CHAPTER 056
"BAKIT PARANG AYAW MO, VAN?" tanong niya nang makitang sandaling natahimik ang asawa matapos ang sinabi niya.
Napakurap ito at tinitigan siya nang matagal. Hanggang sa,
"Are you... sure about that?"
Tumango siya.
"But that would only remind you of..."
"Of your betrayal?"
Muli ay naitikom ni Van ang bibig. Nakita niya ang pagdaan ng hapdi sa mga mata nito subalit hindi niya iyon hinayaang makaapekto sa katatagan ng puso niya sa mga sandaling iyon. She had already prepared herself for this day—for this another confrontation. At nangako siya sa sariling hindi na siya iiyak pa sa harap ng asawa.
Besides, naroon siya upang harapin ito at tulungang makagawa ng solusyon sa problema kay Lara. Naroon pa rin ang sakit na inidulot nito sa kaniya, ang sakit na inidulot ng pagtataksil nito. Pero naroon pa rin ang pag-ibig niya sa asawa. Nakikita niya at nararamdaman ang pagsisisi nito kaya handa siyang magpatawad—and some people may not understand it, but she still loved him and she was still hoping for them to build a family together. At naroon siya sa harapan nito ngayon upang tulungan itong masolusyunan ang 'problema' kay Lara.
Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na niya ipamumukha rito ang kasalanang nagawa? Her husband had a lot to pay for...
"The baby would remind you of your betrayal, Van," dagdag niya. "Kapag nasa poder natin ang bata ay gusto kong makita mo araw-araw ang resulta ng pagtataksil mo."
"Demani, please... can't we just move on? I can't look that baby in the eye if he lives with us. And aren't we planning on having our own children? Let's focus on that—let's focus on rebuilding this home, this family that we have. Kahit araw-araw sa buong buhay ko ay humingi ako ng tawad sa iyo ay gagawin ko—just... just let go of this and move on.Dahil ako... sinisikap ko. Dahil mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Sinisikap kong umusad at kalimutan ang kasalanang ginawa ko. So, please, Demani. All I really wanted is for us to move on—and I promise you. I promise you that this would never happen again. I will never hurt you again. I promise..."
Punong-puno ng emosyon ang bawat salitang lumabas sa mga labi ni Van. Kahit sa mga mata nito'y makikita ang pag-sisisi, ang lungkot at hapdi, kasama na ang pangako. Patunay iyon na seryoso ito sa mga sinabi.
And her stupid, fragile heart was slowly giving in.
Then, she let out a sigh.
"I... will do my best to forget, Van," aniya sa banayad na tinig; wala na ang pang-uuyam, wala na ang sarkasmo. "Kaya ako narito ay dahil nakahanda na akong magpatawad at umusad. Pero hindi ko alam kung kailan ko makakalimutan ang nangyari."
Naupo ito sa tabi niya; hindi pa rin nito binibitiwan ang kaniyang kamay. Sumunod ang tingin niya rito.
"And I promise to do my best to make you happier than we used to. Maaaring sa ganoong paraan ay tuluyan mo akong mapatawad at pareho nating makalimutan ang masalimuot na yugtong ito ng pagsasama natin." Yumuko si Van at hinalikan ang likod ng kaniyang palad. "I love you so, honey. I love you..."
And when Van bent his head to kiss her lips, she moved away.
Hindi pa siya handa.
Matapos ang ginawa nitong pagtataksil, hindi pa siya handang tanggapin ang mga halik nito.
Paiwas ang tingin na pinakawalan niya ang kamay at tumayo. Naglakad siya patungo sa banyo. "I'm going to wash up and sleep early."
Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at pumasok na siya sa pinto ng banyo.
Sa loob ay hinarap niya ang sarili sa salamin.
She looked like a mess.
Walang-wala sa glamorosang mukha ni Lara.
Nang muling naisip ang magandang mukha ng babaeng iyon ay pinamunuan ng luha ang kaniyang mga mata.
No, she wouldn't cry over that biatch again. Never again.
Inis niyang binuksang ang vanity kit saka kumuha ng dalawang tableta—isa na gamot niya para sa stress at isang pampatulog.
*
*
*
ANG SUMUNOD NA MGA ARAW AY NAGING MABIGAT PARA KAY DEMANI. Magkatabi silang matulog ni Van subalit lagi siyang nakatalikod dito. She refused any physical contacts with him, and she didn't allow him to hug her during the night.
Sa umaga'y dating gawi siya. Gigising upang maghanda ng almusal, hihintayin itong bumaba para makapag-almusal sila. They would eat together at the table, and Van would open up a topic to engage with her. Maliban sa pagtango at pagkibit ng balikat ay kay titipid ng mga sagot niya. Pero patuloy pa rin ito. Kombinsido itong bumawi kaya hinahayaan na niya.
Sa maghapon, kapag nasa trabaho ang asawa ay lumalabas siya at pumupunta sa bayan ng Antipolo para mamili o mag-ikot-ikot. Her driving skills had gotten better. Minsan ay makararating siya sa Metro at doon na magpapalipas ng buong maghapon, minsan nama'y nasa bahay lang siya at nakahiga sa rattan swing na nasa library at nakatanaw sa mga naglalakihang mga puno na nakapalibot sa kanilang bahay sa pamamagitan ng glass wall. Pagdating ng alas-sinco ay saka lang siya bababa upang maghanda ng hapunan.
Darating si Van ng mas maaga kompara dati. Alas seis pa lang ay nasa bahay na, at araw-araw ay may dalang bulaklak para sa kaniya. She would accept them and thank him pero hanggang doon lang muna. He remained sweet and caring, but she became stone-hearted and nonchalant.
They would talk over dinner, pero tulad sa almusal ay tamang tango at tipid na tugon lang siya. Pagkatapos ay magpe-presenta si Van na ito na ang bahala sa kusina pagkatapos ng hapunan, at hinahayaan niya ito.
Maaga siyang nagpapahinga kaya sa tuwing papasukan siya ni Van sa kwarto ay tulog na siya. Kung minsan ay nagkukunwari na lang upang hindi na sila mag-usap pa.
Sa loob ng dalawang linggo ay ganoon ang routine nila. At sa loob ng mga araw na iyon ay hindi na muli nila binuksan ang topiko tungkol kay Lara. Van said he was coordinating with Attorney Salviejo in terms of Lara's welfare and the child she was carrying. Siniguro sa kaniya ni Van na hindi na ito nag-uusap pa at si Lara.
For two weeks, she treated her husband as an enemy; sometimes a stranger. She was cold and nonchalant. Their routines continued to flow like that for two, long weeks...
Until one night... Van came home late. And she was fuming in anger.
Nakahalukipkip siyang nakatayo sa gilid ng nakabukas na front door habang hinihintay ang pagbaba nito sa kotse. She was ready for a confrontation. Wala itong pasabi na gagabihin.
Bumaba si Van sa kotse bitbit ang isa na namang boquet ng bulaklak at isang box ng cake. Naglakad ito patungo sa front door, at nang umangat ang tingin nito at nakita siya ay sandaling nahinto. Pagod na pagod ang itsura nito, at tila malungkot. Pero nagawa pa rin nitong magpakawala ng ngiti nang ituloy nito ang paghakbang.
Ilang dipa na lang ang layo nito mula sa kaniya ay nagsalita siya.
"Where have you been?"
"Nagkaroon ng kaunting party sa opisina—my employees gave me a surprise party."
Nagtaas siya ng ulo. "And you didn't bother to tell me?"
Natahimik si Van subalit ang mga mata'y nanatili sa kaniya. Ilang sandali pa'y bumuntong hininga ito. "I didn't expect you to wait."
"Kahit na! You should at least tell me, 'di ba? Alam mong nagluluto ako ng hapunan. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako nag-abala; I just wasted my time and effort!" Tumalikod siya at iniwan ito.
Tinungo niya ang kusina upang iligpit ang mga niluto niya para sana sa hapunan. Hindi na rin iyon mainit dahil kanina pang alas seis naka-hain ang mga iyon sa hapag. Ano'ng oras na, tapos ay sasabihin lang nito sa kaniyang sa party galing?
Kung paano lang niyang ini-silid ang dalawang klase ng ulam sa dalawang magkaibang plastic container. At habang ginagawa niya iyon ay naramdaman niya ang pagpasok ng asawa sa kusina.
"You're right," anito. "I should have called and told you. Believe me, ilang beses ko ring naisip na gawin iyon pero... hindi ko alam kung anong tugon ang matatanggap ko mula sa'yo. I was worried you would say nothing and end the call, or give me a nonchalant response. Baka... malungkot lang ako."
"Don't give me that stupid reasoning, Van. Nagpapaawa ka para hindi ako magalit sa'yo—come on. Stop using reverse psychology on me." Padabog niyang binuksan ang fridge saka kung paano na lang na ini-itsa sa loob ang dalawang plastic containers na pinagsidlan niya ng dalawang ulam. Padabog niya rin iyong inisara, pagkatapos ay hinarap niya ang asawa at tinaasan ng kilay.
"Did you meet with Lara?"
Muling bumuntonghininga si Van. "No, Demani."
"Kung gusto mong makipagkita sa kaniya ay magsabi ka lang, hindi mo kailangang magsinungaling. Geez." Muli siyang tumalikod at padabog na hinugasan ang dalawang bowl na pinaglagyan niya ng mga putahe.
Si Van ay lumapit sa mesa at inilapag ang mga dala roon. "Today is my birthday, Demani..."
Natigilan siya. Para siyang makina na biglang pinatay at hindi na nakakilos.
Makalipas ang ilang sandali ay nilingon niya ang asawa at nakitang nakatitig sa kaniya. Nasa mesa na ang bitbit nitong cake subalit nasa kamay pa rin ang mga bulaklak.
"I understand that you lost your trust in me, but wether you believe it or not, I am not doing anything behind your back. Hindi ako kaagad nakaalis sa opisina dahil nang bandang paalis na ako ay saka naglabas ng sorpresyang selebrasyon ang mga empleyado ko. They celebrated with me and I thought I'd give you a call." Van let out a sad smile. Bahagya itong yumuko. "Sa nakalipas na mga araw ay halos hindi kita makausap; wala akong narinig sa'yo. Sa tuwing sinusubukan ko ay kay tipid ng mga tugon mo; minsan ay wala o sapilitan pa. Nag-atubili ako kaninang tawagan ka dahil nag-aalala ako sa magiging tugon mo... Baka hindi pa tapos ang sinasabi ko'y bagsakan mo lang ako ng telepono. At ayaw kong makaramdam ng lungkot sakaling gawin mo iyon. Today is my birthday and I wanted to at least be happy about it. Besides, I haven't heard from you all day; umaasa akong kahit papaano ay makaririnig ako sa'yo ng pagbati."
Inilapag nito ang bulaklak sa tabi ng cake.
"The cake was bought by Michelle—ang sabi niya'y dalhin ko rito para makapag-celebrate tayong dalawa." This time, he let out a bitter smile. "Kahit ang sekretarya ko ay alam na hindi tayo maayos."
Napahakbang siya. Gusto niyang sumagot subalit hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Para siyang tinataga sa dibdib sa mga sandaling iyon. She felt so guilty.
"I'm going upstairs," ani Van makaraan ang ilang sandali. Isang buntonghininga pa ang muli nitong pinakawalan. "May tatapusin akong trabaho kaya doon muna ako sa home office. Bukas ay Sabado, kaya kung may gusto kang gawin, let me know. I'm free the whole day tomorrow."
Hanggang sa tumalikod ang asawa ay hindi siya nakapagsalita. Nanatili lang siya sa kinatatayuan at sinundan ito ng tingin.
Makalipas ang mahabang sandali ay saka lang niya nagawang kumilos muli. Lumapit siya sa mesa at dahan-dahang kinuha ang bulaklak saka sinampyo.
It was her husband's birthday... pero siya pa rin ang inalala nitong dalhan ng bulaklak...
Oh, what have I done...?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro