Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 036



BACK TO THE PRESENT...

NOON LANG NAPANSIN NI DEMANI na wala na ang minibar sa sulok ng living room. Iyon ang pangalawang gabi niya roon simula nang bumalik siya pero noon lang niya napansin ang pagbabago sa buong bahay.

The bar counter where she and Van used to get intimate was gone. May ilang mga furniture ang nawala at napalitan ng bago, kahit ang pintura ng pader sa loob ay napalitan din. Dati ay off-white iyon, ngayon ay tila nasa darker shade na ng berde. Noon lang niya napansin nang tutukan niya ng tingin.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang roba saka niyakap ang sarili. Nagtayuan ang mga balahibo niya nang pumasok sa isip ang nakaraan; noong maayos pa silang nagsasama, noong masaya pa sila sa loob ng bahay na iyon.

Hindi siya makapaniwalang ang pag-iibigang akala ng lahat ay aabot sa huli ay bigla na lamang masisira dahil sa katarantaduhan ng kaniyang asawa.

Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago niya itinuloy ang pagbaba sa hagdan. Nang hindi siya makatulog ay lumabas siya sa kaniyang silid upang kumuha ng maiinom sa baba. Natigilan lang siya noong nasa hagdan na siya dahil bigla siyang napatingin sa dating kinaroroonan ng mini bar.

It was always painful for her to go down memory lane. Hindi madali ang ginawa niyang pag-usad upang kalimutan ang masakit at masasayang bahagi ng buhay niya kasama ang dating asawa.

Dating asawa...

Oh well, mas komportable na siyang tawagin itong ganoon kaysa 'asawa'.

Muli ay nagpakawala siya nang mahabang paghinga saka humakbang na patungo sa kusina. Binuksan niya ang ilaw ay dumiretso sa fridge. Naglabas siya ng isang litro ng bottled water na selyado pa saka iyon binuksan at ini-deretso sa bibig.

Ang sabi sa internet ay isang baso lang ng tubig ang kailangan niya bago matulog to maintain hydration levels throughout the body overnight, subalit nangangalahati na niya ang isang litrong bote pero ayaw pa niyang umawat.

Sa dami ng mga alaala mula nakaraan na bumalik sa kaniyang isipan ay para siyang natuyuan ng utak. Kailangan niyang uminom ng maraming tubig para lunurin na niyon ang mga alaalang ayaw na sana niyang balikan pa.

Kanina'y pigil-pigil din niya ang sariling umiyak. She didn't want to cry again; lalo kung ang dahilan ay ang lalaking iyon.

Hanggang sa...

Napatingin siya sa entry ng kusina nang may maramdamang pagkilos mula roon. At nang makita si Van na nakaharap sa kaniya habang nakaupo sa electric wheelchair nito ay napa-ubo siya.

Wala sa oras na naibuga niya ang tubig na nasa kaniyang bibig. Naligaw pa ang ilan at dumaan sa kaniyang ilong. Sa kahihiyan ay mabilis siyang nagtakip ng ilong at bibig, saka disimuladong pinunasan ang mga iyon gamit ang kaniyang palad.

"What are you doing here?" Van asked, frowning a little.

Inilapag muna niya ang bote sa ibabaw ng kitchen nook, humagilap ng kitchen tissue. Pumitas siya ng ilang peel saka iyon ipinahid sa basang baba.

"Are you okay...?" tanong pa ni Van na hindi alam kung tatawa o ano. Subukan lang nito ay ibabato niya rito ang bote ng mineral water sa likuran niya.

"Hindi mo ba nakitang umiinom ako ng tubig? Paano kung nabilaukan ako?" angil niya.

Kibit-balikat lang ang inisagot nito sa huling sinabi niya. Nalipat ang tingin nito sa nakabukas pang two-door fridge.

"Kung gutom ka'y may pagkain naman d'yan. Ang ilan sa mga iyan ay hindi nagalaw dahil hindi ka naman kumain kanina. Kung ayaw mo naman ng mga iyan ay pwede kang um-order ng kahit anong pagkaing gusto mo; Ill pay for it—"

"Diyos ko, pagkain lang 'yan—I can pay for my own food." Pabagsak niyang ini-sara ang fridge saka hinablot ang bottled water. Dadalhin na lang niya iyon sa kaniyang silid; sayang din at may kalahati pang natira.

Habang naglalakad patungo sa entry ay ibinalik niya ang takip ng tubig, at nang marating iyon ay sandali siyang nahinto dahil naka-harang sa daan ang wheelchair ni Van.

She raised an eyebrow. "Pwede ba akong dumaan?" She wasn't asking politely. She was very... very sarcastic.

Tahimik na ini-atras ni Van ang wheelchair upang bigyan-daan siya, at nang magkaroon siya ng sapat na espasyo ay mabilis siyang tumalima. Pero hindi pa man siya tuluyang nakalalayo ay nahinto siya nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya.

"Kung mabigat sa loob mong sumama ako bukas sa yacht party kasama ang buong pamilya ay itutuloy ko na lang ang appointment namin ni Attorney Salviejo. I don't want you to feel uncomfortable with me being around the whole family."

Bagot siyang humarap dito. "Mabigat ang loob kong makasama ka bukas sa harap ng buong pamilya, pero ayaw kong kanselahin mo ang pagpapakita mo sa kanila dahil inaasahan ka ng marami. Hindi ko alam kung anong klase ng kalawang mayroon ang mga utak nila at kay sabik silang makita kang muli. Nakalimutan yata talaga nilang—"

Nahinto siya.

Hindi niya sasabihin dito na ilang araw siyang naglupasay at natulog sa sahig sa sala ng bahay ng mga magulang sa kaiiyak. She was a total wreck during that time, and she thought she was done from living. Hindi niya alam noon kung papaano pa niyang nagagawang magising sa umaga at marinig ang huni ng mga ibon; kung papaanong naaamoy pa niya ang masarap na aroma ng kapeng ginagawa ng ina, at kung papaano pa niyang nagagawang imulat ang mga mata sa kabila ng pamamaga ng mga iyon sa labis na pag-iyak.

Nasaksihan iyon ng buo nilang pamilya. Kabilang na ang Lola Val nila.

Galit na galit ang kaniyang ama at gustong puntahan si Van, subalit pinagalitan ito ng lola niya. Sinabi ng matanda na hayaan na si Van at ibaling na lang ang buong atensyon sa kaniya na siyang labis na nangangailangan ng suporta ng lahat noong mga panahong iyon.

Her Lola Val was one of the reasons why she kept moving. Her grandma was always there for her. She was calm and supportive; she made her think positively and helped her forget the pain... somehow.

At noong panahong sa tingin niya ay tuluyan na siyang nakausad ay siyang pagdating naman ng trahedya sa pamilya nila.

Lola Valentine, at the age of eighty-three, died in her sleep.

Her family had seen how her emotional state crashed into pieces, at ngayon ay pinagtatakhan niya ang suporta at pananabik na ipinapakita ng mga ito kay Van.

Kung si Maureen pa ay... 'matagal nang nangyari iyon', 'Van survived from an accident and he was given a second chance to live', 'you have moved on', 'the family has moved on'.

Kay dali sa pinsan niyang magsalita ng ganoon...

"Kaya nga nais ko silang makitang muli," pukaw ni Van sa malalim niyang pag-isiip. Ang anyo at tinig nito'y seryoso. "I wanted to apologize to them for the things that happened in the past. Gusto kong gawin iyon bago ang... tuluyan at pormal nating paghihiwalay."

Nagkunwari siyang walang pakialam sa sinabi nito. She shrugged her shoulders and turned her back on him again. "Suit yourself. See you tomorrow."

*

*

*

BACK TO THE PAST...

"Mukhang masaya tayo ngayon, ah? At mukhang blooming na blooming—ano'ng mayroon, ha?"

Nagpakawala siya ng malapad na ngiti nang lapitan siya ni Mau at banayad na sikuhin sa tagiliran. Naroon sila ngayon sa bahay ng kaniyang mga magulang upang ihanda ang sorpresang birthday party ni Lola Val. Ang matanda ay nasa bahay ng mga magulang ni Mau at doon nagpalipas ng gabi. Hiniram ito ng Uncle Lau niya upang makapaghanda ang mommy niya at ang Tita Gerthrude niya (ang ina ni Levi) para sa araw na iyon.

"Pagdating mo pa lang ay nahalata ko na iyang ningning sa mga mata mo, 'no," patuloy na panunukso ni Maureen, patuloy rin sa pagsiko. "Ibang-iba sa mga nakaraang pagkikita natin na para kang binagsakan ng mundo. Noong mga nakaraan, 'yong mga ngiti mo ay pilit na pilit; akala mo ba ay hindi namin napapansin?"

Natawa siya nang hindi siya nito tinigilan sa pagsiko. Tumutulong siya sa kusina at siya ang naka-toka sa paggawa ng lasagna; ang paboritong pagkain ng Lola Val niya. Sandaling lumabas ang mommy at Tita Gerthrude niya kaya nilapitan siya ni Mau at kinulit.

"May good news ba?" anang pinsan.

"Wala, ano ka ba?" Natatawa niyang sambit habang patuloy sa paglatag ng mga lasagna noodles sa baking dish.

Ang totoo'y kanina pa siya kinikilig sa mga pinagsasasabi ni Mau. Totoo ang sinasabi nito; kahit siya ay napapansin ang ningning sa kaniyang mga mata sa tuwing haharap siya sa salamin.

Sa nakalipas na mga araw ay wala siyang pagsidlan ng saya; pareho silang bumawi ni Van sa isa't isa. They became even sweeter, and their relationship became even hotter.

Mukhang tama nga si Attorney Salviejo; ang pagsubok ay normal sa pagsasama at nakapagpapatibay ng relasyon.

Look at them now...

"Kuuu... Eh 'yang awra mo'y para kang bulaklak na nadiligan ng isang truck ng tubig, eh."

"My God, Maureen!" natatawa niyang suway sa pinsan. "Tulungan mo na nga lang ako rito sa ginagawa ko. Ang dami mong satsat."

Si Mau ay hinagod ang tiyan. "Naku, 'day, kailangan kong maglakad-lakad dahil itong pamangkin mo'y mukhang lalabas na bukas o sa makalawa. I can feel him pushing down to my pelvis." She giggled. "Gotta go now; si Van naman ang kukulitin ko sa labas."

Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang pinsan na humakbang patungo sa kitchen entry, at nang palabas na ito'y siya namang sulpot ng kaniyang asawa.

"Hey, Van!" bati nito.

"Hey, Maureen."

"Pupuntahan pa man din sana kita sa labas para kulitin."

Van chuckled and glanced at her. "Umaambon sa labas kaya napilitan kaming pumasok nina Uncle Larry at Jimmy. I thought I'd check on my wife—"

"Na para namang mawawala 'yang si Demani, 'no." Humagikhik ulit si Maureen. "Ano bang pinakain mo riyan at mukhang lahat ng kaligayahan sa mundo ay nasa kaniya na? Oh, I envy the happiness I see on her face. Sana all."

Natawa siya sa sinabi ng pinsan, habang si Van naman ay muli siyang tinitigan. There was tenderness in his eyes as he gazed at her which made her stop from laughing.

"Really? You think she's happy?" tanong pa ni Van kay Maureen.

"Yes." Muli rin siyang nilingon ni Mau; nakanguso. "Mas masaya pa kaysa noong wedding day niyo." Madrama itong nagpakawala ng mahabang paghinga saka tinapik sa balikat si Van. "Thank you for making my cousin happy, Van. She deserves it; alam kong stressed na stressed na rin iyan sa amin ni Cori, para na rin namang nanay, eh." Paalis na sana ito nang may maalala. "Oh, and you two should really start planning on having a child. I can assure you na magiging mabuting ina si Dems."

Ngiti lang ang inisagot ni Van. At nang tuluyan nang umalis si Maureen ay itinuloy ng kaniyang asawa ang paglapit. He stood behind her and hugged her. He then placed his chin on her shoulder. "Are you really happy?"

Tumango siya, at itinuloy ang ginagawa. "I'm happy kasi hindi na tayo nag-aaway. At masaya ako dahil kasama kita ngayon dito, at dahil bumabawi ka sa maraming araw na hindi tayo magkasundo."

Van planted a kiss on her shoulder. "Naaalala mo ba kung ano ang araw na ito?"

Malapad siyang ngumiti. "Ito ang araw nang una tayong magkita sa cakeshop."

"One of the memories with you that I will always treasure..."

She giggled and said nothing anymore. Tuluy-tuloy lang siya sa paggawa ng lasagna habang si Van ay nanatiling nakayakap sa likuran niya.

Ilang sandali pa'y muli itong nagsalita. "Mau says you will be a great mom..."

Sandali siyang natigilan, hindi makasagot. Hindi pa rin niya nasasabi rito na nais na rin niyang magbuntis.

"Do you think we should plan on having a child soon?"

Sa sinabi nito'y napasinghap siya. Ang muli niyang paglagay ng marinara sauce sa ibabaw ng lasagna noodles ay nahinto. "R-Really?"

Tumango ito. "Let's go to the doctor next month and ask for advice. Kailangan muna nating masigurong nasa maayos na kondisyon ang katawan mo bago magdalangtao."

"Oh!" Nabitiwan niya ang serving spoon at biglang humarap sa asawa. Sa labis na tuwa ay naapayakap siya kaagad dito. "Oh, I love you!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro