Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 061


FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS


*

*

*


"Lola..." she said in a shaky voice. "I... don't know what to do anymore. I don't know how to save our marriage..."

Nalungkot ang lola niya sa narinig. Inabot nito ang kaniyang kamay at banayad iyong pinisil. "What is the cause of all this?"

Nagpahid muna siya ng mga luha. "Promise you wont tell Mom and Dad?"

Tumango ito.

At sa nanginginig na tinig dahil sa pag-iyak ay sinabi niya sa Lola Val niya ang lahat-lahat.

Makalipas ang ilang sandali'y nagpakawala ito ng malalim na paghinga bago nito ini-tuon ang tingin sa TV screen. Alam niyang wala roon ang pansin ng lola niya, at alam niyang sa mga sandaling iyon ay nag-iisip na ito ng sasabihin.

Hanggang sa...

"Rebuilding trust when it's been broken is not dependent only on the person who has broken it, or how many times they can prove they are honest. It depends on the person who has decided not to trust anymore. And it is you, hija." Bahaw na ngumiti si Lola Val. "Though your decision not to trust again is justifiable, this will also cost your marriage. Because... if you choose not to trust your husband again, your relationship has no hope of survival and should be ended. Kung hindi ay lagi mo lang sasaktan ang sarili mo, at lagi lang kayong mag-aaway. If.. and when you decide to trust your husband again, that's where hope is reborn."

Napatitig siya sa Lola Val niya, pilit na ini-re-rehistro sa isip ang mga sinabi nito.

"Try to make your marriage work, hija. Van is a good man but he isn't perfect. Lahat ng tao ay nagkakamali, pero lahat ay may pagkakataong magbago at ayusin ang pagkakamaling iyon. If Van said he would make up for everything, give him a chance to do that. Give him enough time to prove to you that he is worth the second chance. Ang pagbabago ay hindi agaran, Demani. Hindi por que nagkamali siya kahapon at nangakong magbabago ngayon ay may resulta na kaagad kinabukasan. It takes time. And the trust takes time to rebuilb. Kung ang bahay nga na dumaan sa renovation ay nangangailangan ng sapat na panahon, ang magandang relasyon pa kaya?"

Napasinghot siya at tuluyan nang tumigil sa pagluha.

Muling pinisil ni Lola Val ang kaniyang kamay.

"I'm pretty sure that if you and Van would be able to get through this... your relationship will be better than before. Tulad din ng isang bahay na dumaan sa renobasyon. And hija... try to listen before you speak. Minsan, ang mga salitang binibitiwan natin na nakasakit sa iba ay hindi na natin mababawi pa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro