CHAPTER 081
FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS
*
*
*
"Oh God, what's happening?!" Tumayo siya at lumapit sa wheelchair, hinanap mula roon ang cellphone at nang makita'y mabilis niyang kinuha saka binalikan si Van na namimilipit sa labis na sakit.
"I strained my knees," he answered. "I can't use them properly, Demani. I need my knee injection. Please call Nurse Art..."
Taranta niyang binuksan ang cellphone ni Van—at sandali siyang nahinto nang makita ang nasa lock screen nito. It was their wedding photo—taken three years ago. Dalawa sila ang naroon at magkahawak ang mga kamay habang nanunumpa sa harap ng pari na nagkasal sa kanila sa front beach ng isang resort kung saan ginanap ang kanilang kasal.
Naluha siya nang maalala ang araw na iyon. Luhang sunud-sunod na nagbagsakan sa screen ng cellphone nito. She sniffed and wiped the screen. Nabuksan niya iyon dahil walang code.
Si Van ay patuloy sa pamimilipit hanggang sa nawalan na ito ng kontrol at napasigaw na ng malakas.
She hurriedly searched for Nurse Art's number. Ilang sandali pa'y nahanap niya iyon, pressed the call button, then put it on her ear.
Puno ng luha ang kaniyang mga mata habang naghihintay na sumagot ito. Si Van ay patuloy sa pamimilipit.
Makalipas ang mahabang sandali ay narinig niya ang pag-ring sa kabilang linya. At nang sumagot si Nurse Art ay halos pasigaw siyang nagsalita.
"Please come back—Van needs medical assistance!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro