CHAPTER 050
"LARA WASN'T IN HER BEST MOOD these past few days, honey. I'm sorry for the way she acted over dinner..."
Napalingon si Demani sa asawa matapos marinig ang sinabi nito. She stared at Van's tensed face and wondered why he sounded so defensive.
Kasalukuyan na silang sakay ng kotse nito at bumibyahe pauwi ng Antipolo. Maaga pa; it was only passed eight o'clock, pero dahil sa traffic palabas ng Metro ay baka abutin sila ng hanggang alas dies bago tuluyang makauwi.
Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana; ang pansin ay wala naman sa paligid kung hindi sa nangyari kanina sa dinner.
Lara's attitude was not what she expected as opposed to how Van described her before. Dati, sa tuwing kinukwento ng kaniyang asawa ang lakad nito kasama ang kaibigang si Lara ay masuyo ang tinig nito, magiliw. Pero ngayon ay tila mapait sa dila ang pagbanggit nito sa pangalan ng kaibigan. At tila ito kabado na hindi niya maintindihan.
And this wasn't how her husband would talk about his best friend.
Ano kaya ang nangyari?
Muli niyang naisip si Lara. She had been looking forward to meeting her at sa wakas ay nagkita rin sila nang hapong iyon. Pero ang inasahan niyang pagiging malapit dito ay hindi nangyari. Lara was bitchy and somewhat rude. The way Lara stared at her as if she was a defected product that needed to be discarded was making her uncomfortable. Hindi niya alam kung bakit, pero masama ang hinala niya.
Pero ayaw niyang sabihin iyon sa asawa. Ayaw niyang magkaroon na naman sila ng hindi pagkakaintidihan. Minsan na niyang pinaghinalaan si Lara, minsan na nilang pinagtalunan ang pagseselos niya; she would never go back to that again. Ngayon ay nais niya palawakin ang pag-unawa, at ang kaniyang kaisipan.
"She's... sick. At maraming pagkain ang ipinagbawal ng doktor sa kaniya. Including alcoholic beverages, of course," patuloy na paliwanag ni Van, kahit hindi naman siya nagtatanong.
Why was her husband so defensive? Wala naman siyang sinasabi, ah?
"I'm trying to convince her to go back to the US for medication, but she says she wanted to stay and be with her father. Tutal daw ay... may trabaho akong ibinigay sa kaniya."
Doon niya ito muling nilingon. Ang tingin ni Van ay nasa daan pa rin. "Sinabi mo dati na she was efficient at her job, bakit kanina ay sinabi mong hindi mo na siya kailangan?"
Nag-alis muna ng bara sa lalamunan si Van bago sumagot. "She was... efficient, yes. But... she needs to go back to the US. Kaya ko nasabi na hindi ko na kailangan ang serbisyon niya sa kompanya."
Tinitigan niya ang asawa nang matagal; pinag-aralan ang anyo nito.
Hindi pa rin maalis-alis sa mukha ni Van ang tensiyon at hindi niya maintindihan kung bakit. Kahit sa paraan nito ng pananalita ay tila hindi mapakali.
He was utterly defensive.
For no freaking reason at all.
Pero wala nga ba?
Paano kung...
Bumuntonghininga siya. She didn't want to overthink. Ayaw niyang ma-stress sa kaiisip dahil baka maghinala na naman siya at mauwi na naman sa pag-aaway. Gusto niyang magkaroon sila ni Van ng payapang pagsasama matapos ang mga nangayari sa kanila sa nakalipas na ilang buwan. Ini-sakripisyo na niya ang pagsunod niya sa tradisyon ng pamilya upang hindi na muli silang mag-away nito, ayaw niyang masira lang ang tahimik nilang pagsasama dahil sa pag-o-overthink niya.
"Let's talk about something else," she suggested before turning her attention back to the side of the road.
"Okay. Uh... How's Mom and Dad?"
"They're fine. Kinukumusta ka nila. Same with Lola Val; she says she missed you."
"Let's visit her this Sunday during the family get-together."
Napalingon siya nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya inasahan iyon. "R-Really?"
Sandali siya nitong nilingon upang ngitian saka ibinalik ang tingin sa daan. "Yes. Unless gusto mong mag-out of the town na naman tayo for quality time?"
"Oh, I would love us to see the family this weekend, honey!" Napalapit siya sa asawa at yumakap sa braso nito. She was happy dahil sa nakalipas na mga linggo ay iyon ang unang beses na nagmungkahi si Van na dumalo sa lingguhang pagtitipon ng pamilya nila.
Pero nang may maisip siya'y muli niya itong tiningala.
"Hindi ka ba napipilitan lang?"
"No, of course not." Niyuko siya nito at hinalikan sa ibabaw ng ulo. "Nami-miss ko na rin si Lola Val, at dalawang linggo na rin simula nang huli kong makita ang mommy at daddy noong ni-imbitahan natin silang magdinner sa Intercon."
"Oh, Van." Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi na malapad na ikina-ngiti ng asawa. Matapos iyon ay muli siyang humilig sa balikat nito at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa braso.
Doon ay nawala na kaagad sa isip niya ang nangyari sa dinner kasama si Lara.
At kung tumingala sana siyang muli ay nakita sana niya kung papaano unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi ni Van, at ang paghalili ng pag-aalala sa mukha nito.
She had no idea that her husband was worried about something.
Something that may ruin their marriage once she finds out.
*
*
*
PAGDATING NILA SA BAHAY AY KAAGAD SILANG DUMIRETSO SA SILID UPANG MAGPAHINGA. Van went straight to the bathroom and had a shower, at habang naliligo ito'y naghanda siya ng pamalit nitong damit katulad ng madalas niyang gawin.
Nang maihanda na niya ang mga isusuot nitong pantulog ay lumabas siya ng silid at bumaba sa kusina upang gumawa ng green tea. Nakasanayan na nilang uminom niyon bago matulog sa gabi.
Pagbalik niya sa kanilang silid ay bitbit na niya ang tray kung saan nakapatong ang dalawang teacups. Inabutan niya ang asawang inisu-suot ang inihanda niyang damit pantulog.
"May nakita akong beef sa fridge nang bumaba ako ngayon-ngayon lang. Would you like me to cook you something special for dinner tomorrow?" tanong niya rito nang makalapit.
Tinapos muna ng asawa ang pagsusuot ng puting T-shirt nito bago siya hinarap. "Something special?" ulit nito saka kinuha ang tray sa kaniya upang ilapag sa sidetable. "Hindi ba lagi namang special ang niluluto mo para sa akin?"
She smiled at her husband and pinched his cheek. "Inuuto mo na naman ba ako, Mister?"
Van grinned and curled his arm around her waist. Hinapit siya nito at niyakap. "Every time you cook for me, I feel special. And your cooking is getting better and better, honey, I must say." Niyuko siya nito, ang ngisi ay nasa mga labi pa rin. "But you know what's my favorite?"
"What?" Hindi rin niya mapigilang ngumiti dahil kinikilig siya. Dahil kung sweet na dati pa ang asawa, ngayon ay mas lalo na.
"You. You are the most delicious meal I have ever tasted."
She giggled and pinched his cheek all the more. "See? Hindi lang pang-uuto ang ginagawa mo sa akin kung hindi paglalandi na rin."
"Ayaw mo ba?" Nakangisi itong yumuko upang sana'y hagkan siya sa leeg subalit natatawa siyang umiwas.
"Oh my God, amoy pawis ako!"
"I don't care..." Hinigpitan nito ang pagkakahapit sa kaniya upang hindi siya makawala, saka inituloy ang pagdampi ng halik sa kaniyang leeg na ikina-tili niya.
Pero ang tiling iyon ay naputol at napalitan ng malakas na singhap nang hindi lang halik ang ini-gawad ng asawa sa kaniyang leeg, kung hindi pag-kagat. He bit her skin no-so-gently, sending chills to her core.
"Masakit ba?" Van whispered, kissing the area that he bit.
Napalunok siya at bahagyang umatras. Nako-conscious siya dahil buong araw siyang nasa labas kasama ang mga magulang at alam niyang maasim na ang balat niya dahil sa pawis.
"N-Not really..." she answered, aware of the goosebumps her husband gave her.
At lalong nagtayuan ang mga balahibo niya sa braso at batok nang dilaan nito ang parteng kinagat.
"Oh God..." ang tanging naiusal niya sabay pikit ng mga mata. Napaka-rupok talaga niya pagdating sa asawa.
She and Van had resumed being intimate three weeks after her hospitalization. The doctor had advised them not to engage in any sexual intercourse for two weeks following her miscarriage, but Van gave her more time to heal and recover. And when they did it again a week ago, he was gentle.
Naging madali sa kaniya ang pag-usad matapos ang nangyari sa sana'y una nilang anak. It was easy because Van was there to share her pain and sadness, and to cheer her up, too. Kung noo'y maalaga na ito sa kaniya, mas lalo na ngayon. Plus, her family would always give her a call to cheer her up. Including Cori who had fully recovered now.
Napa-igtad siya nang bumaba ang mga kamay ng asawa sa kaniyang balakang. He was pulling her more to his body, making her feel of his magnificent erection.
Oh, how did he get so hard right away?
"I'm sure you're wondering why..." her husband whispered in her ear as he gently rubbed his lips to the side of it. "You always have this effect on me, baby..."
Napamulat siya saka napakapit sa mga balikat ng asawa. Kahit siya'y tila sinisilaban na rin ng apoy.
"Aren't you... tired?"
"Not anymore..." Van bit her lobe, making her moan in delight.
Gusto na niyang magpatianod sa init na nililikha ng asawa subalit hindi siya komportable sa malagkit na katawan. She didn't want to be intimate when her body wasn't washed.
Dinala niya ang mga kamay sa mukha ng asawa at bahagya itong inilayo upang titigan niya sa mga mata. Van was about to kiss her when she pulled her head away.
"Give me five minutes to wash," she said gently, planting a soft kiss on the side of his lips.
"No need to wash," he said before bending his head down again.
Bahaw siyang natawa. "You can't make me lay in bed without washing my whole body, alam mo 'yan."
"Sino ba ang nagsabi sa'yong sa kama tayo?"
Muling nagtayuan ang mga balihibo niya sa sinabi nito. Muli ay napalunok siya.
"Do you think you can handle the wall, babe?" he asked, kissing back her neck.
"I can," she said, chuckling. "But I still want to wash up."
Napa-ungol ito. "Come on, I like how you smell and taste..."
"What do I smell and taste?"
"Dolce and Gabanna floral perfume... mixed in Korean barbecue."
Sandali siyang natigilan sa huling sinabi ng asawa bago humagalpak ng tawa. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang hindi mag-hugas ng katawan. She and her parents went to the biggest Korean barbecue house for lunch—natural na mangamoy Bulgogi siya!
Natatawa niyang pinakawalan ang sarili sa asawa. "I'll be quick, okay?"
Atubili itong binitiwan siya, at nang maramdaman ang pagluwag ng pagkakahapit nito'y mabilis siyang humiwalay saka tinungo ang banyo.
"You have two minutes, or else..."
Nakapasok na siya sa banyo nang lingunin niya ang asawa na hindi umalis sa kinatatayuan. Ang kaniyang mga mata'y bumaba sa pagitan ng mga binti nitong natatakpan ng makapal na sleeping pants. His desire was evident.
"Or else...?" aniya.
Van grinned devilishly. "Or else I'll come in there and ravish you."
"I'd like to see you try, honey."
"Aha..." Humakbang ito palapit, kaya mabilis niyang ini-sara ang pinto saka natatawa iyong ni-lock.
Nakatawa siyang naghubad ng mga damit at bahagya nang tinapunan ng tingin ang mga hinubad ng asawa na sa muli'y inihagis lang nito sa sahig.
She stayed in the restroom for over five minutes. Naligo na siya dahil naaamoy na rin niya sa buhok ang Korean barbecue. Mas humaba pa ang pananatili niya sa loob ng banyo dahil ni-blower pa niya ang basang buhok, at nang sa tingin niya'y tuyo na ang katawan ay saka niya inisuot ang roba.
She had nothing underneath.
Palabas na siya ng banyo nang muling sulyapan ang mga damit ng asawa na nasa sahig. Napailing siya at dinampot iyon upang ihagis din sana sa laundry basket nang may mahuli ang kaniyang mga mata.
She frowned and looked closely.
May pulang mantiya sa kwelyo ng poloshirt na hinubad ng asawa.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya, at inilapit pa niya iyon nang husto sa kaniyang mukha upang matitigan.
The red mark looked like a stain from...
Natigilan siya. Ang dibdib ay kumabog nang malakas.
Dinama niya ang mantiya, saka kinusot nang bahagya. Kumalat iyon sa puting tela.
Pakiramdam niya'y pinanawan siya ng lakas. At tila may kung anong kuryente ang damit ng asawa na binitiwan niya iyon bigla. Kasabay ng pagbagsak ng damit sa tiled floor ng banyo ay ang kaniyang pag-atras.
She was dumbfounded; her heart was racing fast and her throat constricted.
Ang kaniyang mga mata'y pinamunuan na rin ng mga luha.
Oh Lord... Please... Not my husband... ang tanging naiusal niya sa isip.
She recognized the stain.
It was the same red stain Lara was wearing on her lips that night.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro