Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 041



"MORNING, HONEY," bati ni Demani sa asawa bago lumapit dito. Nakatayo ito sa harap ng stove at may niluluto. Pagkalapit ay kaagad siyang yumakap sa likod ni Van. "Hmm, that smells good. What are you cooking?"

"Vegetable omelet; your favorite," sagot nito bago siya binalingan at hinalikan sa sentido.

Napangiti siya at bahagyang sinulyapan ang maruming lababo. Naroon pa ang lahat ng pinagbalatan nito ng mga gulay na ini-sahog.

Nagising siya kanina nang maramdamang wala na sa kaniyang tabi si Van. She so wanted to sleep more, but her body wouldn't cooperate. Nasanay na ang kaniyang katawan na magising sa ganoong oras kaya nagawang pilitin pa ang sarili na bumalik sa pagtulog. Bumangon na lang siya at naghilamos.

Pagbaba niya sa hagdan ay kaagad niyang narinig ang ingay sa kusina, and she knew it was her husband chopping on something.

Pagpasok niya sa kusina ay ang umuusok na coffee maker kaagad ang unang niyang nakita. May kape roon na binu-brew ang asawa; like he always did. He was a coffee person; and he liked his coffee dark and strong.

"Can I help you with anything, honey?" she asked, still hugging him from behind.

"No, I want you to just sit at the table and wait for the meal to be served."

Hindi siya tuminag. Nanatili syang nakayakap dito.

"Come on, honey..."

She giggled and let go of him. "Okay, Sir." Nakangiti siyang bumitiw at tinungo ang cupboard upang kumuha ng tasa. Pagtingala niya ay tila umikot ang kaniyang tingin, kaya bigla siyang napahawak sa lababo at mariing ipinikit ang mga mata.

Si Van ay napalingon sa asawa at nang makita ang nangyari ay biglang natilihan. "Hey, are you alright?"

Nagmula siya at nilingon ito. She grimaced. "Sorry, nahilo ako."

Binitiwan ni Van ang spatula at nilapitan siya. He then held her on her shoulders. "Marahil ay kinulang ka sa tulog. Just seat and I'll serve you breakfast, okay?" Ini-giya siya nito sa kitchen nook at pinaupo sa harap niyon. "Do you want coffee?"

Tumango siya, at nang tumalikod ang asawa upang ikuha siya ng kape ay sinapo niya ang ulo.

Noong bumangon siya kanina ay naramdaman na niya ang pagkahilong iyon, at alam niyang dahil iyon sa dalawang gabing kulang siya ng pahinga. Alam niyang kulang pa siya ng tulog, pero hinila siya ng katawang bumangon kaya pinilit niyang tumayo.

Pagkatapos ng almusal ay matutulog na lang siyang muli. Ayaw niyang magkasakit kaya ipapahinga na muna niya ang sarili sa araw na iyon.

Ibinalik niya ang pansin sa asawa at noon lang napansing naka-bihis na ito.

"Hon, baka ma-stuck ka sa traffic mamaya kung hindi ka aalis nang maaga..."

Van looked over his shoulder as he poured coffee into her cup. Ngumisi ito. "So what if I get stuck in traffic? I'm the boss—I can go to work whatever time I desire."

Ngumuso siya. "Sige, turuan mo ng ganiyang prinsipyo ang mga staff mo."

Natawa ito at itinuloy na ang ginagawa. At habang pinagmamasdan niya ang asawa ay may umagaw sa kaniyang pansin.

It was a weird smell.

And then, there was smoke.

Nang mapagpatanto kung ano iyon ay marahas siyang napalingon sa stove. At nang makitang umuusok na ang omelete na nakasalang sa pan ay nanlaki ang mga mata niya.

"Oh shit!" bulalas naman ni Van nang maamoy rin ang nasusunod na almusal. Mabilis itong lumapit sa stove at pinatay ang apoy.

But it was too late now.

Tuluyan nang natosta ang omelete.

Napatingin si Van sa kaniya, nasa anyo ang pagkamangha—sandali silang nagkatitigan hanggang sa sabay silang napabulalas ng tawa.

"Damn it," he said while chuckling. "Would you like us to just order some food? McDonald's breakfast, maybe?"

Natatawa siyang umiling bago tumayo. "Male-late ka lang kaya h'wag na." Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi. "Don't bother, sasama na lang ako sa'yo paalis. Give me a sec and I'll just grab my stuff."

"Pero masama ang pakiramdam mo, hindi ba?"

"Nah, don't worry about it. Iidlip na lang ako habang nasa kotse." Mabilis siyang tumalikod at nang palabas na ng kusina ay muling narinig ang asawa.

"What are your plans today? I have two big meetings this afternoon but I will be free after five."

Lumingon siya at ngumiti. "I'll probably just visit Cori today; makikitulog na rin sa bahay niya. Doon mo na lang ako sunduin mamaya."

*

*

*

MATAPOS NILANG MAG-ALMUSAL SA ISANG KILALANG BREAKFAST SHOP ay nagpahatid si Demani sa asawa sa bahay ni Cori. Nagpasiya si Van na hindi na pumasok sa opisna sa umagang iyon at sa hapon na lang pupunta para sa dalawang magkasunod na meetings.

Mag-a-alas dies na ng umaga at hindi sila sigurado kung nasa bahay pa nito si Cori o nasa ticketing outlet nito malapit sa isang malaking mall sa Alabang.

Pagdating sa harap ng gate ay kaagad niyang nakita ang sasakyan ng pinsan; ibig sabihin ay naroon ito.

Bumaba silang mag-asawa. Ilang beses niyang ni-press ang doorbell subalit makalipas ang mahigit sampung minutong walang lumalabas upang pagbuksan sila'y nag-umpisa na siyang kabahan. Tiningala niya si Van na nakatayo sa kaniyang likuran.

"Hon..." Hindi niya alam, pero biglang may bumangong kaba at takot sa kaniyang dibdib.

"Give her a call," seryosong sabi ng asawa; ang tingin ay nasa dalawang palapag na bahay. "Kapag walang sumagot ay magtatawag ako ng guard."

Tumango siya at mabilis na sinunod ang sinabi ng asawa. Tinawagan niya si Coreen, subalit makalipas ang dalawang attemp na hindi ito sumasagot at ring lang nang ring ang cellphone ay lalo siyang inatake ng kaba.

Sunod niyang tinawagan ang Tita Ynez niya na sa mga sandaling iyon ay nasa ospital pa rin. Ni-kompirma nitong nasa bahay pa nito ang dalawang anak ni Cori kasama ang Uncle Lau niya.

Sinabi rin sa kaniya ng tiyahin na kahit ito raw ay hindi rin ma-contact ang anak. Sa labis na kaba ay sunod niyang tinawagan si Maureen, at nang sabihin nitong hindi pa nito nakakausap ang kakambal magmula noong nakaraang araw ay kaagad niyang tinapos ang tawag. Ayaw niya itong pag-alalahin kaya hindi niya sinabi rito ang nangyayari.

Si Van ay sandaling umalis dala ang sasakyan upang puntahan ang dalawang gwardiyang nakabantay sa entry and exit ng subdivision. Bumalik ito kasama ang isang guwardiya na may dalang susi ng gate. Protocol sa subdivision na may duplicate key ng gate ang mga guwardiya in case of emergency. This kind of emergency for example...

Nang mabuksan ang gate ay halos takbuhin ni Demani ang front door. Sunud-sunod siyang kumatok subalit makalipas ang ilang sandali'y wala pa ring may nagbubukas. Ang guard at si Van ay umikot sa buong bahay upang suriin ang paligid, hanggang sa naglakas-loob na si Van na sirain ang isang bintana upang makapasok sa loob.

Mula sa loob ay kaagad silang pinagbuksan ni Van. Kasama nilang pumasok sa loob ng bahay ang guwardiya ng subdivision.

"Walang tao dito sa baba," ani Van.

Sabay silang tumingala sa hagdan.

"But I can hear a loud noise coming from upstairs. Maaaring naroon si Cori at hindi narinig ang katok o doorbell dahil sa lakas ng tugtog."

Hindi na siya sumagot pa at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang hagdan, Halos liparin niya ang paakyat niyon, hanggang sa marating niya ang harap ng pinto ng silid kung saan sila may naririnig na malakas na tugtog sa loob. Ang akma niyang pagdadala ng kamay sa doorknob ay nahinto nang abutan siya ng asawa. Pinigilan nito ang braso niya.

Tiningala niya sa Van.

Seryoso ito subalit nasa anyo na rin ang pag-aalala. Umiling ito at iginiya siya patungo sa likuran nito.

He knocked. Twice. They waited for someone to open the door. But no one did.

Si Van na ang nagbukas ng pinto.

Lalong lumakas ang tunog ng music na naririnig nila sa loob; it was the master's bedroom. Pumasok si Van at sinenyasan siyang maiwan muna sa labas. Ang guwardiya ay sumunod din sa loob.

Ilang sandali pa'y narinig niya ang tinig ng asawa na nangingibabaw sa malakas na tunog ng musika. He was calling out Cori's name. Doon siya lalong kinabahan. And she was about to come in when Van emerged to the door carrying Cori's unconscious body.

Muntik na siyang takasan ng malay sa nakita.

*

*

*

"HEY, ARE YOU ALRIGHT?"

Mula sa pagkakabaluktot sa higaan ay napalingon siya nang marinig ang tinig ng asawa. Pagkaharap niya sa direksyon nito'y nakalapit na ito at naupo sa gilid ng kama nila.

She gave her husband a weak smile. "I'm alright."

"I ordered food for dinner."

"Wala akong gana." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa unan at lalong namaluktot. Ang kaniyang tingin ay ibinaling niya sa nakabukas na bintana ng kanilang silid. "I don't feel like eating or getting up, hon."

"You haven't eaten since yesterday morning, Demani. You haven't eaten anything for more than 30 hours."

Hindi siya nakasagot.

Kahapon nang umaga nangyari ang pagpunta nila sa bahay ni Coreen.

Her cousin had overdosed herself with sleeping sleeps that morning which almost took her life kung hindi lang sila dumating ng asawa nang umagang iyon.

Nasa ospital pa rin ito hanggang sa mga sandaling iyon, wala pa ring malay si Coreen subalit siniguro ng doctor na makaliligtas ito. The family was just waiting for Cori to wake up.

Hindi nila sinabi ang nangyari kay Lola Val na sa makalawa pa madi-discharge, at kay Maureen na sa araw na iyon ay nabalitaan niyang nagle-labor na. Cori's parents, her Uncle Lau and Aunt Ynez, almost fainted when they learned about what happened. Syempre, since ang Tita Ynez niya ang nasa ospital ay ito ang unang nakaalam nang isugod nila roon si Coreen. Halos himatayin ito sa pag-aalala, kaya naman napilitan siyang tawagan ang buong pamilya.

Sumugod ang lahat sa ospital, at ang mommy niya ang sunod na nagbantay kay Lola Val.

She couldn't face her grandma, mahahalata siya nito. Halos hindi rin siya makausap ng lahat kahapon dahil tila siya nawala sa sarili. She was just crying as Van held her in his arms. Nang makauwi sila'y dumiretso siya kaagad sa kwarto nila at pinilit na matulog. Pag-gising niya sa araw na iyon ay tulala na lang siya.

Ang sabi ng doktor na tumingin kay Cori, kung hindi raw sila dumating at kung hindi raw ito naisugod kaagad sa ospital ay baka hindi na ito nakaligtas pa. Nalaman din niya mula kay Van na nang matagpuan nito sa silid si Coreen ay nasa ibabaw ng kama katabi ang tatlong bote ng alak at mga nagkalat na sleeping pills. Her cousin attempted to end her life.

And she was devatated because she couldn't imagine what could have happened if she didn't come to her cousin's house that morning. She was devastated for what could have happened to their family if something bad happened to Cori. Ano na lang ang mangyayari sa mga anak nito kung sakali? Ano ang mararamdaman ng mga magulang nito? Ni Maureen? Siguradong makaaapekto iyon sa damdamin ni Maureen pagkatapos manganak.

Post-partum depression may hit Mau if Cori didn't survive.

Ang Lola Val nila ay siguradong maaapektohan din at baka lalo pang magkasakit.

A lot of bad things could have happened... if she didn't visit Cori that morning.

Buti na lang at nasunog ang nilutong breakfast ni Van.

Buti na lang at napakiusapan niya itong samahan niya.

Every minute that passed by mattered; paano kung hindi naglakas-loob ang asawa niya na pasukin na lang ang bahay?

Nalulungkot siya at hindi niya initago iyon kay Van. Nalulungkot siya sa naging takbo ng buhay ni Coreen.

This wasn't the life she imagined her cousin would have the day she met Sam. He used to be a nice, loving guy. At dahil si Cori ang unang nag-asawa sa kanilang magpipinsan ay naging maayos ang pagtanggap ng pamilya nila kay Sam.

But then, that asshole cheated on her cousin, then, he started hitting Cori.

That asshole deserved to die. Kasalanan ni Sam ang lahat ng ito. Ito ang sumira sa buhay ni Cori; sa pamilya nila.

"Hon..." muling pukaw sa kaniya ng asawa. Hinawakan siya nito sa braso at masuyong hinagod doon. "Please eat something, baka ikaw naman ang magkasakit kung hindi ka kumain."

Sa halip na sumagot at hinawakan niya ang kamay nitong nakadantay sa braso niya, saka hinila iyon upang pahigain ang asawa sa tabi niya. Kaagad na nagpaubaya si Van. Tumabi ito sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. They were in a spooning position and it made her feel so secured.

She always felt safe in his arms...

Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang pag-iinit ng mga iyon. Para na namang siyang maiiyak, ewan ba niya. Napaka-emosyonal niya talaga...

"Honey," she said in a low, shaky voice. "Please don't ever leave me..."

Humigpit ang pagkakayakap ni Van sa kaniya. "I'm not going anywhere until you start feeling better, baby..."

Umiling siya at nagmulat. "What I mean to say is for you to stay with me forever. Please don't be like Sam. Because I don't want to be like Cori..." Doon na siya nag-umpisang umiyak. "I can't bear to lose you..."

"I will never be like Sam, and you will never be like Cori, I can assure you that, Demani," sagot nito sa seryosong tinig; puno ng determinasyon.

"Promise?"

Van planted a soft kiss on her shoulder. "I promise, baby. I promise..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro