ay nagsayawan na rin.

Pero ang hindi pinalampas ng mag-asawa ay ang grupo ng mga performers na inimbita nila para magbigay ng napakagandang awitin sa bagong kasal. Kalahating oras ang lumipas bago nagsimula ang mini-concert na isinagawa ng mga ito.

Limang professional singers ang isa-isang nag-perform sa harap at inawit ang ilan sa mga sikat na kanta ni Maria Isabel. Masayang nakikinig ang lahat. Siya naman ay katabi ang kanyang groom at mahigpit ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay.

Nang magwakas na ang mini-concert, isang malakas na palakpakan ang umugong sa buong paligid na sinabayan pa ng masisiglang mga sigawan. Sunod namang naglakad sa harap sina Felipe, Imelda, at Maria Lucia para magbigay ng mensahe sa kanya.

Halos maluha-luha si Maria Isabel sa mga sweet message na natanggap niya sa mga ito. Pero nanatili pa ring nangibabaw ang umaapaw niyang kaligayahan kasama ang asawa.

Ang sumunod na pumunta sa harap ay si Donya Glavosa. Pagkaabot nito ng mikropono ay masaya itong bumati sa lahat. Ngunit sa halip na magbigay ng mensahe, iba ang lumabas sa bibig nito.

"Señoras y señores, estoy muy emocionado de mostrarles la parte más emocionante de esta ocasión. Isang napakalaki, napaka-engrandeng kasal ang ating nasaksihan. Kaya naman hindi natin dapat palipasin ang araw na ito kung wala ang isang napakalaking pagtatanghal. Isang big performance na hinding-hindi makakalimutan ng lahat sa okasyong ito."

Bahagyang natahimik ang mga tao. Tila ginagapangan na rin sila ng matinding pagkasabik at kuryosidad kung ano ang tinutukoy ng matanda. Maging si Maria Isabel ay napapangiwi na rin sa magkahalong excitement at kaba sa ginagawa ng donyang ito ngayon.

"Muli, ladies and gentlemen, I am proudly presenting the star performer of this wedding celebration. The one and only, Roselia Morgan!" Kasabay niyon ang biglang pagdilim ng ilaw at suminag naman ang munting liwanag sa puting kurtina sa likuran nito.

Napa-awang ang bibig ng lahat sa biglang pag-angat ng puting kurtina. Tumambad doon ang nakatagong entablado na sadyang itinayo para sa surprise performance na iyon.

Nagsimulang tumugtog ang instrumental version ng pinakamataas na awitin ni Maria Isabel na pinamagatang "Apoy sa Langit".

Balot na balot ng bulaklak ang puting gown ni Roselia Morgan habang nakasabit sa ulo nito ang isang koronang yari sa mga perlas at diamante. Unti-unti namang bumababa sa likuran nito ang puting mga string lights na mas nag-compliment sa overall design ng stage.

Malaki ang ngiting pinakawalan nito sa mga tao. Saka nito ipinikit ang mga mata at nagsimulang kumanta.

Araw at gabi ay hindi mawala sa isip

Ang dahas na ibinigay mo sa akin

Ang mga sugat na dulot ng iyong mga kamay

At ang pagtangis na hatid ng matulis mong sungay

Patuloy na nanlalaki ang mga mata ni Maria Isabel sa nagaganap. Unti-unting nanigas ang buo niyang katawan sa kinauupuan habang patuloy na bumabalot ang init na nagpapalabas sa kanyang pawis sa noo.

Hanggang kailan magdurusa sa mapait na parusa

Kulang pa ang habang buhay para makalimutan ang sakit na iyong pinadama

Pagkarating ng babae sa chorus, masigla nitong pinakawalan ang matataas na nota sa bawat dulo ng lyrics.

Damhin mo ang mga luha

Sa aking mga mata

Lumuluha ng apoy

Sumisigaw ng hustisya

Damhin mo, damhin mo

Ang mga apoy sa langit

Na dulot ng aking pagdurusa

Humanda ka sa iyong mainit na parusa

Sa pagkakataong iyon ay nanginig si Maria Isabel mula ulo hanggang leeg. Ewan ba niya pero bigla na lang siyang kinilabutan sa taas ng boses nito. Para siyang hinihigop ng lupa sa mga oras na iyon. Nanlalambot ang buo niyang katawan habang sumisikip ang kanyang paghinga.

Ang isang bagay na lalo pang nagpahina sa kanya ay ang unti-unting paglakas ng sigawan at palakpakan ng mga tao. Tahimik na tahimik lang ang mga ito sa simula. Pero habang tumatagal ay nasasagap na rin nila ang angking husay ng babaeng kumakanta sa harap.

Ibinuhos ni Roselia Morgan ang lahat ng puwersa para mahigitan ang matataas na bahagi ng kantang iyon. Ito mismo ang utos ni Donya Glavosa. Nagtungo ito noon sa kanila para makiusap kung puwede itong imbitahin na kumanta sa wedding ni Maria Isabel. Nagdalawang-isip pa noon ang kampo nito. Ngunit sa huli ay pumayag din ang manager nitong si Doniel Jr.

Habang tumatagal ay lalo namang lumalambot ang buong katawan ni Maria Isabel. Hindi na niya kinakaya ang energy na ibinubuga ng babae hahabang inaawit nito ang sarili niyang kanta. Parang sasabog na rin ang kanyang ulo dahil sa lumalakas na palakpakan ng mga tao. Pati si Ronaldo ay napapansin na ang kakaibang kilos na inilalabas ng katawan niya.

"Are you okay, my love?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Hindi naman siya nakasagot. Patuloy lang siyang nakahawak sa mga kamay ng asawa. Ilang beses itong nagtanong sa kanya pero wala nang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Lahat sila ay nahimatay na sa kanyang lalamunan. Siya na lang itong pilit na lumalaban para hindi rin mahimatay sa harap ng mga taong iyon.

Pagkarating muli ni Roselia Morgan sa chorus part, mas lalo pang tumaas ang boses nito. Mas mataas na iyon kumpara sa original version ng kanta. Dito na mas nagulat ang mga tao.

Damhin mo ang mga luhaaaaa!

Sa aking mga mataaaaa!

Lumuluha ng apoooy!

Sumisigaw ng hustisyaaaaa!

Damhin mo, damhin mooooo!

Ang mga apoy sa langiiiit!

Na dulot ng aking pagdurusaaaa!

Humanda ka sa iyong mainit na parusaaaa!

At sa pinakahuling bahagi ng chorus, napasigaw ang mga tao sa ginawa nitong pag-whistle. Isang bagay na wala sa orihinal na bersyon.

Hindi akalain ng lahat na mas babagay iyon sa huling bahagi ng kanta na kadalasang ibinibirit lamang ni Maria Isabel. Maging ito ay hindi makapaniwala sa napakagandang rendition na kinalabasan ng whistle part.

Umugong ang napakalakas na palakpakan. Maging si Roselia Morgan ay nabingi sa tindi ng cheering na ibinigay sa kanya ng mga tao. Si Donya Glavosa naman ay napa-standing ovation pa habang nakataas ang mga kamay sa pagpalakpak.

Tuwang-tuwa ang babae sa mainit na pagtanggap dito ng mga bisita. Hindi nito akalaing makukuha ang puso ng mga taong iyon. Lalo na't balwarte pa naman ito ng mga Iglesias at ng kampo ni Maria Isabel.

Sa puntong iyon ay mas tumindi ang pagnginig ng buong katawan ni Maria Isabel habang unti-unting nabubura ang kanyang makeup sa tindi ng pawis niya. Hindi na talaga siya makahinga. Ilang beses nang tumirik ang kanyang mga mata na parang inaagawan na ng ulirat.

At sa patuloy na palakpakan ng mga tao sa paligid, lalo pang lumalambot ang buong pakiramdam niya. Ni hindi na niya maramdaman ang kanyang mga kamay. Nagsimula na ring umikot ang paningin niya. Nanunuyo na rin ang kanyang mga labi at nananamlay ang hitsura.

Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay roon, pinilit na niyang tumayo at tumakbo palabas. Hindi na niya pinansin ang asawa niyang makailang ulit tinawag ang kanyang pangalan.

Napalingon tuloy ang lahat sa kanya, maging si Roselia Morgan. Balot na balot ng pagtataka ang kanilang mga anyo. Habang si Donya Glavosa naman ang tanging nakangiti sa buong reception.

Bago pa tuluyang makalabas ng ancestral house si Maria Isabel, narinig na niya ang boses ng abuela na tumawag sa pangalan niya.

"Saan ka pupunta?"

Unti-unting tumalim ang kanyang mga mata at umuusok ang bibig na nilingon ang kinaroroonan nito. "Wala kang pakialam!"

"Ganyan ka na ba kawalang modo? Basta mo na lang iniwan ang mga tao roon? Hindi ka man lang nagpasalamat sa awit na inialay sa 'yo ng guest performer!"

Nilapitan niya ang matanda at walang pag-aatubiling sinampal sa mukha. Halos umikot ang ulo nito patalikod. "Kahit na kailan talaga wala kang ginawang matino! Bakit ka pa nagbalik sa buhay namin, matanda ka! Dapat natuluyan ka na lang talaga sa America! Kailan ka pa ba mamamatay!"

Humarap naman ang matanda at isang malutong na sampal din ang pinadapo sa kanyang mukha. Siya naman ang napaatras at umikot ang ulo ngayon.

"No tienes derecho a abofetearme así! Quién te crees que eres? Wala kang laban sa akin, Maria Isabel, tandaan mo 'yan! Kahit matanda na ako, kayang-kaya kong pilayan ang buong katawan mo! Huwag mo 'ko susubukan kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso! Isang hawak mo pa sa akin, makikita mo talaga ang hinahanap mo! Sige! Lumaban ka pa! Sumampal ka pa!"

Napaiyak na sa pagkakataong iyon si Maria Isabel. "Bakit mo ba ginagawa ito, abuela! Hindi mo man lang pinalipas ang araw ng kasal ko! Ganyan na ba kalaki ang insecurities mo sa akin? Bakit mo ito ginagawang matanda ka!"

"Dahil masyado nang mataas ang tingin mo sa sarili mo! Kailangan mo nang bumaba sa lupa! Para maalala mo na hindi lahat ng pagkakataon ay nasa iyo ang ikot ng mundo! Marami nang mas magaling sa 'yo, Maria Isabel. Hindi na ikaw ang reyna rito! Kaya kung gusto mo pang magtagal sa industriya, why don't you do yourself a favor? Be humble and keep your dirty f****ng feet on the ground! Kung ayaw mong mapilay at gumapang sa lupa!"

Muling humagupit ang kamay ni Maria Isabel at buong lakas na sinampal ang matanda. "Crees que te tengo miedo? Do you think I'm scared of you? Let's be real, abuela! Kung sino man sa atin ang mauunang mapilay at gumapang sa lupa, ikaw 'yon! Isang ihip ko lang sa kulu-kulubot mong katawan, tumba ka na!"

"Umiihip ka pa lang, tumba ka na! Ngayon pa lang, gumuguho na ang mundo mo! Nawawasak na ang mga ilusyon mo! Hindi ka na makakaupo sa sarili mong trono. Gagapang ka na lang sa lupa ng pagkalaos!"

Saka ito nagpakawala ng sampal na halos ikapunit ng kanyang balat. Sing lakas iyon ng latigo. Mabilis na namula ang kanyang pisngi at tuluyang nabura ang makeup niya sa mukha.

Hindi na siya nakapagpigil at sinabunutan ang donya. Sa mga oras na iyon ay nakalimutan na niyang matanda ang nasa harap niya. Hindi rin ito nagpatalo sa kanya. Pinakawalan nito ang pinakamahigpit na sabunot na halos magpalagas sa buhok niya.

Nagsilabasan na rin ang mga bisita sa reception. Naabutan ng mga ito ang matinding sabunutan nilang dalawa. Pareho na silang napaluhod ng donya sa sahig habang patuloy na pinapatumba ang isa't isa.


Gulat na gulat si Ronaldo at mabilis na umawat sa kanila. Nakipagtulungan na rin si Nathan pati ang ibang mga kalalakihan doon na may malalakas na puwersa.

Panay naman ang sigaw ni Don Felipe sa kanilang mga pangalan at pilit silang pinapahinto. Habang si Imelda naman ay nasa likuran lamang at balot na balot ng pagkasindak ang mukha.

Si Maria Lucia ay lihim na nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa donya. Parang gusto nitong tulungan ang ate na ibaon sa lupa ang mukha ng matanda.

Naging abala naman ang mga photographer at videographer sa pagkuha sa mainit na tagpong iyon. Habang si Roselia Morgan ay nakatingin lang sa bandang dulo at marahang hinahagod ang dibdib.

Ang masayang pagdiriwang ay nauwi sa sigawan ng mga tao habang patuloy na pinapanood ang matinding bakbakan nina Maria Isabel at Donya Glavosa. Pareho nang nagkapunit-punit ang mga damit nila ngunit ayaw pa ring magpaawat.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro