GALIT na galit si Aaron sa pagkatalo sa casino. Mahigit sandaang milyon din ang nawala sa kanya. Inangasan pa siya ng nakatalo sa kanya kaya lalong nagdilim ang utak niya. Nagwala siya sa loob at pinagbabato ang lahat ng mahawakan.
Pinagtulungan lang siyang awatin ng mga guwardya at itinaboy sa labas. Doon naman siya nilapitan ng mga tauhan at dinala sa loob ng sasakyan nila.
"Hindi biro 'yung nawala sa akin! Kailangan natin ulit magtrabaho para mabawi ko 'yung sandaang milyon na 'yon!" paninigaw niya sa mga tauhan na patuloy pa rin siyang pinapakalma.
Mabilis na nilang nilisan ang lugar na iyon para magbalik sa kanilang headquarters.
NAGSISIMULA pa lang sumikat ang araw nang mga oras na iyon. Tumatama na ang liwanag ng kalangitan sa isang bahagi ng glass wall sa naturang silid.
Ang maaliwalas na umagang iyon ang lalong nagbibigay ng energy kay Evandro sa pagwo-workout sa sarili niyang gym sa kanilang mansyon.
Walang ganito sa bahay ng mga Iglesias dahil puro babae ang mga nandoon maliban lang kay Don Felipe na wala na ring kakayahang mag-workout sa edad nito. Tuwing umaga pagkatapos niyang mag-almusal, ito ang palaging inaatupag niya.
Punong-puno ng malalaki at mabibigat na mga equipment ang buong paligid. Mayroon ding boxing ring sa bandang gilid na malapit sa entrance door. Sa tabi naman ng ring ay nakahilera ang naglalakihang mga punching bag.
Solo lang ni Evandro ang buong fitness studio na iyon. Ito ang halos nagsisilbing silid at opisina niya sa kanilang mansyon. Kung sa labas ay puro trabaho at pagbisita kay Maria Elena ang pinagkakaabalahan niya, dito naman ay puro workout at martial arts ang kanyang inaatupag.
Pagkatapos niyang magbuhat ng barbell, marahan siyang tumayo sa bench na kinahihigaan at bahagyang inunat ang pang-ibabaw na katawan.
Nagtungo naman siya sa harap ng whole body mirror at pinagmasdan ang kanyang sarili. Isa-isa niyang iflinex ang kanyang shoulder muscles, six pack abs, biceps and triceps, back muscles, at isang napaka-sexy na pang-upong hinuhubog ng suot niyang manipis na shorts.
Sunod naman siyang nagtungo sa hilera ng mga punching bag at namili ng kanyang puwesto. Pagkatapos ay sunod-sunod niyang pinakawalan doon ang mabibigat at mabibilis niyang mga suntok.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagwo-workout ay bigla niyang narinig ang pagbukas ng pinto sa gym niya. Isang lalaking naka-white long sleeve na pinarisan ng grey slacks ang nakita niyang pumasok doon. May nakasabit pang shades sa ulo nito. Napahinto agad siya at naupo sa isang bench.
Pagkalapit ng lalaki ay bumati agad ito sa kanya at nakipagsalubungan ng kamao. "What's up, bro?" masiglang bati niya rito. Naghanap naman ito ng mauupuan sa isang tabi at humarap sa kanya.
"Always good, bro!" sagot nito sa malutong na boses.
Ito ang matalik niyang kaibigan na si Russell Reignor. Kasama niya ito sa lahat ng hirap at kalokohan mula elementary hanggang sa pareho na silang magkaroon ng mataas na posisyon sa kumpanya ng kanilang pamilya.
Ito naman ang President ngayon sa Hoshi Group of Companies na binubuo ng mga company at business units na nagpapakita ng world class Japanese-inspired service.
"I have some exclusive news nga pala. Hulaan mo kung ano'ng nangyari sa akin kagabi," panimula nito na tila sinu-suspense pa siya.
"O, ano nga ba?" natatawa namang sagot niya.
"Natalo ko lang naman sa casino 'yung sinasabi mong lalaki. 'Yung bumibisita sa asawa mo na palagi mong nakakasagutan?"
Nagulat siya. "Ah, si Aaron? Wow! Good for you, bro! Paano kayo nagkita?"
"Sinunod ko lang naman 'yung pinapagawa mo. Nag-research ako sa kanya, inalam ko ang buong background niya with the help of my private investigator, at pinag-aralan ko rin ang bawat galaw niya. Napag-alaman ko na madalas siyang nagpupunta sa isang casino na malapit lang dito. That's how I met him!"
Ang sigla ng pagkakatawa ni Evandro sa narinig. "Napakagandang balita nga naman talaga n'yan! Kahit kailan talaga hindi mo 'ko binigo!"
Tumawa na rin ang lalaki. "Hulaan mo naman ngayon kung magkano 'yung nawala sa kanya."
"Huwag mo na akong pahulain sabihin mo na!" Punong-puno ng pananabik ang kanyang tinig.
"One hundred million, bro! One hundred fucking million!"
"One hundred fucking million?"
"Yes! One hundred fucking million!"
Paulit-ulit nilang sigaw sa isa't isa at muling nagsalubungan ng mga kamao. Dumagundong sa buong gym ang malulutong nilang tawanan. Halos sumakit ang tiyan ni Evandro habang pinagtatawanan nila ang pagkatalo ni Aaron sa isang casino.
"Grabe, what a mess! Kahit hindi ako nagca-casino, I feel so defeated!" komento niya rito na may kasamang pautal-utal na halakhak.
"You know what's more interesting? He even tried to fight me! Hinamon niya ako ng suntukan sa labas. Kapag natalo niya raw ako, kailangan kong ibalik lahat ng pera niya. Kumasa naman ako. I was so ready to knock his face out! But then the guards showed up, so nanahimik na lang ako. Baka pati ako kaladkarin din palabas, eh!"
Patuloy silang nagtatawanan habang nagpapalakasan ng mga boses sa pag-uusap. Ganoon talaga sila tuwing magkikita. Kung magpalitan ng salita akala mo nag-aaway sa lakas ng mga boses. Pero natural na lang iyon sa kanila lalo na't parang magkapatid na rin ang turingan nila. Napakahaba na ng kanilang pinagsamahan at kilalang-kilala na rin nila ang isa't isa.
Pagkatapos nilang mag-usap doon, naisipan ni Evandro na lumabas na ng gym. Niyaya niya ang kaibigan sa kitchen para mapagtimpla ito ng kape. Kumuha na rin siya ng makakain nito sa fridge.
"Kumusta nga pala 'yung investigation n'yo sa kanya?" pag-iiba niya rito saka naupo sa tapat nito.
Humigop muna sa tasa si Russell bago nagsalita. "I just found out na siya pala ang founder ng Dragon Breath. Sila ang pinakamalaking drug syndicate dito sa bansa. Marami silang mga sinusuplayang organization, kabilang na ang ilang mga illegal companies outside of this country. Bukod doon, involve din sila sa maraming cases ng human trafficking at system hacking."
Nalukot ang noo ni Evandro sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala. "So, you're telling me na 'yung Aaron na 'yun, hindi lang basta kung sino lang? He's the leader of that drug organization?"
"You got it!" Saka itinapat ng lalaki sa kanya ang hintuturo nito. "Tulad mo, may mataas din siyang katungkulan. He's the president of his own organization. He makes millions just like you. Sa masamang paraan nga lang."
Pansamantalang umurong ang dila niya at napaisip. "But why don't we report them to the authority? They should be imprisoned to death! We can use our power and influence to shut them down! Maraming kakilala ang father ko na puwedeng humuli sa kanila," mayamaya'y bulalas niya.
"I think it won't be an easy task to do. Just like what I said, they are a big organization. Hindi ganoon kadaling patumbahin ang mga katulad nila. Ito pa ang nalaman namin ng private investigator ko. Someone from the government is protecting them. Hindi pa namin matukoy kung saan at kung sino pero, may isang opisyal sa gobyerno ang humahawak sa kanila. Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon hindi sila nakukulong. Palagi silang nakakalusot sa lahat ng mga kaso nila. Imposibleng hindi aware ang government natin sa malawakang illegal transactions na ginagawa nila!"
Lalo tuloy nauhaw si Evandro na malaman ang lahat ng tungkol sa lalaking ito. Ngayon ay nagkaroon na siya ng mas matinding dahilan para ilayo si Maria Elena rito. Mukhang mapapalaban talaga siya nang husto. Hindi pala basta-basta ang taong binangga niya.
"Bro, I have something to tell you pala. No'ng una kong makausap ang lalaking 'yon, sinabi niya sa akin na tauhan daw siya ni Ma'am Glavosa, the mother of Sir Felipe. Kada magkakaharap kami, palagi niyang pinagmamalaki sa akin na tao raw siya ni Ma'am Glavosa kaya may rights siyang dumalaw roon kahit hindi naman siya kilala nina Sir Felipe at Ma'am Imelda. So, kung sinasabi mong siya ang leader ng Dragon Breath, tapos tauhan lang siya ni Ma'am Glavosa, ano naman ang koneksyon ng donya sa kanila?"
Napaisip din dito si Russell. Napahagod ito sa buhok habang nakatitig sa maputi nilang lamesa na yari sa marmol. "Hindi natin puwedeng sabihin na siya ang public servant na konektado sa Dragon Breath dahil hindi naman siya politiko, right?"
"Yeah, nasa bahay lang naman siya as far as I know. Sa pagkakarinig ko pa nga, nagpanggap daw siyang namatay noong nasa America siya. At ngayong nagbalik siya rito, palagi raw niyang inaaway ang sariling pamilya niya, lalo na si Sir Felipe. I know she's also hiding something, but she's not involved in any line of politics. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang koneksyon niya kina Aaron. Saan niya nakilala ang mga ito?"
Muling napaisip si Russell. "Hindi natin puwedeng sabihin na member siya ng Dragon Breath. She's too old and powerful para maging isang member lang ng ganoong organization. Pero base sa organizational chart na nakuha namin, si Aaron lang talaga ang lumalabas na head ng Dragon Breath. Siya lang ang pinakamataas dito. So, puwedeng may iba pang uri ng connection si Ma'am Glavosa sa kanila."
Parehong nagkuyom ang dalawang kamao ni Evandro habang malalim na nag-iisip. "Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan sa kanila. Lalo na't ayaw pa man ding tigilan ng Aaron na 'yon si Maria Elena. I need to protect her from that drug lord!"
"Don't worry, bro. You got my back," ngiting wika ni Russell saka hinubad ang salaming nakapatong sa ulo nito.
NAGTATALO ang kaba at saya sa loob ni Maria Lucia habang pinagmamasdan ang mga crew sa pag-aayos sa magiging studio ng first ever cooking show niya sa TV. Nasa labas naman si Nathan at abalang nakikipag-coordinate sa iba pang mga staff ng programa.
Ngayon na rin magaganap ang unang taping para sa first episode na nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan. Mag-iipon lang sila ng mga episodes ngayon para pagsapit ng world premiere nito ay tuloy-tuloy na ang takbo ng programa.
Sa wakas, nagkaroon na rin siya ng mapagkakaabalahan ngayon. Nagsasawa na rin kasi siya na palaging nasa loob ng mansyon at walang ibang ginagawa kundi magluto sa kanilang lunch at dinner. Ngayon ay mapapakinabangan na rin niya sa ibang bagay ang kanyang cooking skills.
Sa sobrang pagkasabik ay kinunan niya ang litrato ang ginagawang preparation. Saka niya ito ipinadala kay Maria Isabel.
Makalipas ang ilang minuto ay nag-reply ito. "Felicidades, mi hermana! I'm looking forward to your show!"
Tuwang-tuwa naman niyang nireplayan ito. "Muchas gracias, Hermana! Gusto ko sana ikaw ang first guest ko kung payag ka."
Ilang sandali pa, nag-reply muli ito agad. "Count me in! I am honored to be your first guest!"
Napapikit na lang siya sa tuwa at ninamnam ang bawat matatamis na sandali. Muli niyang pinagmasdan ang mga taong nag-aayos sa paligid. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang taping nila. Nasa tabi na rin niya ang script niya.
Kaunti lang naman ang mga nakasulat doon dahil hindi naman ganoon karami ang dapat niyang kabisaduhin. Ang iba sa mga ito ay maiikling linya lamang para sa introductio pati na rin sa closing message outro.
Buong oras kasi ay siya rin ang magsasalita at gagawa ng sarili niyang mga linya sa kung paano niya ipapakita sa camera ang mga putaheng iluluto niya.
Ilang sandali pa ay tinawag na siya ng director. Dali-dali siyang lumapit dito habang nanginginig sa sobrang tuwa. Iyon na yata ang isa sa pinakamasayang sandali ng buhay niya.
MASAYANG nagkukulitan ang anim na kalalakihan sa isang bar. Nasa loob sila ng inookupang private room na pinalilibutan ng neon lights at mangilan-ngilang dekorasyon.
Magkakaharap sila sa mahabang mesa na punong-puno ng mga alak at pagkain. Nasa isang tabi naman si Donya Glavosa na masayang pinagmamasdan ang mga kalalakihan habang nasa likuran nito si Aaron at nagmamasahe rito.
Mayamaya ay tinawag na ng isang lalaki ang matanda. "Madam Glavosa, samahan mo na kami rito!"
Dali-dali naman itong lumapit at tumabi sa mga ito. Sa kabila ng edad at kulubot na balat ay nagawa pang makipagkulitan ni Donya Glavosa sa mga bagets na ito. Nobenta anyos na ito pero kung kumilos daig pa ang dalagang happy-go-lucky sa buhay.
Inutusan pa nitong maghubad ang mga lalaki. Isa-isa ngang hinubad ng anim na kalalakihan ang suot nilang mga t-shirt. Halos maglaway dito si Donya Glavosa habang pinagmamasdan ang nagsisipaglakihan nilang katawan. Malaya nitong hinipo-hipo ang mga iyon habang patuloy silang nagsisigawan sa loob. Balewala lang ito sa mga lalaki dahil binayaran na silang lahat para maging sex slave ng matanda sa gabing iyon.
Si Aaron naman ang nakaupo ngayon sa puwesto kanina ng matanda habang masaya silang pinapanood. Tawang-tawa siya sa masiglang pakikitungo ng mga lalaki sa donya.
Walang kaalam-alam ang mga ito na may halo nang drugs ang iniinom nila kaya ganoon na lang sila kadaling napasunod at nabayaran para landiin ang matanda.
At kahit noong nasa America pa man ito, gabi-gabi nang gawain ni Donya Glavosa ang maghanap ng guwapong mga lalaki sa mga bar at club para bayaran at makasiping sa kama.
Siyempre, hindi mawawala roon ang kontribusyon ni Aaron. Siya lang naman ang nagsu-supply ng mga drugs sa donya na ginagamit nito para ilagay sa inumin ng mga nakakausap nitong lalaki.
Kung ito lang kasi mag-isa, walang kahit sinong matino ang papatol dito at makikipag one night stand. Kaya naman sa pamamagitan ng drugs, nagagawang pasunurin ng matanda ang mga ito sa lahat ng ipag-utos nito. Ginugulo kasi ng drogang iyon ang isip ng mga lalaki hanggang sa mawala sila sa realidad. At sa ganoong paraan sila kinokontrol at minamanipula ng matanda.
Si Donya Glavosa ang numero unong suki ni Aaron sa illegal drug business niya. Sa kanya lang ito bumibili ng mga ipinagbabawal na gamot para sirain ang utak ng mga lalaking napupusuan nito.
Noong una, isang loyal na kliyente lang ang turin niya sa matanda. Wala pa ito noon sa America. Ngunit nang magkita na sila sa personal, doon nag-level up ang relasyon nila sa isa't isa. Nagustuhan siya nito at sinubukan din siyang bayaran ng donya para maka one night stand nito.
Tinamaan yata ito sa kanya sa unang tingin pa lang. May hitsura din kasi siya at malaki rin ang katawan. Mayroon din siyang mga muscles at four pack abs. Dagdag pa rito ang pointed chin niya, ang matangos niyang ilong, ang hugis puso niyang mukha, pati ang perpektong pagkakalilok sa kanyang mga mata na mala-bad boy ang datingan.
At dahil wala siyang tinatanggihang biyaya, mabilis din niyang tinanggap ang pera nito at pumayag sa gusto nito. Hindi na nila kailangang lasunin pa ng droga ang utak ng isa't isa. Sapat na ang pera ng matanda para mapaamo siya na parang tupa.
Mula nga noon, lagi itong nagpupunta sa kanya para paligayahin ito sa kama. Natikman na rin nito ang ilan sa mga tauhan niya. Siyempre, malaking halaga rin ang kapalit niyon. Kahit yata mabuwag pa ang kanyang organisasyon, hindi pa rin sila maghihirap dahil sa laki ng ibinabayad ng donya sa kanila.
At nang magpunta na nga ito sa America at doon nanirahan ng ilang taon, ipinapadala na lang niya sa matanda ang mga ino-order nitong drugs na ginagamit naman nito sa mga lalaking napupusuan doon.
Kahit malayo ang agwat ng kanilang edad ay may puwang na sa kanyang puso si Donya Glavosa. Mayroon silang mutual understanding relationship. Hindi ito miyembro ng Dragon Breath pero mas mataas ang ranggo nito sa kanya, sa lahat ng bagay. Ito ang itinuturin niyang pinuno. At kahit siya ang founder ng Dragon Breath, isang hamak na tauhan lamang siya sa paningin ng matanda.
Pero ang isang bagay na nangingibabaw sa kanilang pareho ay ang mutual understanding relationship nila. Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lang katindi ang koneksyon ng matanda sa organisasyon nila kahit hindi naman ito miyembro.
At proud siyang maging ka-MU ni Donya Glavosa. Balewala na rin sa kanya ang paglalandi nito sa ibang lalaki. Dahil alam niya sa kanyang sarili na mas nangingibabaw pa rin siya sa puso nito bilang 'special someone'.
At kahit kaninong lalaki pa ito makarating, sa huli ay sa kanya pa rin ito babalik. Kaya naman todo ang effort niya ngayon para malinlang ang puso ni Maria Elena, ang misyon na ibinigay sa kanya ng matanda. Kapag kasi nagawa niyang paikutin ang utak ng babae, sa kanya ipamamana ng donya ang lahat ng yaman nito, pati na rin ang mansyon.
Oras na makuha na niya ang kayamanan, itataboy din niya si Maria Elena sa buhay niya, at silang dalawa pa rin ni Donya Glavosa ang magsasama bilang magka-MU at magka-partner in crime.
Nais lang talaga nilang sirain ang buhay at pagkatao ng babaeng may pinakamalambot na puso sa mga Iglesias. Allergic kasi silang pareho sa mga taong sobra sa bait. Ito ang mas gusto nilang puntiryahin.
Mayamaya ay inutusan na ng matanda na sumayaw ang mga lalaki. Muling umalingasaw ang malalakas na sigawan ng mga ito habang hinuhubad ang kanilang mga pantalon.
Sa pagkakataong iyon, mga boxer shorts na lang ng mga ito ang natira. Bakas na bakas pa ang naglalakihan nilang mga kargada. At hindi nagtagal, sinayawan na nga nila ang donya sa harapan nito habang sinasadyang patalbugin ang kanilang mga junior.
Si Aaron naman ay sadyang hinubad ang suot niyang polo shirt at hinayaang ma-expose ang maskulado niyang katawan habang patuloy pa ring nakaupo sa sulok na iyon. Hinihintay lang niyang maligaw sa kanya ang mga mata ng donya para makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Di hamak naman na mas macho siya sa mga lalaking ito.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro