Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 039



SA DALAWANG MAGKASUNOD NA ARAW ay si Demani ang kasa-kasama ni Lola Val sa ospital. She had somehow prepared for it dahil bago pumunta roon ay naghanta ito ng pambihis at mga gagamitin sa pananatili roon.

Araw-araw rin namang pumupunta sa ospital si Dahlia, ang mommy ni Demani, upang dalhan ng pagkain ang anak, at sa gabi, ay si Van naman ang naroon upang silipin ang asawa. Mula sa opisina nito sa Ortigas ay sa ospital sa Makati ang ang diretso nito upang makita ang asawa at kumustahin ang lagay ng matanda. Sandali itong mananatili roon bago bumiyahe pauwi.

Sa katunayan ay isang araw lang dapat na magbabantay si Demani, subalit nag-extend pa iyon dahil nagkasakit din ang Auntie Gerthrude niya at wala nang ibang ka-reliyebo.

Si Mari ang sunod na magbabantay pagkatapos ni Demani, na darating bukas ng umaga.

Maayos na rin naman ang lagay ni Lola Val, at ang sabi ng doktor ay maaari na itong lumabas makalipas ang isang linggo. Nagsabi si Van na kung wala pa ring magbabantay pagkatapos ni Mari ay kukuha ito ng caregiver para kay Lola Val, pero tumanggi si Demani at sinabing mas gusto nitong ito ang makasama ng lola sa natitirang araw sa ospital. Pinagbigyan ito ni Van; kaunting sakripisyo lang naman iyon; at mukhang nais din ng matandang si Demani ang kasa-kasama.

Sa ika-anim na araw ni Lola Val sa ospital ay si Demani na naman ang naroon upang samahan ito.

"I can't wait for Maureen to give birth," sabi ni Lola Val habang kinakain ang prutas na inihanda niya rito.

Mula sa pagbabalat ng apple ay nag-angat siya ng tingin at ningitian ang abuela.

"I hope the baby would look like Mau," she said, before turning her attention back to the apple.

"What's wrong kung si Jimmy ang maging kamukha?"

"Nah, I don't like Jimmy's nose."

"Kung si Jimmy ang magiging kamukha ng anak nila'y magiging cute ang baby panigurado."

"Why, Lola? Do you think Jimmy is cute?" nakangisi niyang ibinalik ang tingin sa Lola Val niya.

Napangiti rin ito. "Of course; magugustuhan ba iyon ng pinsan mo kung hindi?"

She chuckled. "I think Maureen only married Jim because she thought he was rich. Plus, Mau said he was great in bed."

Pinanlakihan ng mga mata ang lola niya. Sandaling natigalgal bago manghang nagsalita. "Oh, kayong mga kabataan talaga. Kailan pa naging batayan sa pagpapakasal ang kagalingan ng isang lalaki sa kama?"

Napahagikhik din siya sa sinabi ng abuela. "It is very important, Lola. Kasi dumadagdag iyon sa spice ng pagsasama ng mag-asawa."

Napailing ito. "Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Noong ako'y pumili ng mapapangasawa sa dalawang lalaking nanligaw sa akin ng dalawang taon, pinili ko iyong sinsero sa kaniyang hangarin, may paggalang sa aking mga magulang, at may takot sa Diyos. Sapat nang batayan ang mga iyon para masabi kong magiging mabuti siyang ama sa magiging mga anak ko. At hindi ako nagkamali. Your grandfather, despite being a tough general, was the sweetest, most loving man I have ever met my whole life."

Nawala ang ngisi sa mga labi niya at pinagmasdang mabuti ang anyo ng lola. Lagi na niyang napapansin na sa tuwing nababanggit nito ang namayapa niyang lolo ay tila may mga bituing nakakubli sa likod ng mga mata ni Lola Val. She was always dreamy everytime she would mention her late husband.

Her grandmother was still in love with her grandfather...

At hindi niya naiwasang isipin kung sa pagdating ng araw ay ganoon din siya. Would she stay in love with Van for over sixty years?

"Alam mo bang nakikita ko ang ilan sa mga katangian ng lolo mo kay Van?"

Napakurap siya at muling ibinalik ang pansin sa lola.

Muli siya nitong ningitian. "The reason why I like Van was that I could see his sincerity. He is sincere with his feelings, he cares a lot about you and your marriage. And he is so in love with you. Iyong paraan ng pagtitig niya sa iyo ay katulad ng paraan ng lolo mo noong nabubuhay pa siya; iyong tila pati buwan at mga bituin ay susungkitin para mapaligaya lang ang babaeng mahal nila."

Napangiti siya at muling niyuko ang apple. Ang marinig ang paghahambing ng lola niya kay Van sa namayapa niyang lolo ay malaking bagay para sa kaniya.

"Nabanggit ni Van na nagpa-plano na kayong magkaroon ng anak, hija..."

Lumapad pa ang ngiti niya. At habang itinutuloy niya ang paghiwa ng mansanas ay nagbalik sa isip niya ang mga nangyari sa nakalipas na mga araw. Simula nang magkabati sila ng asawa ay mas naging matamis ang pagsasama nila; mas naging mapag-intindi sila sa bawat isa—sa bawat pangangailangan nila. Naging mas maalab ang mga gabi—at umaga nila. At mas nabigyan niya ng oras ang asawa.

Mas lalo pa siyang naging masaya dahil bukas na rin si Van sa pagkakaroon ng anak. Sa susunod na buwan ay pupunta sila sa doktor niya upang hingin ang payo nito sa paghinto niya ng pag-inom ng birth control pills—

Natigilan siya sa biglang naisip.

Sunud-sunod na kumabog ang kaniyang dibdib.

Unti-unting nanginig ang kaniyang kamay.

May bigla siyang naalala. May bigla siyang napagtanto.

Oh, bakit ngayon lang niya naalala?

Dahil sa labis na sayang naramdaman niya sa pagkakabati nilang mag-asawa ay nakalimutan na niya kung ano ang dapat na ginagawa niya sa bawat umaga.

"Oh no..."

"What's going on?" tanong ng lola niya nang makita ang pagkatigalgal niya. Bumakas sa anyo ng matanda ang pag-aalala nang mapansin ang pamumutla ng kaniyang mukha. "Demani, ano'ng nangyari sa'yo? Masama ba ang pakiramdam mo? Ito na nga ba ang sinasabi ko, dapat ay umiidlip ka rin para—"

Napatayo siya. Binitiwan niya ang kutsilyo at mansanas sa ibabaw ng bedside table, at sa nanlalaking mga mata ay hinarap niya ang lola.

"L-Lalabas po muna ako, 'La. I need to give my husband a call."

"Bakit, ano'ng nangyayari?"

"May... May nakalimutan lang po ako, 'La." Pilit siyang nagpakawala ng ngiti bago tuluyang tumalikod.

Pagdating niya sa labas ng private unit ng Lola Val niya ay kaagad niyang dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang denim jacket at hinanap ang numero ni Mau. Wala siyang ibang mapagsabihan sa bigla niyang pag-aalala. She couldn't tell her husband either. At kapag ganoong natataranta siya ay mas komportable siyang kausap ang pinsan.

Ilang sunud-sunod na ring sa kabilang linya ang narinig niya bago sinagot ni Mau ang kaniyang tawag.

"Hey, Dems. Kumusta ang Lola V—"

"I'm worried."

"What?"

Nanginginig ang kamay na hinagod niya patalikod ang buhok. "I... I forgot to take my birth control pills..."

Sa kabilang linya ay humagikhik si Maureen. "Tumawag ka para lang sabihin iyan?"

"Well of course! Dahil nag-aalala ako."

"Nag-aalala saan?"

"That I could get pregnant."

"So? Hindi ba at iyon naman ang plano ninyo ni Van? Hindi nga lang ngayon pero sa susunod na buwan—"

"You need to understand, Mau. I forgot to take my pills for three weeks. And my husband and I are sexually active for a week now, at nag-aalala akong baka may namumuo nang—"

"I understand what you mean, okay? Pero bakit ka nag-aalala? May asawa ka naman. Kung mabuntis ka ay ano naman? It's expected. Besides, ito naman ang plano ninyo, mas napaaga nga lang ng... what, two weeks? Come on, Demani. You are overreacting. At isa pa, ha? Kung isang linggo pa lang kayong sexually active, papaano kang nakasisiguro na may nabuo na kaagad? Masyado ka lang yatang excited, Demani—"

"I was a nurse, Maureen. I may not know a lot about reproductive science but I know that it only takes about six to ten days after sexual intercourse to form a fertilized egg and for it to completely implant in the uterus, producing a baby!"

"Oh, I didn't know that..."

Nagpakawala siya ng mahabang paghinga. "Don't get me wrong—hindi sa hindi ako masayang baka may nabubuo nang buhay sa sinapupunan ko. Ang pinag-aalala ko ay baka hindi siya matuloy. Iyon ang dahilan kaya nagpapanic ako ngayon."

"Bakit naman hindi matutuloy?"

Sinapo niya ang ulo. "Sa nakalipas na mga araw ay umiinom ako ng gamot para sa stress at sakit ng ulo. I was too worried for Lola Val, at sa nakalipas na ilang araw ay hindi ako nakakapagpahinga nang maayos. Since the day Lola was brought to the hospital, hindi ko na rin gaanong naaalagaan ang sarili ko. Paano kung dahil sa kapabayaan ko ay hindi mabuo o matuloy ang pagbubuntis ko?"

Si Maureen sa kabilang linya ay nagpakawala ng malalim na paghinga. "Ang laki ng problema mo, pinsan... tsk tsk tsk."

"I want a child, Mau. Kahit noong bagong kasal pa lang kami ni Van, gusto ko nang magkaanak kaagad. Kaya lang ay gusto ng asawa kong palipasin muna namin ang isang tao bago magplano sa pagkakaroon ng anak. I conceded; having a baby is a decision that should be made by both of us at hindi lang ako. Hindi lang dahil gusto ko." Muli niyang hinagod ang buhok patalikod sa labis na panlulumo. "Nag-aalala lang ako na baka hindi nabuo..."

"Kung hindi nabuo ay gumawa na lang ulit sa susunod na buwan. Geez, Dems. You are overcomplicating things too much."

"Kung hindi man nabuo dahil sa ginawa ko sa sarili at katawan ko ay para ko na ring pinatay ang sana'y unang anak namin ni Van..."

"Oh come on, stop thinking that way, okay? Minsan talaga ay iyan ang problema sa'yo; maliit na bagay ay pinapalaki. Wala pang nangyayari ay napa-praning na." Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang pagbunutonghininga ni Maureen. "Calm down and don't be too hard on yourself. Kaya ka mabilis kapitan ng stress, eh."

Hindi siya kaagad na nakasagot. Sapo-sapo lang niya ang ulo sa labis na pag-aalala.

She was too worried about the possibility that she could be pregnant, at nag-aalala siyang baka hindi kumapit dahil sa kapabayaan niya sa sarili sa mga nakalipas na mga araw.

"Pero teka, bakit mo nga pala nakalimutang inumin ang birth control pills mo sa nakalipas na dalawang linggo? That isn't like you, Dems."

Because I don't have any reasons to take them! At sa dami ng iniisip ko noon ay nakaligtaan ko.

Hindi niya masabi iyon sa pinsan.

Nang walang sagot na nakuha mula sa kaniya ay muling nagsalita si Maureen.

"Okay, ganito na lang, Demani. Stop thinking about it and just take a pregnancy test kung napa-praning ka talaga. Kung sa tingin mo ay may posibilidad na nagdadalang tao ka ay baka pwede nang ma-kompirma ng PT 'yon. Or better yet, talk to an OB since nariyan ka na rin naman sa ospital."

May punto ang pinsan niya. It was still early, but she also knew that she could try to take a test. She knew that once the fertilized egg was implanted into the uterine wall, a pregnancy hormone was produced, which means a pregnancy test kit could detect pregnancy as early as ten days.

"Okay, I'll try that," aniya. Tama ang pinsan; bago siya mag-overreact ay iyon muna ang kailangan niyang gawin. Bakit ba hindi niya naisip 'yon? Nurse pa man din siya. "Tatawagan ulit kita mamaya para balitaan, Mau. Let's keep this a secret between us for now, okay?"

"Kk. Go ahead na at kailangan ko pang maglakad-lakad. I'm starting to feel heavy now."

Si Maureen na mismo ang unang tumapos ng tawag.

Matapos iyon ay ibinalik na niya ang cellphone sa backpocket saka lumapit sa harap ng pinto ng unit ni Lola Val. Naka-ilang hugot muna siya nang malalim na paghinga upang alisin ang pag-aalala sa anyo bago kumatok at pumasok sa loob. Magpapaalam lang siya sandali rito.

She needed to purchase a PT kit to test herself.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro