Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 044



"BAKIT HINDI KA DINADALAW NI VAN DITO, O HINDI MAN AY TUMATAWAG?"

Napalingon si Demani nang marinig ang tinig ni Cori sa entry ng kusina. Nakatayo ito roon, ang isang kamay ay nakahawak sa jam ng pinto, ang anyo ay maputla pa rin subalit kahit papaano ay nagagawa nang tumayo at maglakad nang walang alalay.

"Hey, morning," she said, instead of answering Cori's question.

Itinuloy ni Coreen ang pagpasok, lumapit sa kaniya at pinahiran ang harinang nasa kaniyang mukha. "Wala ka na naman sa sarili mo."

Napakurap siya at tinitigan ang pinsan. Dalawang araw na simula nang makalabas ng ospital si Coreen at doon silang dalawa dumiretso sa bahay nito. Napapayag na niya ang mga magulang ni Coreen na doon na muna sila pansamantala hanggang sa ma-kombinsi niya ang pinsan na umuwi na sa mga magulang. Kompiyansa rin ang mga itong siya ang kasama ni Cori dahil sa medical background niya; she knew what to do in case of emergency. Isa pa'y dumadalaw roon si Maureen upang tulungan siya sa pag-gabay kay Cori.

Nalaman na rin ni Mau ang totoong nangyari at wala itong ginawa kung hindi umiyak at yumakap nang mahigpit sa kakambal. Panay rin ang pasasalamat nito sa kaniya, dahil kung hindi raw siya dumalaw nang araw na iyon, at noong oras na iyon mismo, ay baka wala na si Cori.

At ngayong nakapanganak na si Maureen ay determinado itong bumawi sa mga panahong wala ito sa tabi ng kakambal. Kaya naman tuwing umaga hanggang hapon ay naroon ito sa bahay ni Cori upang samahan sila. Nilibang nila si Coreen, at tinulungang bumalik ang pag-asa sa dibdib.

Mau would always bring her week-old baby to help Cori cope up with her loneliness. Kahit ang mga anak nito'y dinadala rin doon ng Tita Ynez niya, pero inisasama rin pauwi.

Minabuti ng mga magulang ni Cori na h'wag munang iwan ang mga bata kay Cori upang hindi ma-stress ang huli. They thought the kids would probably give Cori that guilt feeling in her heart. Besides, hindi pa kaya ni Coreen na alagaan at asikasuhin ang mga anak.

Sinabi na rin niya sa mga magulang ni Cori ang totoong nangyari sa pagitan nito at ni Sam, pati na rin ang totoong dahilan ng pagkakalaglag ng dinadala nito. She also told them what Cori thought of them as parents, at nalungkot nang labis ang dalawa. They said they would do their best to make up for everything and cross the bridge between them and their daughter; sa ngayon ay nais muna nilang tulungan si Coreen na maka-recover—physically and emotionally.

"Are you alright, Dems?" tanong pang muli ni Coreen.

Muli siyang napakurap. "Y-Yes."

"Mukha kang wala sa sarili." Coreen smiled wryly. "Akala ko ba ay ako lang ang may problema?"

"I—I don't know what you mean..." Ibinalik niya ang pansin sa minamasang dough. She was planning to make home-cooked pizza.

"You are losing weight, and you look pale. Are you alright?"

Nagpakawal siya ng pilit na ngiti saka muling tinapunan ng tingin si Cori. "I'm alright—"

"Don't lie, Demani. Been there, done that."

Natutula siya at napatitig lang kay Cori nang makita ang anyo nito. Her cousin looked so serious.

Napabuntonghininga siya. Pero bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya ni Cori.

"May problema ba kayo ni Van?"

Muli ay isang buntonghininga ang pinakawalan niya. "Pagod lang ako, Cori. Ilang araw akong walang matinog tulog." Then, she forced a smile. "But don't worry, I'm alright. Pahinga lang ang kulang sa akin."

Matagal siyang tinitigan ng pinsan, nanunuri ang tingin. Ramdam niyang may hinala na ito, subalit wala siyang planong sabihin kay Cori ang pinagdadaanan nila ng asawa dahil hindi rin naman iyon makatutulong sa pag-galing nito. Baka nga kapag nagsabi siya ay madagdagan pa ang dinaramdam nito. Lalo kapag nalaman nitong nang dahil sa pagpipilit niyang samahan ito ay nagkaroon na naman sila ng hindi pagkakaintindihan ng asawa.

Makaraan ang ilang sandali ay si Cori naman ang nagpakawala ng malalim na buntonghininga; ang tingin ay bumaba sa mga ingredients ng pizza na gagawin niya.

"I wanna help you cook—how about I slice the vegies?"

Ningitian niya ito. "Sure."

Hindi na muling nagsalita pa si Cori at naupo na sa harap ng mesa. Tahimik itong naghiwa ng mga bell peppers at mushrooms, habang siya nama'y muling hinarap ang dough.

Pareho silang tahimik sa loob ng kusina sa mahabang sandali. Sa sala ay patuloy ang pagtugtog ng musika mula sa sound system na binuksan niya. It was a calming jazz music na paboritong pakinggan ng Lola Val nila kapag nais nitong mag-relax. Naisip niyang ipatugtog din iyon sa loob ng bahay ni Cori araw-araw upang makatulong na kumalma sa damdamin at isip nito.

Pagkatapos niyang masahin ang dough ay kumuha siya ng cloth upang itakip sa bowl na pinagsidlan niya niyon. Nang tingnan niya ang ginagawa ni Cori ay napangiti siya dahil tapos na nitong hiwain ang lahat.

"You did great, Cori. Thanks for helping."

Tumayo si Cori at naghugas ng kamay sa lababo. Habang nagsasabon ay muli itong nagsalita, "Okay lang ba kung magpatulong ako sayong mag-empake mamayang gabi, Dems?"

Nahinto siya sa pagpupunas ng mesa nang marinig ang sinabi ng pinsan. At nang rumehistro sa isip ang ibig nitong sabihin ay napasinghap siya. "Ang ibig mo bang sabihin ay..."

"I'm going to move to my parents' house tomorrow. Iiwan ko ang malalaking mga gamit dito, pero ang kabuoang gamit naming mag-iina ay dadalhin ko na dahil wala na akong balak na bumalik pa rito sa pamamahay na ito."

"Oh, Cori..."

Sa wakas ay natauhan na rin ang pinsan niya.

Sa loob ng dalawang araw ay pahapyaw niyang sinasabi rito na makabubuti sa pag-usad nito ang pag-bitiw na sa nakaraan; at kabilang na roon ang pagbabalik-tanaw sa dating masayang pagsasama nito at ni Sam, at sa pananatili pa sa bahay na iyon. Sa maraming pagkakataon ay tahimik lang si Cori; buti at nakinig ito at ngayon ay mukhang handa nang sundin ang mga payo niya.

"Plano ko ring ibenta ang bahay at lupa, kasama ang mga gamit na maiiwan. Pero saka ko na aasikasuhin iyon kapag tuluyan na akong gumaling." Kinuha ni Cori ang puting basahan sa lababo at nagpunas muna ng basang kamay bago siya muling hinarap. "I'm going to study after selling the house."

Napahakbang siya patungo rito, at nang makalapit ay bigla siyang napayakap sa pinsan. "Oh, I'm so happy to hear your plans, Cori!" At doon ay hindi niya napigilang maiyak. Hindi niya alam kung bakit bumuhos ang luha niya; pero sa tingin niya'y dahil iyon sa patung-patong na bigat ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

She wasn't really crying because of happiness for Cori. She just used it as an excuse.

She was being emotional because she hadn't slept properly since she left home. And her dumbass husband never bothered to check on her since then.

Simula nang umalis siya sa bahay nilang mag-asawa upang samahan si Cori limang araw na ang nakararaan ay ni hindi man lang siya tinawagan ni Van. Ni hindi man lang nito kinumusta ang lagay niya, o dumalaw upang makita siya.

Fine, may pagtatalo na naman sila. Hindi naging maganda ang palitan nila ng salita bago siya umalis. Pero wala na ba itong pakealam sa kaniya?

Iyon lang naman ang gusto niyang mangyari lagi eh. Ang mauna itong lapitan siya, ang mauna itong suyuin siya.

Pero kung patigasan lang din ang labanan, hindi rin siya padadaig.

Titiisin din niya ito. Hindi rin tatawag o magte-text.

Kung wala itong pakealam sa kaniya ay ganoon din siya. Magpatigasan silang dalawa.

Ang sama ng loob niya dahil napagtanto niyang kahit kailan yata ay hindi na mamamatay ang issue ni Van tungkol sa pamilya niya. At bagaman pinagsisihan niya ang sinabi niya ritong hindi ito magiging mabuting ama sakaling magka-anak na sila ay hindi rin niya babawiin iyon.

Dahil kung hindi nito kayang makisama at intindihin ang tunay na kahulugan ng salitang 'pamilya', ay sa tingin niya, hindi rin ito magiging mabuting ama!

Sa dami ng iniisip niya sa nakalipas na mga araw ay hindi na siya nakatutulog nang maayos. Hindi siya nakakakain nang marami. Tuloy, madalas na sumama ang pakiramdam niya. Madalas siyang mahilo sa umaga at panakitan ng puson.

Magta-tatlong araw nang ganoon ang nararamdaman niya.

Pero ngayong nakapagpasiya na si Coreen ay makahihinga na siya nang maluwag. Dahil makauuwi na siya at makakapagpahinga. Hahayaan na muna niya si Van kung ayaw nitong makipag-usap. She didn't have the energy to confront or argue with him anyway. She craved for sleep. She craved for peace of mind.

"Why are you crying?" natatawang tanong ni Cori; hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at bahagyang nilayo.

"Masaya lang ako dahil nararamdaman kong handa ka nang umusad," dahilan niya sabay pahid ng mga luha.

Masuyong ngumiti si Cori. "That's all thanks to you, Demani. Hindi ka umalis sa tabi ko, at sa loob ng ilang araw ay wala kang ibang ginawa kung hindi ipaunawa sa akin kung gaano ako kamahal ng buong pamilya." Ito naman ngayon ang yumakap sa kaniya. "My parents called me this morning. Nag-sorry sila sa mga pagkukulang nila at sa maling paraan ng pag-gabay sa akin. They said they wanted to make up and I'm ready to patch things up with them."

"Kaya ba nakapagpasiya kang umuwi na rin sa kanila?"

Tumango si Cori at humiwalay sa kaniya. "Gusto ko na ring bumawi sa mga anak ko; at mukhang walang plano sina Mama na pauwiin ang dalawa rito kaya ako na lang ang uuwi roon sa kanila."

Malapad siyang ngumiti sa kabila ng pagluha. "Masaya akong makita kang masaya..."

"Oh come on, h'wag ka nang umiyak!"

Natatawang pinahiran niya ang mga luha. "Eh kasi naman..."

"Basta mamayang gabi ay marami tayong gagawin kaya magpakabusog tayo ngayon. Ubusin natin iyang pizza na ginawa mo, tapos ay mag-order tayo ng Korean soup. Parang natatakam ako sa mainit na sabaw."

"That sounds like a plan," nakangiti niyang sagot dito. Masaya siyang mahimigan ang sigla sa tinig ng pinsan.

Pero bakit ganoon?

Bakit patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya? Bakit ayaw pa ring umalis ng lungkot sa dibdib niya?

"Oh gosh, Demani, saan nanggagaling 'yang mga luhang 'yan? Stop it already."

Natatawa siyang umiyak at kunwari ay binalingan ang oven upang silipin ang pizza sa loob. Ayaw niyang mapansin ng pinsan na hindi lang simpleng pag-iyak ang nangyayari sa kaniya. Dahil kapag nahalata nitong problema at malungkot siya ay baka tanungin siya nito. At ayaw niyang magtanong ito dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang isasagot.

Pagkatalikod ay kaagad niyang pinahiran ang mga luha, saka kinuha ang kitchen gloves at yumuko upang sana'y buksan ang oven. Subalit pagkayuko niya ay tila biglang umikot ang mundo. Tila biglang nagdilim ang paligid.

Nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. At doo'y unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin.

Napaluhod siya sa sahig ng kusina; ang kaniyang mga kamay ay initukod niya sa sahig. Ilang ulit niyang ikiniling ang ulo upang ibalik ang huwisyo.

Si Cori, nang makita ang nangyari sa kaniya, ay napatili at kaagad na lumapit. Inalalayan siya nito habang patuloy sa pagtawag sa kaniyang pangalan.

Pagtayo na pagtayo niya ay bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng balakang. Nahihilo pa rin siya, at nanlalabo ang kaniyang paningin.

"Demani! Demani!" sunud-sunod na pagtawag sa kaniya ng pinsan subalit ang tinig nito'y tila nawawala-wala sa kaniyang pandinig.

She was closed to fainting. Mahigpit siyang napahawak sa braso ng pinsan at tiningala ito. She couldn't properly Cori's face anymore. Her vision was blurry.

Sinubukan siya nitong igiya patungo sa mesa, subalit hindi niya magawang humakbang. Sa kada galaw niya'y nakararamdam siya ng sakit sa puson, tila may tumutusok doon. At sa labis na sakit at para siyang papanawan ng malay.

"Demani!" Ang huling narinig niyang pagtawag ni Cori bago siya muling bumagsak sa sahig. Patagilid siyang nahiga; ang puson ay lalong sumakit.

Muli siyang dinaluhan ng pinsan, at bahagya pa niyang narinig ang marahas nitong paghugot ng paghinga bago ito napaatras.

Umangat ang tingin niya kay Cori, at kahit na hindi malinaw ang kaniyang paningin ay nakikita niya ang sunud-sunod nitong paghugot nang malalim na paghinga.

And it was as if Cori was scared... and panicking.

"Dems..." narinig niyang usal nito sa nanginginig na tinig. "You... You are bleeding!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro