CHAPTER 055
ISANG LINGGONG NANATILI SI DEMANI SA BAHAY NG MAG-ASAWANG JIMMY AT MAUREEN. At sa loob ng mga araw na iyon ay wala itong ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto at iyakan ang asawa.
Si Maureen ay nanatili sa tabi ni Demani upang subaybayan at gabayan ang pinsan. Naroon ito upang siguraduhing maayos ang lagay ni Demani; pinaghahati ang katawan sa pagiging asawa, ina, at tagasubaybay. Nais ni Maureen na siguraduhing balanse pa rin si Demani mag-isip.
Maureen was scared for Demani to end up like Cori. Hindi nagkakalayo ang sitwasyon ng mga ito.
Ang kaibahan lang ng dalawa ay handa si Demani na magkwento at makinig sa mga payo. Nakikinig ito at nagkukwento; iyon ang mahalaga. It was important for her to get back on track, to feel that she wasn't alone. To feel supported. Importanteng balanse pa rin ang isip nito at nanatiling may pag-asa.
Walang balak si Demani na ipagsabi sa ibang miyembro ng pamilya ang nangyayari rito. Sa mga sandaling iyon ay si Jimmy at Maureen lang ang may alam. Demani didn't want to worry her parents, lalo na si Lola Val na patuloy pa ring nagpapagaling.
Sa loob ng isang linggo ay dalawang beses na tumawag si Demani sa mga magulang upang mangamusta. At sa bawat pagkakataong iyon ay pilit nitong pinasisigla ang paos na tinig upang hindi mahalata ng mga magulang ang pinagdadaanan nito.
As for Van... Well, he would call many times a day; subalit si Maureen ang laging nakakausap nito. He was checking on Demani, see how she was doing and if she was ready to speak to him.
Nanatiling neutral si Maureen kay Van, hindi nagpakita ng galit o sama ng loob. For Maureen, the coin always had two sides. Nasabi na rin ni Demani kung ano ang nangyari, at para kay Maureen, kung nanghingi na rin naman si Van ng tawad, inamin ang pagkakamali, at nakahandang bumawi, ay may pag-asa pang maayos ang pagsasama ng dalawa.
But that was just Maureen.
Iba rin ang mindset ni Demani.
At hindi rin naman masisi ni Mau si Demani na magdamda o magalit nang husto—dahil ito ang asawa at may karapatan itong masaktan nang ganoon.
Demani's pain was valid.
Pagdating ng ika-pitong araw ay lumabas si Demani sa guest room. Sa nakalipas na mga araw ay iyon pa lang ang unang labas nito. Nilapitan nito si Maureen na nakaupo sa sala at nagbi-breast feed sa anak na natutulog. Tahimik na naupo si Demani sa kaharap na single sofa at sandaling pinagmasdan si Maureen at ang anak.
Mau just smiled at her cousin as she continued to nurse her child.
Demani was looking, wondering how Mau felt while holding her baby. Bumalik sa isip ang nangyari sa dinadala, at ang sakit ay muling gumuhit sa dibdib.
Demani couldn't help herself from shedding a tear; at nakita iyon ni Maureen.
"Hey," ani Mau sa pabulong na paraan. "Hindi pa rin ba nauubos ang mga luha mo?"
Bahagyang natawa si Demani habang pinapahiran ang mga luha.
Malungkot na ngumiti si Mau. "What are you thinking?"
Demani shrugged. "About the baby the I lost..."
"Kaya ka naluha?"
Tumango si Demani.
"Hindi ka na umiiyak dahil kay Van?"
Sandaling nag-isip si Demani bago sumagot. "I could still feel the pain, but I have stopped crying since yesterday afternoon."
"What's your plan now?"
Huminga muna nang malalim si Demani, sumandal upang i-relax ang sarili, saka sumagot. "Gusto kong malaman kung ano ang plano ni Van kay Lara at sa batang dinadala nito."
"Are you... going to forgive and get back with him?"
Sa naging tanong ni Maureen ay hindi napigilan ni Demani ang muling pamumuo ng luha sa mga mata. "Sobra ko pa rin siyang mahal kahit ang sakit-sakit, Mau. And I can't give up on him—I cant give up on our marriage."
Nakakaintinding tumango si Maureen; walang panghuhusga. "Lagi siyang tumatawag para kumustahin ka; laging tinatanong kung ano ang kalagayan mo at kung kumakain ka. He is very worried about you, and he cares a lot, Dems. Nagkamali siya minsan, humingi siya ng tawad at nangakong babawi sa naging kasalanan. Ikaw pa rin ang magde-desisyon dahil buhay mo 'yan, pero kung ako ang tatanungin mo, you two are worthy of the second chance."
Muling nagpahid ng luha si Deman nang bumagsak ang mga iyon sa namumutlang pisngi. "I will... speak to him later. At sasabihin ko ang... naging pasiya ko. Pero gusto kong malaman kung ano ang balak niya sa batang dinadala ni Lara. Kung... Kung magiging ama siya sa batang iyon ay hindi imposibleng magkita silang muli ni Lara. Paano kung sa kalaunan ay... ay..."
"Hey... One thing at a time, Demani. Ang una mong gawin ay kausapin ang asawa mo. Pag-usapan ninyo kung papaano ninyo maaayos ang pagsasama ninyo. And then, allow him to make up for everything. Build that trust back again—maaaring hindi na tulad ng dati, but at least try to recover what you both have lost. And then, saka mo na alalahanin ang iba pa. Kumbaga... kung sa bahay pa, itayo mo munang muli pagkatapos ng sakuna, at saka mo lagyan ng mga bagong kagamitan."
Natahimik si Demani. Pinag-isipan ang mga sinabi ni Maureen.
Hanggang sa...
"Sa tingin mo ba ay... wala na akong dapat ipag-alala kay Lara?"
Ngumiti si Maureen. "Van chose you. And that's more than enough answer to that question, Demani."
Naluluha siyang napangiti. Muli niyang pinahiran iyon saka tumayo na. "Can I borrow your phone?"
"Sure, kunin mo na lang doon sa kusina; naiwan ko yata sa mesa. Tatawagan mo ba si Van?"
Tumango siya. "Magpapasundo ako."
*
*
*
TAHIMIK NA PUMASOK SI DEMANI SA SILID NILANG MAG-ASAWA AT sandaling nahinto sa gitna niyon upang suyurin ng tingin ang paligid. She missed it; she missed its smell, the comfort it brought her... Isang linggo lang siyang nawala pero pakiramdam niya'y isang taon siyang lumayo sa bigat ng nararamdaman niya.
Si Van na nakasunod sa likuran niya bitbit sa isang kamay ang maliit na maletang dala niya sa pag-alis ay nahinto rin. Ramdam niya ang mga titig nito sa kaniyang likuran.
Isang buntonghininga muna ang pinakawalan niya bago niya itinuloy ang paglalakad. Naupo siya sa kama nang marating iyon at hinarap ang asawang nanatiling nakatayo sa pinto. Van's face was filled with many emotions.
Isa sa mga iyon ay ang pag-asa.
Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
"Let's talk."
Tumango ito at inisara muna ang pinto. He placed her luggage bag on the floor, pulled the chair from her vanity table, and placed it in the middle of the room.
Nang maupo ito'y saka siya muling nagsalita.
"Let's go straight to the point," she started. "Ano ang mangyayari sa inyo ni Lara ngayon?"
"I havent seen nor spoken to her since the day we had dinner with you. Pero ang huling napag-usapan namin ay itutuloy niya ang pagdadalangtao at susuportahan ko ang bata; and I will remain married to you."
Tumango siya. "Are you going to... build a relationship with Lara for the kid?"
"A relationship?"
"As the kid's parents, you two must talk about the wellfare and the future of your child. Natural na kailanganin ninyong bumuo ng... relasyon."
Napabuntonghininga si Van, nasa anyo nito ang paghihirap. Nakikita niya sa anyo ng asawa ang hindi mawala-walang pagsisisi sa ginawa, at lungkot na marahil dahil sa nangyayari sa pagsasama nila.
She had also noticed his weight loss. At nangingitim ang ilalam ng mga mata nito marahil sanhi ng kakulang sa tulog. "Lara and I havent talked about it yet, but as the kid's parents we must be responsible when it comes to our roles. Maliban sa pagiging magulang ay wala na kaming ibang magiging relasyon. We are no longer friends."
"Does Attorney Salviejo know?"
"Yes. I spoke to him."
Tumango siyang muli. "Paano kung... may gawin siya sa batang dinadala niya?"
"Attorney Salviejo will make sure it won't happen." Tumayo si Van at lumapit sa kaniya; patingkayad itong naupo sa harapan niya saka ginagap ang kaniyang kamay. "Demani," he started, "I will handle my mess, don't worry about it. Sisiguraduhin kong aalis ng bansa si Lara, kung kinakailangang bigyan ko siya ng malaking allowance buwan-buwan at bigyan ng masaganang buhay roon para hindi manggulo at ayusin ang pagpapalaki sa bata ay gagawin ko. Sinabi ko na rin kay Attorney Salviejo ang mga plano ko kaya h'wag mo nang isipin iyon. He will help me sort Lara. Wala kang kailangang ipag-alala. What we should work out is our marriage—"
"Naroon na ako, Van. Pero ayaw kong pabayaan mo rin ang anak mo sa kaniya; that's not how a father should treat his child. "
Naguluhan ito. "Ano ang... gusto mong gawin ko?"
"Sabihin mo kay Lara na kukunin mo ang bata matapos niyang manganak; for sure wala siyang pakealam sa bata dahil pinagbantaan ka niyang ipalalaglag kung hindi siya ang pipiliin mo, hindi ba?"
"You want the child to..."
"To grow up in this house—with you."
"And with you, too?"
Sandali lang siyang nag-atubili bago tumango. "Yes. With us."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro