CHAPTER 037
"MASAYA AKONG MAKITA KA NGAYONG ARAW, VAN," masuyong sabi ni Lola Val nang lapitan nito si Van. Kararating lang nito sa bahay ng mga magulang ni Demani kung saan ini-daos ang handaan para sa kaarawan nito, kasama si Uncle Lau at Auntie Ynez. Hindi na ito na-sorpresa sa inihandang party ng pamilya dahil ayon pa rito'y sana na ito. Kahapon pa lang raw ay naghinala na, at hindi ito nagkamali.
Isa-isa nitong pinasalamatan ang lahat, at nang makita nito si Van na nasa bandang likuran ay tila biglang lumiwanag ang paligid sa lapad ng ngiting pinakawalan nito.
Lumapit si Lola Val kay Van na kaagad na nag-mano. Sinenyasan ng matanda ang lahat na humayo na sa hapag at sasabay na lang kay Van patungo roon. Naiwan ang dalawa, si Demani ay paunang nagtungo sa dining table para ihanda ang cake na ni-order nito sa kaparehong cake shop kung saan ito at si Van unang nagkakilala.
"Happy birthday, Lola Val," ani Van nang maiwan ito at ang matanda. Hindi nito pinahalata ang pag-aalala sa nakikitang anyo ng matriyarka ng pamilya. Lola Val had lost some weight, and her fair skin became pale. Makikita sa anyo nito ang dinaramdam na sakit na pilit lang nitong tinatakpan ng ngiti.
"You are such a bad, bad boy, apo," anang matanda, ang tono ay hindi pa rin nagbabago. "Kahit hindi sabihin ni Demani ay alam kong nagkaproblema kayong dalawa. Aba'y kung makikipagkita sa amin ay laging may ulap ang mga mata."
Hindi kaagad na nakasagot si Van; ang totoo'y hindi nito alam kung ano ang isasagot. Kung hindi sinabi ng asawa sa pamilya ang tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan sa nakalipas na dalawang linggo'y hindi rin ito magsasalita.
Nagpatuloy ang matanda.
"Masyado na akong matagal sa mundong ito para hindi mahalata, apo. Demani wouldn't tell anybody; I guess she just wanted to keep everything about your marriage a private matter—which I appreciate because only you two could fix the problem in your relationship. Pero sana'y kinausap din ninyo ako para nagabayan ko kayo. Mind you, I kept my husband in love with me for more than fifty years. Kahit noong binawian siya ng buhay ay puro salitang pagmamahal ang narinig ko sa kaniya."
Ang iba sa mga sinabi ni Lola Val ay hindi na narinig ni Van dahil ang pansin nito ay nalipat sa paraan ng kung paanong humugot ng sunud-sunod at malalalim na paghinga ang matanda. He thought Lola Val was only tired, kaya't inalalayan nito ang matanda patungo sa sala.
Nang marating iyon ay pinaupo nito si Lola Val sa couch, saka naupo rin sa tabi nito. Lola Val uttered her thanks, before grabbing Van's hands.
"I feel tired, Van. And I don't think I will be able to make it by the end of this year..."
"Don't say that, Lola. You will live long enough to see Demani give birth to our tenth child."
Banayad na humagikhik si Lola Val. "Are you two planning on having a child now?"
Van gave the old lady a warm smile. "We are going to meet her doctor next month. She was taking birth control pills, at gusto kong may patnubay ng doktor ang plano naming magkaroon ng anak. That way, I can be sure she's healthy enough to handle the pregnancy."
"Oh, hindi na ako makapaghintay!" HInawakan nito sa mga kamay si Van. "Nakikinita ko na kayong dalawa na magiging mabuting magulang sa inyong mga anak." Sandali itong nahinto upang humugot ng malalim na paghinga. "Sana nga ay abutan ko pa sila..."
"We will keep praying for your health to improve, Lola."
Muling ngumiti ang matanda saka masuyong dinama ang pisngi ni Van.
Si Van naman ay pinigilan ang sariling malungkot dahil ramdam nitong napapagod na si Lola Val at mukhang hindi na talaga mabuti ang kalusugan. Lola Val was the closest member of the family he had, and he appreciated her loving nature. Kapag may masamang mangyari rito'y ikalulungkot din iyon ni Van.
"Hey, you two." Si Demani na lumapit at naupo sa tabi ng asawa. "Ano'ng masamang balak ang pinag-uusapan ninyong dalawa, ha?"
Malapad na ngumiti si Lola Val sa sinabi ng apo. Ang kamay nitong dumadama sa pisngi ni Van ay inilipat nito sa pisngi ni Demani. "You are blooming, hija. You look even prettier today."
"That's what everybody says," Demani answered proudly.
"Keep it that way," sagot pa ng matanda. "Kung ano man ang dahilan ng kasiyahan mo'y alagaan mo. Hawakan mo nang mahigpit, ingatan mong hindi mawala o masira." Ibinaba ni Lola Val ang kamay upang gagapin ang kamay ng apo. Banayad nito iyong pinisil. "Always choose happiness amongst all other things, Demani. You are the sweetest, most thoughtful and caring grandchild I ever had, and I want you to always be happy." The old lady then glanced at Van. "Do you understand, hijo?"
Tumango si Van; nasa anyo ang pangako. "Loud and clear, Lola Val."
*
*
*
NAPA-ILING SI DEMANI NANG MAKITA KUNG PAPAANONG PASURAY-SURAY NANG maglakad si Jimmy nang ihatid ito nina Levi at Van sa sasakyan nito. Si Maureen ay nakasunod lang at patuloy sa panenermon. Kanina pa nito pinaalalalahanan ang asawa na h'wag magpakalasing at baka anumang sandali ay manganak na ito subalit hindi nakinig. Now, Levi would be driving them home. At ang asawa naman ni Levi ang magmamaneho sa sasakyang dala ng mga ito upang sumunod.
Everybody's leaving—the party's over. At maliban kay Jimmy ay nakainom din ang dalawang tiyuhin niya at ang kaniyang ama. Her father had already excused himself and went to bed. Ang Uncle Lau at Uncle Larry naman niya'y nagpaalam na rin kay Lola Val sa loob ng silid nito sa bahay ng kaniyang mga magulang.
Nang makaalis ang dalawang sasakyan lulan ang mga pinsan ay pumasok na siya sa loob. Her husband was closing the gate; at tulad ng iba'y nakainom na rin.
Sa loob ay inabutan niya ang paglabas ng dalawa niyang tiyuhin sa silid ni Lola Val, habang ang asawa ng mga ito'y naghihintay na sa sala kasama ang mommy niya. Sunod na nagpaalam ang mga ito.
"Are you sure na hindi na kayo magpapahatid?" tanong ng mommy niya sa dalawang kapatid.
"Nah," her Uncle Lau answered. His face flushed red in tipsiness. "We're alright, Dahlia. Dala naman namin ang Hi-ace, at si Ynez na ang magmamaneho. Ihahatid muna namin sina Larry at Gerthrude bago umuwi."
Ang mommy na niya ang naghatid sa mga ito sa labas. Mula sa kinatatayuan ay narinig pa niya ang pagpapaalam ng kaniyang asawa sa mga ito, kasunod ng muling pagbukas ng gate at ang paglabas ng sasakyan.
Ilang sandali pa'y magkasunuran na pumasok ng bahay ang mommy niya at si Van.
"Oh God, pagod na pagod ako," anang ina niya na lumapit at humalik sa kaniyang pisngi. "I'll go ahead and rest, darling. Kung may kailangan kayo ni Van ay tawagin niyo na lang si Manang Bining."
Ang tinutukoy ng mommy niya ang ay kasambahay ng pamilya.
"Okay lang kami, Ma. Gabi na rin, hayaan na nating magpahinga si Manang," aniya saka sinulyapan ang asawang inisasara na ang front door.
"H'wag na kayong umuwi at gabi na. Besides, nakainom na rin si Van. Mas panatag ako kung magpapalipas na lang muna kayo ng gabi rito; malinis naman ang silid mo kaya maaari niyo nang gamitin iyon."
"Alright, alright. Magpahinga ka na, Ma, at papikit na rin iyang mga mata mo."
Her mother yawned. "Oh, this is the red wine's fault. Sabi ko na kay Ate Ynez ay isang baso lang pero ginawang apat."
Natatawa niyang sinundan ng tingin ang ina hanggang sa makaakyat ito. Nang muli niyang lingunin ang asawa ay nakalapit na ito sa kaniya. Kaagad siya nitong niyakap at hinalikan sa leeg.
She giggled. "Isa ka pa."
"Hindi ako maka-hindi kina Uncle Lau nang bigyan nila ako ng alak."
"Would it be alright kung magpalipas na lang tayo ng gabi rito sa bahay?" tanong niya sa asawa. "Nakainom ka at anong oras na; malayo pa ang uuwian natin at nag-aalala akong baka anong mangyari sa atin sa daan. My old room is clean; mom made it a habit to change the sheet twice a week. My bed is not as big as ours back home but we would fit in there, for sure..."
"Don't worry, we'll surely fit in there. Lalo kung..." Nakangising inilapit ni Van ang bibig sa kaniyang tenga at bumulong. Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito, at hindi kaagad nakasagot nang makitang lumabas sa silid ng Lola Val niya ang dalagang private nurse nito; bitbit sa kamay ang walang lamang tumbler. Napangiti ito nang makita sila, bago nagpaumanhin at dumiretso sa kusina.
"But you're right, let's just spend the night here. Duda rin akong kaya kong magmaneho hanggang sa marating natin ang bahay." Hinawakan siya ni Van sa likod ng siko at inalalayan na ring umakyat.
Nang nasa hagdan na sila'y muling nagsalita ang asawa.
"Ito ang unang pagkakataong matutulog ako sa dati mong kwarto; I feel like a teenager."
"Bakit, gawain mo ba ito noong teenager ka?"
Van chuckled. "Ang alin?"
"Ang matulog sa kwarto ng mga ex-girlfriends mo."
"When I was in the US studying college, yes."
"Geez, Van Dominic Loudd..." Para siyang timang na nakaramdam ng selos sa sinabi ng asawa.
"And you know what we used to do? We would walk quietly so my ex-girlfriend's parents wouldn't notice."
"Stop that, ayaw kong marinig ang kahit anong kwento tungkol sa mga ex mo—"
"Come on," Van whispered in her ear. Hinapit pa siya nito nang husto bago nito dinampian ng halik ang dulo ng tenga niya. "Sneaking out is fun, babe. Let's try it."
Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kaniyang balat. Siniko niya ito upang kunwari ay suwayin, pero ang totoo'y inatake na rin ng pamilyar na init ang kaniyang katawan.
Nang marating nila ang landing ay napatingin si Van sa tatlong magkakatabing silid.
Simula nang magkakilala sila ng asawa hanggang sa magpakasal ay hindi pa narating ni Van ang pangalawang palapag ng kanilang bahay kaya hindi nito alam kung saan ang dati niyang silid.
"Which one was yours?'
"Nasa dulo, left side."
"At ang kina Mom and Dad?"
"Nasa kabilang dulo."
"Great." Niyuko siya nito at ningisihan. Alam niya kung ano ang nasa isip nito. "Kaninong kwarto ang nasa gitna?"
"It used to be my parents, pero simula nang ikasal tayo ay lumipat sila sa kabilang dulo. Ang nasa gitna na 'yan ay ginawa nang library ni Daddy."
"Do you think they'll hear the noise coming from your room?"
Sa sinabi ng asawa ay hindi na rin niya napigilan ang matawa.
"Depende sa klase ng ingay na gagawin mo..." sagot niya rito.
Lumapad ang pagkakangisi nito. Iyong tipo ng ngisi na tila nakalamang matapos mandaya sa sugal.
Muling yumuko ang asawa upang bumulong. "But it's not going to be me who will make the noise, honey. It's gonna be you."
Mariin siyang napakagat-labi. Alam na alam talaga ng kaniyang asawa kung papaano pukawin ang init sa katawan niya.
"And you know exactly what kind of noise I meant, baby. So, do you think they'll hear you?"
Muling nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok sanhi ng antisipasyon. Tiningala niya ito, at doon ay nakita niya ang paglagablab ng apoy sa mga mata ng asawa. "Who knows?" she answered.
Van grinned sheepishly. At muntikan pa siyang mapatili nang bigla siya nitong buhatin na tila sila mga bagong kasal. "Let's experiment and see if they'll hear you scream my name, babe."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro