Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 054







TULOY-TULOY ANG PAGBAGSAK NG MGA LUHA NI DEMANI habang pigil-pigil siya ni Van. Mahigpit na nakayakap ang mga braso nito sa kaniyang bewang habang ang ulo ay nakapatong sa kaniyang balikat. He was crying; she could tell. Ramdam niya sa paraan ng paghinga nito at pagyugyog ng mga balikat ng asawa.

Pero wala siyang planong bumigay sa pagda-drama nito.

Walang kabayaran ang panlolokong ginawa nito sa kaniya.

Pilit siyang nagpumiglas at inalis ang mga kamay nitong nakayakap sa kaniya. Subalit lalo lang hinigpitan ni Van ang pagkakahawak nito; ayaw siyang pakawalan.

Pero ayaw rin niyang manatili sa mga bisig nito sa mga sandaling iyon. Nandidiri siya rito; sa kawalanghiyaan nito.

Ayaw niya itong makita.

Ayaw niya itong marinig o maramdaman.

H'wag muna.

H'wag muna matapos niyang ma-kompirma ang balitang nakarating sa kaniya.

Somehow, deep inside her, she hoped that he would deny her allegations. That he would ask her what she was talking about and that she was crazy for even thinking that he'd do such thing. Pero anong sakit ng dibdib niya na imbes magalit ito at itanggi ang mga alegasyon niya ay humingi na lang ito ng tawad.

Which only meant one thing.

He was confirming that he did cheat on her.

At lalo siyang naiiyak kapag naiisip niya iyon.

"I'm sorry, Demani. I'm so sorry..."

"Let go of me," naiiyak niyang utos habang patuloy sa pagtanggal ng mga braso nito sa bewang niya.

"No," he answered as his voice continued to quiver. "Please, don't go."

"I can't stay," she said, crying still.

"If I let you go now I know I won't see you forever..."

Habang yakap siya nito'y humarap siya—at wala na siyang pakealam kung ano ang anyo niya sa mga sandaling iyon sa harap nito.

Nanlalabo ang mga tingin niya kaya hindi niya nakita ang luhaan ding mga mata ni Van. Tumaas ang mga kamay niya at hinablot ang suot nitong T-shirt.

"Why? At least tell me why?"

"I will tell you why, okay? But please promise you won't leave." Nasa tinig nito ang pagmamakaawa.

Patuloy lang siya sa pagluha. Hinang-hina na siya sa pag-iyak magmula pa kahapon. "Why did you do it?"

Huminga nang malalim si Van saka hinawakan ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa damit nito. Ibinaba iyon ni Van.

"I need you to calm down first and—"

"You don't set the rule, Van. I want to know now."

Natigilan si Van sa tono ng pananalita niya.

"Totoo bang nagdadalangtao si Lara, Van?"

Nang makita niya ang pagkagulat sa anyo ng asawa at ang muling pagkatigalgal ay muli siyang naiyak.

Sinubukan siya nitong aluin. "Honey—"

"H'wag mo akong ma-honey-honey, hayop ka!" Itinulak niya ito nang ubod ng lakas na ikina-atras ni Van. Napabitiw ito at sinamantala niya ang pagkakataong iyong upang tumakbo palabas. Naramdaman niya ang paghabol nito kaya binilisan niya ang pagtakbo subalit inabutan pa rin siya nito at muling kinabig.

Doon siya pumalag nang pumalag hanggang sa mabitiwan na naman siya nito. Pero hindi siya kaagad na tumalikod—sa labis na galit, sama ng loob, at panggigigil ay sinampal niya ito sa panga, dahilan upang matigilan ito.

"Don't you dare touch me with your dirty hands, Van Dominic Loudd!"

Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang kotseng kung paano lang niya ini-park sa garahe. Lakad takbo ang ginawa niya, at habang ginagawa iyon ay sunod-sunod siyang nagpahid ng mga luha.

Narating na niya ang kotse at nakapasok na siya sa loob. Hindi niya namalayan ang pagsunod ni Van.

Nang akma na niyang bubuksan ang makina ng sasakyan ay biglang pumasok si Van sa front seat. Tinapunan niya ito ng masamang tingin; ang kaniyang mga kamay ay ini-kuyom niya.

"Let's talk here—I will explain everything," nasa tono nito ang pagsusumamo, ang mga mata nito'y namumula na rin; ang anyo'y puno ng panlulumo.

Sunud-sunod siyang huminga ng malalim; ang mga luha'y patuloy sa pagdaloy.

"Demani," Van started. "It only happened once. Just once."

Umiwas siya ng tingin.

Once.

Pero ang isang pagkakataong iyon ay ikina-sira na ng pagsasama nila; hindi ba naisip iyon ni Van?

"I wasn't in my right mind. Lasing ako..."

She couldn't help but smirk in the middle of her cry.

Wala na bang ibang dahilan ang mga lalaki kapag nangangaliwa?

Lasing? Iyon na lang palagi?

Nagpatuloy pa si Van. Sa nangangambang tinig ay ipinaliwanag nito ang nangyari nang gabing may nangyari rito at kay Lara. Ipinaliwanag din nito na noong magising daw ito kinabukasan ay hindi kaagad naalala ang nangyari. But Lara filled him up, and that's when he realized he fucked up.

"After that day, I told her we can't see each other anymore—even just as friends. Our friendship ended there, Demani. Nothing ever happened to us again."

Marahas niyang pinahiran ang mga luha. Ang kaniyang mga mata'y nakatutok sa ibang direksyon. "Kaya ba noong bumalik ka sa ospital upang sunduin ako ay humingi ka ng tawad? Iyon ba ang ini-hingi mo ng tawad noon?"

Sa gilid ng kaniyang mga mata'y nakita niya ang pagyuko nito.

A tear fell down her cheeks again. "And there I thought you were sorry because you werent there beside me during the time I needed you. I needed you because I lost our baby, pero inintindi ko kung bakit wala ka sa tabi ko dahil alam kong masama ang loob mo sa naging kapabayaan ko. Little did I know that you were just fucking your bestfriend..."

Sinubukan siyang hawakan ni Van subalit itinaas niya ang isang kamay upang pigilan ito.

"Don't. Don't touch me, Van."

Ibinaba ni Van ang kamay at muling yumuko.

Sa sumunod na mga sandali ay nanatili silang tahimik. Naka-ilang pahid muna siya ng luha bago muling nagsalita.

"And she's pregnant, isn't she?"

Isang malalim na paghinga ang hinugot ni Van bago siya muling sulyapan. "Saan mo... nakukuha ang lahat ng impormasyong ito—"

"Just fucking answer my questions, damn it, Van!"

Muli itong napayuko; ramdam niya ang bigat ng pakiramdam nito sa mga sandaling iyon. "That's what she believes."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi yata talaga maintindihan ni Van kung gaano na naghihirap ang loob niya, tapos marami pa itong paliguy-ligoy!

"She says she was experiencing signs of pregnancy..." Van continued. "She showed me a test kit and it was... confirmed."

Hirap siyang napalunok. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang makinig.

"She made me choose between you and the baby..."

Mangha siyang nagpakawala ng pigik na tawa. Gusto niyang sapuin ang ulo dahil unti-unti na siyang nakararamdam ng sakit niyon. It was stress taking over. Gusto niyang saktan si Van sa pag-asang lumipat dito ang sakit na nararamdaman niya; not only physically, but also emotionally and mentally. Gusto niyang ibigay rito ang mga paghihirap niya.

"Gusto niyang iwan kita at pakasalan siya. Kapag hindi ko ginawa ay ipalalaglag niya ang bata."

Van just confirmed what Michelle had already told her. Hindi nga nagsisinungaling ang sekretarya nito; at nagpapasalamat siya dahil nagsabi ito ng totoo sa kaniya.

Kung hindi ay baka patuloy na magsinungaling si Van. Patuloy siyang lokohin at paikutin.

Or maybe not.

Because she knew, sooner or later, she would know the truth.

"Believe me, Demani. Sa nakalipas na mga linggo ay pilit kong kinalimutan ang nangyaring iyon at nangako akong babawi sa'yo. I am willing to pay for my sins, but please don't leave. I promise we will fix this—I promise you that we will get through this. Just... Just give me another chance."

Itinakip niya ang mga palad sa mukha, inihilamos ang mgs iyon saka hinagod ang buhok patalikod. Makaraan ang ilang sandali ay,

"Ano'ng plano mo sa batang dinadala ni Lara?"

Muling natahimik si Van; ang tingin nito'y natuon sa labas ng bintana ng kotse subalit alam niyang wala roon ang pansin nito.

Nilingon niya ito. "Sinasabi mo bang ako ang pinipili mo at hahayaan mo na lang na idispatsa ni Lara ang batang nasa sinapupunan niya?"

Muling ibinalik ni Van ang pansin sa kaniya. Their eyes met and they stared at each other for a while; ang mga mata nito'y punong-puno ng samu't saring emosyon na hindi niya binigyang pansin. Hindi siya magpapadala sa paawa nito.

She was listening to his explanation, yes, but it didn't mean she was forgiving him.

No.

At least not yet.

"I am choosing you because you are my wife, Demani. And I love you. I love you so much I can't lose you. Ang nangyaring iyon ay isang malaking pagkakamali sa parte ko; nagpadala ako sa lungkot at galit. Hinayaan kong paglaruan ng espirito ng alak ang utak ko. I have made a big mistake and I admit that, but I am willing to do everything to make up for it. To make it up to you."

"That doesn't answer my question," seryoso niyang tugon. Walang epekto sa kaniya ang sinasabi nito tungkol sa damdamin nito para sa kaniya.

Isa pang malalim na paghinga ang hinugot ni Van bago muling itinuon ang pansin sa ibang direksyon.

"I argued with Lara; I told her that I was willing to give my name to the baby, and support it for the best way I can. Sasabihin ko rin naman sa'yo ang tungkol dito, pero nauna mong nalaman. I have only learned about Lara's condition a week ago. Noong nakaraang araw, noong pumunta ka sa opisina at inabutan mo kami, we spoke about the baby. Sinabi ko sa kaniya na ikaw ang pinipili ko at gusto kong ituloy niya ang pagdadalangtao sa America. I also told her that I was planning on telling you the truth. We argued that day, Demani."

"Hindi ganoon ang ipinapakita ng ebidensyang natagpuan ko, Van," tuya niya. Ang sakit-sakit na ng dibdib niya pero patuloy pa rin ito sa pagsisinungaling!

"Ebidensya?" Van repeated, looking her in the eye.

"Nakita ko ang mantsa ng lipstick niya sa kwelyo ng poloshirt mo nang gabing umuwi tayo galing dinner."

Pinanlakihan ito ng mga mata nang may mapagtanto. "Iyon ang dahilan kaya ka umiyak at natulog sa library nang gabing iyon?"

"Itatanggi mong patuloy kayong naglalampungan ng babaeng iyon?" hamon niya.

Umiling ito. "She forced to kiss me, I moved away. I wouldn't deny the fact that Lara was flirting with me during that time. She was trying to convince me to leave you—"

"And here I thought the sex was a mistake! It seemed to me na may gusto sayo si Lara; otherwise, hindi ka niya pipilitin at lalandiin!"

"She admitted that she started to develop feelings with me after I hired her. Madalas kaming magkasama at sinabi niyang nahulog siya sa akin. Nakita niyang pagkakataon ang gabing nakagawa ako ng pagkakasala—she thought she would make me leave you and take her instead."

"She planned to seduce you, iyon ang ibig mong sabihin?"

"I wouldn't call it like that either, Demani. Ako ang... pumunta sa bahay nilang mag-ama para kausapin si Attorney Salviejo. She arrived and found me wasted. She took that chance, I took the bait."

Muli niyang sinapo ang noo.

"Demani... I will do everything within my power to fix what I broke. Don't worry about Lara; I'll sort her. Please, give me another chance."

Ang pagsusumamo ni Van ang muling nag-udyok sa mga luha niyang magsiwalaan na naman. Sunud-sunod iyong nagbagsakan.

"Honey..." Muli siya nitong hahawakan subalit muli siyang umiyak. At sa naiiyak na tinig ay,

"I want to think..." she said, crying. "Gusto kong... mag-isip at saka na gumawa ng desisyon."

"Dem—"

"Kailangan ko munang umalis. Mag-iisip lang ako at magpapalamig. Sa ngayon, Van, hindi kita kayang makita. Hindi kita kayang makausap nang normal. Ito... itong magkatabi tayo? Pakiramdam ko ay nasasakal ako. Just... leave me alone for a while so I could think and make a decision."

"But you're not leaving me, are you?" Nahihimigan niya rito ang pangamba, ang panic.

Luhaan ang mga matang binalingan niya ito at tinititigan nang diretso.

"Give me some time to think and I'll tell you."

Lalo itong nanlumo; ramdam niya at nakita ang pagbagsak ng mga balikat nito.

"You can't stay in this house, can you?"

Umiling siya at muling umiwas ng tingin. "Doon muna ako kina Maureen pansamantala."

"Until... when?"

"Until I'm ready to speak to you again."

Muli ay nagpakawala ng malalim na paghinga si Van. Tulad niya'y hinagod din nito ang mga daliri sa buhok. Bumuntonghininga saka siya muling binalingan.

"Okay," he said. "Ihahatid kita roon. At hihintayin ko ang araw na handa ka nang patawarin ako..." Muli siya nitong sinubukang hawakan sa braso, at sa pagkakataong iyon ay hindi siya umiwas. Bumaba ang kamay nito sa kaniyang kamay, inangat iyon, yumuko, at dinampian ng banayad na halik ang likod ng kaniyang palad. "Please remember that I love you so.... and I am not giving up on you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro