CHAPTER 063
FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS
*
*
*
"So what we have here? My husband and his other woman."
Sabay na napatingala sina Lara at Van nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Dalawang dipa mula sa mesang kinaroroonan ng dalawa ay nakatayo si Demani; ang mga braso'y magka-krus sa tapat ng dibdib, at ang mga mata'y naniningkit habang pinaglipat-lipat ang tingin kina Van at Lara.
Si Lara ay banayad na napasinghap, si Van ay banayad na bumitiw mula sa pagkakahawak ni Lara bago tumayo.
"Demani—" But his words were cut short when Demani's palm smacked his face.
"Oh my God!" Hindi napigilang bulalas ni Lara sabay tayo. Ang ilang mga customers na naroon din ay napalingon sa nangyari. Everyone's eyes were on them, but Demani was too angry to even care.
Si Van ay nakaramdam ng pagkailang matapos magulat sa ginawa ng asawa. Dahan-dahan nitong muling hinarap ang nagagalit na si Demani.
"Could you just listen—"
Isa pang sampal ang pinakawalan ni Demani—na nakita at ikina-singhap ng mga nasa paligid. Nanlalaki ang mga mata ng mga guests, ang ilan ay nagbulungan pa, ang iba'y nagtawanan. And Van felt so humiliated, dahilan upang muli nitong harapin ang asawa at hawakan sa kamay.
Subalit nagpumiglas si Demani at nag-umpisang magwala.
"You promised you won't see this woman again! Pero tulad ng dati'y hindi mo tinupad ang pangako mo! What are you two planning to do after lunch, huh? Oh, don't even answer because I could fucking guess!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro