Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 072



FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS


*

*

*




"What's happening, Dems?"

"I'm getting confused about my feelings, Maureen..."

"Confused?"

Hind niya alam kung bakit, pero tila ba kuminang ang mga mata ni Maureen sa sinabi niya. Pero hindi niya iyon gaanong binigyang pansin. Nagpatuloy siya.

"May mga pagkakataong kapag napapatitig ako sa mga mata ni Van ay para akong nalulusaw. O hindi naman kaya'y sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti o nakatawa. His smiles and laughters give me goosebumps, Mau. Mayroon ding mga araw na hindi ako mapakali kapag magkalapit kami; parang hindi ako komportable—"

"And is it bad?"

"No. Not at all." Muli siyang napabuntonghininga. "Hindi ako komportable dahil bumabalik sa akin ang dati kong damdamin para sa kaniya. Dating damdamin ko noong maayos pa kami; noong bago kami nagkaroon ng problema. That odd feeling was bothering me, and I wasn't supposed to feel it again."

"Wala kang magagawa kung ang puso mo'y gustong tumibok sa kaparehong tao, Demani."

Napasandal siya sa wooden chair. "I didn't say I was falling in love again. What I mean is... the attraction. It's slowly coming back."

"Hindi nawala ang atraksyong iyon, Demani. Naitago lang. And you've never really stopped loving him, you just sealed that feeling away because you got tired of waiting. Sa maraming pagkakataon noon ay hinintay mo siyang sunduin ka, but Van didn't come. He didn't because he thought it was best to let go. Ayaw ka niyang saktan lalo, eh."

Ito naman ang huminga ng malalim, at bago pa siya makapagtanong sa huling sinabi nito'y dinugtungan ni Maureen ang litanya.

"Come on, Dems. We have been together since we were in our diapers; kahit hindi mo sabihin ang tunay mong nararamdaman para sa legal mong asawa ay madali kong nahuhulaan; ramdam ko 'yon."

Ngumiti ito, masuyo.

"I have already said this and I will say it again—you are still in love with your husband and he is still into you. Kung sa tingin mo ay may pag-asang magkabalikan kayo ay h'wag mong supilin ang nararamdaman mo. Give it another try, Demani. I'm sure this time, your marriage will work out just fine. Dahil alam mo kung bakit? Pareho na kayong natuto sa mga pagkakamali ninyo. And you both have matured."

Huminga siya nang malalim, hindi kaagad nakasagot dahil pinag-iisipan niya ang mga sinabi nito.

"Kung nagdadalawang-isip ka pa rin, at kung sa tingin mo'y mali ako... bakit hindi mo na lang simula sa pakikipagkaibigan? I'm sure Van would like that."

Ibinalik niya ang tingin sa camera.

Friends... she thought. Naaalala niya ang mga sinabi ni Van noong isang gabing nakita niya itong umiinom mag-isa sa patio. The night she joined him and for the first since they'd separated, she and Van spoke casually with little laughter and chuckled from here and then.

"Kung magiging magkaibigan kayong muli, aba'y saan pupunta iyon kung hindi sa muling pagmamahalan, hindi ba?"

She released a wry smile. "I don't really want to talk about love, Maureen. Let's take one step at a time. Gusto kong... alisin ang kung anumang negatibong damdamin mayroon ako para sa kaniya, at saka ako magpapasiya kung ano ang makabubuti sa aming dalawa. If... and only if... Van and I would learn to forgive ourselves after what had happened two years ago, we could start as friends. Pero kung sa loob ng anim na buwan na magkasama kami... at hindi ko pa rin siya magawang patawarin sa naging kasalanan niya noon—ay itutuloy ko ang pakikipaghiwalay at pagputol sa ugnayan naming dalawa."

Matagal na natahimik si Maureen—at kung hidni niya ito nakikita sa screen ay iisipin niyang naputol na ang koneksyon.

Sandali silang nagkatitigang magpinsan, hanggang sa muli itong nagsalita.

"Bakit, Demani? Hindi mo pa rin ba siya napapatawad hanggang ngayon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro