Chapter 1
Kathleen's POV
"Happy Birthday Lala." masayang bati ko habang nakatitig sa puntod ni Lala, pitong taon na simula ng si Lala ay namatay alalang-alala ko ang mga huling sandali niya rito sa lupa, sa sobrang alalang- alala ko ang ditalye ay parang nangyare lang siya kahapon,
tuwing naalala ko parin siya ay di nawawala ang pag patak ng aking luha, alam ko'ng ibinilin niya saakin na wag akong iiyak pag namatay na siya, kaso masyadong imposible upang mag katotoo, "Alam mo la, di na nalalayo na makasama kita, konti nalang talaga la, mag sasaya na tayo jaan kung saan ka naruruon."
tumayo ako at bago tuluyang umalis ay muli akong sumulyap sa kanyang puntod at ngumiti muli.
Kagaya ng sinabi ko pitong taon na simula namatay si Lala, noong namatay siya mga 3 araw lumipas noong muling nag pakita saakin si Mama, imbis na tuwa ang aking maramdaman ay labis akong nagalit, ngunit wala akong choice kundi sumama sakanya, sapagkat siya ang aking nanay.
Flashback...
"Oh! yung magaling ko'ng anak nandito na pala! Kath!" Lasing na pamungad saakin ni Mama, kasama na naman niya ang mga kainuman niya, bwiset, wala na siyang ginawang matino bilang isang ina,
kagaya ng parati ko'ng ginagawa binabalewala ko sila at nag lakad papuntang kwarto ko ngunit bago ako maka punta dun ay hinala ako ng mga kasama niya, "Linda! di mo naman saakin sinabi na napaka Kj ng anak mo! HAHAHA!"
"Bitiwan niyo nga ako! ano ba?!" inis na wika ko sabay tulak sa lalaking nag humatak ng kwelyo ko, dali-dali akong umakyat ng kwarto ko at nag kandado,
hindi lang duon natapos yun lumipas ang ilang araw at naulit na naman iyon ngunit pinag tangakaan na niya ako ng masama,
"Lumayo ka saakin! lumayo ka nga sabi saakin!" malalakas na sigaw ko habang siyay palapit ng palapit saakin hanggang mapunta akong sulok, nakita ko'ng sumilip ang aking ina, nakahinga ako sapagkat inakala ko na tutulungan niya ako, ngunit nag kamali ako.
"MAMA?! MAMA! TULUNGAN MO KO! MA!!!" Sigaw ko ngunit unti-unti niya sinara ang pintuan at duon ako nawalan ng pag-asa...
"Kawawa ka naman, imbis na tulungan ka ng iyong ina, mas pinili niya kumapit sa patalim at kapalit ka, na kanyang anak, pano ba'yan? wala ka ng kawala?"
"Please huwag po, huwag po!!!"
End of Flashback...
Simula nuong araw na yun, labis ko kunamumuhian ang aking ina, mas pinili ko na ako nalang mag isa kaysa pa umasa ako sa mga taong akala ko mapapagkatiwalaan ko,
Nung makauwi na ako nakita ko ang may ari ng bahay na tinutuluyan ko, napatigil ako sa kinatatayuan ko noong mag katagpo ang aming tingin, "Anjan ka na pala! Oh ayan!" sabay bato ng mga papales sa mukha ko na dahilan upang mapayuko ako,
"Tangin*! kelan ka ba mag babayad ng renta mo aber? timping-timpi na ako! ilang beses na kita pinapag bigyan Kathleen!" Pagsisigaw na sabi niya saakin upang mag silabasan ang aming kapit bahay.
"Sabi ko naman sayo Chang mag babayad ako, konting--"
"Punong-puno na ako! buo na disisyon ko! mag impake ka na at bukas na bukas rin, lumayas ka! di ko kailangan ng isang pabigat sa puder ko!" mas lalong lumakas ang mga bulungan sa paligid ko, at tuluyang umalis na din ang landlord,
napakagat nalang ako ng aking labi habang dahan-dahang pinupulot ang mga papeles ng aking utang, lahat ng atensyon ng aming mga kapit bahay ay nakatuon lang saakin, ang mga iba ay tumatawa at ang iba naman ay nanlilisik ang mga mata, minabuti ko nalang na pumasok saaking bahay, pinipigilang tumulo ang luha,
Hindi ito ang oras para mag dalamhati Kath, kailangan mo gumawa ng paraan,
[Hello, Kath sorry talaga, pero wala talaga ako mapapahiram sayo, ang hirap din ng buhay namin dito lalo na't kakasilang ko lang kay bunso]
[Ha? ah... eh... wala eh taghirap din talaga ako ngayon]
[Wala talaga prend sorry, alam mo naman buhay ngayon]
[Jusko naman Kath, di kita mapapahiram ngayon kakahiram mo lang noong isang araw diba? wala na ako mabibigay sayo]
[Sorry]
[Sorry talaga Kath]
[Cannot be reach]
[SIRAULO KA BA ANONG--]
[Sorry]
[Sorry...]
"Ano ba gagawin ko, bat ba to nangyayare saakin..." napaupo ako sa sahig noong nag dinail ko na ang huli ng number sa number list ko, hindi pa pala yun ang huli...
yung pinaka huli... si Nathan, hindi ko pa siya hinihingan ng tulong sa buong buhay ko, oo, boyfriend ko siya, pero... ayokong mamroblema siya ng dahil saakin,
pero, sa loob ng kabutihang ginawa ko sakanya? hindi naman siguro masama diba?
bago ko pindutin ang "Call" ay huminga muna ako ng malalim at tuluyan na itong pinindot,
bawat segundo kabado ako, napaka tagal rin bago siya sumagot, hanggang sa sumagot na siya,
[Hello?]
"Babe!" masayang bati ko.
[Oh? Kath napatawag ka...]
hindi ko alam kung may mali ba napalamig ng tono ng kanyang pananalita, parang kama kailan lang ay nag tatawanan kami,
"Ahm Babe... may problema ba?" Nag aalalang tanong ko sakanya, umubo siya at inaayos ang kanyang boses.
[Ano ba kasi yun?]
pansin ko na pabulong na siya nag sasalita
"Ahm ano kasi, ahmm..."
[Love sino yan--]
[Call ended]
Love?...
napatulala ako ng ilang sandali bago ma unawan ang kaganapan, ngunit noong papaiyak na ako ay may kumatok sa pintuan,
pag kabukas na pagkabukas ko ng pinto ay laking gulat ko kung sino yun, "Anak," luhaan niyang bigkas sabay yakap saakin ng mahigpit.
"Bat ka nandito?!" tinulak ko siya palayo saakin habang nakakunot ang noo, "Anak patawarin mo ko, nakikiusap ako, sige please nag mamakaawa ako," nangingig niyang hinawakan ang mag kabilaan ko'ng kamay.
"Di ko naman sinasadya e... please anak, please..." Mangiyak-ngiyak niya uling saad.
"Di sinasadya?! Ma! kahit sinong Ina walang makakaintindi sainyo! kahit sinong tao pa yan!" di na kinaya ng galit ko at napag mataasan siya ng boses,
"Anak pakingan mo ko, kinailangan ko yun gawin, kinailangan ko pumayag sa alok ng ninong mo para makabayad tayo sa utang para gumaang ang buhay natin! inalok ko siya ng ibang bagay pero ikaw ang gusto niya siya nag isip ng plano di ako! diba gusto mo namang gumaang ang buhay natin? diba anak?! kaya wala akong nagawa kaya--"
"Inalok ka lang tas pumayag ka naman?" nangingid na mungkahe ko,
"Papayag ka naman kung sakali diba anak? kasi gusto mo gumaang ang buhay--"
"Pinagpalit mo ang anak mo para sa pera?! mama! kaya ko itaguyod yung pangangailangan natin nuong mga panahong iyon! kung hindi ka lang nag iinom at nag susugal! alam mo ba kung gaano kahirap yun saakin?! alam mo ba?!"
"kaya nga nanghihingi ang ng patawad anak e kaya nga diba?" nag hahagulgol niyang sabi,
"Anong klase kang ina? anong klase ka?! iniwan mo na nga ako! tas papahirapan mo pa buhay ko?! ginawa mo lang impyerno buhay ko e! napakawalang kwenta mo!"
siyay lumuhod sa harap ko, "Anak, sorry please, sorry,"
"Sorry rin ma pero hindi ko kayang itangap yang pag mamakaawa mo," isasara ko na sana ang pintuan ng biglang hinawakan ni Mama ang kanyang dibdib na tila di makahinga,
"Mama? mama?" nag aalalang tugon ko at napaluhod at hinawakan siya mag kabilaang balikat niya,
"Kath, Ka..." siyay aking tinayo at pinasok saaking bahay, at pinainom agad-agad ng tubig,pinaypayan, at pinakalma, lumipas ang ilang minuto at napabuti na ang kalagayan,
"Patawarin mo ko anak..."
"Mag pahinga ka nalang, kung gusto mo bukas ka na ng umaga umalis," nag latag ako ng pwedeng tulugan sa lapag at duon na natulog,
kinabukasan ay nagising ako, ng biglang may malakas na katok ang bumulabog, napatingin muna ako sa kamang pinapagtulugan ni Mama kagabi at nakitang itoy blanko,
"Teka lang!" Dali-dali akong pumunta sa pintuan at nakita ang landlord...
oo ngapala... aalis na ako...
"Opo... mag iimpake na po ako--"
"Pwede kana ulit manatili dito," nangiti niyang sabi, nanlake ang aking mga mata "Ha? paano po?"
"May nag bayad na ng iyong upa hanggang sa susunod na buwan rin ang itatag nito kaya pwede ka na manirahan dito basta sa susunod! siguraduhin mo lang mag bayad ka!" at itoy umalis.
Imbes na matuwa ako, di ko alam kung bakit nag tataka parin ako, sino naman kaya mag babayad ng renta ko? di kaya si Ethan?
baka nabalitaan niya yung nangyare saakin ngayon? hala... nakakahiya... pero napangiti nalang ako at nag ayos para pumasok sa trabaho,
"Your fired!"
"pero Ma'am..."
"I said your f*ck*ng fired! lumayas ka na dito sa kumpanya ko! di kita kailangan!"
"Please Ma'am hindi ko na po gagawin, sadyang problemado lang ako this days kaya--"
"Do I even care?! binabayaran kita! hindi ako nag kulang! kahit piso walang kulang yang sweldo mo! ikaw na may problema Ms Dela Cruz! ngayon layas! gusto mo ba ipatawag ko ang guards? guards!"
parating palang ang guards ay nag lakad na ako palabas ng kumpanya, ano gagawin ko...
kanina ko pa dina-dial ang phone number ni Ethan pero di siya sumasagot, pumunta ako sa parati naming pinupuntahan at duon nag palamig,
pinapagmasdan lang litrato namin ni Lala, "Ano na po ba'ng gagawin ko?" napahawak ako sa necklace ko-- teka, yung necklace ko?
nanlaki ang mga mata ko at kinapa kapa ang buong katawan ko pati na rin ang bag ko, napatingin ako sa likod ko pero wala,
tama, hindi ko ngayon nasuot kaninang umaga, asan na yun?! tumingin ako sa buong paligid ko ngunit may isang umagaw ng atensyon ko,
labis akong nasiyahan, "Etha--!" napababa ko ang aking kamay dahil sa nakita ko, ma-may kasama siya babae?
"Hahaha syempre naman Love!"
"Ikaw ba musta yung araw mo?"
napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa gawi nila, naudlot ang kanilang tawanan at halatang gulat na gulat si Ethan, "Excuse me? Do I know you? bagong waiter ka ba dito?" nakangiti niyang bati,
"Mangaaga-!" bago ko pa siya mapagtaasan ay hinila ako agad-agad ni Nathan palabas ng cafe, "Ano ba! masyadong mahigpit!" pabalang niyang kinalas ang kanyang pag hawak saakin, "Subukan mo lang mag eskandalo over my girlfriend Kath!"
"Girlfriend? diba ako yun? ah, so ayan pala yung kabit mo, HAHAHA ang galing mo naman talaga Nathan noh? pag katapos mo ko gamitin ganito--"
"Diba I told you its over? noong isang araw pa diba?"
"What are you saying?!"
"Hindi lang pala mahina ang kokote mo, malilimutin pa," natatawa niyang sabi,
"Hindi ko maintindihan!"
"Ang sabi ko, tapos na tayo matagal na!" dinuro-duro niya ang aking noo at noong sinabi niya ang "na" ay nilakasan niya ito dahilan upang mapaupo ako sa sahig.
"Di ko nga alam kung bat ka tawag ng tawag saakin eh, ganon ka na ba ka obsessed saakin Kath? HAHAHA!" .
pero hindi bat siya ang nag padala saakin? na siya ang nag bayad ng renta ko? siya lahat ng yun hindi ba?
tumayo ako at pinagpag ang aking tuhod at tumingin sakanyang mga mata, "Wag ka mag alala, yung pinang bayad mo sa renta ko babalik ko rin sayo lahat." patalikod na sana ako ng dumada siya,
"What? ako mag bibigay pera sayo? da heck? bat naman ako mag sasayang ng pera para sa isang katulad mo HAHAHA di naman ako tanga katulad mo!"
"teka, ibig sabihin di ikaw yun?"
"kakasabi ko lang, hindi nga ako yun," nakangisi niyang sabi,
umuwi na ako at nakita nag eeskandalo ang mga tao sa harap ng bahay ko, ng biglang sinugod ako ng landlord noong makita ako, "Hoy! alam mo magkasama kayo ng Nanay mo! pareho kayong mga scammer!"
"Teka? ano nangyayare?! bat nasama ang nanay ko dito?"
"Yang nanay mo ang nag bayad ng utang mo! at akalain mo nga namang peke ang perang yun! tang*n* mag sama kayo!" nakita ko si Mama sa harap ng bahay ko,
"Ma... anong nangyare? anong sinasabi ni Chang?"
"Yung kwintas kasi na binigay ng lola mo binenta ko di ko naman alam peke pala yung perang binigay saakin..."
"Punyet* naman Ma!" inis na sabi ko at tumakbo palayo sakanila,
"Lala... makakasama na kita,"
ngunit hindi pala yun ang katapusan ko...
"Athena, Athena! gumising ka!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro