Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 051



NAPATITIG SI DEMANI SA ASAWA NA NAKAHIGA SA KAMA AT NAGHIHILIK NA.

Van had fallen asleep as he waited for her to come out of the bathroom. He was lying across the bed, hands up and half of his feet still on the ground. Marahil ay naupo lang ito roon at nang mainip ay nahiga hanggang sa makatulog.

Nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Naninikip ang kaniyang lalamunan at mabigat ang kaniyang pakiramdam. Para siyang hihimatayin sa mga naghalu-halong damdamin sa kaniyang dibdib.

Kahit hindi niya itanong kay Van ay kaya na niyang hulaan kung ano ang mantsang nakita niya sa kwelyo ng damit nito. Kahit sinong tangang babae ay hindi ipagkakamali kung ano ang pulang mantsang iyon. At kahit na itanggi pa ng kaniyang asawa ay hindi nito mababago ang isip niya.

Oh, para siyang sinasaksak sa dibdib habang iniisip kung papaano napunta ang lipstick ni Lara sa kwelyo ng asawa. Parang may matulis na bagay na tumarak sa kaniyang dibdib habang iniisip kung ano ang nangyari sa opisina ni Van bago siya dumating kanina.

Naitakip niya ang isang palad sa bibig nang hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng hikbi sa kaniyang lalamunan. She was so hurt she didn't know what to do.

Gigisingin ba niya si Van at komprontahin ito?

Mag-aaway na naman sila?

Paano kung hindi naman talaga lipstick iyon? O hindi kaya'y sadyang inilagay ni Lara roon upang mag-isip siya ng masama? Pero... bakit naman iyon gagawin ni Lara?

Oh, para naman siyang tanga kaiisip.

Napasandal siya sa pader ng banyo habang takip-takip pa rin ng kamay ang bibig. Kay bigat ng kaniyang dibdib; gusto niyang sumigaw at saktan ang asawang kay sarap ng tulog sa mga sandaling iyon.

Paano nito nagawang matulog matapos siyang lokohin?

Hindi mo pa kompirmado, bulong ng isang bahagi ng kaniyang isip. Maraming pagsasama ang nasira dahil sa maling akala. Confront your husband and ask for an explanation. Malalaman mo naman kung nagsisinungaling siya, hindi ba?

Pero paano kung alam niyang nagsisinungaling ito at dahil ayaw niyang mawala ito sa kaniya at pipiliin niya pa ring patawarin?

Oh, you are not that stupid, Demani, muling bulong ng isang bahagi ng utak niya. Once a cheater, will always be a cheater.

Muling umalpas ang kaniyang paghikbi, at ayaw niyang magising ito at makita siyang ganoon kaya minabuti niyang lumabas ng silid at tumakbo sa library. Doon sa loob ay pasalampak siyang naupo sa carpet at umiyak nang umiyak.

She was so hurt she could die right there and then.

*

*

*

Kinabukasan pag-gising niya ay nasa kama na siya sa kanilang silid. Sandali siyang nag-isip kung ano ang nangyari, at nang maalala ang dahilan kung bakit namamaga ang kaniyang mga mata'y muling nanikip ang dibdib niya.

The last thing she remembered last night was her crying her heart out. Hagulgol siya sa loob ng library upang sana'y alisin ang bigat sa dibdib hanggang sa siya ay makatulog. Marahil ay nagising si Van at hinanap siya. Nang makita siyang tulog ay inilipat siya nito sa kanilang silid.

Pero... totoo nga bang nangyari iyon?

Hindi kaya'y panaginip lang ang lahat?

Nang maisip iyon ay pabalikwas siyang bumangon at tinungo ang banyo. Pagpasok niya pa lang ay nakita na niya ang basang tuwalyang ginamit ng asawa sa sahig, katabi ang mga damit na suot nito kagabi at sa pinaka-ilalim ay ang mga damit na hinubad nito kagabi.

Malakas na dumagundong ang kaniyang dibdib nang yumuko siya upang damputin ang polo shirt na hinubad ng asawa kagabi. Dahan-dahan niya iyong hinawakan, at sunud-sunod munang humugot nang malalim na paghinga bago hinanap ang parte ng kwelyo kung saan niya nakita ang mantsa kagabi.

Sa pagbuklat niya sa kwelyo ay para na naman siyang binagsakan ng mundo.

She didn't have a nightmare. The red stain was still there.

*

*

*

"GOING SOMEWHERE, MITCH?"

Si Michelle ay gulat na napalingon sa humintong kotse sa tabi nito. Naglalakad na ito patungo sa terminal ng mga pampasaherong UV express katabi ng isang malaking mall sa Ortigas matapos mag-out sa trabaho nang may tumabing sasakyan sa daan. Pagkalingon nito'y kabadong natawa nang makita ang asawa ng Big Boss; si Demani Loudd.

"Ma'am Demani! Akala ko naman po ay sino..."

Napangiti si Demani at tuluyan ini-hinto ang kotse. She had been practice-driving for two weeks now, at noong araw lang na iyon nagpasiyang ilabas ang kotse sa garahe. She thought it would help her relax her mind if she went out to have some fresh air.

Matapos nitong makita na hindi lang panaginip ang lahat kagabi ay nagkulong ito sa banyo nang ilang oras. She tossed all the clothes in the laundry basket and plundged herself into the bath tub. Hindi ito tumayo roon hanggang sa hindi kumulubot ang balat sa mga daliri nito.

Pagkalabas ng banyo ay saka lang nito tiningnan ang oras. It was already eleven in the morning, at wala na ang asawa sa bahay nila.

Van did leave a note on the kitchen table. A note that says;

'Please call me when you woke up. I wanna know what made you cry. I love you.'

Nilakumos ni Demani ang note na iyon. Pagkatapos ay hinanap nito ang susi ng sasakyang nasa garahe na matagal nang ini-regalo ni Van sa kaniya saka ito umalis upang magpalamig ng ulo. Demani left her phone at the house; she only brought her wallet and the car.

Paikot-ikot ito sa ilang sangang daan sa parte ng area nila, sinubukan kung kaya nang magmaneho nang diretso at hindi kasama ang driving instructor. Isa iyon sa mga ginawa niya upang hindi maisip ang nangyari sa kaniyang dinadala. She and Van thought it would be best for her to get busy with many stuff, and one of those was learning how to drive.

Bandang atas tres nang makaramdam ni Demani ng gutom kaya nagmaneho ito palabas ng area nila at naghanap ng makakainan sa bayan. Pero imbes na huminto ito sa mga nadaanang fastfood ay dire-diretso itong nagmaneho hanggang sa makarating sa Metro.

At bago pa nito namalayan ay nasa Ortigas na ito, patungo sa building kung saan naroon ang opisina ng asawa.

Pero bago pa nito marating ang building ay may nakita itong pamilyar na bulto na naglalakad sa gilid ng daan. At tila may kung anong bumulong dito na huminto at kausapin ang sekretarya ni Van.

"Pauwi ka na ba?" nakangiting tanong ni Demani.

"Opo, Ma'am. Maaga po akong uuwi ngayon dahil maagang umalis si Sir."

Nagsalubong ang mga kilay ni Demani. Kinutuban. "Saan pupunta ang Sir mo at maagang umalis?"

"Uuwi raw po, Ma'am. Hindi po ba niya..." Natigilan si Michelle, tila biglang may naisip. At nang naging mailap ang mga mata nito'y lalong kinutuban si Demani.

Michelle knew something.

"Ihahatid na kita," ani Demani; may naisip gawin.

"Ay naku, okay lang po, Maam. Nakakahiya po..."

"I insist." Demani opened the front seat door for Michelle. "Hop in."

Sandali lang nag-atubili si Michelle bago ito nahihiyang pumasok sa loob ng sasakyan. Nang maikabit na nito ang seatbelt ay saka palang pinaandar ni Demani ang kotse.

"I was looking for a place to have a meal," umpisa ni Demani' pinilit na pasiglahin ang tinig upang hindi makahalata ang kasama. Michelle was ten years older than her, but because she was her boss' wife, Michelle had to address and treat her with respect. "Hindi alam ni Van na pupunta na naman ako tulad kahapon. I was planning to surprise him again."

"Napapadalas nga po ang labas ninyo; buti po iyon para maaliw kayo." Inikot ni Michelle ang tingin sa paligid ng kotse. "I remember this car. Ako ang kasama ni Sir nang pumunta kami sa isang car dealer company at binili ito. This was his gift for your wedding, am I correct, Maam?"

Pinilit niyang ngumiti kahit na tila binibiyak ang dibdib niya sa mga sandaling iyon.

Wedding gift...

Kahit wala na lang sanang magarang kotse bilang wedding gift, basta hindi siya niloko ng asawa, masaya na sana siya...

Sandaling sinulyapan ni Demani si Michelle nang huminto sila sa harap ng stop light. "Would you join me to dinner?"

Nahihiyang ngumiti si Michelle. "Naku, Maam, hindi na po—"

"Come on, Mitch. Wala akong kasabay; nakakalungkot kumain mag-isa."

"Eh kasi Maam, nangako ako sa mga anak kong uuwi nang maaga ngayon..."

"Oh. Kung ganoon ay ihahatid na lang kita. Saan ang bahay ninyo?"

Muling nahiya si Michelle. "Angono pa po, Maam. Pero kung maihahatid niyo ako hanggang doon sa Mega, masaya na po ako."

"Sure; easy-peasy." Pinaarangkada niya ang sasakyan nang muling nagkulay berde ang stoplight. Alas sinco ng hapon at uwian ng marami; rush hour kaya mabagal ang usad ng mga sasakyan. Kung naglakad si Michelle ay baka narating na nito ang Mega.

Habang naka-stuck sila sa traffic papaliko sa street ng malaking mall ay muling nilingon ni Demani ang sekretarya ng asawa na tila aligaga. Muling nagpakawala ng pinong ngiti si Demani bago maingat na nagtanong.

"Kumusta na ang trabaho mo under my husband's supervision?"

Tipid na ngumiti si Michelle. "I have been working with Mr. Loudd for almost five years now, Maam, at wala po akong naging problema. Napaka-bait niya at sobrang matulungin. Pero kapag galit at may mali ang empleyado na nagawa ay nagiging halimaw rin."

Itinuon ni Demani ang tingin sa harap, hinihintay na umusad ang kotseng nasa tapat. "So... ngayong may kahati ka na sa trabaho bilang executive assistant ni Van, ibig sabihin ay magaan na ang trabaho mo?" Muling nilingon ni Demani ang katabi, at doon ay nakita nito ang pagngiwi ni Michelle.

"Wala naman pong ibang ginagawa si Miss Lara kung hindi... sumama kay Sir sa mga dinner meetings, Maam. Nasa akin pa rin naman po ang lahat ng trabaho bilang executive assistant."

"So, araw-araw rin bang nasa opisina si Lara?"

Matagal bago sumagot si Michelle. "Nitong... nakalipas na isang buwan ay hindi na po siya gaanong dumadalaw sa opisina. May mga pagkakataon lang po na papasyal siya. At... narinig ko po kay Sir na hindi na sumasama si Miss Lara sa mga dinner meetings kaya baka ipatawag niya akong muli." Napayuko si Michelle, tila biglang hindi naging komportable sa topiko.

Humugot ng malalim na paghinga si Demani bago muling nagtanong. "Bakit, hindi na ba magta-trabaho si Lara sa asawa ko?"

Tumikhim muna si Michelle bago sumagot. "Tinutulungan po ako ni Sir Van na maghanap ng yaya para sa baby ko para kahit gabihin ako ay may kasama pa rin ang bunso ko sa bahay. Ang asawa ko po kasi ay gabi na rin kung umuwi galing sa pinagta-trabahuang restaurant. Kung... plano ni Sir na gawin iyon para sa akin, ibig sabihin po ay baka hindi na magta-trabaho si Miss Lara para sa kaniya."

Hindi na muling nakapagtanong si Demani nang makitang umusad na ang sasakyan sa harapan. Pinaaranggkada na muna nito ang kotse, at nang muling huminto ang pag-usad ng trapiko ay muli nitong nilingon si Michelle na nanatiling nakayuko at ayaw pa yatang titigan nang diretso sa mga mata ang kausap.

"Michelle..." Demani started, changing her tone. "What do you know about Van and Lara's relationship? Please don't lie... Alam ko—ramdam kong may alam ka na hindi ko alam."

Nakita ni Demani ang tensyong bumalot kay Michelle sa mga sandaling iyon. Para itong tinakasan ng kulay sa mukha, ang mga kamay nito'y nanginig, at ang paghinga nito'y sunud-sunod at naging malalim.

"Ma'am..." anito sa nanginginig na tinig. "Ang gusko ko lang po ay magtrabaho nang maayos..."

"You are not going to lose your job by telling me the truth. Hindi malalaman ni Van na ikaw ang nagsabi." Demani was desperate. Ayaw na nitong magpaligoy-ligoy pa lalo't ramdam na ramdam na nito na maraming alam si Michelle.

"Eh kasi, Ma'am..."

"Alam kong loyal ka sa asawa ko, Michelle. Matagal ka nang nagta-trabaho sa kaniya bago pa man kami magpakasal at hindi kita masisisi kung gusto mo siyang protektahan. But please... babae ka rin at kasal sa taong mahal mo. You know when your husband was doing nasty shit behind your back. A wife's intuition was never wrong, at nababaliw na ako kaiisip, Michelle. Please... just tell me." Demani paused for while just to swallow hard and prepare herself for what she was about to learn. "May... relasyon ba sina Van at Lara maliban sa pagiging matalik na magkaibigan?"

Biglang nag-angat ng tingin si Michelle, ang mga mata'y maluha-luha. "Eh kasi, Ma'am..."

Nag-iinit na rin ang mga mata ni Demani sa mga sandaling iyon. Hindi na rin nito na-kontrol pa ang sarili.

"Akala mo ba ay hindi ko nahalata nang pumunta ako sa opisina kahapon? You were distraught. You knew something was going on behind my husband's office door, at nakita kong nag-aalala kang malaman ko. I could feel it, Michelle. Ang gusto ko lang at kompirmahin mo sa akin."

"Ma'am, sana ay hindi makarating kay Sir Van itong sasabihin ko."

Doon na unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ni Demani. "What is it, Mitch?"

Sandali munang napakagat-labi si Michelle, hanggang sa bumigay na.

"Isang gabi po kasi, pauwi na ako nang dumating si Miss Lara. Noong nasa baba na ako ng elevator ay may dumating na importanteng dokumento para kay Sir Van kaya bumalik ako sa taas para ako na ang personal na maghatid sa opisina niya. Pagdating ko sa pinto ay nahinto ako nang... marinig ko ang pag-uusap nilang dalawa."

"Pag-uusap tungkol saan?"

"Tungkol sa... kalimutan na lang daw nilang pareho ang nangyari noon."

"Anong nangyari?"

"Hindi ko rin po alam, pero sinabi ni Miss Lara kay Sir Van na buntis siya."

Napasinghap siya.

"At... na si Sir Van daw po ang ama."

Hindi nakapagsalita si Demani. Pakiramdam nito'y umurong ang dila at hindi na maigalaw ang bibig.

"Nagbanta si Miss Lara na kung hindi raw kayo hihiwalayan ni Sir Van para pakasalan ito ay ipalalaglag niya ang bata."

"No..." Sunud-sunod na napa-iling si Demani; ang mga mata na namamaga pa rin nang bahagya sa buong magdamag na pag-iyak ay muling pinamunuan ng luha. Hindi nito pinansin ang sasakyang nasa likuran at panay ang busina dahil ang nasa harapan ay umusad na.

"I'm sorry, Ma'am," nanginginig na usal ni Michelle saka hinawakan si Demani sa isang kamay. "I'm sorry if you have learn the truth this way..."

Mariing napalunok si Demani saka umiwas ng tingin. Itinuon nito ang mga mata sa harapan. "Kailan mo... narinig ang pag-uusap na iyon, Michelle?"

"Dalawang araw bago po kayo dumalaw roon."

Doon na nagbagsakan ang mga luha ni Demani.

It was confirmed. Her husband was shitting on her head.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro