Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 052



"DEMANI?! OH MY GOD, ANO'NG GINAGAWA MO?" Tarantang binuksan ni Maureen ang gate nang makita si Demani na nakatayo sa labas niyon; basang-basa sa ulan. Ang kotseng dala nito'y kung paano na lang ni-park sa tabi ng kalsada.

Wala pang ilang minuto simula nang bumagsak ang malakas na ulan at hindi nito maintindihan kung bakit kinailangan ni Demani na sumuong doon. Her face alone didn't look good; mukha itong... binagsakan ng mundo.

Pagkabukas ng gate ay kaagad na pinayungan ni Maureen ang pinsan. Hindi gaanong malaki ang payong kaya nabasa ang balikat nito.

"Oh God, are you alright?" Hinawakan ni Maureen ang pinsan at inigiya papasok. Inisara muna nito ang gate bago itinuloy ang paghila kay Demani patungo sa front door. Pagkarating doon ay kaagad silang sinalubong ni Jimmy na hawak-hawak ang isang buwan pa lang na anak. Nagsalubong ang mga kilay nito nang makita si Demani.

"Ano'ng nangyari?" tanong nito sa asawa.

Si Maureen ay hindi sumagot at inalalayan ang pinsan na makapasok. Si Demani ay walang kibo; tulala at tila wala sa sarili na nagpaakay papasok. Basang-basa ito kaya ang tubig-ulan mula sa damit ay tumulo sa tiled floor ng living room.

"Let's go, dumiretso ka sa guest room at maligo," ani Maureen habang patuloy sa pag-alalay kay Demani.

Pagdating sa guest room ay halos hindi rin makakilos si Demani; tulala ito, hindi makapagsalita, hindi makaiyak, hindi makadaing. Kahit na ang sakit-sakit na. Kahit na ang hirap-hirap na, hindi nito magawang sabihin o ipakita iyon kay Mau.

She was so hurt she turned into a stone.

"Demani, ano bang nangyayari?" ani Mau na tila maiiyak sa nakikitang anyo ng pinsan. Hindi nito alam kung yuyugyugin si Demani at hihilahin upang magising. "Did something happen? Did Van do something? What happened?"

Pagkarinig ng pangalan ng asawa ay tila natauhan si Demani. Napakurap ito at napatitig kay Maureen. Makalipas ang ilang segundo ay unti-unting nanlaki ang mga mata nito na tila noon lang napagtantong kasama nito ang pinsan. At doon ay kumawala ang isang hikbi sa lalamunan nito.

"Maureen..." iyak nito saka biglang yumakap sa pinsan na hindi na rin napigilan ang mga luha.

"Ano ba'ng nangyari?" naiiyak na tanong ni Mau; ginantihan ng yakap ang pinsan.

Iyak lang nang iyak si Demani sa loob ng mahabang sandali. Humahagulgol at tila nauubusan na ng paghinga. Wala na ring pakialam si Maureen kung nabasa na rin ito sa pagyakap na iyon ni Demani; she was too worried about her cousin to worry about her clothes getting soaked.

Makalipas ang ilang sandali ay humihikbi pa ring humiwalay si Demani. Hilam ng luha ang mga matang hinawakan ni Mau sa magkabilang balikat ang pinsan.

"Let's go, I'll help you wash up."

Naluluhang tinulungan ni Mau na makapaghubad ng damit si Demani habang ito namay patuloy sa tahimik na pagluha. Sa ilalam ng shower ay si Mau na rin ang nagsabon dito at nagbanlaw. Nang matapos ay dinala nito sa silid si Demana at pinaupo sa kama.

Mabilis na lumipat si Maureen sa kwarto nilang mag-asawa upang hanapan ng damit ang pinsan. Pagkabalik nito sa guest room ay inabutan si Demani na nakahiga sa kama, nakapailalim sa kumot. Basa na rin ang kumot dahil sa basang buhok nito, subalit hindi iyon pinansin ni Maureen. Naupo ito sa gilid ng kama.

"I have my clothes here; isuot mo, okay? Hindi ko pa nagagamit ang pants kaya malinis ito. Sa kusina lang ako para ipaghanda ka ng soup, okay?"

Dahil nakatalukbong ng kumot si Demani ay hindi nakita ni Maureen ang pagsagot nito. Bumuntonghininga si Maureen saka tumayo. Akma na itong tatalikod nang marinig ang paos na tinig ni Demani.

"Please don't tell Van that I'm here."

Sandaling natigilan si Mau; napa-isip, bago tumango. "Okay. I wont."

Sa labas ng silid ay naghihintay si Jimmy; hawak-hawak pa rin sa mga bisig ang natutulog na sanggol.

Nang maisara ni Maureen ang pinto ng guestroom ay salubong ang mga kilay ni Jimmy na nagtanong.

"Ano'ng nangyari?"

"I don't know. Pero nagbilin siyang h'wag ipaalam kay Van na narito siya."

"Nag-away sila?"

"Sa tingin ko'y higit pa roon. I have never seen her act like this." Niyuko ni Maureen ang anak na hawak-hawak ng asawa. Inayos nito ang baby hat ng anak saka dinampian iyon ng halik sa noo. "Marriage life is hard; I just hope she'll get over it soon and patch things up with her husband."

"Nah, she'll get used to it," sagot ni Jimmy. "Natural sa pagsasama ng mag-asawa ang pag-aaway kaya masanay na siya. It'll toughen her up."

Isang buntonghininga muli ang pinakawalan ni Mau bago naunang humakbang patungo sa kusina. "I'm cooking creamy chicken soup for Dems and your favorite fried chicken for dinner. Do you want something else?"

"No, Im happy with fried chicken. Basta papayagan mo akong uminom ng beer habang kumakain."

Umikot ang mga mata ni Mau; nilingon ang asawa. "Do whatever that makes you happy; siguraduhin mo lang na aabot ka sa college graduation ng anak mo."

Jimmy chuckled. "Thank you, darling."

*

*

*

PATAPOS NA SI MAUREEN SA PAGLULUTO NG HAPUNAN NANG SUMILIP SI JIMMY SA KUSINA. Hawak nito sa kamay ang cellphone ng asawa; tinakpan ang mouthpiece.

"Hey."

Mula sa paglalagay ng mga na-prito nang manok sa strainer ay lumingon si Maureen at kaagad na bumaba ang tingin sa cellphone na hawak ng asawa.

"Si Van, hinahanap si Demani."

Nanlaki ang mga mata ni Maureen at madaling inilapag ang strainer na puno ng crispy fried chicken sa lababo. Nagpunas ito ng mga kamay sa suot na apron habang humahakbang palapit sa asawa.

"Ano'ng sabi?" pabulong na tanong ni Maureen kahit nakatakip naman ang mouthpiece.

"Hinanap lang si Demani, tinanong kung narito."

"At ano ang sinabi mo?"

"Ang sabi ko ay wala—tulad ng gustong mangyari ni Demani."

"Good. Go get your chicken, I'll talk to Van."

Kaagad na inabot sa kaniya ni Jimmy ang cellphone at nang makuha ay lumabas siya ng kusina. Doon siya sa living room dumiretso.

"Yes?" Maureen answered. As much as possible ay ayaw muna nitong husgahan si Van lalo at hindi pa malinaw ang nangyayari kay Demani.

"Hey," Van said on the other line. He sounded distraught. "Do you know where Demani could be?"

Tumikhim si Maureen. "Hindi mo alam kung nasaan ang asawa mo?"

"Wala siyang sinabi kung saan pupunta, Maureen. Naiwan niya ang cellphone niya pero wala siya at ang sasakyan. I have already called mom and dad, they havent seen nor heard from Demani the whole day as well."

"Why, what's going on?" patay-malisya pang tanong ni Mau, bahagya lang sinulyapan si Jimmy na napasandal sa hamba ng pinto ng kitchen, hawak-hawak sa kamay ang fried chicken habang sa isa nama'y ang canned beer.

"I don't know what's going on, Maureen. Kagabi, bago ako matulog ay maayos pa kaming nag-usap. And then, when I woke up in the middle of the night, I realized she was gone. Noong hanapin ko'y nakita ko siya sa library, hilam ng luha ang mga mata. Umalis ako kaninang umaga na tulog pa siya, but I left a note on the table, as well as text messages. I told her to call me when she got up. I didn't hear from her the whole day, kaya maaga akong umuwi. I got home and she was gone."

Maureen could hear panic from Van's voice, at naguluhan din ito dahil nahihimigan nitong wala ring alam si Van sa dahilan ng pag-alis ni Demani. Kung hindi nagtalo ang mga ito, ano ang maaaring maging problema ni Demani? Bakit ayaw nitong malaman ni Van na naroon ito? At bakit ito ganoon nang dumating sa bahay nila?

Nagsalubong ang mga kilay ni Maureen nang may maisip.

"Hindi kaya... may ginawa kang mali at nalaman ni Demani?"

Natahimik si Van sa kabilang linya. At hindi alam ni Maureen kung bakit ito kinabahan.

Ang pananahimik ni Van matapos ang tanong ni Maureen ay patunay lamang na may ginawa ito. He wouldn't pause for more than five seconds if he didn't do anything; at kung hindi ito guilty!

"I... didn't do anything wrong," ani Van pagkaraan ng ilang sandali.

The uncertainty in his voice was just an added proof that something was wrong.

At mukhang kay Demani lang ni Maureen makukuha ang sagot sa hinala nito.

"Okay, ganito," ani Mau, "tatawagan kita kapag nakita ko si Demani. For now, just calm down—"

"How can I calm down if my wife is nowhere to be found, Maureen?"

"Give me five minutes and I'll call you back."

"Wait... Alam mo kung nasaan si Demani?"

Tumikhim si Maureen. "I never said that..."

"You didn't seem worried," sagot ni Van. "Hindi ganitong reaksyon ang inaasahan ko mula sa'yo. You and Demani are more than just cousins—I expected you to panic and get worried but you remained calm."

Natapik ni Maureen ang noo.

"Is Demani there with you?"

Hindi kaagad nakasagot si Maureen.

"Is she, Mau?"

"Ayaw niyang ipaalam sa'yo na narito siya. She was crying when she got here; hayaan mo muna siya."

Sa kabilang linya ay narinig ni Maureen ang pag-ungol ni Van. "I don't know what's going on, Maureen. Labis akong nag-aalala."

"Hayaan mo muna siyang manatili sa amin ngayong gabi, I'll talk to her and see what the problem is. Tatawagan kita bukas ng umaga."

"But—"

"Van—she's safe here. Hindi ko siya pababayaan, just give her some time. Hindi siya aakto ng ganito kung walang maling nangyari o walang malaking problema. Kung wala ka ring alam ay hayaan mo akong kausapin siya."

Muli ay natahimik si Van sa kabilang linya.

"Ill talk to you tomorrow, okay? For now, hayaan mo muna siya."

Matagal bago nagpakawala ng malalim na paghinga si Van saka sumagot. "Okay."

"Talk to you tomorrow—" Hindi natapos ni Maureen ang sasabihin nang mula sa likuran nito ay lumapit si Demani at inagaw ang cellphone. Nanlaki ang mga mata ni Maureen nang sa paglingon ay nakita ang pinsan na salubong ang mga kilay. "Dems..."

Si Demani ay tinapos na ang tawag. Ang anyo nito ay blangko, ang buhok ay basa pa rin at magulo, ang sleeping pants at pink na t-shirt na pinahiram dito ni Maureen ay medyo maluwag kaya nagmukha itong hanger sa suot.

"Sinabi ko na sa'yo na h'wag mong sasabihin sa kaniya kung nasaan ako."

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Maureen. "Dems, do you really think your husband is stupid? Wala pa akong sinasabi eh nabuking na ako."

Hindi sumagot si Demani. Ini-itsa nito ang cellphone sa couch saka tumalikod at naglakad pabalik sa guest room; doon sa kung saan ito dinala ni Mau.

Sumunod si Maureen. Pagdating sa loob ng silid ay muling ibinagsak ni Demani ang sarili sa kama at nagtakip ng kumot hanggang leeg. Nang pumasok din si Maureen at inisara ang pinto ay tumalikod si Demani upang ikubli sa pinsan ang muling pagbukal ng luha sa mga mata.

"Demani..." masuyong wari ni Maureen na naupo sa gilid ng kama at banayad na hinawakan sa braso ang pinsan. "What is happening? Kahit si Van ay hindi alam kung ano ang nangyari at bigla ka na lang umalis."

Hindi sumagot si Demani; nanatiling tahimik.

Isa pang buntonghininga ang pinakawalan ni Maureen. "HIndi ba't nakagagaan ng loob kung sinasabi mo ang problema? Papaano kitang matutulungan kung hindi mo sa akin sasabihin ang dahilan ng pagkakaganyan mo? You were always there for me and Cori whenever we needed you; hayaan mong kami naman ang taya ngayon."

Wala pa rin itong nakuhang sagot mula kay Demani kaya muling nagpakawala ng buntonghininga si Maureen. Naisip nitong hindi pa handa si Demani na magkwento kaya hahayaan na muna nito ang pinsan. At akma na sana itong tatayo upang ikuha na ng hapunan si Demani nang biglang marinig ang tahimik na muling paghikbi nito.

Bumalik sa pagkakaupo si Maureen; masuyong hinawakan ang pinsan sa braso. "Demani... Please."

Hilam ng luha ang mga matang humarap si Demani sa pinsan. "He cheated on me, Mau. My husband cheated on me with his best friend."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro