Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 045


"HINDI KO... ALAM KUNG ANO ANG SASABIHIN KO, VAN... This new was shocking and painful I couldn't find the right words to say..." anang humihikbing tinig ng mommy niya.

Iyon ang narinig niya nang magkamalay siya. Wala pang isang minuto simula nang magising ang diwa niya ay narinig niya itong nagsalita, pero kahit pilitin niyang magmulat ng mga mata ay hindi niya magawa. She was probably sedated, dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya mautusan ang katawan na kumilos.

"I'm sorry this has happened, Van," patuloy na sabi ng mommy niya. "Hindi ko alam kung ano ang magiging damdamin ni Demani kapag nalaman niya ito sa kaniyang pag-gising. This would surely devastate her."

Again, there was silence.

May kausap ang mommy niya sa loob ng silid, and it was her husband. But why wasn't he answering?

Alam niyang nasa ospital siya. She woke up laying on a stretcher as she entered the emergency room. Pero bago iyon ay naalala pa niya si Cori na nagmamadaling tumakbo palabas ng kusina at nang bumalik ay may kausap na sa hawak na cellphone.

Naalala rin niya nang mawalan siya ng balanse at matumba sa sahig. Naalala niya ang labis na sakit na naramdaman sa kaniyang puson. She was in excrutiating pain at the time Cori was speaking on the phone. Naalala rin niyang mag sinabi si Cori matapos niyang matumba, pero sa labis na sama ng pakiramdam ay halos hindi rin niya iyon narinig.

Then, the next thing she knew, she was in the hospital.

Dios mio, isang buwan nang pabalik-balik sa ospital ang pamilya nila.

Una ay ang Lola Val niya. Isang linggo mahigit ito roon. Then, si Cori who also stayed for a week. Ngayon naman ay siya.

What the hell was wrong with their family?

But wait.... Bakit siya kailangang dalhin sa ospital?

Was she sick?

"Mommy, hali ka na. Lumabas muna tayo at hayaan natin si Van na makasama ang asawa niya."

It was her father's soft, but sad voice. Alam na alam niya kapag ganoon ang tono ng daddy niya.

Ahh, damn it. She was probably sick, kaya malungkot ang daddy niya!

Epekto ba ito ng mahigit dalawang linggong pagpupuyat niya sa pagbabantay at pagsama kina Lola Val at Cori? Not to mention the stress that she went throught at the time when she and her husband were not in good terms.

Siningil na nga yata talaga siya ng kaniyang katawan.

Ang sunod niyang narinig sa paligid ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Then, there was silence again.

Pero alam niyang naroon ang asawa sa loob, kasama siya. Weird, but she could feel his presence.

She tried to open her mouth; gusto niya itong tawagin. Pero tulad ng kaniyang mga mata'y hindi rin niya magalaw ang mga labi.

Hindi nagtagal ay muli siyang nakaramdam ng pagkaantok. Tila siya hinehele pabalik sa pagtulog.

The sedative was still in her system. Walang ibang rason para hindi niya mautusan ang sariling katawan na gumalaw maliban doon.

Pero bago siya tuluyang bumalik sa pagtulog ay narinig niya ang pagpapakawala ni Van ng malalim na paghinga, kasunod ng paglubog ng higaan niya sa kaliwang bahagi. She would assume her husband sat beside her.

And she wanted to hold him, but she just couldn't force herself to move.

Then, she went back to sleep.

*

*

*

HINDI NIYA ALAM KUNG GAANO SIYA KA-TAGAL NA NAKATULOG. Nang muli siyang magising ay mas magaan na ang pakiramdam niya, at nagagawa na niyang maigalaw ang mga daliri.

Sinubukan niyang imulat ang mga mata, and this time, she was finally able to do it. Sandali siyang nakipagtitigan sa puting kisame ng hospital unit na nagiging pamilyar na sa kaniya dahil sa ilang linggong pabalik-balik niya sa lugar na iyon.

Makalipas ang ilang segundong pakikipagtitigan sa puting kisame ay inikot niya ang tingin sa paligid. Katulad ng private unit na kinaroroonan nina Lola Val at Cori noong mga nakaraan ay walang pinagkaiba ang kinaroroonan niya. It was a private room with a huge flat screen TV on the wall, a personal fridge, and private bathroom. Sa kabilang sulok ay naroon ang malaking bintana—kung saan niya nakita ang asawang nakatayo at nakadungaw sa labas.

Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi nito alam na gising na siya. She took that chance to look at him.

Hindi niya alam kung ilang araw na siyang naroon sa ospital, pero iyon na yata ang pinakamatagal na hindi niya nakita ang asawa. And she missed him.

She missed him so bad. Lalo ngayong nasa ospital siya.

Sigurado siyang labis itong nag-alala sa naging kalagayan niya. Hindi pa niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya pero alam na niya ang pag-aalalang ini-dulot ng pagkakaospital niya sa asawa.

Van was wearing his usual get-up; nakapang-opisina ito, ang mga kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng suot na slacks.

Oh, she terribly missed her husband. A hug from him would surely make her even better.

"Hey..." aniya sa paos na tinig. Noon lang niya naramdaman ang pamamalat ng kaniyang lalamunan.

Si Van ay dahan-dahang lumingon nang marinig siya.

She prepared to give him a smile—subalit ang ngiting inihanda ay kaagad ding napalis nang makita niya ang blangkong ekspresyon sa mukha ng asawa.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kaba na nasa kaniyang dibdib.

Why did Van look... empty?

Wasn't he supposed to feel happy now that she's awake? Hindi ba dapat ay lumapit ito at yakapin siya nang mahigpit? Itanong kung ano ang nararamdaman niya at kung may kailangan siya?

Why did he look so... cold?

Natigil siya sa pag-iisip nang tuluyang humarap ang asawa; hindi ito umalis mula sa kinatatayuan.

"What... happened?" she had to ask. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kaya nais niyang alamin. Baka iyon ang dahilan kaya parang walang emosyon ang anyo ni Van.

Oh, wait...

Hindi kaya galit pa rin ito?

Masyado niyang ibinuhos lahat ng oras at enerhiya sa pamilya kaya nagkasakit siya. Iyon ang pinag-awayan nila bago siya umalis sa bahay. He was worried that she could get sick because of what she had been doing with herself, at hindi ito nagkamali.

Hindi kaya iyon ang ikinagagalit nito?

"You don't know what happened?" tanong din sa kaniya ni Van. Kung gaano ka-blangko ang anyo nito'y ganoon din ka-lamig ang tinig nito.

And somewhere there, she thought she was speaking with a stranger.

Napalunok siya nang mariin. Tila lalo siyang nauhaw.

"I... I don't remember," she said after a while.

"What have you been doing with yourself after you left home, Demani?" tanong pa nito, ang anyo at tinig ay hindi nagbabago.

"I was... looking after Cori—"

"Which led you to forget about yourself?"

Kinunutan siya ng noo. Ngayon ay may panunumbat na naman sa tinig nito. "Sa ganitong paraan mo ba ako haharapin sa aking pag-gising, Van?"

Hindi ito nakasagot—ang anyo ay muling naging blangko, ang mga mata'y tutok na tutok sa kaniya.

Huminga siya nang malalim. Ayaw niyang makipagtalo, wala siyang lakas upang gawin iyon. At hindi pa niya alam kung ano ang kondisyon niya. Ang gusto niya'y mag-usap sila nang matino, at ang malaman niya kung ano ang nangyari.

Hindi ang ganito. Hindi sa ganitong paraan.

"Look, Van. Hindi naging maganda ang huli nating pag-uusap, at ilang araw akong binagabag ng nangyari sa atin kaya—"

"Hindi ako nagkulang ng paalala sa'yo, Demani," putol ni Van sa sinasabi niya. Bagaman ang anyo nito'y hindi nagbabago, ang tinig ay bahagyang bumaba at nabahiran ng lungkot. "I was so worried about you even after you left. Pero tiniis kong hindi ka tawagan dahil ayaw kong masanay kang laging sinusuyo kahit alam mong may pagkakamali ka rin."

Wala siyang maisagot. Tama naman ito, naging pabaya siya sa sarili kaya nag-collapse siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong pa nito.

Naguguluhan siya; ano ba ang dapat niyang isagot? Ano ba ang sinasabi ng kaniyang asawa?

"What... do you mean?'

"You had a miscarriage."

Pakiramdam niya ay nabingi siya sa narinig. Hindi niya alam kung iyon nga talaga ang tunay na sinabi ng asawa o nakaringgan lang niya.

Pero kung ang pagbabasehan ay ang seryosong anyo ng asawa at pait na nasa tinig nito'y mukhang hindi nga siya nagkamali ng pandinig.

Napakapit siya sa bedsheets. Ibinuka niya ang bibig upang sabihin ditong h'wag siya nitong lokohin at magsabi na lang ng totoo. Pero hindi niya mahanap ang tinig; hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

She was dumbfounded.

"Why didn't you take care of yourself even after knowing that you were pregnant, Demani?" puno ng hinanakit ang tinig ni Van na pilit nitong ikinukubli sa likod ng blangko nitong ekspresyon.

Nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ay nagpatuloy ito.

"When you found out that you were pregnant, what did you do? And were you also planning on telling me?"

Muli niyang ibinuka ang bibig upang sumagot—subalit kahit anong isip niya ay hindi pa rin niya mahanap ang tamang salita para rito.

Van took a long, deep breath, frustration was all over his face now. "You're not saying anything, Demani. Dahil ba guilty ka? Did you do the same thing Cori did?"

Marahas siyang napasinghap. "N-No—"

"Then why? Why didn't you tell me? Why didn't you take care of yourself even after knowing that you're carrying a child? And how did this happen? You were on the pill, weren't you?"

"I... I didn't know I was pregnant."

Van groaned in irritation. "Please don't lie, Demani. Walang silbi ang pagsisinungaling mo. I spoke to Maureen and she says you knew. Two weeks ago, you have already suspected that you could be pregnant. She even told you to see a doctor."

"I... I took a pregnancy test..." she answered quietly. Naguguluhan siya. "And the... test result was... negative."

Oh God, was the kit defected?

Oh, God... Oh, God...

Unti-unting namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"The doctor says that in the early stage of pregnancy, test kits aren't certain. You used to be a nurse, you should know better."

Muli ay wala siyang naisagot. Nilalamon siya ng kaisipan tungkol sa nangyari sa kaniyang dinadala. Kung totoo ang sinasabi ni Van... ibig sabihin ay nawala ang dapat na una nilang anak dahil sa kapabayaan niya.

Para siyang binagsakan ng mundo.

And after that initial pregnancy test, she resumed taking her birth control pills!

"Oh God..." Doon na siya nagsimulang umiyak. Ang kaniyang mga luha'y isa-isang nagsibagsakan. "Oh God, I'm so sorry..."

"How did it happen if you were on the pill, Demani?"

She gave her husband a helpless look. "I... I forgot to take them for two weeks..."

Again, Van groaned in frustration. Hinagod nito patalikod ang buhok, namaywang saka humarap sa ibang direksyon. Ramdam niya ang panlulumo nito, at hindi niya masisi ang asawa.

"Why... Why didn't you tell me, Demani?"

She sniffed. "Because I thought it was something I could sort on my own..."

"Had you told me about it, dinala sana kita sa doktor." Sinapo ni Van ang noo. "Bakit mas pinili mong alamin ang kalagayan mo gamit ang kit na walang kasiguraduhan kaysa ang magpatingin diretso sa doktor? You knew you could get pregnant after not taking a pill for two weeks. It was always best to have a doctor checked than do it yourself."

Hindi na siya muling nakasagot pa; patuloy lang siya sa paghikbi. Ngayon ay unti-unti niyang naramdaman ang labis na sakit sa kaniyang dibdib. She was in pain—the kind of pain caused by losing a loved one.

"The fact that you had a suspicion and you did nothing to have it checked by the doctor was enough for me to lose faith in this relationship, Demani."

Natigilan siya at napatitig dito. Now, Van's face was full of agony.

"That night, when we argued about your family... Sinabi mong nagdududa ka sa kakayahan kong maging mabuting ama. Iyon ba ang dahilan kaya pinili mong hindi ituloy ang pagbubuntis mo? You were with Coreen—sinabi niya ba sa iyo ang paraang ginawa niya?'

"N-No, Van, hindi iyon ang nangyari. Kung alam ko lang na nagdadalangtao ako ay—"

"Two weeks ago ay naghinala ka nang baka nagdadalangtao ka; imposibleng hindi mo napansin ang pagbabago sa sarili mo. I noticed the change in you but I never suspected that it had something to do with pregancy. Your mother and Aunt Ynez said the same. Kung napansin namin ay dapat napansin mo rin. Pero imbes na magpatingin sa doktor para sa pangalawang opinyon ay mas pinili mong paniwalaan ang mumurahing test kit na iyon. Pagkatapos ay hindi mo rin inalagaan ang sarili mo. Ibig sabihin ay wala ring halaga sa'yo ang batang nasa sinapupunan mo."

Umawang ang bibig niya; ang mga luha'y patuloy sa pagdaloy. "Nagkakamali ka ng mga iniisip sa akin, Van. I had no idea I was carrying a child. Kung alam ko lang ay pinrotektahan ko sana siya. H'wag mo akong husgahan."

Muling hinagod ni Van ang buhok, nasa mukha pa rin ang panlulumo at minabuting hindi na muling sumagot pa. Sa sumunod na mga sandali'y wala siyang ibang ginawa kung hindi ang lumuha.

She poured her heart out for the baby that she failed to protect.

Makalipas ang ilang sandali ay muling humarap sa kaniya si Van; ang anyo ay seryoso na naman. Ang mga mata'y muling naging blangko. Matagal siya nitong tinitigan hanggang sa nagpakawala ito nang mahabang buntonghininga at yumuko.

"I... gotta go, Demani. The pain is unbearable I can't stay here and talk to you."

Hindi na niya nagawa pang pigilan sa pag-alis ang asawa. Pagkasara ng pinto ng unit ay para siyang binagsakan ng mundo.

She touched her belly and cried and cried until no tear was left in her eyes.

Or so she thought...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro