Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 049



NAGPASALAMAT SI DEMANI SA WAITER NA NAGDALA NG INUMIN NILA SA TABLE. It was a bottle of champaigne which Lara ordered for them to share. Ang sabi nito'y i-celebrate daw nila ang pagmi-meet nila sa unang pagkakataon. Van dismissed the idea of ordering alcoholic beverage, pero nagpumilit si Lara at sinuportahan niya.

Isa-isang kinuha ng waiter ang order nila matapos nitong lagyan ng inumin ang kanilang mga kopita. Nang makaalis ang waiter ay hinarap niya si Lara na kanina pa titig na titig sa kaniya.

Lara's stare was giving her an uncomfortable feeling. Ang titig na iyon ay yaong tila siya isang kakaibang bagay na kailangan suriin nang mabuti.

Ningitian niya ito. "I have been waiting for this day to come. Nakilala na rin kita sa wakas."

Umangat ang tingin ni Lara sa kaniyang mukha, muli siyang sinuri, bago ito nagpakawala ng tipid na ngiti.

She suddenly felt so concious. Maliban sa face powder at lip gloss ay wala na siyang kahit na anong kolorete sa mukha; hindi tulad nito na sobrang ganda at sopistikada.

Tumikhim siya at muling nagsalita. "Dalawang buwan mahigit ka nang narito pero ngayon lang nag-krus ang landas natin; kung hindi pa ako pumunta sa opisina ay hindi sana kita makikila." Binalingan niya ang asawa na kanina pa tahimik at tila nagtitimpi.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa pagitan ng dalawa at ganoon ang mga ekspresyon sa mukha. She could also feel the negative energy surrounding them, and it was making her feel uneasy.

"Ilang beses ko nang sinabi kay Van na imbitahan ka sa bahay pero ang sabi niya'y lagi ka raw abala."

"Yeah," sagot ni Lara bago dinala sa bibig ang kopita ng champaigne. "I have been busy." Akma na sana nitong iinumin ang laman ng kopita nang maagap na hinawakan ni Van ang braso nito upang pigilan.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa ginawa ng asawa—pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito. Si Lara naman ay nagtaas ng isang kilay at binawi ang braso kay Van.

But Van wouldn't let go.

"You can't drink," anang asawa niya rito; ang anyo ay seryoso.

Lara smirked. "Watch me."

Muling pinigilan ni Van ang kamay ng kaibigan. "You know you can't, Lara." This time, nasa tinig na nito ang pagbabanta na lalo niyang ikinapagtaka.

"What's... going on?" she asked.

Unang nalipat ang tingin ni Lara sa kaniya, sandaling nakipagtitigan, at ngumisi. Lara's getting more and more beautiful whenever she smiled. Pero may kakaiba sa mga ngiti nito na nagbibigay sa kaniya ng negatibong pakiramdam.

"She's sick, honey," sagot ni Van bago tuluyang kinuha ang kopitang may lamang champagne mula sa kaibigan. Nahuli pa niya ng tingin ang matalim na sulyap na ibinigay ng kaniyang asawa kay Lara bago ito bumaling sa kaniya. Van smiled at her. "And you can't drink, too. You are still under medication."

Noong isang araw pa tapos ang medikasyon ko.

Pero minabuti niyang huwag nang makipagtalo. Nangako siya sa sarili na hindi na siya makikipagtalo sa asawa—maliit man o malaki ang problema. That's what she thought was best for their relationship to improve and their marriage to work.

"Ito ang rason kung bakit ayaw kong um-order kayo ng alak, you both are under medications." Sinenyasan ni Van ang isang waiter upang lumapit.

Muli niyang sinulyapan si Lara na umismid saka humalukipkip at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

She studied her face.

Lara was so pretty she couldn't take her eyes off her.

Kahit kailan ay hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na magsuot ng sobrang pulang lipstick sa bibig; Maureen once told her that red lipsticks didn't suit her. Pero habang pinagmamasdan niya ang mala-pusong hulma ng mga labi ni Lara na lalo pang pinaganda ng matingkad na pulang lipstick ay napaisip siya.

Maybe she could apply it once—sa wedding anniversary nila ng asawa o sa birthday niya. Baka bumagay sa kaniya kapag pumares sa tamang eye makeup?

Nang makalapit ang waiter ay kaagad itong sinabihan ni Van na dalhin na ang champagne at i-charge na lang sa bill nito. He then asked the waiter if they could just bring them cucumber-lemon water; mas healthy raw iyon para sa kanila ni Lara.

And she appreciated her husband's intention, pero naisip niyang napaka-overprotective naman nito sa kanilang dalawa ni Lara. Ang overboard kung mag-alaga.

Pero ayaw niyang kwestyunin iyon. Again, she didn't want to start an argument.

"So... Lara, are you staying in the county for good?" pagbubukas niya ng usapan.

Tinapunan siya ng tingin ni Lara, nasa anyo na tila nairita sa naging tanong niya. "I'm not sure—it depends on Van."

Ang ngiti niya'y nahawi nang marinig ang sinabi nito, Binalingan niya ang asawa at muling nakita ang matalim na tinging ini-gawad nito kay Lara.

"What Lara meant was about the job she got from me," paliwanag ni Van; ang tingin ay na kay Lara pa rin. "If I hired her as a permanent employee, she would stay. Otherwise, she needs to fly back to the US."

Si Lara naman ngayon ang binalinga niya, at doon niya nakitang nakipagtagisan ito ng tingin kay Van. The two were having this staring tournament; kung sino ang unang iiwas ng tingin ay siyang talo.

"But are you hiring me permanently, Van?" tanong ni Lara.

"I don't think I will, Lara," seryosong sagot ng kaniyang asawa. "My current secretary would suffice to complete your job."

Tumaas ang mukha ni Lara at pailalim na tinitigan si Van. "Is your decision final?"

She didn't know why, pero may nahimigan siyang pagbabanta sa sinabing iyon ni Lara. Inilipat niya ang tingin sa asawa na ang anyo ay hindi pa rin nagbabago.

"Yes, Lara. And that's final."

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo pagkatapos. Pero ang dalawa ay patuloy sa pakikipagtagisan ng tingin.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari, pero lumalakas ang hinala niyang may itinatago ang mga ito. At ang mga salitang lumabas pareho sa bibig ng mga ito'y tila ba may ibang kahulugan.

Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan. At doon nga'y nalipat ang tingin sa kaniya ni Lara. Siya naman ang sunod nitong tinitigan, at nang akma niyang tatanungin kung ano ang problema ay bigla na lang itong nagpakawala ng pinong ngiti saka siya masuyong kinausap.

"I'm glad you're starting to get better now. Ngayon ka lang ba lumabas muli ng bahay niyo matapos mong ma-ospital?"

Naguluhan siya sa biglang pagbabago ng mood nito. Pero sumakay siya sa agos. "N-Not really. Dalawang linggo na rin simula nang mag-umpisa akong lumabas kasama si Van..."

"Hmm. Your husband was so worried about you at the time when you were at the hospital. Madalas siyang nasa bahay para maglabas ng sama ng loob sa mga nangyari."

Nalipat ang tingin niya sa asawa, at lalo siyang nagtaka nang makita ang pagdidilim ng anyo nito.

"Van was sad and lonely during those times, kung nakita mo lang ay maaawa ka sa kaniya. Pero masaya akong nagkabati kayo at inaayos ang inyong pagsasama; Van had to make up for everything because he—"

"The food's here, that's enough," ani Van na pumutol sa mga sinasabi ni Lara. Ang tingin nito'y nasa papalapit na food cart na itinutulak ng isang waiter kung saan nakapatong ang mga orders nila.

Nagtaka siya sa ginawa ng asawa, pero imbes na punain iyon ay muli niyang hinarap si Lara na napangisi sa ginawa ni Van.

She didn't like how Lara would glance at her husband. Ang mga titig nito'y may kasamang pagbabanta. At ganoon din si Van sa tono ng pananalita nito sa kaibigan.

May hindi ba pinagkakasunduan ang mga ito?

"Are you still in pain after losing your supposed first child? I couldn't imagine if that happened to me, baka magbigti ako."

Natigilan siya sa tanong ni Lara.

She thought that Lara's statement was so insensitive. Bakit nito iyon sasabihin sa kaniya?

Kung tunay itong kaibigan ni Van, she would be careful with her words. At dapat ay alam nito na sa nakalipas na apat na linggo simula nang ma-discharge siya sa ospital, ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umusad at umiwas sa pag-iisip ng mga malulungkot na bagay. In the past couple of weeks, she did her best to get over with the pain of losing their supposed first baby. Ilang gabi niyang iniyakan iyon, kung saan nasaksihan din iyon ng kaniyang asawa. Salamat sa suporta ni Van at ng kaniyang buong pamilya, she was able to cope up.

Tapos ngayon, just out of the blue, Lara would start asking questions about it, and giving out her insensitive comments?

Just what the hell was her problem?

"Lara," sambit ni Van, nasa tinig na naman ang pagbabanta.

"What?" Lara answered with fake innocence.

Hindi na muling nagsalita si Van subalit tinapunan nito ng masamang tingin ang kaibigan bago ibinaling ang pansin sa lumapit na waiter.

Tahimik silang tatlo habang inilalapag ng waiter ang mga ni-order nilang pagkain. At nang makaalis ito'y hindi niya alam kung magbubukas pa ng topiko o tahimik na lang na kumain nang sagayon ay matapos na kaagad ang hapunang iyon at makauwi na sila.

She couldn't stay around Lara any longer.

"Let's eat, hon," untag ni Van sa pagkatulala niya. Doon lang niya napagtantong nakatitig lang siya sa kaniyang plato sa mahabang sandali.

Nilingon niya ito at tinititigan. May tensyon siyang nararamdaman kay Van na pilit nitong itinatago sa pag-aasikaso sa kaniya.

Nahihiwagaan siya sa palitan ng matatalim na sulyap ng dalawa, sa mga salitang lumalabas sa mga labi ng mga ito, pati na sa in-akto ni Michelle kanina sa opisina.

But despite all that, she remained calm and quiet. Tulad ng sabi niya kanina ay magmamatyag muna siya.

Habang kumakain ay tahimik niyang pinakikiramdaman ang dalawa. She knew Lara was glancing at her husband—a glance with meaning. Habang si Van naman ay ibinuhos ang atensyon sa kaniya at sa pagkain nito. He was assisting her; tinatanong siya nito kung kumusta ang kinakain niya o kung may gusto pa siyang kainin.

Her answers were short and simple. Ayaw na niyang magsalita pa. Sinira na ni Lara ang mood niya.

And again, this was not what she expected for their first meeting. Akala ba niya'y mabait ito at magkakasundo sila? Bakit iba naman ang nakikita at nararamdaman niya kaya Lara? Bakit tila hindi ito natutuwa sa presensya niya? Para pa nga siyang balakid sa paningin nito.

Syempre babae rin siya; alam niya kung papaano umarangkada ang ugali ng mga babae. Alam niya—at nararamdaman—kung may mali.

Napansin na rin ni Van ang pananahimik niya kaya hindi na ito kumibo pa at itinuloy na lang ang pagkain. Sa mahabang sandali ay tahimik lang silang kumaing tatlo; tanging kaluskos ng mga kubyertos lang ang maririnig at banayad na usapan mula sa ibang mga guests.

Ilang sandali pa'y narinig nila ang pagtunog ng cellphone ni Van. May natanggap itong email na sandali nitong binasa bago siya binulungan.

"Babe, we need to go now. I received an important email from one of the new investors. Kailangan ko itong asikasuhin ngayong gabi; this would help the company recover the financial loss."

Wala sa loob siyang tumango.

Ang sunod na binalingan ni Van ay si Lara na tapos nang kumain at tahimik lang na ini-inom ang ni-order kanina ni Van na cucumber-lemon water. Habang umiinom ay muli sila nitong sinuri ng tingin.

Bumaba ang pansin niya sa plato ni Lara. Halos hindi rin nito nagalaw ang ni-order na grilled chicken, at ang tanging kinain ay ang mga side dishes.

Hindi niya napigilang magtanong. "You didn't like the food?"

Lara shrugged her shoulders nonchalantly. "I have been so picky with my food for weeks now."

"Why? Are you on a diet?"

Subalit hindi na sumagot pa si Lara at napangiti na lang bago nito muling dinala sa bibig ang inumin.

Si Van ay seryosong hinarap ang kaibigan. "Let's end the dinner here, I've got some jobs to do at home."

"Still working at home, huh, Van?" Lara taunted. "Baka sa sobra mong pagsisipag ay mawalan ng gana sa'yo si Demani at maghanap ng iba, ha?"

Kumulubot ang noo niya sa sinabi nito. She couldn't help but think how weird Lara was.

"My wife understands that my hard work is for our future family. She had been very supportive with me, that's why I love her."

Napatitig siya sa asawa; gusto niyang matuwa sa sinabi nito subalit bakit pakiramdam niya at napilitan lang si Van na sabihin iyon kay Lara? Was he trying to prove a point?

Damn it; ano ba ang problema ng dalawang ito?

Hindi na sumagot pa si Lara sa sinabi ni Van. Napa-ismid na lang ito at ibinaba na ang inumin saka nagpahid ng bibig. Sumunod ang tingin niya sa puting table napkin na ibinaba nito sa mesa; naroon ang mantsa ng pulang lipstick nito.

Bahagya na niyang narinig ang pagtawag ni Van sa waiter at ang paglapit niyon. Nang kinukuha na ng waiter ang bill ay umangat ang isang kamay ni Lara.

Muli niyang ibinalik ang tingin dito at nakita niya ang pag-abot nito ng Visa card sa waiter. "It's on me, Van."

"I can pay for our meal, Lar—"

"I insist."

Wala nang nagawa si Van kung hindi hayaan ito. Nang makuha na ng waiter ang card ni Lara ay tumayo na rin ito. Taas noo itong humarap sa kanila. "You two should go now, alam kong atat ka nang ilayo sa akin si Demani, Van."

Hindi na nagawang sumagot pa ni Van dahil tumalikod na rin si Lara at sumunod sa waiter. Nalipat ang tingin niya sa asawa at nakita ang pag-igting ng panga nito.

She frowned and stared at her husband's angry face as he watched Lara walk away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro