CHAPTER 042
MAKALIPAS ANG BEINTE CUATRO ORAS AY nakatanggap si Demani ng tawag mula sa ina; Cori was finally awake and Mau had finally given birth to a bouncing baby boy.
Nasa higaan si Demani nang matanggap ang tawag na iyon, kaya naman napabalikwas ito ng bangon at tinungo ang home office ng asawa.
Hindi na siya nag-abalang kumatok, dire-diretso niyang binuksan ang pinto at akmang babalitaan ang asawa nang makita itong may kausap sa harap ng computer screen. He was on video call, at sandali lang siya nitong tinapunan ng tingin bago itinuloy ang pakikipag-usap. Seryoso ang mukha ni Van, tila may malaking problema.
Itinuloy niya ang pagpasok saka tahimik na inisara ang pinto. Humakbang siya patungo sa mesa ng asawa at naupo sa katapat na upuan. Muli siyang sinulyapan ng asawa bago ibinalik ang tingin sa kausap. He was talking about the company; about American clients, about the financial status. Wala siyang naiintindihan sa alinman sa sinasabi nito dahil malibang wala siyang alam sa negosyo ay mabilis magsalita si Van at gumagamit ng mga terminong hindi pamilyar sa kaniya.
Nanatili lang siya roon at tahimik na pinagmamasdan ang asawa.
Oh, she married a fine man. Van was good-looking irrespective of how he felt. Mas pogi ito kapag nakangiti, pero kahit nakasimangot o mukha stress ay kay gandang lalaki pa rin. His brows were thick, his grey eyes were piercing, and his sinful lips were thin yet firm. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang dinala ng mga labing iyon sa kaluwalhatian.
Kahit sa mga labi lang ng asawa ay nakararating na siya sa pook na tanging siya at ito lamang ang may alam. Kay raming alam gawin ng mga labing iyon; at minsa'y sapat na sapat na upang mapaligaya siya.
Sa mga naisip ay tinayuan siya ng mga balahibo sa batok. Oh, her husband always turned her on. Kahit sa mga sandaling iyon... tila nais niyang maghubad at akitin ito.
Pero abala ang kaniyang asawa, at mukhang seryoso itong nakikipag-usap sa kung sino man ang nasa kabilang linya.
Sa loob ng apat na araw simula nang makita nila si Coreen sa ganoong kalagayan ay hirap siyang matulog. Inaatake siya sa ng stress at anxiety niya kaya lagi niyang katabi ang mga gamot. Sa loob din ng mga araw na iyon ay hindi sila nag-niig ng asawa kahit pa magkatabi sila sa pagtulog at lagi itong nakayakap sa kaniya. Pinahalagahan nito ang damdamin niya at ni-respeto ang pananahimik niya. He stayed until she started to get better.
"Hon?"
Napa-igtad siya nang marinig ang pagtawag nito sa kaniya.
"Hey babe, do you need something?"
Napakurap siya. "Tapos ka na bang makipag-usap?"
"No, I just excused myself. Naka-mute ang mic. What's wrong? Are you feeling better?" Sa kabila ng kaseryosohan ng mukha ng asawa ay nahihimigan niya rito ang pag-aalala.
Napangiti siya. "I'm feeling much better now, thank you for taking care of me these past few days." Bahagya siyang dumukwang sa mesa. "I have good news."
"What is it?"
"Gising na si Coreen at nanganak na si Maureen."
Van let out a sigh of relief. "That's a great news indeed. Kailangan ni Coreen na magpahinga, at makabubuti nga sigurong doon na siya sa mga magulang niya tumira. Katulad ni Coreen ay kailangan din ni Mau na magpahinga; she had just given birth. Let's give them a visit one of these days."
Lalo pa siyang dumukwang. "Can we go see them today?"
Muling nagpakawala ng malalim na paghinga si Van. "I can't, hon. I am very busy at the moment."
Dismayado man ay naiintindihan niya. Nakikita niya sa anyo ng asawa ang stress at pagod, at mukhang may problema ito sa kompanya. "May problema ba sa negosyo?"
"Yes. And I am losing millions in this problem. Kung hindi ko ito maisasalba ay baka bumagsak ang kompanya. I need to work all day—would that be alright?"
Pilit siyang ngumiti. "Of course, hon. Pero... can I go see my cousins?"
Doon nagsalubong ang mga kilay ni Van. "I don't think you can travel—"
"I'll book a cab."
"Ilang araw kang walang tulog at halos hindi kumain—hindi ako mapapalagay kung nasa labas ka sa ganiyang kalagayan. Bakit hindi ka muna magpahinga ngayong araw? Bumawi ka ng lakas, at kapag tuluyan ka nang nakabawi ay saka na natin sila dalawin. Ang mahalaga ngayon ay ligtas na si Coreen, at makatutulog ka na nang maayos sa kaalamang iyon. Don't push yourself too hard—"
"But I want to see them now, Van," pagpupumilit niya.
Gusto niyang makausap si Coreen. Pinakiusapan siya ng Auntie Ynez niya na kausapin ito at kombinsihing umuwi na sa bahay bg nga ito. Dahil kung ang tiyahin lang niya ang magsasabi ay baka hindi pumayag si Coreen. Wala ring alam si Maureen sa nangyari sa kakambal kaya hindi rin niya ito mahingan ng tulong. "Please, payagan mo na ako, hon."
"Pero Demani, paano kung ang kalusugan mo naman ang bumagsak sa ginagawa mong ito? For three days, wala kang kinain maliban sa ilang higop ng sabaw at gatas. Mahaba na ang limang minutong idlip mo. I can't allow you to go out."
Napalabi siya. "Sige na nga. Pero bukas, pwede tayong umalis?"
Niyuko ni Van ang notepad at mabilisang tiningnan ang schedule sa kinabukasan. "I have to leave early tomorrow para makipagkita sa ilang mga investors ng kompanya."
"Pwede ba akong sumama pag-alis mo at ihatid sa ospital bukas?"
Ibinalik nito ang tingin sa kanya; halatang nilalawakan ang pagpapasensya.
Hanggang sa nagpakawala ito ng malalim na paghinga. "Okay."
Ngumiti siya at muling dumukwang upang halikan ang asawa sa pisngi. "Thank you, honey. And I love you."
Tumayo na siya at tumalikod. Nang nasa pinto na'y muli siyang lumingon.
Si Van ay nakasunod lang ang tingin sa kaniya.
"I'll cook something for lunch. Hindi kita iistorbohin pero bumaba ka kapag naluto na, okay?"
"Hey, mas gusto kong magpahinga ka buong araw para—"
"Nope, I'm cooking my husband a delicious meal. Gusto kong bumawi sa ilang araw na pinag-alala kita." Lumabas na siya bago pa man siya muling pigilan nito.
Magaan ang pakiramdam na bumaba siya sa kusina at ipinaghanda ng pananghalian ang asawa.
Somehow, ay nabawasan na ang pag-aalala niya. Now that Cori has woken up, and Mau had given birth.
*
*
*
ISANG MALALIM NA PAGHINGA ANG PINAKAWALAN NI DEMANI NANG MAKAPASOK SA PRIVATE UNIT NI COREEN SA OSPITAL. Nakita niya ang pinsang tahimik na nakahiga sa kama nito at nakatingin sa kawalan.
Nalulungkot siya sa pinagdadaanan ni Coreen, pero naroon din ang saya sa kaniyang puso dahil kahit papaano ay ligtas na ito at malayo na sa kapahamakan.
"Hey," aniya nang tuluyang makapasok.
Nalipat ang tingin ni Coreen sa kaniya, sandali siyang tinitigan bago sumagot. "Hey."
Wala siyang nakitang kahit anong emosyon na dumaan sa mga mata ng pinsan, subalit ramdam niya sa tinig nito ang labis na lungkot. Inisara na muna niya ang pinto bago tuluyang lumapit sa kama ni Cori. Naupo siya sa stool na katabi niyon saka masuyong inabot ang kamay ng pinsan.
"How are you feeling?" she asked quietly. Kailangan niyang maging maingat sa mga sasabihin o itatanong dito. She knew that patients like Cori needed a broad understanding and patience. They were physically, mentally, and emotionally unstable. People around these types of patients must be careful with every word they say in order to avoid triggering the patient's emotions.
"I feel numb," Cori answered. Her voice was low and hoarse.
"It's probably due to the medicines that were injected to you," aniya, kahit na alam niya kung ano ang ibig sabihin ng pinsan.
Cori smiled wryly. Ngiting hindi umabot sa mga mata. "I was told that you're the one who went to my house and saved me."
"Hindi mo ba... nagustuhan ang ginawa ko?"
Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan nito. "I'm just... tired, Demani."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng pinsan. "It's okay to rest, Cori. But it's never okay to give up. Isipin mo ang mga anak mo. Ano ang mararamdaman nila kung pati ikaw ay mawala sa buhay nila? Ikaw lang ang mayroon sila, Coreen. Hold on to them."
"Madaling sabihin dahil hindi ikaw ang nasa poder ko..."
"I may not know how heavy you feel inside, but at least I know what's at stake— it's your children, Cori." Diniinan niya ang pagkakahawak sa kamay ng pinsan. "Your sons need you. We need you. Ang buong pamilya ay hinihintay ang paggising mo, at lahat kami ay nalungkot sa nangyari sa iyo. Please, Cori. Allow us to help you move on—" Nahinto siya nang biglang nagsalita si Coreen.
"I have loved Sam with all of my heart, Demani..."
She drew a long, deep breath. Marinig lang niya ang pangalan ng asawa ng pinsan ay umiinit na ang ulo niya.
"Matagal ko nang alam ang tungkol sa pambabae niya pero natakot akong komprontahin siya dahil ayaw kong magalit siya sa akin."
Ang mga mata ni Cori ay unti-unting namula at pinamunuan ng mga luha. Pilit itong nagpakawala ng ngiti subalit malinaw pa rin niyang nakikita ang sakit sa mga mata nito. Sakit na kahit kailan siguro ay hindi niya maiintindihan.
"I don't want Sam to get angry at me," Cori continued. "Kasi, sa tuwing nangyayari iyon ay nagbabanta siyang iiwan kami. At ayaw kong iwan niya kami, Demani. My children need their father; ayaw kong lumaki silang walang ama—ang lumaking hindi buo ang pamilya. At para sa mga anak ko ay titiisin ko ang sakit na dulot sa akin ng pambababae ng ama nila, just to give them a complete family. But one night, I got so jealous. Alam kong galing na naman siya sa babae niya. We fought, hanggang sa masaktan niya ako. He panicked because I lost consciousness, kaya umalis siya daladala ang mga gamit niya.
Noong umalis siya, akala ko ay kaya ko. Akala ko ay kaya naming wala siya. Pero gabi-gabi akong umiiyak, at sa tuwing hinahanap ng mga bata ang ama nila'y nalulungkot ako. Labis na pagkalungkot na naipon sa dibdib ko hanggang sa tingin ko'y hindi ko na kaya pang dalhin.
When Sam came back, I thought he realized that he needed us as much as we needed him. Pero nang malaman niyang nagdadalangtao ako ay muli siyang nagalit. He said he didn't want another child; he wanted me to get rid of the baby." Nahinto si Cori dahil doon na ito umiyak nang umiyak. Hindi na ito nagkunwari pa at tuluyan nang ipinakita sa kaniya ang labis na sama ng loob.
Pero wala sa pag-iyak nito ang kaniyang pansin. Kung hindi doon sa huling sinabi nito sa kaniya.
Unti-unti siyang pinanlakihan ng mga mata.
"Cori..." she uttered in a shaky voice. "Please don't tell me..."
Patuloy pa rin sa paghagulgol si Cori nang muling nagsalita. "Just to make him stay, I did what he wanted me to do, Demani. I got rid of the baby."
"Oh!" Nabitiwan niya ang mga kamay ng pinsan upang takpan ang bibig. Para siyang binagsakan ng kung anong mabigat na bagay at pumasan sa kaniyang likod. She was so shocked and disappointed that no words came out of her mouth.
"Hindi ko sinabi sa iyo ang totoo noong puntahan mo ako. I didn't want anybody to know. Nang hapon na tinawagan kita ay muli kaming nagtalo ni Sam noon. He was so pissed dahil wala raw epekto ang gamot na ininom ko at pinaglololoko ko lang daw siya. He was so angry he hit me. Matapos niya akong saktan ay dinala na niya ang lahat ng mga gamit niya. He left again, and when he was gone, that was when the medicines took effect. Dinugo ako nang dinugo, at ikaw lang ang una kong naisip na tawagan dahil alam kong hindi ka magtatanong sa akin nang kung anu-ano. That you would be there to support me without judgement. Hindi tulad ng pamilya ko. My mom would always blame me for the wrong decisions I made, ni minsan ay hindi ko siya nilapitan sa tuwing may problema ako dahil imbes na payo ang makukuha ko sa kaniya ay paninisi pa. My father is a perfectionist, and you knew that too well. Kapag sa kaniya naman ako lalapit ay puro sermon naman ang makukuha ko. I can't run to my parents, Demani. They would make me feel worse.
Ikaw lang at si Mau ang lagi kong kakampi; kayong dalawa lang ang nakaiintindi sa akin. But during that time, I couldn't call my twin. Ayaw kong mag-alala siya sa akin at manganak nang wala sa oras. Kaya ikaw... ikaw na lang ang tinawagan ko. When I woke up the next day, nakita ko ang mga magulang ko sa tabi ko. They were angry. At sa totoo lang ay nagtampo ako sa'yo noon. Ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko pero ipinasa mo pa rin pala ako sa kanila, I was so disappointed... Kaya naman sa sumunod na mga araw ay nanlamig ako sa'yo. Hindi na rin ako pumupunta sa mga family gatherings dahil pakiramdam ko'y wala ring makikita at masasabing maganda sa akin ang buong pamilya. So I isolated myself, Demani. I wanted out from this family..."
Hindi niya namalayang unti-unti na ring pinamunuan ng luha ang kaniyang mga mata. "But Cori... Our family will always stand by you and support you—"
"Sa'yo lang magiliw ang lahat, Demani, because you are the perfect daughter and you married the perfect man. Our family will always stand by you because you are their favorite. Pero sa akin? No. At kahit umalis ako ay hindi nila ako tatantanan; not because they cared but because they are worried that I'd mess up again."
Doon na bumagsak ang mga luha niya. Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito tungkol sa kaniya; nasa iba ang kaniyang isip. "Did you... attemp to end your life because... you thought that was your only way out? Dahil ba... sa tingin mo ay sa ganoong paraan ka lang makakatakas sa pamilya?"
Banayad na suminghot si Cori saka ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Pangalawang rason ko lang iyon kung bakit ko ginawa ang ginawa ko." Humugot muna ito nang malalim na paghinga bago nagpatuloy. "Nang dahil sa nangyari sa akin, pakiramdam ko ay wala na akong silbing babae. Hinayaan ko si Sam na tratuhin ako nang ganoon, at nitong nakaraan ko lang napagtanto na mali ako sa ginawa kong pagkunsinti sa kaniya. I felt worthless afterwards; I was just living in a shell. Wala nang puso, wala nang halaga. And I also felt so guilty for what I did to my poor, poor baby. I killed my baby... I killed my own flesh and blood..."
Muli ay humagulgol nang humagulgol si Coreen kaya hindi rin niya napigilan ang sariling humagulgol na rin.
"Hindi kayang dalhin ng konsensya ko ang ginawa ko sa akin anak; so I had to do what I thought was the proper way to pay for my sins. I decided to just end my life.":
"Oh Cori... Cori..." Napatayo siya at niyakapa ang pinsan na lalong lumakas ang pag-iyak.
Si Cori ay kaagad din namang tinanggap ang simpatya niya. Sa mahabang sandali ay pareho lang silang magkayakap. Hanggang sa bahagyang humiwalay si Cori at tinititigan siya nang diretso sa mga mata.
"I don't want to be alone, Demani. I'm scared. I'm scared..."
"You are not going to be alone, Cori." She tightened her grip. "I will always be here for you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro