Chapter 33: Pagsikat ng Bagong Liwanag
TAHIMIK na nakikinig kay Evandro ang mga board of directors habang nagsasalita siya sa harap ng mga ito. Diretsong-diretso ang kanyang tindig habang ikinukumpas ang kamay sa harap ng projector screen.
"Our revenue has climbed sharply last quarter. We achieved a total of two hundred and forty-one billion. And with our new policies and implementation, we expect these to double this year. As long as we continue what we have begun, we will finally be able to carry out our expansion project in other South-East Asian countries."
Masayang palakpakan naman ang pinakawalan ng mga ito pagkatapos niyang magsalita. Nilapitan siya ng mga magulang at kinamayan bilang pagbati sa matagumpay nilang pagpupulong. Siya ang inatasan ng ama para pamunuan ang meeting na iyon.
Isa-isa ring lumapit at nakipagkamay sa kanya ang mga board upang batiin siya sa mga epektibong polisiya at estratehiya na in-implement niya sa kumpanya para makamit nila ang napakalaking achievement na iyon.
Pagkalabas ng mga ito sa boardroom ay silang tatlo na lang ng mga magulang niya ang naiwan doon. Pinatay na niya ang projector screen sa remote control at tumabi sa puwesto ng mga ito.
"We are very proud of you, Evan! You did an excellent job!" bati sa kanya ni Elvira at tinapik ang kanyang likod. "Mukhang kaya mo na talagang pamunuan ang kumpanyang ito pagdating ng araw na mawawala na kami."
Tinapik naman siya ng ama sa balikat. "Alam mo, anak, sobrang dami mo nang naitulong sa kumpanya. Halos wala kang pahinga sa loob ng mahigit limang taon. Ngayon, twenty-eight ka na. I think it's time for you to focus on your wife. Siya naman ang pagtuonan mo ng pansin ngayon para matanggap ka na niya nang buo."
Napabuntong-hininga si Evandro sa sobrang saya. "I think you're right, Dad. Lalo na't medyo bumabait na sa akin ngayon si Maria Elena. Nawawala na 'yung tampo niya mula nang maikasal kami. Dapat ko nang samantalahin ang pagkakataong ito para ibigay ang buong oras at panahon ko sa kanya."
"I agree with you, Son. Dahil marami ka na rin namang nagawa rito, hindi mo na kailangang i-prioritize ngayon ang trabaho sa kumpanya. Marami na rin naman tayong mga tao rito na puwedeng magpatuloy niyon on your behalf. Huwag mo na masyadong i-pressure ang sarili mo ngayon sa work. Magpakasaya ka na lang muna kasama ang asawa mo."
Napangiti ulit dito si Evandro. "Thank you, Mom. There's no way I could have done this without your help. Thank you for the trust and support na ibinigay n'yo sa 'kin ni Dad!"
"You're welcome, Son!" Napatapik muli ito sa balikat niya at bahagyang yumakap sa kanya.
"ANO ba kasi ito, Aling Susan?" nayayamot nang tanong ni Maria Elena sa matanda. Inaalalayan siya nitong maglakad patungo sa kanilang backyard habang naka-blindfold ang kanyang mga mata.
"Wala nang maraming tanong, Ma'am! Basta sumunod na lang kayo," natatawa namang sagot sa kanya ng matanda na parang may itinatago.
Pagkarating nila roon, dito pa lang tinanggal ng katulong ang nakataling panyo sa kanyang mga mata. Dahil sa matagal na pagkakapikit ay medyo naging blurry ang paningin niya. Kailangan pa tuloy niyang kumurap-kurap at kusutin ang mga mata para manumbalik ito sa dati.
Doon niya nasilayan ang makukulay na mga pailaw na ikinabit sa buong paligid ng backyard nila. Mula sa mga halaman, pati sa mga upuan, maging sa lupa na yari sa pinagdikit-dikit na malalaking tipak ng puting bato.
Ang isang malaking puno naman na malapit sa dalawang upuan ay binalutan ng meteor shower falling raindrop na string light. Doon talaga siya mas namangha.
Ang round table naman doon ay nababalutan din ng mga disenyo at may malaking pumpon pa ng mga bulaklak sa bandang gitna. Dinig din niya ang romantic music na lumalabas sa isang speaker na hindi niya alam kung saan nakatago.
Napakaaliwalas ng buong paligid. Nakadagdag pa sa ganda ng backyard ang mga bituin sa kalangitan pati na rin ang magagandang hugis ng mga ulap.
"N-nasaan ako?" anas ni Maria Elena sa sarili habang kumikislap sa kanyang mga mata ang makukulay na pailaw sa paligid.
"Nasa langit na po kayo, Ma'am!" pabiro namang sagot ni Aling Susan.
Doon lang niya naalala na nasa tabi pala niya ito. "A-ano po'ng meron dito? Sino po may gawa nito, Aling Susan?"
"Bakit, nagustuhan mo ba, mahal?"
Bahagya niyang ikinagulat ang mahinhing boses na iyon ng isang lalaki. Lumabas naman sa pinagtataguan si Evandro na guwapong-guwapo sa suot nitong turtleneck suit na pinatungan ng brown leather jacket. Agaw-pansin din ang suot nitong black skinny jeans na nagpalitaw sa magandang hubog ng mga hita nito.
Lumapit ito sa kanya at iniabot ang kamay nito. Hindi agad nakakilos si Maria Elena. Mas lalo namang umurong ang kanyang dila. Nanigas ang sistema niya sa surpresang inihanda nito. Hindi niya alam kung paano magre-react.
Bakit kasi kailangan pa nitong gumawa ng ganoong pasabog. Hindi tuloy siya nakapaghanda. Hiyang-hiya siya sa suot niya ngayon na isang red polka dot na square-neck dress. Hindi kasi iyon bumagay sa napakagandang aesthetic ng paligid. Masyadong pangmatanda at outdated.
Ito kasi ang sinusuot niya kapag tinatamad siyang mag-ayos sa sarili. Pati buhok niya ay bagsak na bagsak din ngayon at hindi naka-vintage style.
Kung pangit na pangit ang tingin niya sa sarili ngayon, umaapaw naman ang pagkabighani sa kanya ng lalaki. Para bang natutuwa ito dahil naabutan siya nitong nakaganoon ngayon.
"Sige po, Ma'am! Aalis na po ako. Enjoy your date po!" tila nang-aasar namang wika ni Aling Susan at mabilis itong pumasok sa loob.
Hindi na niya ito napigilan. Wala na siyang nagawa kundi harapin muli ang lalaki. May ilang segundo pa siyang nag-isip bago tinanggap ang kamay nito.
Inihatid naman siya nito sa kanilang upuan na may unan at nilagyan na rin nito ng laman ang kanilang baso. Muli silang nagkatinginan ni Evandro. Kahit may kaunti pang bakas ng mga pasa ang mukha nito, hindi iyon nakahadlang sa kaguwapuhang taglay nito ngayon.
Katunayan ay nakatulong pa nga iyon para makaramdam siya ng kaunting awa rito kaya hindi na niya pinahiya ang lalaki sa harap niya. Tinanggap na lamang niya ang surpresang inihanda nito. Tutal ay napakalaki rin ng ginawa nitong pagbubuwis-buhay para lang mailigtas siya sa kamay ni Aaron.
Napakasama naman niya kung paiiralin pa rin niya ang pagsusungit dito. "Talagang kinuntsaba mo pa si Aling Susan para lang dito?"
"Alam kong hindi naging madali sa iyo ang mga nangyari. Muntik ka pang mapatay ni Aaron sa ginawa niyang pagbaril sa 'yo. Kaya naman naisipan kong gawin ito para makalimutan mo iyon kahit papaano. Tapos na ang lagim sa buhay mo, Maria Elena. Wala nang mananakit sa 'yo ngayon."
"Salamat... P-pero, dito sa bahay namin marami pa ring gulo. Hindi pa rin kami magkakasundo lahat. Kaya hindi ko masasabing tapos na ang lagim sa buhay ko."
"Don't worry about them. Alam ko ring hindi maganda ang turin sa iyo ni Papa at ng mga kapatid mo. Kaya nga magfo-focus na ako ngayon sa ating dalawa para mabantayan kita. We are one big family now. Mayroon ka nang kakampi rito. Isama mo na rin ang parents ko. At huwag mo rin kalimutan ang mga kababayan natin sa labas na humahanga sa 'yo. Lahat kami nandito lang para sa 'yo. Hinding-hindi ka mawawalan ng kakampi."
Ewan ba niya ngunit parang tinatablan na siya ngayon ng mga salita nito. Isang bagay na ayaw niyang mangyari noon. Ayaw niyang magpadala sa matatamis na salita ng kahit na sinong lalaki.
Pero iba na kasi si Evandro. Pinatunayan talaga nito na totoo ang pagmamahal nito sa kanya at handa itong ilagay sa alanganin ang buhay maprotektahan lang siya. Ngayon lang siya nakaingkuwentro nang ganitong lalaki.
Malayong-malayo ito sa ama niyang si Don Felipe na walang ibang ginawa kundi saktan ang kanyang ina at iturin siya na parang basura. At lalong malayo rin ito sa mga mapang-abusong asawa ng mga babaeng lumapit sa kanya noon para humingi ng tulong sa pambubugbog na ginagawa sa kanila.
Dito niya napatunayan na hindi lahat ng lalaki ay masama. Mayroon pa ring mga lalaki na busilak ang mga puso gaya ng kaharap niya ngayon.
Pero sa isang kadahilanan, hindi pa rin niya ito magawang tanggapin nang buo. Parang nahihiya pa siyang gawin iyon. Hindi pa siya handang makita ang magiging reaksyon dito ng sariling pamilya. Lalo na ng mga kapatid niya na ginagawa siyang katatawanan dahil sa kanyang pangarap noon na maging madre. Baka lalo lang siyang asarin ng mga ito kapag nalaman nilang hindi rin niya napanindigan ang dating pinapangarap.
"Maria Elena..." biglang tawag sa kanya ni Evandro nang mapansing tila malalim ang iniisip niya. "Are you okay?" dagdag pa nito habang mariin ang pagkakatitig sa kanya.
"Yes, I'm okay," sagot na lamang niya kahit wala iyong kasiguraduhan.
Bahagya nitong hinaplos ang kanyang buhok. "Tell me what's going through your mind right now. I am your husband. May karapatan din akong malaman kung ano ang mga bumabagabag sa asawa ko."
"W-wala naman, promise. Talagang hindi lang ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito."
Napatango ito at bumaba nang tingin sa sahig. "Are you happy with this? Masaya ka ba sa surprise ko? Tell me kung naiilang ka rito. Tatanggalin ko agad at ihahatid na lang kita sa room mo. Anything that will make you comfortable."
"No, okay lang sa akin ito. I hate to say this pero nagustuhan ko rin 'yung ginawa mo. Talagang medyo ano lang..."
"Ano 'yun?" nauuhaw ito sa pagkasabik na malaman ang susunod niyang sasabihin.
"K-kapag kasi nalaman ng pamilya ko na...tinanggap kita...b-baka kung ano pa ang sabihin nila sa akin. Lalo na sina Isabel at Lucia. Alam kasi nila na buong buhay ko wala akong ibang pinili kundi maging madre. Natatakot ako sa mga sasabihin nila kapag nalaman nilang hindi ko rin napanindigan ang lahat ng ito."
Napatango muli ito. "I already told you na wala ka na ngang dapat ipag-alala roon. Nandito na ako. Hinding-hindi ako papayag na saktan ka pa uli nila sa kahit na anong paraan. Saka huwag mo na rin masyadong isipin ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay kung ano ang sinasabi sa 'yo ng puso mo. Kaya naman tatanungin uli kita, tanggap mo na ba talaga ako? Do you love me now as your husband?"
Muling umurong ang kanyang dila at bahagyang sumikip ang kanyang dibdib. Napayuko siya at pilit nilabanan ang mga laman niya sa katawan na tila bumubugbog sa kanya dahil ayaw pa niyang magsalita.
Makalipas ang ilang sandali, naisipan niyang tumayo at pumulot ng isang tipak ng bato sa tabi ng mga halaman nila. Nagbalik siya sa upuan at kinausap ang batong iyon.
"Ayaw kitang mahalin... Ayaw na ayaw kong magpatali sa isang lalaki... Wala akong balak magmahal. At lalong wala akong balak magpakasal. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig. At kahit na kailan din, hinding-hindi ko ibibigay sa kahit na sinong lalaki ang puso ko. Para lang ito sa pamilya ko pati sa mga kababayan kong umaasa sa akin. Walang lugar sa aking puso ang lahat ng lalaki sa mundo. Wala!"
Pagkasabi niyon ay inihagis niya nang pagkalakas-lakas sa malayong bahagi ng sahig ang batong hawak niya. Nawasak iyon na parang salamin.
Nangunot naman ang noo ng lalaki sa ginawa niya. "Para saan iyon, Maria Elena?"
Sa pagkakataong iyon ay hinarap niya ito kasama ang maluha-luha niyang mga mata. "Lahat ng mga gusto ko sa buhay noon, kasama nang nawasak ng batong iyon ngayon..."
Parang nakukuha na ni Evandro kung ano ang ibig niyang sabihin pero pinili pa rin nitong magtanong. "What do you mean by that?"
Sa pagkawasak ng bato na ibinato niya kanina, kasabay niyon ang pagkawasak ng dati niyang gusto sa buhay, kabilang na ang pagmamadre. Siya na mismo ang sumira nito upang mabigyan ng pagkakataon na makapasok sa kanyang buhay ang bagong mga plano ng Diyos sa kanya.
"Patawad..." maluha-luha niyang sabi rito. "Patawad, Evandro, kung kinakailangan mong maghintay pa nang ganito katagal..."
Mabilis namang gumuhit ang ngiti sa mga labi ng lalaki. "So, does that mean...you care about me now? Do you love me now?"
Nag-atubili pa siyang sabihin ang isang salita na gusto nitong marinig. Pero hindi nagtagal ay lumabas din iyon sa bibig niya. "Yes, Evandro. I-I do love you... And I-I want to thank you for saving my life..."
Pagkasabi niya roon ay yumakap nang pagkahigpit-higpit ang lalaki sa kanya. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam na ramdam niya sa buong kilos nito ang nag-uumapaw na saya.
Sinubukan din niyang tumugon sa yakap nito. Medyo nailang pa siya noong una. Inisip niyang baka pagtawanan lang siya ng lalaki. Pero hindi nagtagal, humigpit na rin ang pagkakayakap niya rito. Ngayon lang niya naranasan ang makayakap ng isang lalaki nang ganito kahigpit.
Hindi na rin niya napigilan ang pagragasa ng mga luha. "Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng lalaking katulad mo. Sobrang bait niya dahil binigay ka pa rin niya sa akin kahit kinamuhian ko ang pag-ibig at pagpapakasal sa iyo."
Sa pagkakataong iyon ay kumalas ito sa kanya at hinawakan naman ang magkabilang pisngi niya. "Maria Elena, I-I really don't know how to thank you. I-I cannot explain how I'm feeling right now. I'm just...so, so happy...right here, right now, with you..."
Lalo siyang napaiyak nang makita ang pangingilid ng mga luha ng lalaki. Napakalakas ng mensaheng ipinarating niyon sa kanya. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking umiyak nang ganito. Pakiramdam tuloy niya ay napakalaki ng kanyang kasalanan dito dahil nagawa niya itong paiyakin nang ganoon.
"Patawarin mo ako kung pinaghintay pa kita nang ganito katagal. Masyado lang kasing nilason ng nakaraan ang isip ko para kamuhian ang pag-ibig. Pero ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Hindi pumayag ang Diyos na maging madre ako dahil gusto niyang ibigay ka sa akin. Ang pinakamabait at pinakadakilang lalaki sa balat ng lupa. Naiintindihan ko na ngayon ang gusto niyang mangyari. Kaya asahan mong hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay niya. Iingatan ko nang lubos ang lalaking ipinagkaloob niya sa akin. Mamahalin kita nang buong puso, Evandro..."
Sa puntong iyon ay tuluyang pumatak ang luha sa kabilang mata ng lalaki kahit patuloy pa rin itong nakangiti sa kanya. Siya na mismo ang nagpunas niyon sa kanyang daliri. Pagkuwa'y hinagkan naman nito ang ulo niya at dahan-dahang inilapit sa mukha nito.
Alam na niya ang nais nitong mangyari. Hindi na niya ito pinigilan pa. Hinayaan na niyang magtagpo ang kanilang mga labi sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa isang iglap ay bumulusok ang mainit na temptasyong unang beses din niyang naramdaman dahil sa pagtatama ng kanilang mga labi. Para siyang kinuryente at nagising sa katotohanan. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano kasarap ang isang halik mula sa taong nagmamahal sa iyo.
Kasunod niyon ang dahan-dahan nilang pagpalitan ng halik. Maging ang mga dila nila ay nagtagpo na rin sa unang pagkakataon. Nagsimulang lumagablab ang isang napakasarap na init sa buo niyang katawan. Parang ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon.
Nang sa tantiya ng lalaki ay nagalugad na nito ang kabuuan ng mga labi niya, dahan-dahan itong kumalas sa kanyang bibig at pansamantalang ipinagdikit ang kanilang mga ilong. Langhap na langhap din nila ngayon ang mabangong hininga ng bawat isa.
"I also want to thank God for making my dreams come true. You are my only dream, Maria Elena. Ikaw lang ang pangarap ko noon pa man. Kahit iniisip ko noon na napakaimposibleng mahulog ka sa 'kin, ginawan pa rin niya ng paraan para magkatotoo iyon. Bakit sobrang bait ng Diyos?"
"Siguro ganoon lang talaga siya minsan. Hindi agad niya binibigay 'yung mga gusto natin sa buhay. Minsan, bibigyan ka muna niya ng sandamakmak na pagsubok bago iyon ipagkaloob. Minsan naman, ilalagay ka niya sa sitwasyong hindi mo magugustuhan, hindi para saktan kundi para ihatid sa landas na gusto niya para sa 'yo, na di kalaunan ay mapagtatanto mo rin na mas maganda pala kaysa sa una mong hinihingi sa kanya."
Muli siya nitong binigyan ng matamis na halik bago nagsalita. "I am glad that you love me now. Thank you for giving me this sweetest moment of my entire life. Araw-araw kitang mamahalin at pipiliin, Maria Elena. Pero siyempre, I will always put God in the center of our hearts. Dahil alam kong iyon ang gusto mong mangyari."
Napangiti muli siya na may kasama pa ring mga luha. "Alam na alam mo talaga kung ano ang gusto ko, ano? Tama ka nga naman doon. Kahit gaano pa natin kamahal ang isa't isa, ang Diyos pa rin dapat ang nasa sentro ng ating mga puso."
"Kaya sana, huwag ka nang mahiya na ipakita sa ibang tao na mahal mo rin ako. Huwag ka na sanang matakot magmahal, Maria Elena. Huwag ka na rin matakot sa iisipin ng iba. Because you have me, and you have God on your side. Kaming dalawa ang pinakamalakas na kakampi mo."
"Makakaasa ka, mahal. Hindi na ako matatakot na ipakita sa lahat kung gaano kita kamahal. Gusto kong maging proud ka rin sa akin. At iyan ang bagong goal ko ngayon sa buhay. I want to make you proud."
"I am always proud of you, Maria Elena. Walang araw na hindi kita hinahangaan at ipinagmamalaki. At totoo ba 'yung narinig ko? Tinawag mo na akong mahal?"
"Dahil mahal naman talaga kita!" Saka siya muling yumakap dito at marahang isinandal ang ulo sa dibdib nito. Hinagod naman ng lalaki ang likod niya na sobrang nagbigay ng maaliwalas na pakiramdam sa kanya.
Sa puntong iyon, finally, masasabi na rin niya sa sarili na totoo ngang masarap ang pag-ibig, at hindi ito dapat katakutan base sa karanasan ng iba. Lalo na kung hindi pa naman niya nararanasan kung paano ang umibig. Dahil hindi rin naman pare-pareho ang guhit sa palad ng mga tao pagdating sa bagay na ito.
Naging ganap ang kaligayahan nilang dalawa nang mga sandaling iyon. Walang salita ang makapagsasabi kung gaano sila kasaya habang mahigpit na magkayakap sa isa't isa.
PAGGISING niya kinabukasan, bumungad agad sa kanya ang malaking pumpon ng mga rosas na nasa kanyang tabi. Agad siyang bumangon at kinarga ito na parang sanggol. Nakita pa niya ang isang sulat na nakalagay sa loob nito.
Galing kay Evandro iyon. Para sa kanya raw ang mga flowers na ito bilang reward sa napakabigat na desisyong pinakawalan niya kagabi, na tanggapin na ito nang buo sa buhay niya. Tuwang-tuwa siya sa morning gift na iniwan nito sa kama niya.
Hanggang sa paglabas ng silid ay hindi niya binitawan ang bulaklak na iyon. Nagpunta siya sa kitchen at naisipang ipagtimpla ng kape ang sarili niya. Para mahalo nang mabuti ang kape ay pansamantala niyang binitawan ang bulaklak sa lamesa.
"Por qué hay flores aquí?" Nagulat siya sa tinig na iyon ni Maria Isabel na nasa likuran na pala niya. Nagtatanong ito kung bakit daw may bulaklak doon.
Agad naman niya itong binitbit. "W-wala. Inaayos ko lang para mailagay mamaya sa flower base."
Nagtaas ito ng kabilang kilay. Tila hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Oh, really? Saan naman nanggaling ang bulaklak na 'yan, aber?"
"B-binili ko. Bakit?"
"Talaga?" Bigla nitong hinablot ang sulat na nakasiksik sa loob niyon. "Bibili ka na nga lang ng bulaklak, kailangan may sulat pa talaga?"
Kinabahan siya nang makita ang tumatawa nitong reaksyon habang binabasa ang sulat. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng malisyosong titig sa kanya. "So, galing pala kay Evandro ito..."
Sa puntong iyon ay hindi na siya nakapagsalita. Binalot muli ng takot ang dibdib niya.
"Kailan ka pa natutong tumanggap ng bulaklak sa isang lalaki? Akala ko ba hindi ka naniniwala sa pag-ibig? Ano ang ibig sabihin n'yan?"
Nang hindi pa rin siya nagsalita ay bigla nitong hinablot ang bulaklak sa kanya. Agad naman siyang nakipag-agawan dito na parang bata. "Puwede ba, ibigay mo sa 'kin 'yan!"
"At bakit ganyan ka na lang maka-react? Para bang napaka-importante ng bulaklak na ito sa 'yo! Tell me, Maria Elena. Napamahal ka na rin ba kay Evandro? Mahal mo na ba ang asawa mo?"
Hindi agad siya nakasagot. Patuloy pa rin niyang sinusubukan na hilahin ang bulaklak sa kamay ng babae. Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak doon ng kapatid.
"Bumibigay ka na ba ngayon, Maria Elena? Mahal mo na rin ang asawa mo?" Mas tumaas ang boses nito.
Ganoon na lamang ang panlulumo niya nang bigla nitong ibato ang bulaklak sa sahig at tinapak-tapakan. Halos maiyak siya nang makita ang pagkadurog ng mga rosas.
Doon ay hindi na siya nakapagpigil na magtaas din ng boses. "Bakit mo sinira! Ganyan ka na ba kawalang modo?"
"Por qué estás enfadado? Why are you mad? Alam ko namang ayaw mo ng bulaklak na galing sa lalaki. Kaya ako na ang magtatapon para sa 'yo. Dahil iyon din naman ang ginagawa mo sa mga nagbibigay ng bulaklak sa 'yo before, right?" Saka ito pinulot ni Maria Isabel at itinapon sa basurahan. Tinapakan pa nito iyon pailalim hanggang sa mabaon kasama ang mga basura sa loob.
Lalo namang pumait ang mga titig nito nang tuluyan siyang umiyak. "Bakit iniiyakan mo 'yung bulaklak na binigay ni Evandro? Akala ko ba ayaw mo na binibigyan ka ng bulaklak? O baka naman mahal mo na talaga siya? Tama ba ako, Maria Elena?" anito sa nakaiinsultong tinig.
Hindi na niya itinuloy ang tinitimplang kape. Tinalikuran na lamang niya ito at pabagsak ang mga balikat na nag-walk out sa kitchen. Umakyat na lang muli siya sa silid para doon ibuhos ang rumaragasang mga luha.
Tawang-tawa naman si Maria Isabel sa naging reaksyon niya. "Ang bruhang iyon! Bumigay na nga yata talaga!"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro