CHAPTER 043
"DALAWANG ARAW LANG, HONEY. Pagkatapos ng dalawang araw ay uuwi rin ako."
Hinagod ni Van ng mga daliri sa buhok. Nasa anyo nito ang disgusto sa nais na mangyari ng asawa.
"Demani, kung tutuusin ay hindi ka pa nakababawi sa lakas mo. Ilang araw kang nagpuyat noon habang binabantayan si Lola Val sa ospital? For a week, you were restless. Pagkatapo ay ilang araw kang tulala at wala ring pahinga kaiisip kay Cori? And then now, what? Mananatili ka sa kaniya ng dalawang araw para ano? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?"
"But—"
"Hindi ako pumapayag, Demani, and that's final." Tumalikod si Van at itinuloy ang pagpasok sa kanilang silid. Kararating lang nila; si Van ay pagod sa trabaho habang si Demani naman ay buong araw na kasama ni Coreen sa ospital.
"Pero ayaw ni Cori na doon sa bahay nina Uncle Lau tumira—ang sabi niya'y hindi siya komportable sa bahay ng mga magulang—"
"No one could take care of her better that her own parents, Demani." Kaagad na naghubad si Van ng damit at kung paano na lang iyong ini-itsa sa couch. Muli itong humarap sa asawa na nakasunod lang sa likuran. "For once, can you think about yourself? Nakikita mo pa ba ang sarili mo?" Sinuyod nito ng tingin si Demani. "Look at you; you are losing weight. Nangingitim din ang ilalam ng mga mata mo, at ang mukha mo ay namumutla. You don't look well, Demani, at ikaw mismo'y kailangan din ng pahinga. You are not the best person to look after Cori when you yourself look worse."
"Well, I'm sorry if I no longer look pretty in your eyes." Hindi na rin napigilan ni Demani ang sariling sumagot.
Umungol si Van sa panlulumo. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Demani—"
"Si Cori ay hindi komportable kasama ang kaniyang mga magulang; and she had told me why. Ako lang at si Maureen ang nais niyang makasama. At kung naaalala mo, Van, I used to be a nurse. I know that a patient like Cori needs special care—"
"Fine! I'll pay for someone to look after her. Someone who could provide the special care that she needs!"
Hindi nagustuhan ni Demani ang pagtaas ng tinig ni Van, kaya uminit na rin ang ulo nito.
"Walang ibang pinagkakatiwalaan si Cori kung hindi ako at si Mau lang, Van! Kahit magbayad ka ng sampung private nurses ay hindi rin makatutulong iyon para—"
"Don't you understand, Demani? I am concerned about you and all I wanted is to take care of you! At hindi ko magagawa iyon kung lagi kang nasa pamilya mo!"
"Ah, here we fucking go again! Pamilya ko na naman!"
"Damn it—ang gusto ko lang ay isipin mo rin ang sarili mo! H'wag kang masyadong nagpakabayani. Hindi lang ikaw ang miyembro ng pamilya Dominico; ilang ulit ko bang dapat sabihin iyan?"
Lumapit si Demani at inis na initulak sa dibdib ang asawa. "You always lose your heart whenever we speak about my family! Ano ba'ng problema mo?"
"Ikaw! You are my problem! Dahil hindi mo nakikita na ang sinasabi at ginagawa ko ay para lang din sa iyo!"
"No! Alam mo kung ano ang problema mo, Van? You are selfish! Sarili mo lang ang iniisip mo! Sarili mong kaligayahan, sarili mong satispaksyon! You don't care about anybody else! You don't care about my feelings! Dahil kung may pakealam ka sa nararamdaman ko ay dapat na matagal mo nang tinanggap na kahit ano'ng mangyari ay hinding-hindi ko tatalikuran ang pamilya ko!"
"I never asked you to turn your back on them, Demani. Never!"
"Shut up! You always did! Hindi man diretso ay iyon lagi ang dating sa akin ng mga sinasabi mo laban sa kanila!"
"Ah, damn it." Tumalikod si Van at naglakad patungo sa banyo. Alam nitong kahit ano pa ang sabihin ay hindi ito mananalo kay Demani. Lalo at sarado ang isip ng asawa sa pag-intindi. Subalit bago pa man tuluyang makalapit si Van sa pinto ng banyo ay kaagad na nakasunod si Demani at pinigilan ito sa braso.
"You don't turn your back on me in the middle of an argument!"
"I would rather turn my back than speak ill about you and your goddamn family."
Napasinghap ito—at bago pa man napigilan ni Demani ang sarili ay dumapo na ang kamay nito sa pisngi ng asawa.
Pareho silang nagkagulatan pagkatapos. Parehong hindi inasahan ang sunod na nangyari.
It was the very first time that Demani had ever dared to put her hands on her husband. At hindi iyon inasahan ni Van. Pareho nila iyong hindi inasahan.
Makalipas ang ilang sandali ay muling hinarap ni Van ang asawa. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Demani sa pagkamangha dahil sa ginawa.
"You know what, Demani?" Van started in shaky voice; ang tinig ay puno ng hinanakit. "You're the one who's selfish. Sarili mo lang ang iniisip mo."
Itinaas ni Demani ang mukha upang salubungin ang puno ng hinanakit na tingin ng asawa. Bagaman pinagsisihan nito ang ginawa ay puno pa rin ang dibdib ng sama ng loob para humingi ng tawad.
"No, Van," she answered. "You are the most selfish between us two. At ngayon pa lang ay nagdududa na ako kung kaya mong maging mabuting ama!"
Iyon lang at tinalikuran na ni Demani si Van.
Kung sana'y lumingon ito, dising sana'y nakita nito ang matinding hinanakit na dumaan sa mga mata ng asawa matapos ang binitiwang salita.
Demani's last words pierced into Van's heart... atrociously.
*
*
*
"DEMANI?" salubong ang mga kilay na wari ni Ynez nang makita ang pamangking pumasok sa private unit ni Cori sa ospital. Sa isang kamay ay bitbit ang maliit na duffel bag.
Bahaw na ngumiti si Demani. "Good evening, Tita."
"Aba'y anong oras na." Sinulyapan ni Ynez ang oras sa relo nito. At nang makita kung gaano na kalalim ang gabi'y lalong nagtaka. Ibinalik nito ang tingin kay Demani. "H'wag mong sabihing umalis ka pa ng Antipolo sa dis oras ng gabi?"
Tumango si Demani, at upang ikubli ang lungkot sa mga mata ay itinuloy na nito ang pagpasok saka nilapitan ang higaan ni Cori.
Cori was fast asleep. Kay payapa ng mukha nito kapag tulog. She was hugging one of her son's pillows—at alam ni Demani na dahil iyon sa nami-miss na nito ang mga anak. She was in the hospital for four days now, almost five. At sa loob ng mga araw na iyon ay hindi nakita ni Cori ang dalawang anak.
"Nihatid ka ba ni Van?" tanong pa ni Ynez na hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa tinig. Paano ba naman, mag-a-ala una na ng gabi at napasugod pa roon ang pamangkin.
"Y-Yes, he did, Tita. Pero hindi na siya bumaba..." pagsisinungaling ni Demani.
Van didn't drive her to the hospital. She called a cab. At simula nang magtalo silang dalawa nang gabing iyon ay hindi na ang mga ito nag-usap pa. Si Van ay nagkulong sa home office nito matapos ang argumento nila, habang si Demani nama'y kaagad na naghanda ng mga gamit na dadalhin sa ilang araw na pananatili sa tabi ni Cori.
"Hindi ko alam na darating ka ngayong gabi, parang kaninang hapon lang ay nagpaalam kang uuwi na. What's going on?" tanong pang muli ni Ynez sa pamangkin. Hindi mapalagay at naghihinalang may mali.
Naupo muna si Demani sa silyang nasa tabi ng higaan ni Coreen bago sumagot. "Cori asked me to stay here with her. At... gusto niyang bumalik sa bahay nilang mag-asawa pagka-labas niya rito sa ospital, Tita."
Mabilis na lumapit si Ynez, biglang nabahala. "Demani, alam mong hindi na kami papayag ng Tito Lau mo na hayaan si Cori na—"
"It's okay, Tita. Sasamahan ko siya roon. The boys will have to stay with you and Uncle Lau for a little longer, pero nangangako akong kokombinsihin ko si Coreen na umuwi sa inyo. Give us three days top—pagkatapos niyon ay iuuwi ko sa inyo si Coreen. Pagbigyan na muna natin siya sa gusto niya." Itinuon ni Demani ang tingin sa pinsan na bahagyang gumalaw at umiba ng posisyon. "Habang naroon kami sa bahay nilang mag-asawa ay kakausapin ko siya nang masinsinan. I won't leave her until she's back to you and Uncle Lau, I promise you that."
Tumango si Ynez, hinawakan sa balikat ang pamangkin ay banayad iyong pinisil. "Thank you so much, Demani. For all your help. Masaya akong may isang tulad mo sa pamilya na labis na nag-aalala sa kapakanan ng lahat. Pero... inaalagaan mo rin ba ang sarili mo? Kapansin-pansin ang pangangayayat mo, hija."
Tiningala ni Demani ang tiyahin at ningitian. A smile that didn't even reach her eyes.
"I'm alright, Tita. Wala lang akong ganang kumain sa nakalipas na mga araw. I mean... sino ba? Sunud-sunod itong nangyari sa pamilya natin. Sa loob ng dalawang linggo ay narito tayo sa ospital magmula nang isugod dito si Lola Val. Tapos ngayon ay si Cori naman." Kinuha ni Demani ang kamay ng tiyahin na hindi pa rin mawala-wala ang pag-aalala sa anyo. She widened her fake smile. "Don't worry about me, Tita. Alam ko ang gagawin ko sa sarili ko."
Tumango si Ynez, subalit ang totoo'y hindi pa rin ito kombinsido sa sinabi ng pamangkin. May napapansin itong kakaiba sa anyo ni Demani.
Something that disturbed her...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro