Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 076



FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS


*

*

*




"Bakit sa loob ng dalawang taon ay nanatili kang walang ka-relasyon, Demani?"

She scoffed and turned to him. "What, hindi ka na rin makatulog kaya naisip mo akong interview-hin?"

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa tanong. "Nasa kasulatang ginawa ni Attorney Salviejo na sa informal separation natin—hanggang sa hindi pa naaaprubahan ang annulment, ay maaari kang magmahal muli at makipagrelasyon sa—"

"Pinangalagaan ko ang moral ko, Van. Ayaw kong sabihin ng ibang tao na may asawa pa ako pero lumalandi na sa ibang lalaki. Isa pa, I've had enough of love and men. Inubos mo energy ko kaya nawala ako ng interes sa lalaki at pagmamahal." Nanunulis ang ngusong itinaas niya ang kumot hanggang sa kaniyang leeg. "Besides, hindi ko naman binasa ang sulat na iyon."

"Even the cash allowance that I sent to your bank account was never touched."

"Because I don't need it. Kaya kong buhayin ang sarili ko."

Matagal itong natahimik, tila naghahanap ng panibagong tanong. And then... "Ano ang... plano mo kapag tuluyan nang na-aprubahan ang annulment?"

"Depende. Kung aabutin ng sampung taon ang proseso, baka mauwi na lang ako sa pagiging matandang dalaga. I'll probably just take care of my parents and live my life in isolation. Pero kung gagamitin mo ang pera mo at paaagahin ang pag-apruba ng annulment natin, I might look for someone to love and waste my time with."

"Sa tingin mo ba ay nasayang lang ang mga panahong nagsama tayo, Demani?"

Muli niya itong binalingan—at doon ay nakita niya ang seryoso nitong anyo.

Huminga siya nang malalim. "Ako? Hindi iyon nasayang para sa akin dahil ginawa at binigay ko ang lahat para sa pagsasama natin. I was not a perfect wife but I did my best. Pero ikaw? Hindi ka rin nagsayang ng panahong iparanas sa akin ang lahat ng sakit na maaaring maramdaman ng isang maybahay. Sa loob ng isa't kalahating taong nagkasama tayo simula nang makilala natin ang isa't isa ay naranasan ko ang maraming uri ng damdamin kapiling ka. Love, lust, devotion, loyalty, disappointment, pain, hate, and betrayal. Lahat ng iyon ay naranasan ko sa'yo."

"But you can't just blame everything on me, Demani?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro