Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 058


MAGAAN ANG PAKIRAMDAM NA BUMANGON SI DEMANI KINABUKASAN. Paggising niya ay wala na si Van sa kaniyang tabi—na hindi na rin naman bago dahil araw-araw na ganoon ang routine ng asawa.

Nakangiti siyang nag-inat bago bumaba sa kama at dumiretso sa banyo. Naligo siya; kailangan niyang magmukhang presko sa harap ng asawa sa araw na iyon.

Siguradong tinapos nito ang trabaho kagabi kaya baka may oras ito sa araw na iyon. Nagbago siya ng isip; yayaain niya itong mag-on the stop out of town. They wouldn't even need to bring clothes, pupunta sila sa Zambales. Gusto niyang ipagdiwang nilang dalawa ang kaarawan nito na dapat ay kahapon. It's better late than never...

Matapos niyang makalabas sa banyo ay kaagad siyang nagbihis. She applied light make up on her face before giving herself a final look. Nang sa tingin niya'y maayos na ang itsura niya ay saka siya lumabas ng kanilang silid. Siguradong nasa home office nito ang asawa; dadaanan na muna niya ito bago siya maghanda ng almusal.

Pagdating sa second floor ay akma na sana niyang kakatukin ang home office nang mula sa ibaba ay may narinig siya. It was her husband's voice—at tila may kausap sa cellphone.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa hagdan at sandaling nahinto roon nang marinig ang nagtitimping tinig ng asawa; kay aga-aga ay pero galit na ang tinig nito.

"No. I told you, Lara, you can't do that."

Doon nanlaki ang mga mata niya.

Lara... He is still talking to Lara?

Napahawak siya sa dibdib nang pakiramdam niya'ng tila may sumipa roon.

Gusto niyang umatras at bumalik sa itaas—hindi niya kayang makinig. Ayaw niyang makinig. Mas maiging wala siyang alam.

"Stay right there, okay? Don't do anything stupid—pag-usapan nating dalawa kung ano ang gusto mong mangyari. Okay?"

Oh, para na siyang hinihila ng mga paa niya pabalik sa silid nila sa itaas. She couldn't handle what she was hearing. Subalit ayaw makisama ng katawan niya. Ayaw gumalaw, ayaw umalis. Bagkus at naglakad pa siya patungo sa puno ng hagdan, at nang marating iyon ay maingat na bumaba. She was trying not to make any noice so Van's call with his mistress wouldn't be disturbed.

Nasa gitna na siya ng hagdan nang marinig ang asawang nasa living room. Yumuko siya upang silipin ito, at nang makitang nakatalikod ito sa hagdan at nakaharap sa minibar ay nanatili siya sa kinatatayuan.

"Fine, Lara. I'll be there this morning so don't do anything, okay? We will talk about it. Just wait for me there."

Napaatras siya sabay takip sa bibig. At nang matapos ang tawag ay mabilis siyang tumalikod at bumalik sa itaas.

Oh, sana'y bumuka ang lupal lamunin siya, at hindi na ibalik pa sa lugar na iyon. O hindi kaya'y sana may bumagsak na bulalakaw sa bahay nila at kasama silang masunog nang buhay ni Van.

She felt like dying. All her hope went down the drain.

Sa mabigat na dibdib ay bumalik siya sa kanilang silid at nagkulong sa banyo. Ni-lock niya ang pinto at binuksan ang shower. Tulad ng inasahan niya, ilang sandali pa, ay pumasok si Van sa silid at kinatok siya.

Naka-upo siya sa toilet bowl at tahimik na lumuluha. Naka-ilang lunok na muna siya bago sumagot.

"Yes?" Her voice was hoarse, at umasa siyang hindi iyon mahimigan ni Van.

"I'm sorry but I have to leave this instant, hon. Don't worry, though. I'll be back after lunch."

She swallowed the lump in her throat. "Where are you going?'

"I'm going to meet Attorney Salviejo about some documents that I worked on last night. This is gonna be a quick meeting; I'll see you later, okay?"

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil muli na naman siyang naiyak. Itinakip niya ang isang palad sa bibig upang ikubli ang kaniyang pag-hikbi.

"Hon?" ani Van sa labas ng pinto, muling kumatok.

Naka-ilang hugot muna siya ng malalim na paghinga, nagpahid ng mga luha, bago sumagot.

"Yeah, go on. I won't be cooking lunch so just eat out."

"Okay, hon, I'll see you later. I love you."

Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ng silid ay doon lang niya pinakawalan ang kaniyang pag-iyak. She was so heartbroken she couldn't help but curse him.

Fuck you, Van. I fucking hate you now.

*

*
*

SINULYAPAN NI DEMANI ANG ORAS. Pasado alas otso na ng gabi.

At kadarating lang ni Van.

Ang sabi nito'y sandali lang itong makikipagkita kay Attorney Salviejo, pero inabot ng gabi.

Gusto niyang balutin ang mga gamit nito at palayasin na. Alam niyang hindi ito kay Attorney Salviejo nakipagkita kund hindi kay Lara. She heard the call. She heard what he said. At ilang oras niyang iniyakan iyon kanina matapos itong umalis. Pero minabuti niyang itigil ang pagpalahaw dahil ayaw niyang makita nito ang magiging itsura niya pagkatapos. She didn't intend to let him know that she heard him. Hindi niya sasabihin dito na alam niya kung saan talaga ito nanggaling.

Susubukin niya ang katapatan nito. Kapag nagsabi ito sa kaniya ng totoo sa gabing iyon ay patatawaran niya ito. Maaaring nakipagkita ito kay Lara dahil sa kondisyon nito. Considering how worried Van sounded during the phonecall, baka may nangyari sa dinadala ni Lara. At baka kaya nagsinungaling ang kaniyang asawa ay dahil ayaw nitong sirain ang muling pagkakabati nila.

Damn it; they made love again last night after two weeks of her putting a wall between them. Akala niya ay magiging maayos na ulit sila pero nangyari na naman ito. Sinusubukan talaga sila ng tadhana.

But if Van wouldn't tell her the truth, bahala na ang Diyos sa gagawin niya.

Narinig niya ang pagbukas ng front door. Nasa kusina siya at nakaupo sa harap ng mesa. May inihanda siyang hapunan pero para lang dito; wala siyang gana. She had a cup of tea in front of her, though.

Ilang sandali pa'y lumusot si Van sa kitchen entry. Nilingon niya ito at nakita niya ang pagbagsak ng mga balikat nito. Nasa anyo ang pagod at pagkabahala.

"I'm sorry, ginabi ako," anito saka itinuloy ang pagpasok. May dala itong bulaklak na inilapag nito sa harap niya.

Akala yata nito ay madadala siya sa pabulaklak.

"How was your meeting with Attorney Salviejo?"

Nahinto si Van at hindi kaagad nakasagot. Pero ilang segundo lang ay muli itong nagsalita. "Pumunta kami sa opisina at nadagdagan ang mga ginawa namin. I tried calling you but you weren't answering your phone. I was worried that something might have happened—"

"You're always worried; hindi na ako bata, Van." Tumayo siya at dinala ang tasa niya sa lababo. Ibinuhos niya ang laman niyon saka hinugasan.

"It worries me kapag hindi ka nakasasagot sa mga tawag ko—"

"Narito lang ako sa bahay—nagsasabi naman na ako sa'yo kapag aalis ako, 'di ba?"

Muli ay sandaling natahimik si Van. Ang noo'y bahagyang kumulubot.

"What's wrong?" anito pagkaraan ng ilang sandali. Napansin marahil nito ang muli niyang pagtataray—ibang iba sa masuyo at malambing na siya kagabi.

"Nothing," sagot niya bago ibinalik sa cupboard ang tasa. Hindi na niya ito sinulyapan pa nang humakbang siya patungo sa pinto ng kusina. "Kumain ka na; initin mo na lang 'yang pagkain."

Palabas na siya nang sundan siya nito at hawakan sa braso. Nahinto siya subalit hindi ito hinarap.

"You should at least answer my calls, Demani. Hindi iyong pinag-aalala mo ako. At kung nagagalit ka na naman sa akin dahil hindi ako nakauwi nang maaga, I'm sorry, okay? That was why I called you earlier to inform you. Umasa akong kapag sinabi ko sa'yo ay hindi ka magagalit." Masuyo at banayad ang tinig nito na tila nakikipag-usap sa isang bata.

Well, hindi ko sinagot ang mga tawag mo dahil mainit pa ang ulo ko kanina at baka mamura lang kita. She decided not to say that. "Bakit hindi mo na lang tuparin ang mga sinasabi mo, Van, para wala tayong gulo?"

Napabuntonghininga ito. "I'm sorry, okay? Something just came up kaya hindi ako kaagad nakauwi."

"Of course." She scoffed and pulled her arm away. "I'm going to rest so just eat up and do the dishes." Tumalikod na siya bago pa siya may masabing kung ano.

Hinintay niyang may sabihin ito. Hinintay niyang magsabi ito ng totoo. Pero hindi nangyari iyon.

She knew... She just knew that Van was with Lara the whole day. Maiintindihan niya kung tungkol sa dinadala ni Lara ang dahilan kaya ang mga ito magkasama; maiintindihan niya kung ipaliliwanag nito. Pero hindi. He chose to lie.

At kung anomam ang dahilan ni Van para magsinungaling ay hindi nakatutulong para maayos nila ang kanilang pagsasama.

Marriage would never work with love alone; honesty was one of the baselines for it to prosper.

Honesty. Something her husband didn't possess.



IMPORTANT NOTE:

Full Chapters 059 to 082 are exclusively available on my Facebook VIP Group. Next chapters will feature excerpts only.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro