CHAPTER 048
"MA'AM DEMANI!" Napatayo si Michelle, ang sekretarya ni Van, nang makita si Demani na naglalakad palapit sa table nito.
Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Demani. Lumapit pa siya sa mesa ni Michelle at sa ibabaw niyon ay inilapag ang dalang box ng cupcakes na binili pa sa isang sikat na cake shop.
"Hey," bati ni Demani. Madalang siyang bumisita sa opisina ng asawa, pero sa tuwing daraan siya roon ay sinisiguro niyang may dala siya para sa mga guwardiya at kay Michelle.
"How have you been?"
Pilit na ngiti ang pinakawalan ni Michelle saka umiwas ng tingin. Napasulyap ito sa pinto ng opisina ni Van, at doon ay tila bigla itong nataranta.
Nagtaka siya.
Hindi ganoon ang ekspresyong inaasahan niyang makikita kay Michelle. Sa tuwing dumadalaw siya roon ay magiliw siya nito kung batiin. Her husband's secretary was the jolliest person in the building, para itong magpa-party lagi kapag nakikita siya. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya nakikita ang jolliness na inaasahan mula rito.
And that made her wonder...
Napatingin din siya sa pinto ng opisina ng asawa.
Ano'ng mayroon? aniya sa isip.
"T-Thank you po sa pasalubong, Ma'am. Buti ay... n-napadalaw po kayo?"
Ibinalik niya ang tingin dito. Hindi pa rin nawawala ang pagkabahala sa anyo ni Michelle. Bakit may pakiramdam siyang inililihis nito ang atensyon niya?
Kinunutan siya ng noo. "May problema ba, Michelle?"
Tarantang umiling si Michelle, bago nagpakawala ng huwad na tawa. "W-Wala po, Ma'am. Medyo marami lang ang mga tasks ko ngayon kaya... natataranta ako."
Bumaba ang tingin niya sa laptop na nasa harapan nito, saka sa mga folders na nakatambak sa mesa. "I could assume..."
"Inaasahan po ba ni... Sir ang pagdating ninyo, Ma'am?"
Muli niya itong tinitigan. Hindi niya alam kung bakit, pero naghihinala talaga siya sa ipinapakitang reaksyon ni Michelle sa pagparoon niya. Hindi naman ito dating ganoon.
"No, I came to surprise him."
"Oh." Muli napasulyap si Michelle sa pinto ng opisina ni Van. "May... kausap lang po siya sa loob."
Ibinalik niya rin ang tingin sa nakasarang pinto. "That's okay then, I could just wait."
Ramdam niya ang tensiyon mula kay Michelle kahit hindi niya ito tingnan. At iyon ang ikinapagtataka niya. Muli niya itong binalingan at ningitian. She was starting to get suspicious of Mitchelle's expression.
At akma na sana niyang itatanong kung sino ang kausap ni Van sa loob ng opisina nito nang biglang bumukas ang pinto.
Muli siyang napalingon, at muli'y naramdaman niya ang pagkataranta ni Michelle.
At lalo siyang nagtaka kung bakit ganoon ang inaakto nito nang unang lumabas sa pinto si Lara, kasunod si Van na halos hindi maipinta ang mukha. Ang akma niyang pagbati ay nahinto nang makita ang mukha nito. Then her eyes went to the ever beautiful Lara who at this time had a bitter expression on her face.
Nagtalo ba ang dalawa?
"Lara—" si Van na akma sanang hahawakan si Lara sa braso nang mabilis na umiwas ang huli. Muli nitong hinarap si Van.
"Think about it, Van. And choose wisely." Tumalikod na itong muli at akma nang aalis nang mapatingin sa direksyon nila ni Michelle, at nang makita siya nito'y biglang nahinto.
Si Van na napatingin din sa kinaroroonan nila at marahas na humugot ng malalim na paghinga. Panic crossed his eyes—but he covered it with a sweet smile.
"Hon," he said before walking towards her.
Ang kaniyang tingin ay bumalik kay Lara na hindi na nakagalaw sa kinatatayuan. Lara was eyeing her, scrutizing as her eyes went from the tip of her wedge sandals up to her shoulder-length hair. Then, Lara released a sarcastic smile.
Doon siya muling naguluhan.
This was the first time she and Lara met, and that was not the expression she expected to get from her husband's best friend.
At bakit ganoon siya nito kung suyurin ng tingin? Bakit pakiramdam niya ay... sinuri lang siya nito upang tingnan kung papantayan niya ito? At nang masigurong ni wala siya sa katiting ng ganda nito'y napangiti nang matagumpay?
That was Lara's reaction after eyeing her.
"Hey, I didn't know you're coming," sabi ni Van. Nang makalapit at kaagad siyang hinapit sa bewang, yumuko saka siya dinampian ng halik sa mga labi.
Her husband, Van, was extra sweet to her in the past few weeks. Mahigit isang buwan na rin ang nagdaan simula nang lumabas siya sa ospital at naging kay tamis ng kanilang pagsasama.
Van was extra caring and sweet; mas madalas ito sa bahay kaysa sa opisina; and they even went to Palawan two weeks after her hospitalization. Nagbakasyon sila—sa wakas—ng ilang araw roon.
Labis siyang natuwa sa atensyon at pagmamahal na ginawa ni Van; ang sabi nito'y gusto nitong bumawi sa mga bagay na nagawa nito sa kaniya na nagdulot ng sama ng loob at stress.
And of course, she did the same for him. Tulad ng ni-plano niyang gawin ay kinausap niya ang mga magulang at sinabing hindi na muna sila ni Van magpapakita sa Sunday get-together dahil nais nilang ayusin at pagtibayin ang relasyon. She and Van made a pact that every weekend, they must go some place to spend time with each other. Kapag weekend ay hindi na rin kasi nagtatrabaho si Van, at ang tanging ginagawa ay bumibiyahe sila sa kahit saang maisipan nilang puntahan. Sa resort man 'yan sa Tagaytay o Batangas, o kahit saang hotels lang sa Metro Manila kung saan mananatili sila hanggang linggo ng hapon.
Kahit sa Lola Val niya ay nagsabi siyang gusto nila ni Van na bumawi sa isa't isa matapos ang nangyari kaya maaaring hindi na siya madalas na bumisita.
Pero sa mga pagkakataong magkasama sila ni Van sa nakalipas na mga linggo ay hindi niya naiwasang mapansin ang minsan ay pananahimik nito at lungkot sa mga mata. He was stressed and she could feel it; no matter how hard he tried to cover them with smiles and laughters. Minsan na niya itong tinanong at sasagutin lang siya ng pilit na ngiti, kung hindi man ay sasabihin nitong dahil lang sa mga nangyayari sa negosyo.
She knew something was going on, but her husband wouldn't just tell her.
Kaya naman kahit na naging mas sweet at mapagmahal ito'y tila may kulang sa pakiramdam niya. Tila may mali. Tila may hindi naaayon.
Sa maraming pagkakataon ay pilit niyang inaalis ang kahit anong pag-aalala sa isip niya; she thougth she was just overthinking.
And then... now, Michelle was showing weird expression and gave her this weird treatment.
She was getting concerned. More and more.
"I came to... surprise you," sagot niya sa asawa saka siya nagpakawala ng banayad na ngiti. "Surprised?"
Ngumiti si Van—ngiting kahit anong pilit nitong ibigay sa kaniya ay alam niyang hindi galing sa puso. "Very. Bumisita ka ba kina Mom?"
Tumango siya.
"Dinala mo ang sasakyan?"
"No, nag-commute ako."
Sa loob ng dalawang linggo ay nag-umpisa na rin siya sa driving lesson niya; isa sa mga bagay na ginawa niya upang hindi siya magmukmok sa bahay kapag wala roon ang asawa.
Muli niyang sinulyapan si Lara na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan. There was something about her face that made her frown—hindi niya mabigyan ng tamang tawag, pero iyon ang ekspresyon sa mukha ng taong tila may hindi gusto sa nakikita.
What is wrong with her? she asked in her mind.
"Aren't you going to introduce me to her?" tanong niya sa asawa subalit ang kaniyang tingin ay hindi pa rin humihiwalay kay Lara.
"Ah, yes..." sagot ni Van, tila walang gana.
Si Lara ay narinig din ang sinabi niya kaya lumapit at nahinto ilang hakbang mula sa kaniya.
Lara smiled at her. The kind of smile that could kill any woman's confidence.
"Lara, I want you to finally meet my wife; Demani," pakilala ni Van. "Hon, this is Lara, Attorney Salviejo's daughter—"
"And Van's closest friend," dugtong ni Lara bago inabot ang kamay sa kaniya. Lara's nails were stylishly manicured she couldn't help but feel conscious with hers.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Muling bumangon ang pagtataka sa dibdib.
Why were they shaking hands? Weren't they supposed to do more than that? Beso-beso kaya, o mainit na yakap? Tutal ay matalik na kaibigan ito ni Van at siya naman ang asawa—they could share a warmer greetings than shake hands, couldn't they?
Something's wrong... she thought again. Something's going on...
"Nice to meet you, Lara."
"I could say the same," sagot nito na may huwad na ngiti sa mga labi.
Nilingon niya ang asawa nang ibaba na ni Lara ang kamay. "Would you like to go to dinner?"
"Yes, sure. We can drop by to our favorite restaurant and have dinner there."
"Can we invite Lara?"
Nakita niya ang pagbago sa anyo ng asawa ng asawa— he suddenly looked tensed. Tila hindi nito nagustuhan ang ideya niya. And from there and then she knew... that her husband was hiding something.
At aalamin niya iyon habang nasa dinner sila.
"Lara has something important to do, honey," ani Van makaraan ang ilang sandali. "She had to meet a business associate and—"
"Nah, I think I can come with you two for dinner," ani Lara na ikina-singkit ng mga mata ni Van. Nang ibalik niya ang tingin dito'y nakita niya ang makahulugang ngiti sa mapulang mga labi nito. "I would love to have dinner with you two."
Sa kabila ng pagtataka at nararamdaman ay binigyan niya ng masuyong ngiti si Lara.
She would keep it cool and discreet for now.
"Alas sinco pa lang ng hapon but I guess we can have an early dinner," aniya sabay kunyapit sa asawa. "Let's go then?"
Lara smirked as she stared at her arm intertwinced to Van's. Nauna itong tumalikod. Tiningala niya ang asawa, at doon ay nahuli pa niya ng tingin ang pangamba sa anyo nito bago nito iyon tinakpan ng pilit na ngiti. Van bent and kissed her temple.
"Let's go?"
Tumango siya at sinulyapan si Michelle. "Mauna na kami, Mitch."
Pilit na ngiti lang ang sinagot ni Michelle at sinundan ng tingin ang tatlong naglakad palayo.
Michelle knew something. And she didn't know whether to keep this secret to herself or help Demani unfold it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro