Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38: Banta sa Karera

DINAGSA ng media si Maria Isabel pagkalabas niya sa isang luxury store. Sinadya niyang iangat ang malaking paper bag na naglalaman ng mga pinamili niya para makadagdag sa kanyang porma. Masaya niyang hinarap ang mga ito. Nasa likuran naman niya ang mga bodyguard na nakabantay lang sa kanya.

Inaasahan na niya ang pagdagsa ng mga ito oras na siya'y lumabas dahil sa ginawa niyang announcement kagabi tungkol sa bagong album na sisimulan na niyang gawin this week. Matagal-tagal na rin siyang walang bagong music kaya naisipan niyang magbalik na agad sa makulay na mundo ng industriya.

"Ma'am Isabel, nag-trending po kagabi ang post n'yo sa IG tungkol sa upcoming album na sisimulan n'yo nang gawin. Marami po ang nag-aabang sa bago n'yong music ngayon dahil sa lumalaking competition sa industry. Maaari po ba namin malaman kung ano ang magiging direksyon ng susunod n'yong album? At kung ano sa tingin n'yo ang pagkakaiba nito sa mga smash hit albums ngayon gaya na lamang ng latest ni Roselia Morgan?"

Pilit niyang iniwasan ang part tungkol kay Roselia Morgan. Nag-focus lang siya tungkol sa concept at tema ng bago niyang album.

"Alam n'yo, sa ilang buwan na pamamahinga ko, nagkaroon kami ng malaking time ng boyfriend ko para magkasama at magka-bonding nang kaming dalawa lang. Doon namin na-realize kung gaano namin sobrang mahal ang isa't isa. It feels like heaven. And that's what inspired me for this upcoming record. It's all about love. It's all about doing all the best moments with your special someone. Kapag narinig n'yo ito, mararamdaman n'yo rin 'yung sweet feeling na naibibigay ng isang tao na sobrang special sa inyo, kasintahan n'yo man siya o hindi. Basta, magugustuhan n'yo itong lahat!"

Masaya namang nagtanguan ang mga Paparazzi. Nagtulakan pa nga ang iba para lang mailapit ang kanilang microphone at phone recorder sa kanya.

Isang babae naman ang sunod na nagtanong. "Doon po sa nakaraang album n'yo, hinangaan ito nang marami dahil sa powerful vocals na ibinuga n'yo rito. Lahat ng pinakamataas na kantang nagawa n'yo ay nandoon. Meron din po ba kaming maririnig na mga ganoong uri ng kanta sa bago n'yong album ngayon?"


"Of course, dear! Hinding-hindi mawawala 'yan sa lahat ng records ko dahil iyon naman talaga ang genre ko. Don't worry. I'll keep surprising you on every record. I will make sure na tatatak ito sa inyong mga puso," malaki ang ngiti na sagot niya rito.

"Ano naman po ang masasabi n'yo kay Roselia Morgan? Marami ang nagsasabi na siya na raw ang most powerful singer ngayon?" bigla namang tanong ng isa pang lalaki.

"Who is that woman? I don't know her. Sorry! Sa totoo lang, naging sobrang busy ako sa mga nagdaang buwan at marami rin kaming mga nilakad ng boyfriend ko. Kaya medyo nawalan na ako ng time sa social media at hindi na rin ako naging updated sa mga current events," magalang na sagot niya rito habang hawak pa rin ang malawak na ngiti.

"Siya po ang karibal n'yo ngayon sa music industry, Ma'am Isabel. Ang dami na po niyang mga performances na nagawang lampasan ang ilan sa mga powerful performance n'yo noon. Kaya naman maraming kritiko ang nagsasabi na siya na raw ang bagong Biritera Queen of Asia ngayon. Ano po ang masasabi n'yo roon?"

Ngumiti lang ulit si Maria Isabel. Ginawa niya ang lahat para maging kalmado pa rin. "You know, I'm very happy for everyone, lalo na sa mga kasamahan ko sa industry ngayon, baguhan man o veteran. Lahat naman kami ay iisa lang ang goal sa buhay, ang magpasaya sa inyong lahat through our music. At siyempre, magbigay rin ng karangalan sa ating bansa lalo na kapag nadi-discover ng iba ang talent nating mga Pinoy. Alam mo 'yon?"

Ang dami pang itinanong sa kanya ng mga Paparazzi. Habang tumatagal ay pabigat iyon nang pabigat. Para bang gumagawa ng paraan ang mga ito para pikunin siya at makapagsabi ng hindi maganda sa karibal niya. Tila hinahanapan siya ng butas.


Mabuti na lang, nagawa niyang kontrolin ang kanyang galit at matagumpay niyang nasagot ang lahat ng mga tanong sa pinakamaayos na paraang magagawa niya. Nang sinimulan na itong awatin ng kanyang mga bodyguard ay doon pa lang siya nakalabas ng mall na iyon para umuwi.

NAGKALAT na naman sa sahig ang mga unan at kumot niya. Habang si Maria Lucia naman ay patuloy pa rin siyang inaawat sa pagwawala.


"Next time nga, Hermana, kung magwawala ka, sumigaw ka na lang. Hindi 'yung binabato mo pa lahat ng mga gamit dito. Nakakapagod kayang magligpit!" puna sa kanya ng bunsong kapatid na medyo naiinis na rin sa ginagawa niya.

Doon lang siya medyo kumalma at naisipang umupo sa isang tabi. "Paano ba naman kase, ginagalit ako ng mga media na 'yon! Kung anu-anong tinatanong nila sa akin! Pilit nilang sinisingit sa usapan ang bruhang Roselia Morgan na 'yon! Tapos ito pa. Tingnan mo ito!"

Pinakita niya rito ang mga kumalat na article ngayon sa online tungkol sa isang linya na ibinato niya kay Roselia Morgan.

"Who is that woman?"

"I don't know her. Sorry!"

Matapos iyon ipabasa kay Maria Lucia ay muli siyang nanggalaiti sa galit. "Look what they did here! Ginagawa nila akong masama sa mata ng publiko! Pilit nilang binibida ang linyang iyan sa mga headlines nila! Ni hindi man lang nila sinama 'yung buong context ng sinabi ko!"

Napakamot ng ulo si Maria Lucia. "Medyo ang shady nga naman kasi nito, hermana. Ano ba kasi ang full context ng sinabi mo?"

"Sinabi ko lang naman na hindi ko pa siya kilala at wala akong idea kung sino siya dahil sobrang busy ako sa mga nagdaang buwan! Marami kaming nilakad at ginawa ni Ronaldo! Halos nawalan na ako ng time sa social media kaya nga bihira na lang ako makapag-online! Natural wala akong alam sa mga bagong saltang singers ngayon pati sa mga ganap sa buhay nila!"

"Hermana, hindi mo na dapat kasi isinama sa linya mo iyong 'who is that woman' na 'yan. Alam mo naman ang mga Paparazzi. Uhaw na uhaw sila sa issue! Kung hindi negative issue ng mga celebrity ang gusto nilang halukhukin, hilig din nilang pag-awayin ang magkakabilang panig para lang may maibalita sila. 'Pag mas maraming issues, mas maraming kita. Dapat nag-ingat ka kasi sa mga sinasabi mo! Kulang pa 'yung ginawa mong pagtitimpi kanina. Kulang pa!"

"That's why I hate myself today!" umalingawngaw sa buong silid ang sigaw niya. "Halatang si Roselia Morgan talaga ang pinapanigan nila, eh! Kapag siya ang ini-interview, hindi naman sila ganoon magtanong. Kapag sa 'kin, kung anu-anong stupid questions ang binabato nila! That's unfair!"

"Ganoon talaga, Hermana, kapag mataas na ang level mo. Lagi nilang ikukumpara sa 'yo ang mga baguhan na sa tingin nila ay puwede kang palitan. Alam mo na dapat ang tungkol sa mga bagay na ito dahil ikaw ang nasa showbiz industry. All you have to do is keep proving them that you're the only queen here!"

"E, ano'ng gagawin ko? What should I do now para sa akin naman makisimpatya ang lahat?"

"Isa na lang ang alas natin. 'Yung upcoming album na sinasabi mo. 'Yung album na balak mong gawin ngayon at i-release next year. Iyon na lang ang pag-asa mo para maiangat mo ulit ang pangalan mo. Kapag nalamangan mo 'yung critical and commercial success ng album ni Roselia Morgan, doon lang mahihinto ang bibig ng mga media na 'yan!"

Doon hindi nakasagot si Maria Isabel. Alam niyang magaling siya. Pero hindi nga lang siya sigurado kung kaya pa niyang lamangan ang success ng latest album ni Roselia Morgan.

Alam na kasi niya ang takbo ng laro sa music industry. Ang kadalasang mas bumebenta ngayon sa publiko ay ang mga baguhan. Habang ang mga beterano namang tulad niya ay hindi na ganoon kalakas ang hatak sa music charts.

Maliban na lang kung magwala siya at magladlad para maagaw ang atensyon ng marami. May kilala siyang isang pop singer na kasabayan din niya dati. Mas nauna nga lang ito ng sampung taon sa kanya sa industriya. More on dance music naman ang ginagawa nito.

Tulad niya ay sikat na sikat din ito ten years ago at maririnig sa lahat ng party ang mga kanta nito. Pero habang tumatanda ito ay unti-unti na ring nababawasan ang energy nito sa pagsayaw. Hanggang sa magkaroon ito ng injury noon na mas lalo pang nakaapekto sa mga dance performance nito.

Nagsimula nang malaos ang singer na iyon five years ago dahil hindi na ito ganoon kagaling sumayaw. Pero kamakailan lang ay sumikat itong muli nang magpalit ng imahe. Dati ay kilala itong sweet and barbie pero ngayon ay tadtad na ng malalaswang tema ang mga lyrics at music video nito. Natuto na rin itong maghubad-hubad sa harap ng stage at magpa-tattoo.

Sa sobrang curious tuloy ng mga tao ay muli nilang napansin ang pangalan nito kaya ngayon ay bumebenta na muli ang mga albums nito. Kailangan pa nitong magwala at ibulgar nang ganoon ang sarili para lang makahatak muli ng maraming audience.

At ayaw naman niyang dumating din siya sa ganoong punto. Nais niyang manatili lamang sa kanyang genre. Dito siya nabuhay at dito rin siya mamamatay. Hinding-hindi niya bababuyin ang sariling katawan at imahe para lang magpapansin sa marami.

MARIING pinagmamasdan ni Aaron ang bawat galaw ng mga pulis sa paligid. Pagkatapos ng kabilang selda, sila naman ang sunod na inilabas at dinala sa quadrangle.

Bantay-sarado rin ng mga awtoridad ang napakalaking quadrangle na iyon. Open-air ang lugar at iyon lang ang oras kung saan nakakasagap ng sariwang hangin ang mga preso. Doon sila madalas naglilibot, naglilibang, naglalaro at nag-uusap-usap.

Sa dami ng puwedeng gawin sa paligid, hindi na alam ni Aaron kung ano ang uunahin. Gusto niyang sumali sa mga naglalaro ng football sa bandang gilid. Pero natutukso rin siyang maupo sa isang tabi at namnamin ang napakasarap na simoy ng hangin.

Hanggang sa bigla na lang siyang mabangga ng isa sa mga naglalaro ng bola. Pareho silang natumba at nasugatan pa siya sa siko.


Galit na galit siyang tumayo at pinagsusuntok ang lalaki. "Gago ka ba! Hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo!"

Nabigla ang lahat sa ginawa niya. Pagkabangon ng lalaki ay bigla rin itong nagpakawala ng suntok sa kanya. Siya naman ang napaluhod ngayon.

"Gago ka rin! Bakit kailangan mo pang manuntok! Isa ka ring tanga, eh! Alam mo namang naglalaro kami rito, sa gitna ka pa talaga naglalakad? Ano 'to, pag-aari mo itong quadrangle? Bobo!"

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng lalaking iyon. Pagkatalikod nito ay muli niya itong pinatumba sa lupa gamit ang malakas niyang sipa. Saka siya pumatong dito at pinaulanan ito ng suntok sa mukha.

Nanlaban din ang lalaki at ginamit nito ang mga paa upang itulak siya palayo. Pagkatapos ay pilit naman nitong binihag ang mga kamay niya hanggang sa magpagulong-gulong sila.

Lahat ng mga preso ngayon ay sa kanila na nakatingin. Sa tindi ng tensyon sa kanilang dalawa ay gumulong na sila patungo sa bandang dulo kung saan maraming mga boteng nakakalat sa paligid.

Buong lakas na pumiglas sa kanya ang lalaki at pumulot ito ng isang bote. Ipinalo nito iyon sa ulo niya. Hindi na siya nakatayo sa pagkakataong iyon. Napahawak na lang siya sa kanyang ulo na nagsimula nang magdugo.

Hindi pa ito nakuntento sa ginawa sa kanya. Sunod naman nitong binasag ang bote at pumulot ng malaking tipak ng bubog. Pagkatapos ay mabilis niyang isinaksak iyon sa tagiliran ng kanyang tiyan.

Doon na siya napabuga ng dugo at binalot ng pagkasindak ang mga mata. Naramdaman agad niya ang unti-unting pagsikip ng hininga. Mabilis na pumalibot sa kanila ang mga presong patuloy na sumisigaw sa kanilang patayan.

Hindi nagtagal ay rumisponde na rin ang mga awtoridad at inawat ang lalaki bago pa siya nito matuluyan. Agad naman siyang binuhat ng mga ito at inilabas ng quadrangle.

Ang dami nang dugo ang nawawala sa kanya. Ang lakas dumugo ng napakalaking sugat niya sa tiyan. Dagdag pa ang nagdurugong bahagi sa kanyang ulo. Napansin na rin ng mga ito na medyo naghihingalo na siya.

Kaya naman napilitan na silang dalhin siya sa emergency room ng SG Bilibid Prison para magamot. Ngunit makalipas ang ilang sandali, matatagpuan nang nakabulagta sa sahig ang mga awtoridad at naliligo sa sariling dugo. Habang siya naman ay kasalukuyang nagpapalit ng damit habang ginagamot mag-isa ang kanyang mga sugat.

Paglabas niya sa emergency room, balot na balot ng police uniform ang buo niyang katawan. Wala nang makakahalata sa kanya sa pormang iyon. Sunod naman siyang nagtungo sa surveillance room para i-hack ang system ng SG Bilibid Prison. Ini-shut down na rin niya ang lahat ng gumaganang CCTV.

Sa pagkakataong iyon, gumuhit ang nagbabagang ngiti sa kanyang mga labi.

PAGKALABAS ni Donya Glavosa sa building na iyon ay hindi niya naiwasang ilabas ang demonyitang ngiti. Sa wakas ay nagsimula nang tumakbo ang ilan sa mga plano niya para sa nalalapit na kasal ni Maria Isabel. Ang kailangan na lang niyang gawin ay maghintay sa araw na iyon.

Tumawid na siya sa kabilang kalsada para doon mag-abang ng masasakyang Taxi pauwi. Kahit na kailan ay hindi niya ginamit ang family car nila sa mansyon upang hindi ma-trace ng sariling pamilya ang mga lugar na pinupuntahan niya.

Ngunit sa halip na Taxi, isang itim na sasakyan ang huminto sa harap niya. Pagbukas ng bintana niyon, napamulagat siya sa gulat nang masilayan si Aaron. Nakasuot pa ito ng police uniform at bahagyang natatakpan ng sombrero ang kalahating mukha.

"Totoo ba ang nakikita ko? Ikaw ba 'yan, Aaron?"

Ngumiti sa kanya ang lalaki. "Huwag ka nang maingay, Madam! Sumakay ka na lang!"

Dali-dali nga siyang sumakay sa loob at mabilis namang isinara ng lalaki ang bintana. Pinaharurot na nito ang sasakyan pagkatapos niyon.

"Aaron! You are finally free! Malaya ka na! Paano mo nagawa 'yon?"

"Ako pa ba, Madam? Malakas yata itong bata mo. Kahit butas ng karayom kaya kong lusutan!" pagmamalaking sagot nito.

"Pero paano ka nga nakatakas? Saka kaninong sasakyan itong ginagamit mo? Hindi ba tayo mati-trace dito?"

"Don't worry, Madam. Alam ko ang ginagawa ko. Basta mag-relax ka na lang d'yan at mamaya ko na ipaliliwanag sa 'yo ang lahat."

Nang medyo makalayo-layo na sila sa lugar na iyon, doon pa lang nagsalita muli si Aaron. Nasa kalagitnaan na sila ng isang high way na hindi matiyak ng matanda kung gaano na kalayo sa pinanggalingan nito kanina.

"Buti na lang gumana 'yung plano namin kanina ng mga kasama ko."

"Mga kasama mo?" pag-uulit ng donya.

"Yes, Madam! May mga kasabwat ako sa loob. Nagkunwari kaming mag-aaway at magpapatayan. Kailangan masaktan niya ako para mailabas ako roon at magawa ko ang susunod kong plano. Heto na nga iyon! Nandito na ako! Andito na uli ako sa harapan ng pinakamagandang hayop sa buhay ko!"

Nagtaas ng kabilang kilay ang donya. "Hayop talaga?"

"Tao pala, Madam. Sorry!"

"Nasaan naman 'yung mga kasabwat mo? Iniwan mo sila sa loob?"

"Yes. Pero may mga sarili na rin silang plano. Hindi lilipas ang araw na ito na hindi rin sila makakatakas."

"So, ano na ang susunod mong plano?"

"Siguro magtatago muna ako sa ibang bansa. Hindi na puwedeng mag-operate ang Dragon Breath dito. Kaya doon ko na muna itutuloy ang trabaho ko. Pero huwag kang mag-alala. Titipunin ko naman dito 'yung mga natitirang tauhan ko. Sila muna ang makakasama mo habang wala ako."

"Pero paano 'yan? Ikaw lang ang gusto kong kasama lagi? Hanggang kailan ka roon? At kailan ka rin babalik dito?"

"Madam, hindi naman mawawala ang communications natin, eh! Makakausap mo pa naman ako sa online. Hindi nga lang araw-araw dahil kailan kong triplehin ang pag-iingat ko ngayon."

"Pero paano ka naman makakalusot sa ibang bansa? Wanted na ang mukha mo rito!"

"Planado na nga naming lahat 'yan, Madam! Merong isang barko papunta sa US na dadaong sa susunod na araw. May mga galamay na rin ako roon na tutulong sa akin. Kasyang-kasya naman ako sa kargo nila, eh. Sabi ko naman sa 'yo marami akong galamay kahit saan. Hinding-hindi ako mauubusan ng butas na malulusutan."


"Sige na. Ikaw na. Ang galing mo na. Basta siguraduhin mo lang na magpaparamdam ka pa rin sa akin." Sa pagkakataong iyon ay ipinatong ni Donya Glavosa ang palad niya sa zipper ng lalaki. Kinapa niya ang malaki nitong kargada roon.

Napatawa na lang nang malakas si Aaron. "Ikaw talaga, Madam! Para namang iiwan ka, eh! Tulad ng ginawa mo dati, ako lang muna ang magbabakasyon sa ibang bansa ngayon!" Saka nito binuksan ang zipper para mahawakan pa ng matanda ang nasa loob niyon.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro