Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 033







BACK TO THE PRESENT TIME...

Pait na ngiti ang namutawi sa mga labi ni Demani nang balikan ang mga ala-alang iyon sa nakaraan.

Those days when their marriage was slowly crumbling was one of the painful memories she had kept in her mind. Ayaw niyang alisin iyon sa isip dahil nais niyang maging leksyon iyon sa kaniya. Nais niyang manatili iyon doon upang sa pagdating ng araw... na may makilala siyang ibang lalaki at ma-aprubahan na ang legal na paghihiwalay nila ni Van, ay may ideya na siya kung ano ang gagawin upang mapangalagaan ang relasyon.

Noong mga panahong pabagsak na ang pagsasama nila ni Van ay walang araw na hindi siya umiiyak, walang araw na hindi siya nagalit. Walang araw na hindi sila nagsagutan nito.

At first, she believed that he wasn't cheating.

Yes, he wasn't. Lara was his best friend.

Pero...

Hindi rin nagtagal ay pinanindigan ni Van ang mga paratang niya.

He got tired of her, of their endless and nonsense fights; so he cheated on her.

With the same woman that she thought was only his best friend.

Nahinto siya sa pag-iisip nang biglang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Nakahiga siya sa kama at nakatunganga sa kisame, at ang kaniyang cellphone ay nakapatong sa nightstand. Hindi siya nag-abalang tumayo. Inabot lang niya iyon gamita ang isang kamay saka sinulyapan ang screen upang alamin kung sino ang tumatawag.

It was Mau on the other line.

She pressed the ANSWER button and said 'hello'.

"Howdy?" Mau asked.

"Hindi ako makatulog."

"Saan ka natutulog?"

"Sa guest room."

"At si Van?"

"Malamang, sa kwarto niya!" Napasimangot siya dahil nasa tinig ng pinsan ang panunukso. At lalo siyang nainis nang marinig ang paghagikhik nito sa kabilang linya. Bumangon siya saka naupo sa ibabaw ng kama. "Alam mo—you and the rest of the family are acting weird! Ano ba ang nangyayari sa inyo?"

"Kuuu, parang tinanong lang kung saan ka natulog eh."

"It's not funny, so stop laughing! Simula nang dumating ako rito kahapon ay hindi na ako napalagay!"

"Why, though?"

"Naiinis ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niya."

"Oh, come on. Dalawang taon na ang nakalipas. Sabi mo nga, naka-move on ka na, 'di ba? Just go with the flow for now."

"Easier for you to say, Maureen," tuya niyang muli rito. "Kasi, you and Jimmy are both happy with your marriage."

"May nahihimigan ba akong panghihinayang d'yan...?"

"Wala, 'no! In fact, I can't wait for our marriage to be totally annulled!" Hinagod niya ang batok sa pagka-inis. "Bakit ka ba tumawag? Ano'ng oras na."

"Oh, I just called to check kung ano'ng oras kayo ni Van makararating bukas sa yacht party?"

Napa-ungol siya nang maalala ang tungkol doon. "I don't even feel like coming, Mau."

"Ano ka ba! Ilang buwan ka nang hindi nakikita nila Papa; lagi ka nilang kinukumusta. At darating din ang mga magulang mo. hindi ba? Ang awkward naman kung kami lang ang naroon. Besides, ayon kay Attorney Salviejo nang mag-usap kami kaninang hapon ay siguradong darating si Van. So... mas awkward kung kami lang ang naroon at wala ka, 'di ba?"

"Bakit ba kasi pupunta pa ang kumag na 'yon? At bakit parang wala lang sa inyo ang mga nangyari? Nakalimutan na ba ninyo kung papaano akong naglupasay noon matapos naming maghiwalay? Matapos niya akong tarantaduhin? Bakit noong ni-imbitahan niya kayo sa yate niya ay parang dinaanan ng bagyo ang mga isip ninyo at nakalimutan na ang mga ginawa niya sa akin noon? Bakit parang bukas pa rin hindi lang ang pinto ninyo, kun'di pati bintana para sa lalaking iyon?"

Ilang segundo muna ang pinalipas ni Maureen bago sumagot.

"Tapos ka na?"

"Not yet! But if you have something to say, go on."

Nagpakawala muna nang malalim na paghinga si Mau bago nagsalita. "It has been two years. Muntik nang mamatay si Van sa isang aksidente at itong ibinigay ng Diyos sa kaniya ay parang pangalawang buhay na niya. Sa maraming pagkakataong nagkita tayong dalawa ay sinabi mo sa akin na tanggap mo na ang nangyari sa inyo; nakapagpatawad ka na, naka-move on ka na, hindi ba? Handa ka na ngang makipaghiwalay sa kaniya—at nariyan ka upang maasikaso na ninyo ang legal na paghihiwalayan. Demani... our family has also forgiven Van, at masaya kaming nakaligtas siya sa aksidenteng nangyari sa kaniya. Kaya naman ang buong pamilya ngayon ay handa na siyang harapin. Give him a break, come on."

Umikot paitaas ang kaniyang mga mata. Kay dali para kay Maureen sa sabihin ang ganoon.

"Whatever," ang tanging nasabi niya. Tamad na siyang magsalita pa.

"So... anong oras kayo makararating bukas?"

"I don't know yet, I'll just give you a call."

"Okay then, see you!"

She pressed the END button and tossed her phone to the bed. Muli siyang tumingala sa kisame at wala sa loob na napatitig lang doon.

Buti pa sila Maureen... she thought.

Kung nagkaroon man ng problema sina Maureen at Jimmy noon sa pinansyal na aspeto ay nagkaayos pa rin ang mga ito sa huli, at nagbago si Jimmy. Natakot itong hiwalayan ni Mau at ilayo rito ang anak kaya napilitang baguhin ang sarili. Mau even sent Jimmy into rehab, para mawala sa sistema nito ang pagsusugal; and after six months, Jim became a whole new person.

Simula noon ay naging maayos ang pamumuhay ng mga ito. Naging tahimik ang pagsasama. Na kahit paminsan-minsa ay nagkakaroon ng pagtatalo, hindi naman nauwi sa hiwalayan.

Akala pa man din nila noon... Maureen and Jimmy's marriage would crumble.

Akala din ng buong pamilya ay ang pagsasama nila ni Van ang perpekto. Pero... sila pa pala itong bumagsak.

As for Coreen.... Well, she filed a case against Sam. Natauhan na rin ito sa wakas matapos mahulog ang dinadala nito. Nakulong si Sam ng tatlong taon at habang nasa kulungan ay nagpirmahan ang dalawa ng pormal na paghihiwalayan; Coreen got the sole custody of the kids, of course.

Ngayon ay maayos na rin ang buhay ni Coreen. She was happy being a single mother; at nagkaroon na rin ng isa pang branch ang ticketing outlet nito. She was happy for her cousin; kahit hiwalay ito sa asawa ay may dalawa naman itong anak na nagbibigay saya at inspirasyon dito araw-araw.

Buti pa si Cori... she thought again before releasing a long, deep sigh.

Bumangon siya at sinapo ang ulo.

May isang alaala ang namumutawi sa kaniyang isipan, subalit ayaw niyang intindihin iyon. Ayaw niyang balikan ang yugtong iyon ng buhay niya.

Dahil kung mayroon mang pinaka-masakit na nangyari sa pagsasama nila ni Van noon, iyon ay ang... alalang iyon.

That day...

That rainy day in September.

The day her Lola Val was brought to the hospital...

*

*

*

BACK IN THE PAST...

Dalawang linggo na rin ang nagdaan simula nang punain ni Demani ang asawa tungkol kay Lara. Van had denied her allegations, of course. Kaya naman gumawa siya ng paraan upang makapag-imbestiga. Ilang beses siyang tumawag sa sekretarya ni Van upang itanong kung anong oras umaalis ang kaniyang asawa sa opisina, at nang sabihin nitong alas seis pa lang ay umaalis na si Van, lalo siyang naghinala.

Bakit? Dahil kung alas seis umaalis si Van sa opisina, dapat ay nasa bahay na ito bago mag-alas otso—with traffic!

Pero sa loob ng isang linggo ay madalas na halos hating-gabi na ito umuwi, at ang laging idadahilan ay dinner meeting kasama ang mga kliyente.

Pina-imbestigahan na rin niya kung sino si Lara; she had paid someone to check the woman's background. Na-kompirma niyang iyon nga ang anak ni Attorney Salviejo. She had also learned that Lara was a divorcee and was a very beautiful woman. Doon siya nagsimulang makaramdam ng insekyuridad sa sarili.

Lalo na nang malaman niyang madalas na magkasama sina Van at si Lara.

Well, ayon sa sekretarya ni Van na si Tessie ay ni-hire ng kaniyang asawa si Lara bilang executive assistant nito, at kapag may mga dinner meetings kasama ang ilang mga kliyente ay si Lara ang inisasama ni Van. Ipinaliwanag sa kaniya ni Tessie na kaya lang daw ni-hire ni Van si Lara ay upang makauwi ito nang maaga sa anim na buwang sanggol sa bahay nito. Tessie couldn't accompany Van during late hours anymore, kaya laking tulong daw ang ginawang pag-hire ni Van kay Lara.

Ni-kompirma rin ni Tessie na matagal nang magkaibigan sina Van at Lara, at noong nagkakilala sila ng kaniyang asawa ay nagkataong hindi nakauwi ng bansa si Lara dahil sa trabaho, dahilan upang hindi niya ito nakita at nakilala nang personal.

Hindi na siya nagtanong pa nang kung anu-ano rito. Alam niyang kahit mabait si Tessie at kahit pakitaan din niya ito ng kabaitan ay na kay Van pa rin ang loyalty nito. Ayaw niyang makarating sa kaniyang asawa ang ginagawa niyang pag-i-imbestiga kay Lara.

Dahil ayaw niyang lalong mainis ito sa kaniya.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay para silang estranghero sa isa't isa—katulad ng madalas na mangyari noong nag-umpisa silang magsagutan.

Van would still join her for breakfast; they would talk a little about random stuff, pero naroon ang pader. She could feel it. They both could feel it. Siya ay may sama ng loob dito tungkol pa rin sa issue nito sa pamilya niya, at patuloy siyang naghihinala sa relasyon nito at ni Lara.

Ito nama'y hindi pa rin nakikipagbati sa kaniya. He would ask her about her day, but she felt like he didn't really care and he was just asking because it was his obligation as her husband. Ramdam niyang sapilitan lang iyon, at naroon din ang pagkailang.

Madalas na rin itong magalit kahit sa simpleng bagay lang; tulad ng kung tatanungin niya ito kung bakit na naman ito ginabi. Kung dati-rati ay mahinahon itong sasagot sa kaniya at kontrolado ang inis, ngayon ay umaalma na ito at nakikipagtalo kaagad. Kahit siya ay maiksi na rin ang pasensya rito. Dahil makikipagsagutan siya hanggang sa iwanan na naman siya nito at mananatili nang matagal sa home office.

They weren't the same sweet and perfect couple.

Ngayon ay para silang mga batong sabay na nahulog mula sa tuktok; nagkasalubong sa ilalim, nagkabanggaan at nagkiskisan. Kung sino ang unang mabiyak ay siyang talo.

That's how their relationship went for two weeks.

At napapagod na rin siya.

"Demani, are you still listening to me?"

Napakurap siya at bumalik sa kasalukuyan. Nagpakain na naman siya sa lalim ng inisiip at hindi na naman niya napagtuunan ng pansin ang ina na nasa kabilang linya.

Tumikhim siya at ibinalik ang pansin dito. Nakasakay siya ng taxi pauwi ng Antipolo. Kagagaling lang niya sa isang mall upang bumili ng regalo para sa Lola Val niya. Sa susunod na linggo na ang kaarawan nito at naghanda sila ng buong pamilya ng sorpresang party para rito—katulad ng madalas nilang gawin noon. Tulad ng dati ay doon lang sa bahay ng kaniyang mga magulang isi-celebrate ang party.

Ang kaarawan ng kaniyang Lola Val ay espesyal sa kaniya. Dahil ang araw na iyon din ang araw na una silang nagkakilala ng asawa.

Nang muling maisip si Van ay nalungkot siya. Hindi niya alam kung makapupunta ito sa kaarawan ng lola niya, but she was hoping. Isang buwan na itong hindi nakadadalo sa Sunday get together at nauubusan na siya ng rason sa tuwing tatanungin siya ng buong pamilya.

"Demani?"

Napa-igtad siya nang muling kuhain ng ina na nasa kabilang linya ang kaniyang pansin. Tumihim siya at sinagot ito.

"I'm sorry, Mom. May iniisip lang ako..."

"Kanina pa ako putak nang putak dito, eh. May narinig ka ba sa mga sinabi ko?"

She grimaced. " Can you... repeat it again, Ma?"

Nagpakawala ito ng mahabang paghinga. "Ang sabi ko... make sure na makapupunta si Van sa kaarawan ng lola mo dahil paniguradong hahanapin na siya. Hindi na namin siya hinanap sa nakalipas na Sunday-get together, pero sana ay makarating siya sa susunod na Linggo para sa Lola Val mo."

"I... will talk to him tonight, Ma..."

"Okay then, take care of yourself and call me when you get home."

"Okay. Good night, Ma."

Nang mawala sa linya ang kaniyang ina ay ibinaba niya ang cellphone at ibinalik sa loob ng kaniyang bag. Sunod ay sumandal siya sa pinto ng backseat at ini-tuon ang pansin sa labas ng bintana.

Kung tama ang hula niya ay nasa Marikina na sila. Bago mag-alas otso ay makauuwi na siya. Hindi na rin naman maghahapunan doon si Van at kung anong oras na naman ito makauuwi kaya walang dahilan para magmadali siya. Besides, she had sent him a message before she left home; sinabi niyang lalabas siya para bumili ng regalo sa Lola Val niya.

Nagbigay na siya ng hint dito kaya sana ay ma-clear nito ang schedule next week upang makadalo.

Habang ganoon ang kaniyang iniisip ay napasulyap siya sa isang restaurant na pamilyar sa kaniya. It was one of her favorite restaurants in the area dahil doon sila madalas na magtungo ng asawa.

Mabagal lang ang pagmamaneho ng taxi driver dahil traffic sa unahan kaya nagawa niyang suriin ang restaurant na nakatayo sa gilid ng service road. Katatayo lang niyon noong isang taon at isa sila ni Van sa mga pioneer customers niyon.

The restaurant served a delicioys and authentic Filipino dishes where cooks and waitresses were performing in front of the guests after serving the meal. The last time she was there was a couple of months ago. Ang asawa niya ang kaniyang kasama. She had missed the place, at sa mga sandaling iyon ay pinag-iisipan niya kung bababa siya roon para maghapunan o—

Nahinto siya sa pag-iisip nang may mapansin.

Napatuwid siya nang upo upang suriin nang mabuti kung tama ang nakikita.

Sa parking space ng restaurant ay nakikita niya ng kotse ng asawa. At nakompirma niyang sa asawa niya iyon dahil nasulyapan niya ang plate number. Hindi naman madilim sa bahaging iyon dahil may ilaw, kaya sigurado siya sa kaniyang nakikita.

It was Van's.

Mabilis niyang sinulyapan ang oras sa relos.

6:25 PM

Sunod niyang binalingan ang taxi driver nang maramdaman ang pagbilis ng takbo ng taxi.

"Kuya, saglit lang po. Pwede po ba kayong pumarada sandali? May titingnan lang ako sa labas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro