CHAPTER 065
FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS
*
*
*
Back to the present time...
"Bakit niyo ba kasi pinagpipilitang magkaayos kami ng lalaking 'yan?"
"Hindi namin pinagpipilitan na magkaayos kayo, we... I mean, I was just suggesting na kung maaari ay kumalma ka naman. Sa nakikita ko ay maayos kang pinakitutunguhan ni Van." Muli itong tumungga. "Kung ganitong magtataray at magtataray ka lang din sa kaniya, bakit mo pa tinanggap ang alok niya? Don't tell me it's because of the money dahil hindi ako maniniwala?"
"It's not about the money, never. At mabait lang 'yan ngayon dahil nakaharap ang pamilya. 'Pag nasa bahay kami sa Antipolo ay parang bato 'yan." Inis siyang nagpakawala ng malalim na paghinga at inisandal ang sarili sa baradilya. Ipinatong niya ang mga siko roon at inituon ang tingin kay Van na natatanaw niya mula sa kinatatayuan.
Van was smiling and chatting with the men; some of them were holding their favorite organic beer. Sina Jimmy at Levi na dating hindi naman malapit kay Van ay nakikisama na ngayon. Ang mga tiyuhin niya'y tulad pa rin ng dati kung tratuhin ito, while his dad was smiling tenderly.
Nagtataka siya sa inaakto ng mga magulang niya.
Although hindi naman abot-langit ang galit ng mga ito sa kay Van matapos ang nangyari sa pagitan nila, alam niyang sumama rin ang loob ng kaniyang mga magulang dahil sa paghihiwalay nila, lalo nang makita ng mga ito ang epekto sa kaniya.
"Our family treats him the same, sa kabila ng mga nangyari."
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Maureen. Tulad niya'y nakaharap na rin ito sa kinaroroonan nila Van at ng iba pang miyembro ng pamilya.
Nakita niya ang pagtawa ni Van nang may sabihin ang Uncle Larry niya rito, at iyon ang unang beses sa mahabang panahon na nakita niya itong nakatawa ng ganoon.
She didn't want to admit it, but she missed that smile. She missed seeing his smile and laugh, and look so happy.
"I think Van is still into you, Dems."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro