Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 067


FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS


*

*

*


"We spoke about the itinerary and the accommodation details. Ang totoo'y sina Nurse Art at Nurse Ella lang ang sasama sa atin; there will be another medical team assigned to assist me in the US. Sa isang hotel silang dalawa titira sa loob ng dalawang linggong makakasama natin sila prior to the surgery."

"We have a..." house in Arizona? Kailan pa bumili ng bahay si Van doon? Oh, she had no idea. "I mean, bakit hindi na lang sila sa bahay natin mag-stay?"

And oh, huli na para bawiin ang sinabi niya. Biglang pumasok sa kaniyang isip na kung doon sa iisang bahay lang sila mananatili kasama ang dalawang nurses ay mas mahaba't madalas na pagpapanggap ang gagawin nila ni Van.

"You know what? I think you're right."

Nanlaki ang mga mata niya sa pagpayag nito. At akma sana niyang babawiin ang naging suhestiyon nang muling hinarap ni Van ang dalawang nurses.

"I think my wife is right. There are four separate bedrooms in our house and we would actually fit there. I just thought of booking you guys in a hotel dahil baka hindi kayo maging komportableng kasama kami sa bahay. But it's going to be more convenient for us kung nasa bahay rin naman kayo, kaya tama ang asawa ko. I'll call my secretary and have her cancel the hotel accommodation."

"No problem, Sir," nakangiting sagot ni Nurse Art. Matangkad ito, maputi at may kalakihan ang katawan, At alam niya bilang nurse na malaki ang papel nito sa pagbubuhat kay Van, paglipat sa kama at pagsakay sa sasakyan. Nurse Art would be Van's feet prior to the surgery.

"Wala rin pong problema sa akin, mas maigi iyon para masubaybayan namin kayo nang maayos," sagot din ni Nurse Ella. Maamo ang mukha nito at maliit lang na babae.

"That's settled then?" ani Doc Ivan. "Sumasang-ayon akong makabubuti na nasa bahay ninyo silang dalawa para nata-track din ni Nurse Ella ang diet ninyo, Mr. Loudd. Alam kong hanggang ngayon ay patuloy kang umiinom ng alak bago matulog."

Van opened his mouth to deny it when Dr. Ivan continued,

"And don't you deny it, Mr. Loudd. Mataas na naman ang uric acid ninyo."

Nagsalubong ang mga kilay niya at niyuko si Van na napa-tapik ng noo. Wala siyang alam na patuloy ito sa pag-inom. She had never seen him held a glass. Besides, wala na ang bar counter sa bahay, at wala siyang nakikitang kahit na anong alcohol sa paligid.

Hindi kaya itinatago nito iyon sa silid nito?

"So, Mr. Loudd, remember that for the next 30 days, you have to prepare for the surgery," dagdag pa ni Dr. Ivan. "Eat healthy meals, make sure you have a balanced diet, and do not consume alcohol at least a week prior to the surgery. Don't forget your morning stretches, as well. They'll help you strengthen your body."

Pasagot na sana si Van nang makita ang katulong na lumabas mula sa kusina. Nagsabi itong handa na ang almusal sa dining area kaya niyaya na ni Van ang lahat patungo roon.

Hindi na rin siya nakapagsalita pa. Makakasama nila sa loob ng anim na buwan sa iisang bahay ang dalawang nurses—ibig sabihin ay kailangan niyang magpanggap, dumikit, at maging malambing kay Van sa mga panahong naroon ang mga ito sa paligid nila.

Ahhh, shit. Why did she often make bad decisions and give stupid suggestions?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro