Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Two

Author's Note:
For chapters 1 to 5 are scenes from 5 years ago. Chapters 6 to 10 will be their present years while Chapters 11 to 15 are throwback scenes from their college years.

✉✉✉

Sarah

I was feeling uneasy with this mini-skirt that Nath gave me because of a party we are both invited to when she noticed it and she scoffed and whined about it.

"Saaaraaahh, quit being such a baby!", Nath rolled her eyes and I sighed.

"Kailangan ba talaga na ganito ang suot ko? Hindi ba pwedeng mag-jeans na lang ako or mag-blazer? Napaka-iksi naman yata nito!" I couldn't help but to complain.

Sa totoo lang, hindi ako mapormang tao. Okay na ako sa jeans at t shirt. Kung magde-dress man ako, sinisigurado kong disente itong tingnan at sapat lang ang haba para hindi ako masilipan.

Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang dinadaluhang party ni Nath. Ang iba ay niyayaya niya ako o di kaya ay pinipilit nya akong samahan sya.

"Please, Sarah? For me?" 'Yan ang palagi niyang komento kaya hirap akong tanggihan siya.
Sasagot na sana ako nang kumatok si Tita Jansen sa pinto at dumungaw sa amin, "nasa baba na si Klaus, hindi pa ba kayo tapos dyan?"

"Malapit na po, Ma. Saglit na lang po. Pakisabi, pababa na po kami." Tumango si Tita at pinuntahan si Klaus sa sala. Muli akong hinarap ni Nath at nagmamakaawang isuot ko ng maayos ang mini-skirt na itim.

I sighed. "Oo na. But let me bring this blazer." Kinuha ko agad ito at itinali sa baywang ko.

"Fine. Come here! Lagyan kita ng blush on at lipstick." Nathalie grinned and yanked my arm until I was in front of the mirror beside her.

Tiningnan ko siya mula salamin habang eksperto nyang nilalagyan ng kolorete ang aking labi at ang aking mukha. Wala pang sampung minuto ay tapos na sya. Ginawaran nya ako ng ngiti habang nakaharap kami pareho sa salamin.

Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ko at mapula-pula kong mga labi. Namangha ako sa itsura ko ng araw na ito. Para bang naging ibang tao ako dahil sa galing niya sa paglalagay ng kolorete.

"You are so beautiful, bff! Even more when you applied make-up!" Naramdaman ko ang sinseridad ni Nath sa pananalita nya kaya ako ay napangiti din sa kanya.

"Salamat dito, bff. Ngayong araw lang ito ha. Last na ito. Una at huling pagme-make up mo na ito sa akin." Sabi ko at nginisian nya lang ako.

"Lika na! Baka naiinip na sa baba si Klaus at iwanan tayo!" Excited na komento ni Nath at hinatak na ako palabas ng kwarto.

"Sandali! Yung bags natin!" I commented and grabbed both our sling bags with our phones and moneys are.

Nang makarating na kami sa sala ay agad na inismiran siya ni Klaus, "Wala na bang itatagal yan, Naths?"

"Eto naman oh! Ngayon lang kami na-late ng kaunti!" Ngingising bati ni Nath kay Klaus.

Si Klaus Romero ay pinsan nila Nathalie at pinaka-close silang dalawa sa isa't isa kumpara sa iba pa nilang mga pinsan. Marahil siguro dahil magka-edad sila.

"Ops! Kayong dalawa, magka-intindihan nga tayong tatlo." Sabi ni Tita Jansen at pinamaywangan sila na siya namang ikinatahimik nila habang naghihintay sa sasabihin nya. "Time check: 4:30 PM. Bilis, pare-pareho tayo dapat ng oras sa mga relo nyo. Ayusin nyo yan. Hindi kayo makaka-alis dito hanggang hindi ninyo ako sinusunod."

Sabay na tiningnan nila Nath ang mga relo nila at ipinareho sa oras ni Tita Jansen dito sa bahay. Ipinakita pa nila ito sa kanya at nagpatuloy si Tita sa sasabihin nya, "dapat by  seven pm nandito na kayo. Sabay tayong maghahapunan, Nathalie."

"Maa! Magsisimula pa lang ang party noooon!" Pagrereklamo pa ni Nath na binalingan pa siya ng mapangising asar ni Klaus.

"Curfew o hindi ka na makakaalis ulit para sa mga party?" Madiin na pagtatanong ni Tita na may pandidilat pang kasama sa kanya.

"Fine." Mapait na sabi ni Nath at biglang hinawakan ang braso ko. "Let's go, Sarah. Para makabalik agad tayo."

"Keep your phone lines open, Nathalie! Klaus, bring her here by 7pm. No DRINKS and WINE!" Habol na komento pa ni Tita bago kami tumakbo paalis ng bahay nila papunta sa sasakyan ni Klaus.

Bumungad sa harapan namin ang Blue Audi nya at agad na umupo sa harapan si Nath na may masayang ngiti sa mukha.

"What are you waiting for, Sarah? Get in the back." Sabi pa ni Nath sa akin bago ako napipilitang pumasok sa likod na parte ng sasakyan.

Agad na ni-lock ni Klaus ang mga pintuan namen at minaobra ang sasakyan palayo sa bahay at papunta sa party ng isa sa mga kaklase namin.

Wala pang dalawang oras ay sumalubong sa amin ang maingay at mataong mansion ni Cassandra Mauve, ang isa sa mga sikat na varsity players sa campus at kaklase  namin. 16th birthday nya ngayon at ayon sa kanya, since bihira lang daw umuwi ang parents nya, eto daw ang hiniling nya para sa kaarawan nya. A grand party.

Pagkapasok pa namin sa loob ay maya't maya ang mga taong nababangga ko sa dami nila. It's indeed a soiree.

"OMG, Nath! You are really here!" Hiyaw pa ni Cass sabay yakap sa kanya mula sa kung saan.

"I wouldn't miss it for the world, Cass! Happy birthday!" Niyakap din siya ni Nathalie sabay bukas ng kanyang sling bag at may inabot pa sa kanyang maliit na bagay na nakabalot sa isang gift wrapper. Tinanggap ito agad ni Cass sabay halik sa pisngi nya.

"Thank you! Drinks are at the counter and foods are everywhere! Kuha lang kayo dyan ha!" Sabi ni Cass na tuwang-tuwa sa natanggap nya na animo ay alam nya ang laman.

Nagtama ang aming mga mata na hindi ko malaman ang reaksyon ko sa kilos nya. Isang pagbati na lang ang iginawad ko sa kanya para hindi ipahalata ang nakita at napansin ko, "Happy birthday, Cassandra!" Banggit ko sabay abot sa kanya ng isang ampaw.

Sa yaman na mayroon sya, tiyak namang nasa kanya na ang lahat kaya minabuti kong cash na lang ang ibigay para siya na lang ang mamili ng gusto niya.

"Oh, thank you, Sarah! Cass na lang, para namang hindi tayo magkaklase nyan!" Natatawang sambit ni Cass at sinuklian ko ng simpleng ngiti. "Go with Nath. Kuha lang kayo ng pagkain ha!"

"Yo, Cassy babe!" Masayang ngiti ni Klaus at binigyan ng halik si Cassy sa labi na syang kinagulat ko.

"Oh, boy. Somebody's going PDA. " Nath groaned and grabbed my hand. "'Lika na, Sarah. Iwan na natin ang lovers na 'yan."

Lovers? Magboyfriend sila? Kelan pa? As far as I know, si Clint Brewer ang boyfriend nya na nasa States! Cass even posted their photos on Facebook and Instagram!

✉✉✉

Oh no! 🤔🤔🤔

Anyare mga besh?

What do you think are Nath and Klaus up to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro