Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 053



"OH DEMANI..." Kahit si Mau ay halos binagsakan ng mundo sa narinig. Hindi ito makapaniwalang ang tila perpektong pagsasama nina Demani at Van ay magkakaroon ng mantsa; hindi lang basta mantsa, kung hindi lason na makasisira nang labis sa relasyon ng mga ito.

"Paano kang nakasisiguro? Are you sure about it?" tanong pa ni Mau; umaasang nagkakamali lang si Demani at hindi totoong ginawa ni Van ang ibinibintang dito.

Si Demani ay nagpahid muna ng luha bago bumangon at inisandal ang sarili sa headboard ng single bed. Niyakap nito ang tuhod, at bagaman tumigil na ito sa paghikbi ay patuloy pa rin sa pagluha.

Manghang napatitig si Mau sa pinsan. Mukhang seryoso ito sa sinabi; dahil kung hindi ay hindi si Demani aakto ng ganoon.

"I just learned today..." Demani started, still crying.

Naguguluhang nagtanong si Mau. "Ang sabi ni Van ay kagabi ka pa umiiyak."

"Naghinala ako kagabi dahil may nakita akong mantsa ng lipstick sa kwelyo ng damit niya."

"It could be anything—"

"It was his mistress' lisptick," matigas na tugon ni Demani.

Si Maureen ay muling napamaang; hindi nito alam kung ano ang sasabihin sa pinsan. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito kombinsido na kayang gawin ni Van ang ganoon sa asawa. Mau could never believe that someone as perfect as Van would ever go... and do wrong.

"Ang masakit pa ay dati ko nang pinaghinalaan ang babaeng iyon na itinanggi ni Van. Who knows kung dati pa talaga silang may relasyon?" Demani added bitterly, confusing Mau all the more.

"Paano mo nasasabi iyan?"

Hindi kaagad nakasagot si Demani dahil muli itong naiyak. "Ang sakit-sakit, Maureen... Ang sakit at ang hapdi. Kaya siguro napapadalas ang pag-aaway namin nitong nakalipas na mga buwan ay dahil baka sinasadya na ni Van na magtalo kami para sumuko ako sa relasyon namin at makipaghiwalay na sa kaniya. And that was because he has another woman!"

"Wait..." Lalong naguluhan si Maureen. "Anong sinasabi mong madalas kayong mag-away? Nag-aaway kayo?"

"Of course! Hindi ko lang sinasabi sa pamilya kaya mukhang ang perpekto ng pagsasama namin, but our marriage was as bitter as all other couples! We arent perfect; our marriage isnt perfect. Hindi lahat ng nakikita ninyo sa labas ay totoo. Somtimes, you have to look closer to see the pain and sadness in someone's eyes!"

Hindi alam ni Maureen kung ano ang sasabihin. Hindi pa malinaw ang mga sinasabi ni Demani, at puro pa lang paratang ang lumalabas sa mga labi nito.

"Help me understand, Dems. Sabihin mo sa akin kung ano ang lahat ng nalaman mo, pati na rin ang mga patunay mo na talagang ginawa ni Van ang ibinibintang mo sa kaniya."

Hindi nagdalawang isip si Demani na sabihin kay Maureen ang lahat ng nalalaman, kasama na ang mga hinala at hinanakit. Sinabi nito lahat ng nalaman mula kay Michelle nang araw ring iyon, at si Maureen ay walang ginawa kung hindi ang mapasinghap sa impormasyong mga narinig.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos si Demani sa pagkukwento; yumuko ito at ipinatong ang noo sa tuhod saka roon ay muli itong umiyak nang umiyak.

"Oh, Demani..." ang tanging naiusal ni Mau pagkatapos. Matapos sabihin ni Demani ang lahat ay tila bumigat din ang dibdib nito.

"Ang masakit pa rito ay nangako siyang hindi niya gagawin ang bagay na ito..." Patuloy lang si Demani sa pagluha. "Pero sino ang nakaalam kung dati pa ay nangangaliwa na siya? Ano ang malay ko kung sa mga panahong nangangako siya sa akin na hindi niya ako lolokohin ay ginagawa na niya pala?"

Hindi na napigilan ni Maureen na hapitin ang pinsan at yakapin nang mahigpit. Kahit ito ay muli na ring naluha.

Demani continued to whimper. "Hindi ko alam kung kaya kong gumising bukas, Maureen. Sobrang sakit at bigat ng dibdib ko at pakiramdam ko ay mamamatay na ako..."

"You will get through this, Demani. You are tough, you will surely get through this, okay?" Naiiyak na ring wari ni Mau.

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Demani. "He promised... He promised that he would never be like Sam. But he did, Maureen. Sinira niya ang pangako niya sa akin."

Hindi makasagot si Maureen sa labis na sama ng loob. Masama ang loob nito sa ginawa ni Van sa pinsan. Katulad ng sama ng loob na naramdaman nito sa ginawa ni Sam sa kakambal.

"Ano na ang mangyayari sa akin ngayon, Maureen? Ang sakit sakit na hindi ko alam kung papaano umusad..." Humiwalay si Demani, nagpahid ng mga luha saka muling tinitigan nang diretso ang pinsan. "I don't wanna be like Cori..."

"You will never be like Cori, Demani—mas matapang ka kaysa sa kaniya."

Tila hindi iyon narinig ni Demani. "Just like Cori, I also lost a child. At tulad ni Cori ay ipinagpalit ako ni Van sa ibang babae. Sa babaeng lamang ng triple kaysa sa akin..." Doon ito lalong naiyak. "And they're having a child soon..."

"Shhh, nothing is certain yet, Demani. I suggest you confront Van and hear it straight from his mouth. Kung itatanggi niya ay tutulungan kitang makahanap ng ebidensya—"

"Ano pang ebidensya ang kailangan natin kung makalipas ang siyam na buwan ay lalabas din ang pruweba ng kawalang-hiyaang ginawa niya—nila ng Lara na iyon sa akin?" Hindi na maawat si Demani sa pag-iyak. "Kaya pala ganoon na lang ang pagnanais niyang ipadala si Lara pabalik sa America! Dahil ayaw niyang mabunyag ang kawalanghiyaang ginawa nilang dalawa!"

Muling niyakap ni Mau ang pinsan. "Demani..." naiiyak na sabi ni Maureen. "Sometimes, it's better to clarify things to confirm than just jump to conclusions. Let's not do the latter, okay? Hingan mo ng paliwanag si Van."

"Pero Mau... Paano kung mas piliin niya ang magiging anak nila kaysa sa akin? Kung tama ang sinabi ni Michelle, pinapipili ni Lara si Van kung ang batang dinadala niya o ako..."

"What do you mean?"

"Lara would take an abortion if Van wouldn't leave me..."

Manghang napatitig si Maureen kay Demani; hindi makapaniwala sa narinig. Subalit hindi tungkol sa balak gawin ni Lara ang ikinamangha nito, kung hindi sa nais mangyari ng pinsan.

"Demani... Kung totoong nangaliwa si Van sa'yo at anak niya ang nasa sinapupunan ngayon ni Lara, so what kung sino ang piliin niya? His betrayal alone was enough for you to leave him! Ayaw mong maging si Cori hindi ba? H'wag kang magpaka-martir tulad niya!"

Hindi na nakasagot pa si Demani dahil muli na lang itong humagulgol. "But I love him, Maureen. I love him more than myself and I can't lose him... I can't... At iyon ang mas masakit. Mas masakit ang kaalaman na kahit ganito na ang ginawa niya sa akin ay hindi ko pa rin siya handang isuko... Hindi ko pa rin siya handang pakawalan."

Panggilalas na lang ang naramdaman ni Mau sa mga sandaling iyon. And Maureen found herslef staring at her cousin, torn between leaving and comforting her.

Si Jimmy na nakatayo sa labas ng nakasarang pinto ng guest room at kanina pa nakikinig sa nangyayari sa loob ay napailing sa pagkamangha. Sa isip ay pinagtatawan si Van;

Van Dominic Loudd... the favorite son-in-law... had done something that would ruin his dignity in the eyes of the family.

Si Mau na naubusan na ng payo ay nagpakawala ng mahabang paghinga. Muli nitong hinawakan sa kamay si Demani, at sa banayad na tinig ay...

"Just remember, Demani. That no matter what happens, we will always be here for you. Me and the whole family... we will always be here for you, okay? We will never turn our backs on you; we will always be right behind you. For always."

*

*

*

ALAS NUEVE KINABUKASAN NANG MARATING NI DEMANI ANG BAHAY NILA SA ANTIPOLO. Umuwi ito nang hindi alam nina Mau at Jimmy.

Tulog pa ang mag-asawa nang lumabas siya sa bahay ng mga ito at ni-drive ang kotse paalis.

Noong una'y hindi niya alam kung saan siya pupunta; she just thought she shouldn't stay longer at Mau's house—ayaw niyang ipabalikat dito ang kaniyang sarili; ang kaniyang problema.

She knew she was a mess; mugto ang kaniyang mga mata, namumula pa rin ang kaniyang ilong mula sa pag-iyak na ayaw nang huminto magmula pa kahapon nang hapon, at ang kaniyang tinig ay paos na rin. Not to mention her messy hair, and loose shirt.

Para siyang gaga sa kaniyang itsura. Nagpakagaga sa kawalanghiyaan ng asawa.

Pero huli na para tumalikod siya at umalis. Nasa harap na siya ng pinto, at ang kaniyang kamay ay pinihit na pabukas ang seradura.

Si Van na hangos na bumaba sa hagdan nang makita ang pagdating niya mula sa bintana sa itaas ay nahinto nang makita siya. Nag-aalala ang anyong hinagod siya nito ng tingin.

Nang makabawi ay itinuloy nito ang paghakbang palapit.

"Demani, what's going on? What happ—"

"Did you cheat on me with Lara?"

Parang sasakyang biglang nag-preno si Van nang marinig ang sinabi niya. Halos tatlong metro pa ang layo nito mula sa kinatatayuan niya.

Ang hindi kaagad pagsagot ni Van sa naging katanungan niya ay sapat na patunay upang masabi niyang totoo ang pahayag ni Michelle.

Ni hindi ito nagtaka o nagtanong kung ano ang ibig niyang sabihin.

The son of a gun knew exactly what she was talking about.

"Did you, Van?" she repeated in a broken voice.

Halos bumagsak ang mundo niya sa labis na sakit nang wala pa ring naisagot si Van sa kaniya. And it was more than enough confirmation. Ano pa ba ang gusto niya?

Lalo siyang nanlumo nang makita ang pagdaan ng guilt sa mga mata ng asawa. Hindi lang iyon, naroon din ang labis na pag-aalala ay pagsisisi.

Hindi na niya napigilan ang pag-alsa ng luha sa kaniyang mga mata. Kasunod ng pagbagsakan ng mga iyon sa magkabila niyang mga pisngi.

She couldn't stay in front of him—she must go.

Where; she didn't know.

She didn't care.

Kahit lamunin na siya ng lupa sa mga sandaling iyon ay wala na siyang pakealam.

Because Van's silence... and the emotions filling his eyes were more than enough to answer her question—and to ruin her world.

Hindi niya kayang patuloy itong titigan o harapin; kailangan na niyang umalis. Dahil kung hindi pa niya gagawin ito ay baka tuluyan siyang panghihinaan ng loob. Baka lalo lamang siyang malugmok.

Sa mga naisip ay mabilis na siyang tumalikod at tinungo ang pinto. She needed to leave. As fast as she could.

Babalik na lang siya sa sasakyan niya at magmamaneho hanggang sa kung saan siya dalhin ng natitirang gasolina niyon.

She wouldn't go back to this house ever again.

She would never—

Then she stopped.

She stopped because Van was able to keep up and stopped her. Nahuli nito ang braso niya at hinila siya pabalik. Then, her back crashed against his chest.

She struggled, but he hugged her so tight she wasn't able to free herself.

"I'm sorry..." Van uttered, his voice was shaking in fear.

Fear?

Yeah, that's right.

He should be afraid because everything that was about to happen to her was all his fault. And her family would never stop until he pays for his sins. Dapat lang na matakot ito!

"I'm sorry, Demani. I truly do..."

Muli ay pilit siyang humawala. She had to go. She had to, bago pa siya may magawa rito na pagsisisihan niya.

"Please, don't go. Don't leave me. I can't lose you, Demani..."

Sa sinabi ni Van ay hindi na niya napigilan ang humagulgol. She stopped struggling and just cried and cried.

"Why, Van... Why?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro