Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 066



FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS

*

*

*


"Mau mentioned that her son is going to have a birthday celebration the day prior to our original departure date."

Muli niya itong sinulyapan sa rearview mirror.

"So, sinabihan ka na ni Maureen?"

"Yes, she did. Noong matapos ang tanghalian ay kaagad niyang sinabi sa akin. At ngayong hapon lang nabago ang flight details, kaya kung gusto mong tumuloy sa birthday ng anak ni Mau ay pwede nating palitan kahit ang oras lang ng flight."

Dahan-dahan siyang lumingon at sinalubong ang mga tingin ni Van. Hindi nagbago ang seryoso nitong anyo, subalit ang tinig nito ay lumambot.

Sinusubukan ba siya nito?

Huminga siya nang malalim. "No, let's go ahead with the flight. Marami pang birthday celebrations ang darating kay Mico, at hindi ako kawalan sa party. Mas mahalaga itong lakad natin."

Kung ano man ang emosyong dumaan sa mga mata ni Van sa mga sandaling iyon ay hindi na niya binigyang pansin pa. Muli niyang inisandal ang sarili sa upuan at ipinikit ang mga mata. She wanted to stop and end their conversation by pretending to sleep.

Makalipas ang dalawa at kalahating oras ay nakarating na rin sila sa bahay sa Antipolo. Nauna siyang bumaba at walang lingon-likod na pumasok sa bahay. Dumiretso siya sa silid at nang marating iyon ay kaagad niyang tinawagan si Maureen. Sinabi niya ritong hindi sila matutuloy sa pag-attend sa birthday celebration ng pamangkin dahil napaagaa ang schedule ng pag-alis nila. Maureen understood, and even teased her about the change in her.

"Alam mo, hindi ka na tulad ng dati na.... 'ah basta, kapag gusto ko ay gusto ko', o 'di naman kaya ay... 'pamilya 'to, we don't turn our backs to fhe family'." Humagikhik si Mau. "While I appreciate the fact na sobrang mahalaga ang pamilya para sa iyo, you knew where to stand now.. You know what to prioritize, and you know what's best for you."

"Maureen, I am not doing this for him—"

"You are doing great, Demani. Masaya ako sa pagbabago mo. If you and Van would reconcile, you will surely have a perfect marriage now."

"Oh, never! Siya at ako? Reconcile? No freaking way!"

Maureen chuckled on the other line. "Don't speak too soon, baka mabilaukan ka."

"Mabilaukan na kung mabilaukan, but I'll stand on my words! Bye for now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro