Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 034







KAAGAD NA BUMABA SI DEMANI PAGKAPARADA ng taxi sa tabi ng kalsada. Nagsabi siya sa driver na mabilis lang siya kaya pumayag ito at nagbilin na bumalik siya kaagad bago ito makita ng traffic enforcer at ma-ticket-an.

Mabilis niyang tinungo ang sasakyan ng asawa na nakaparada sa parking space sa tapat ng restaurant. Nais niyang masiguro na kay Van iyon. Her husband's car was one of the most expensive brands and its model had a limited supply in the country. Thus, it was easy for her to spot the car.

Sa malalaking mga hakbang ay lumapit siya sa parking space, subalit bago pa man niya tuluyang marating ang kinapaparadahan ng kotse ng asawa ay nakita niya ang paglabas ng isang grupo mula sa two-way glass door ng restaurant. There were four men and one woman—all wearing formal clothes. Isa sa mga lalaking naroon ay si Van.

Nahinto siya at mabilis na nagkubli sa nadaanang poste. Habang nakakubli ang kaniyang katawan ay nakasilip naman ang kaniyang ulo. She surveyed everyone in the group.

Ang kaniyang asawa ay nakangiting nakikipag-usap sa tatlong iba pang mga lalaki na sa hula niya ay mga kasama nito sa kompanya—kung hindi man ay mga kliyente. Madalang siyang dumalaw sa opisina ni Van kaya hindi niya kilala ang ilan sa mga staff nito.

Nasa tabi naman ng kaniyang asawa ang isang magandang babae.

Lara's pictures that were sent to her by the private investigator flashed in her mind. And the woman who was standing beside Van was confirmed to be Lara.

Oh, sa personal ay mas lalo itong maganda. Hindi nagkakalayo ang tangkad nito kay Van. Lara was probably five feet and ten inches; with her high-heeled shoes on. Her body was slender and yet curvacious; para itong nililok ng isang magaling na iskultor. Bagay na bagay rito ang suot na pulang night dress na halos yumakap na sa magandang hubog nitong katawan. Her hair was in messy bun, and her eye-make up was light. Ang tanging partikular sa mukha nito'y ang pula ring lipstick na bumagay sa suot nito.

Oh, Lara was so gorgeous and that fact was hurting not only her eyes but her heart.

Nakita niyang may pumasok na mamahaling sasakyan sa parking space ng restaurant at nahinto sa tapat. Doon inihatid ni Van ang tatlong lalaki; ito pa mismo ang nagbukas ng passenger's seat para sa mga ito, at doon ay nakompirma niyang kliyente nga ang mga iyon. Nang makaalis ang sasakyan ay nakangiti naman itong bumalik kay Lara na nanatiling nakatayo sa tapat ng two-way glass door ng restaurant.

Doon niya pinigilan ang paghinga; naghanda na siya sa anumang tagpo na masasaksihan.

She expected to see her 'allegations" right—na hindi lang magkaibigan ang dalawa kung hindi higit pa.

She expected them to be sweet, probably kissing. Kahit masakit ay iyon ang inaasahan niyang makita.

Subalit hindi nangyari ang inasahan niya. Sa halip ay nakita niyang inihatid lang din ni Van si Lara sa isa pang sasakyan na nakaparada sa harap lang din ng restaurant. It was Lara's car dahil sa driver's seat ito pumasok. Sandali pang nag-usap ang mga ito hanggang sa nakangiting inisara ni Van ang pinto at sinundan ng tingin ang pag-alis ng kotse.

Nakita pa niya ang pagkuway ni Van hanggang sa tuluyang lumiko ang sasakyan at mawala sa paningin nito.

She didn't see them being intimate.

Mukhang tama nga ang kaniyang asawa. Nakakahiya ang takbi ng isip niya. Ini-lebel niya ito sa asawa ni Cori nang walang sapat na batayan. She insulted her husband's male ego.

Nang makita niyang humakbang na si Van patungo sa kotse nito ay muli siyang nagkubli. Sunod niyang narinig ang pag-andar ng kotse nito. Nang makita niyang nasa kalsada na ang sasakyan patungo sa direksyon pauwi sa kanila ay saka siya bumalik sa naghihintay na taxi.

"Kuya, sundan niyo ang kotseng iyon."

*

*

*

SA BAHAY NILA DUMIRETSO SI VAN. At dahil nakasunod lang ang taxi na sinasakyan niya ay halos magkasunuran lang nilang narating ang subdivision.

Nagpalipas muna siya ng limang minuto sa kabilang kalye sakay ng taxi upang habaan ang pagitan ng oras ng pagdating nila. Iyon ay upang hindi mahalata ng asawa ang pagsunod niya.

Sa mga sandaling iyon ay napatunayan na niyang hindi nangangaliwa si Van at wala itong ibang relasyon kay Lara maliban sa pakikipagkaibigan.

Lara was just his best friend—plain and simple.

At na-insecure lang siya rito dahil akala niya ay may lihim na relasyon ito at ang kaniyang asawa. Siya ang gumawa ng sarili niyang multo.

Tama si Van; siya lang ang gumawa ng gulo.

I need to make amends with my husband. Nagkamali ako. Ulit. At dahil sa patuloy kong paghihinala sa kaniya ay nagiging malayo ang loob niya sa akin.

I guess it's just right that I initiate the

reconciliation.

Pagdating niya sa loob ng bahay ay inabutan pa niya ang asawa na nakaupo sa harap ng minibar na nasa sulok ng living area. Hindi iyon madalas na nagagamit dahil hindi naman noon mahilig uminom si Van. Naroon na ang minibar na iyon nang magawa ang buong bahay. Pero mukhang mapapadalas na ang pag-gamit niyon ng asawa niya ngayon.

Now that he had been drinking himself to sleep.

She had to do something to stop it. Ayaw niyang masanay ito sa alak.

Tumikhim siya upang kunin ang pansin nito. Napalingon ito, at nang makita siya'y inubos muna ang lamang whiskey sa baso bago tuluyang humarap.

Nahinto siya sa gitna ng living area at sandaling nakipagtitigan sa asawa.

Sa nakalipas na mga araw ay malamig na pagbati lang ang ibinibigay nila sa isa't isa. She used to run toward him and kuss him on his lips whenever he came home.

It's different now. May pader nang namamagitan sa kanilang dalawa.

Pader na plano niyang tibagin.

Sa gabing iyon mismo.

"I knew you weren't back yet," he said, breaking the long silence.

Tumikhim siya at itinuloy ang paglapit. "You're early today."

Nagkibit-balikat ito. "The meeting ended early."

He's telling the truth... Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Kumain ka na ba? Magluluto ako."

"Galing ako sa dinner meeting; I've already eaten." Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang paperbag. "Is that the gift you bought for Lola Val?"

Tumango siya. "Ibinili ko siya ng tatlong klase ng shawl."

Walang salitang ibinalik ni Van ang pansin sa bar. Muli itong naglagay ng alak sa baso nito saka siya muling hinarap. "How about you? Have you had dinner?"

Tahimik siyang umiling.

"Why?"

"Wala akong gana."

Hindi na ito sumagot pa.

Dati, kapag alam nitong hindi pa siya kumakain ay nagpe-presenta itong ipaghanda siya ng makaka-kain, o hindi kaya ay paaalalahanan siya nito tungkol sa kaniyang kalusugan. But now, he showed no interest. At naiintindihan niya.

Mukhang makapal-kapal na pader ang titibagin niya, ah?

Nahinto siya ng ilang dipa mula rito. Mula sa kinatatayuan ay nasasamyo niya ang matapang na amoy ng alak na iniinom nito.

"Kausap ko ang Mommy habang sakay ng taxi pauwi rito..."

Nahinto ang pagdadala ni Van ng baso sa bibig nang marinig ang sinabi niya. Sinulyapan siya nitong muli. "About what?"

"Tumawag siya. Tinatanong niya kung..." Sandali siyang huminto upang alisin ang bara sa kaniyang lalamunan. "...kung makasasama ka sa birthday celebration ni Lola Val sa susunod na Linggo."

Muli ay matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Si Van ay blangko ang ekspresyon ng mukha kaya wala siyang ideya kung ano ang iniisip nito.

Oh well, sa sitwasyon nila ngayon ay hindi na niya inasahang makapupunta ito. Hindi na rin siya umasang maayos nitong sasagutin ang sinabi niya. She had somehonw expected to receive a sarcastic response.

But then...

"Okay."

Nanlaki ang mga mata niya. "R-Really?"

Tumango ito at tinungga na ang natirang alak sa baso. "Wala akong schedule sa susunod na Linggo."

"Oh! I'm happy!"

Natigilan si Van nang marinig ang sinabi niya at nang makita ang labis na kaligayahan sa kaniyang mukha.

Totoong masaya siya; dahil unang-una ay pinagbigyan siya nito. Pangalawa, hindi siya mag-isang pupunta sa party; hindi na niya kailangang humibla ng kwento para pagtakpan ang absence nito. Pangatlo, hindi siya pupunain ng buong pamilya, at ang panghuli ay mukhang handa na itong makipagbati sa kaniya!

At doon ay labis-labis siyang naligayahan. Kahit papaano ay para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Are you really happy?"

Ang masuyong tining nito ay tila lalong humaplos sa kaniyang puso. "Of course, Van. Matagal din kitang hindi nakasama sa paglabas."

Matagal muling natahimik si Van; ang tingin ay nanatili pa ring nakapako sa kaniya.

Hanggang sa... inilapag nito ang baso sa ibabaw ng counter, at sa malumanay na tinig ay...

"Come here, babe..."

Sandali lang siyang natigilan nang marinig iyon. Akala niya'y guniguni lang niya, subalit nakita rin niya kung papaanong lumambot ang anyo ni Van kaya kaagad siyang tumalima. Nabitiwan niya ang paperbag na dala kung saan nakasilid ang regalo niya para kay Lola Val, at sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang kinaroroonan ng asawa.

Habang siya'y papalapit ay naninikip ang kaniyang lalamunan at nanlalabo ang kaniyang mga mata.

Pagkalapit ay hindi nag-aksaya ng panahon si Van. Nanatili itong nakaupo sa highstool nang hapitin siya nito at yakapin nang mahigpit.

Inipulupot niya ang mga braso sa katawan ng asawa upang gantihan ang yakap nito at ipaalam dito kung gaano niya itong na-miss.

"I missed you..." Van whispered before planting a soft kiss on her neck.

Doon bumagsak ang kaniyang mga luha. Bumagsak diretso sa balikat ni Van.

"I did, too," she said, her voice quivered from crying. "So much."

Lalong humigpit ang yakap ni Van, kasunod ng muli nitong pagdampi ng halik sa kaniyang leeg, pababa sa kaniyang balikat.

"H'wag na tayong mag-away ulit..." she plead as she continued to cry. "Ayaw kong nag-aaway tayo..."

Doon bahagyang humiwalay si Van at hinarap siya. "Ang pag-aaway ay parte ng pagsasama, Demani. Parte ito ng pagsubok na kinakaharap ng mag-asawa. There will be days that we wouldn't understand each other, for sure. But it's just a matter of not giving up. And we both didn't give up." Masuyo itong ngumiti. "Attorney Salviejo said that to me. I shared my problems with him, na-sermonan ako. But he also said that misunderstandings, sometimes, are part of a healthy marriage. Nakatutulong daw iyon para tumatag ang relasyon natin at matuto tayo sa mga pagkakamaling nagawa."

Banayad nitong pinahiran ang luhang dumaloy sa kaniyang pisngi gamit ang hinlalaki nito. "But I agree with you—as much as possible, I don't want us to argue and not talk for days."

"I was just waiting for you to talk to me..."

"But baby, hindi pwedeng ako na lang lagi. Sometimes, you have to accept your fault."

"Alam ko namang may naging mali rin ako, pero—"

"Are we going to argue again?" Malumanay ang tinig nito, ang banayad na ngiti ay nasa mga labi pa rin.

Napanguso siya saka suminghot. "Eh kasi naman..."

"Let's do our best to always understand each other from now on, okay? No yelling at each other, no doubts, no arguments. Okay?"

Parang bata siyang tumango at patuloy pa rin sa pagnguso.

Lumapad ang mga ngiti ni Van at muli siyang kinabig. Ang yakap nito sa pagkakataong iyon ay lalong naging mainit, lalong humigpit.

"Oh, I missed holding you like this..." he whispered.

"Me, too," she declared. "I missed laying in your arms. I missed your touch, and I missed your kisses." Bahagya siya lumayo rito upang salubunging muli ang mga tingin nito. Sumeryoso siya. "And I missed making love with you."

Ang ngiti ni Van ay unti-unting nagmaliw, ang anyo'y naging seryoso. Ang mga kamay nitong nasa kaniyang likod at dahan-dahang dumausdos pababa sa kaniyang balakang—at tila ang mga iyon ay nag-iiwan ng kung anong init sa kaniyang balat, dahilan upang sumiklab ang damdaming matagal nang natulog sa kaloob-looban niya.

It was the heat within her body.

And she missed feeling this heat. She missed how her body would spark and burn with his touch.

Unti-unti niyang nakita ang pag-iiba ng anyo ng asawa, kasunod ng pag-iiba ng atmospera sa paligid. And then... her husband's eyes darkened.

In passion.

"Let's make up for the lost time, then," he whispered. "Let's make love here."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro