Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 073



FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS


*

*

*



"Mrs. Loudd, if you don't mind me asking... How did you and Mr. Loudd meet?"

Napatuwid siya ng upo nang marinig ang tanong ni Nurse Art. Nakangiti itong nakalingon sa kaniya habang naghihintay ng sagot.

Hinarap niya ito. "Well..."

Well, she hadn't really told anyone their love story. Maliban sa pamilya niya na naging saksi sa simula at katapusan ng pag-iibigan nila ni Van, ay wala siyang ibang pinagsabihan ng tungkol sa kung paano sila nagkakilala o kung paano tumakbo ang pagsasama nila.

"Actually, our story started simple," umpisa niya. Hindi niya alam kung bakit, pero game siyang ikwento sa mga ito ang kasaysayan ng pag-ibig nila ng asawa. She wouldn't tell them the whole story, of course. Masisira ang deal nila ni Van kapag ginawa niya iyon. "Nagkakilala kami sa isang cake shop. Kinuha ko ang cake na order niya. Paano, he and my late grandmother have the same initials. Nagkamali ako at muntik ko na siyang awayain. Later on, nalaman ko rin ang totoo at napahiya akong umalis sa cake shop. Little did I know na sinundan niya ako, and there it all began."

May kung anong hapdi ang dumaan sa kaniyang puso nang balikan ang una nilang pagkikita nga asawa. Hapdi at labis na panghihinayang. Their story may have started simple, but their love was real.

"Gaano po niya kayo ka-tagal na niligawan?" tanong naman ni Nurse Ella.

Doon siya bahagyang natawa. "Not long. We married three months after we met."

Nanlaki ang mga mata nito—tulad ng inasahan niya.

Pinili niyang ilihis nang kaunti ang usapan.

"Bakit, ilang buwan na bang nanliligaw itong si Nurse Art sa'yo, ha?" aniya nang may halong panunukso.

Pinamulahan ng mukha si Nurse Ella, at si Nurse Art naman ay umiwas ng tingin saka nagkamot na naman ng ulo.

"Seven months na po..."

"Oh..." Ngumiti siya at hinawakan ito sa kamay. "It's okay. Mas magandang kilalanin mo muna nang husto ang lalaking nanliligaw sa'yo bago mo sagutin; walang masama roon. At kung sakaling sinagot mo na siya, don't rush on marriage. Get to know each other more."

"Bakit po, Maam? Nagsisi po ba kayong nagpakasal kayo kaagad ni Mr. Loudd? Mukha naman po kayong... masaya?"

Muli siyang napangiti sa nurse. "We were—I mean... we are happy, of course. Ang pagpapakasal sa kaniya ay hindi ko... pinagsisihan." Which was true. Kaya lang... "Ang pinagsisihan ko ay hindi muna namin kinilala nang husto ang isa't isa bago kami nagpakasal. Kasi, on the early stage of marriage, there were things we didn't agree about and we often argue over small things. Hindi ko siya nagawang ilapit pa nang husto sa pamilya ko noon... hindi ko nagawang ipaintindi sa kaniya nang husto ang kahalagahan ng pamilya. Hindi ako kaagad na naka-adapt sa lifestyle niya. Hindi ako kaagad nasanay sa pagkakaiba naming dalawa—dahilan kaya madalas kaminag mag-away noon."

Natahimik ang dalawa, nakinig nang maigi.

Pilit niyang pinasigla ang biglang nalungkot na tinig. "But don't worry, nalagpasan din naman naming mag-asawa iyon. We are still happy now, and so much in love."

Inasahan niyang magtayuan ang mga balahibo niya sa batok sa pagsisinungaling, pero bakit tila kay natural na lumabas ang mga salitang iyon sa mga labi niya? Bakit tila kay totoo ng mga iyon?

Pero totoo nga namang nalagpasan nilang mag-asawa ang tungkol sa mga problema nila sa pamilya niya... at sa paniniwala nito.

Ang hindi nila nalagpasan ay ang nangyari sa pagitan nito at ni Lara. Iyon ang problemang nagsanga-sanga na at hindi na naisalba pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro