CHAPTER 038
DEMANI GIGGLED WHEN HER HUSBAND PUSHED HER TO THE BED. Katulad ng kaniyang inasahan ay bago ang sheet na nakasapin doon at mabango.
Tumayo ang kaniyang asawa sa pagitan ng kaniyang mga binti, at habang nakangisi ay isa-isa nitong hinubad ang mga kasuotan. He was strip-teasing in front of her and she was enjoying the act. She couldn't stop herself from giggling.
Paano ba naman kasi, nakangisi rin ang kaniyang asawa na tila macho dancer sa isang night club habang inihuhubad ang mga damit. He was also swaying his hips like an erotic dancer as he teasily bit his lower lip.
Iyon ang unang beses na sumayaw ng ganoon ang asawa kaya siya tawang-tawa. Van was never a dancer—kahit nga noong first dance nila as husband and wife during their wedding reception, pilit na pilit pa ang sayaw nito.
Pero ngayon ay todo hataw ang asawa. Kulang na lang ay mga matrona na manonood at maghahagis ng pera rito, eh.
"Iba talaga ang nagagawa ng alak sa'yo, honey," she said, still giggling.
Lumapad ang pagkakangisi nito. Ang pantalon naman ngayon ang sunod na inihuhubad. "When you mix alcohol and happiness, this is what you get, baby."
Hindi na siya nakasagot pa nang banayad na ihagis sa kaniya ng asawa ang nihubad nitong pantalon. Tumakip iyon sa kaniyang mga mata kaya tawa na naman siya nang tawa.
"You better be ready, Demani Loudd. Because I am not going to be gentle with you tonight."
Dinala niya ang kamay sa pantalon at ibinaba iyon nang kaunti upang bahagyang silipin ang asawa. Gusto sana niyang tingnan kung tuluyan na nitong nahubad ang natitirang saplot nang sa pagsilip niya ay makita itong papayuko sa kaniya. Ito na rin mismo ang nagtanggal ng pantalon nito sa kaniyang mukha, at bago pa siya may masabi ay mariin na siya nitong hinagkan sa mga labi.
At bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay bumaba na ang mga kamay ng kaniyang asawa sa laylayan ng suot niyang bestida saka kung papaano na lang iyong ini-angat.
His hands feasted on her skin—they caressed gently, seductively to arouse her.
Sunod niyang naramdaman ang pagsampa ng kaniyang asawa sa kama. Lumuhod ito sa pagitan ng mga binti niya. Doon na niya itinaas ang mga braso at ipinulupot sa leeg nito.
At habang magkarugtong ang kanilang mga labi sa mapusok na halik ay umangat pa ang mga kamay ni Van sa magkabilang gilid ng kaniyang binti, paakyat sa kaniyang balakang, sa kaniyang bewang, hanggang sa umabot ang mga iyon sa gilid ng kaniyang dibdib.
His palms then rested on her breasts, not touching, just resting.
Doon humiwalay ang mga labi ng asawa. At tulad ng madalas mangyari ay nag-aalab ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya.
Then, he smiled.
"You are so beautiful..." he whispered.
"At least in your eyes..." she joked.
"You don't believe you're beautiful?'
"I do... lagi mo ba namang sabihin sa akin, eh. Pero... kapag nakikita ko ang mga socialites sa magazine o televisions, naiisip kong mga ganoong klase ng babae ang madalas na nakapaligid sa iyo; sa sirkulo mo. And I couldn't help but wonder why you chose me to be your wife."
"I didn't choose you," he said, his face filled with so many emotions. "My heart did."
Tila ba hinaplos ang puso niya sa sinabi nito. Kaya hinila niya ang asawa saka siya naman ang sunod na humalik dito. This kiss was even more passionate, more sensual than the previous.
Madiin, mas mapaghanap at mapang-angkin.
Ilang sandali pa'y muling humiwalay ang asawa, at sa pagkagulat niya'y hinawakan siya sa magkabila niyang balakang at ini-dapa. He then lifted her lower body as she laid her stomach on the bed.
She looked over her shoulder. "What—"
"Brace yourself, baby."
And her response got stuck in her throat when Van pulled her lacy panty down and sought entry.
*
*
*
BIGLANG NAPABALIKWAS NG BANGON SINA VAN AT DEMANI NANG marinig ang ingay na nagmumula sa labas ng silid. It was her mother's voice in panic.
"What's happening?" tanong ni Van na inaantok pa. His eyes were still closed, his arm wrapped around her waist.
Kahit siya ay halos hindi mabuksan ang mga mata sa pagkaantok. Hindi niya alam kung anong oras silang natulog ng asawa kagabi—o madaling araw ba? She had no idea. They didn't stop until their bodies could no longer move a muscle. At kung ang pagbabasehan niya ay ang ingay na naririnig sa labas ay mukhang tirik na ang araw.
Muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Kahit papaano ay double bed ang higaan niya sa dating silid, subalit nagsiksikan pa rin sila ng asawa dahil maliban sa malaki ang katawan ni Van ay nais nitong dumikit sa kaniya.
And oh... how warm his naked body was. Parang ayaw na niyang bumangon.
Napangiti siya at yumakap sa asawa na nahiga na rin tulad niya. Inisiksik niya ang ulo sa dibdib nito saka inidikit pa lalo ang hubad ding katawan dito.
"Hmmm. Morning, honey..." she murmured before planting a soft kiss on his chest.
"Don't do that," ani Van sabay ungol. Ang isang kamay nito'y humahagod sa kaniyang likod, habang ang isa'y bumaba sa kaniyang balakang upang hilahin pa siya nito palapit sa katawan.
"Why not?" she asked as she continued to plant soft, little kisses onto his skin.
"Because I don't want to disappoint you..."
She chuckled. "Bakit mo naman ako madi-disappoint?"
"Because I can't promise to give you my best performance if I make love to you half awake." Yumuko ito at kinabig pa siya nang husto. "I'm still sleepy, babe... Ano'ng oras na ba at gising na sina Mommy?"
"No idea..." She inhaled her husband's perfume mixed in his natural scent. Para siyang adik na nababaliw sa amoy ng asawa.
She closed her eyes again and tried to get back to sleep. Kahit siya ay inaantok pa rin, at tulad ni Van ay nais pa niyang matulog.
Subalit wala pang ilang minuto simula nang muli nilang sinubukang umidlip ay saka naman nila narinig ang tinig ng mommy niya sa labas ng silid. Her mother was talking loud and fast; tila natataranta.
At doon ay muli silang napabalikwas ng bangon saka nilingon ang pinto.
"Something's not right," aniya; sa dibdib ay unti-unti nang bumabangon ang pangamba.
Napalingon siya sa asawa na ngayon ay nakabukas na rin ang mga mata at kunot-noong nakikinig sa kaguluhan sa labas. Naulinigan nilang pareho ang mga tinig na papalayo; yaong tila patungo na sa labas.
"What's going on?" Van asked. "May narinig ka rin bang tila pag-iyak at pagsigaw?"
Sa sinabi ng asawa ay mabilis niyang inalis ang makapal na kumot na nakatakip sa katawan saka hubo't hubad na naglakad patungo sa banyo. She moved swiftly; nag-hilamos lang siya, nagsipilyo, saka hinagilap ang mga damit sa sahig upang magbihis.
Tulad niya'y bumangon na rin si Van at dumiretso sa banyo; at habang naroon ang asawa ay iniligpit niya ang mga damit nitong nakakalat din. Hindi nagtagal ay natapos ito, at sabay silang lumabas ng silid.
Pagkalabas nila ay wala na ang ingay.
Mabilis siyang humakbang patungo sa hagdan, at doon sa ibaba ay nakita niya ang kasambahay nilang si Manang Bining. Nakatayo ito sa nakabukas na front door at tila may tinatanaw sa labas.
Nagsalubong pa ang mga kilay niya nang makitang madilim pa sa labas.
"It's only four in the morning," pahayag ni Van mula sa kaniyang likuran.
Kaya pala antok na antok pa silang mag-asawa. Aba'y wala pa yata silang dalawang oras na nakatutulog, ah?
Itinuloy niya ang pagbaba, at nang makalapit kay Manang Bining ay kaagad siyang nagsalita na ikina-igtad nito.
"Ano'ng nangyari, Manang? Nasaan sina Mommy at Daddy?"
Napaharap ito, ang anyo ay puno ng pag-aalala. "Naku, Dems! Si Lola Val ay kinuha ng ambulansya!"
Malakas na singhap ang kumawala mula sa kaniyang bibig; hindi siya kaagad na nakapagsalita sa labis na pag-aalala.
Si Van, nang maramdaman ang pagkatigalgal niya ay hinawakan siya sa magkabilang balikat at banayad na pinisil doon. Napaharap siya sa asawa; at nang tingalain niya ito'y halos hindi na niya maaninag ang anyo nito dahil noon lang niya napagtantong pinamumunuan na pala ng luha ang kaniyang mga mata.
"It's alright, don't worry. Lola Val will be alright," he assured before grabbing her into his arms. Sunod nitong binalingan ang katulong. "Saang ospital dinala si Lola Val?"
*
*
*
ANG PAGBABA NG OXYGEN LEVEL ni Lola Val ang naging dahilan kung bakit ito biglang ini-sugot sa ospital nang umagang iyon. Ayon sa nurse na nakabantay rito ay nagising na lang daw ito nang maramdaman ang mahinang pag-iyak ng matanda, at nang tingnan nito si Lola Val ay doon nakitang hirap na itong huminga. Kaagad na tumawag ng ambulansya ang nurse at ginising ang mga magulang niya.
Hindi naman malala ang lagay ni Lola Val; ayon sa doktor na tumingin dito ay komplikasyon na lang iyon sa ibang mga karamdaman ng matanda.
Dumating ang buong pamilya sa ospital at doon sa lobby ay kinausap silang lahat ng doctor. Sinabi nitong mahina na si Lola Val at ang sakit nito'y lumalala na. They were reminded to prepare for the worst. Iyak nang iyak ang mommy niya, na siyang pinakamalapit na anak ng kaniyang lola. Kahit siya ay hindi napigilang lumuha, habang ang ang dalawang tiyuhin naman niya ay tahimik lang. Subalit kahit ganoon ang mga ito'y alam niyang labis din ang pag-aalala ng mga ito sa ina. Dahil sa kabila ng katahimikan ay mababakas sa mukha ng mga ito ang labis na pag-aalala at takot.
Takot na mawala ang ina.
Ang tanging wala sa ospital ay ang mag-asawang Maureen at Jimmy, na sadya niyang hindi tinawagan dahil sa kondisyon ng pinsan. Si Cori ay hindi rin dumating sa kabila ng pag-iwan niya ng voice message dito. Katulad ng hindi rin nito pagdating sa birthday ng Lola Val nila.
Tanghali na nang magpaalam ang ibang mga miyembro ng familia. Ang naiwan ay sina Tita Ynez at ang mommy niya na siyang magbantay kay Lola Val sa buong gabi hanggang bukas ng umaga.
"Hey, hon..." aniya kay Van nang lapitan niya ito habang nasa harap ng vending machine at pumipili ng maiinom.
"Hey," sagot ng asawa na kaagad siyang hinarap. Masuyo siya nitong hinawakan sa kamay, banayad na pinisil, bago siya hinila at niyakap. "How are you feeling?"
"I'm tired, and sleepy, and worried still."
"Don't stress yourself too much. Lola Val is out of danger."
"Pero sinabi ng doctor ay—"
"I know. Pero imbes na mag-alala tayo'y piliin nating ibigay ang suporta sa pag-galing ni Lola Val. You know her, mas gusto niyang makita tayong masaya at nakangiti kaysa ganito." Sandali siya nitong inilayo upang titigan nang mabuti.
Tumingala siya, at nang makitang bahagya itong napangiti ay nanulis ang nguso niya.
"Kahit nangingitim ang paligid ng mga mata mo'y ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko."
Lalong nanulis ang nguso niya. "I know what you're trying to do, but I'm still worried about Lola Val."
Inakbayan siya ng asawa. "Sinabi ng doktor na bubuti ang lagay ni Lola Val sa susunod na mga araw. Don't worry too much. Umuwi na muna tayo at magpahinga."
Hindi na siya sumagot pa nang iharap siya nito sa vending machine. "Would you like a can of iced coffee or tea?"
Muli niya itong tiningala. "Hindi ka ba pupunta sa opisina ngayong araw?"
"No, I'm exhausted, and I want to sleep more." Yumuko ito at bumulong sa kaniya. "You took all my energy last night..."
This time, she couldn't help but giggle. Alam niyang sinusubukan lang siyang patawanin ng asawa upang kahit papaano ay gumaan ang loob niya. And it was effective.
Masuyo niyang iniyakap ang isang braso sa bewang nito. "Hon, magpapaalam ako sa'yo."
"Okay, what is it?"
"Pwede bang... ako naman ang magbantay kay Lola Val bukas?"
Kinabahan siya sa magiging sagot nito. Ayaw niyang magkaroon sila ng panibagong hindi pagkakaintindihan kaya maayos siyang nagpapaalam.
"No problem with me, babe," kaagad na sagot ni Van na ikinagulat pa niya. Oh well, alam niyang malapit si Van kay Lola Val ay nag-aalala rin ito sa lagay ng matanda. Pero nang dahil sa mga nakaraang away nila ay hindi niya inasahang papayag itong muli siyang maglaan ng mahabang oras para sa pamilya. "Pero may isa akong kondisyon."
Oh, I should have known!
"What is it?"
"Kumain ka nang marami at matulog pag-uwi natin. And then, tomorrow, when you have fully recovered your strength and energy, you can come back here and be with Lola Val."
Malapad siyang ngumiti sa huling sinabi nito. Sa sobrang tuwa sa pagpayag ng asawa ay napayakap pa siya rito. "Oh, thank you, honey. You really are the best!"
Or so she thought.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro