CHAPTER 060
FULL CHAPTER CAN ONLY BE FOUND ON MY FACEBOOK VIP GROUP - PM ME FOR DETAILS
*
*
*
"Let's talk about it tomorrow, Demani. I'm tired."
Lalong nag-init ang ulo niya.
Tired.
Of course.
Galing kay Tara, eh.
Tuluyan nang kumalas ang pagtitimpi niya. Sa nagdidilim na tingin at hinablot niya ang isang porcelaine jar na nakapatong sa end table na malapit sa kaniya at ibinato sa direksyon ni Van. At dahil may kabigatan iyon ay hindi niya nagawang ibato sa kinauupuan mismo ng asawa. Bumagsak lang iyon sa marbled floor ilang dipa mula kay Van.
Nabasag ang jar, at marahas na napaharap si Van sa pagkagulat.
"What the hell, Demani?" anito; gulat at nagtataka.
"I want to talk about it now, Van!" sigaw niya, nag-aapoy na ang kaniyang mga mata sa galit. "Ano'ng ginawa ninyo ni Lara kaya pagod na pagod ka, ha? Sagot!"
Napatayo ito, ang basong hawak ay iniwan nito sa counter at humakbang palapit sa kaniya.
"No!" She pointed her index finger at him. "Don't you dare come near me or I'll scream!"
"Bakit, hindi ka pa ba sumisigaw sa lagay na iyan?" anito, tumaas na rin ang tinig. "What the hell is wrong with you, Demani? Bakit kailangan mong magbasag—"
"Bakit kailangan mong magsinungaling?! 'Yan ang tanong ko sa'yo!"
Nagpakawala ito ng malalim na paghinga. Pilit na pinapahinahon ang sarili. "I am not answering any of your questions if you keep yelling at me—"
Nahinto ito nang humakbang siya patungo naman sa isa pang side table kung saan nakapatong ang mga picture frames. Doon sa mga frames nakalagay ang mga larawan nilang mag-asawa at lumang larawan ni Van kasama ang mga magulang. Bago pa niya napigilan ang galit ay tinabig niya ang mga iyon, dahilan upang magsibagsakan sa sahig at katulad ng jar ay nabasag.
"Demani, stop!" ani Van, hindi magawang lumapit dahil nagkalat na sa sahig sa pagitan nila ang mga bubog mula sa mga nabasag na frames at jar. Napatingin ito sa isang frame kung saan naroon ang larawan nito noong bata pa kasama ang mga magulang.
That triggered Van. Tinapunan siya nito ng masamang tingin.
"I told you that I'm tired; if you want us to talk let's do it tomorrow when your mind is clear. Hindi mo kailangang basagin lahat ng gamit dito sa bahay!"
"No, Van. Ngayon mo ako kausapin! Ngayon mo sabihin sa akin kung ano ang ginawa ninyo ni Lara kaninang umalis ka sa opisina. Pinagod ka ba niya nang husto kaya ayaw mo akong kausapin? Bakit hindi mo rin sabihin sa akin ngayon kung ano ang ginawa ninyo noong Sabado, ha? Akala mo ba ay hindi ko alam na magkasama kayo?"
Nagsalubong muli ang mga kilay nito; nagugulat sa mga naririnig mula sa kaniya.
"How did you..."
"Oh, 'di ba? Hindi mo mapasubalian ang sinabi ko dahil totoong kayo ang magkasama!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro