Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 077



FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS


*

*

*



"May plano po ba kayong magkaanak, Mrs and Mr. Loudd?"

Ang pagdadala niya ng inumin sa bibig ay nahinto nang marinig ang tanong ng dalagang nurse. Napatitig siya kay Ella na ang tingin ay palipat-lipat sa kanilang dalawa ni Van.

Hindi siya nakasagot. Bumalik sa alaala ang nangyari sa ipinagbubuntis noon. Ibinaba niya ang ulo upang ikubli ang lungkot na gumuhit sa kaniyang mukha.

"Yes, we do, Nurse Ella," sagot ni Van na ikinalingon niya rito. Nakita niya ang pagpahid nito ng table napkin sa bibig. Ang anyo'y nakangiti habang nakaharap sa nurse. "Pero hindi kami makabubuo kung hindi ako makakaaalis dito sa wheelchair, don't you think so?"

Nagkibit-balikat si Nurse Ella; nasa anyo ang ka-inosentehan.  "Mayroon akong nakikitang mag-asawa sa internet na nakabubuo kahit na may diperensya sa katawan ang isa sa kanila, Sir. Do you know a man named Nick Vujicic from Australia? He was born without arms and legs, but he married and got children. Not only was he able to start a family, but he also plays football and golf, swims, and surfs. He did all those stuff despite having no limbs. Kaya nothing is impossible, Sir. Sa kondisyon ng mga paa ninyo ngayon ay kaya pa rin ninyong makabuo ng baby."

Everything Nurse Ella said made her feel so uncomfortable, at sana ay mapansin iyon ng dalaga. But Ella was a pure, innocent soul. She had no idea how this conversation made her feel awkward.

Napatingin siya kay Nurse Art sa pag-asang ito ang makaramdam. Pero tulad ni Van ay nakikinig lang din ito kay Ella.

"Based on one of his interviews, sinabi ni Nick na 18 months old pa lang siya ay inilagay na siya ng tatay niya sa tubig para turuang maglangoy. I mean, he trained a lot despite his disability. And he came out a winner. Kaya kahit na naka-wheelchair kayo, Sir, I'm sure, if you work hard for it, you will be able to make a bab—"

"Don't you think it's a little overboard, Nurse Ella?" hindi na niya napigilan ang sariling magsalita. Natuon ang pansin ng tatlo sa kaniya. "We don't talk about making babies in front of dinner."

Natilihan ang dalagang nurse nang makita ang seryoso niyang anyo. Ella opened her mouth to say something but she beat her off,

"Kulang na lang ay sabihin mong araw-araw kaming magniig ng aking asawa para makabuo, ah?"

"Hey," suway ni Van. "That's not what Nurse Ella was trying to say. There's no need to—"

Tumayo siya at bago pa man matapos ni Van ang sasabihin ay tumalikod na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro