Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 032







NAITAKIP NI DEMANI ang isang palad sa bibig upang pigilan ang pagsinghap.

Sino ang Lara na iyon para tawagin ng ganoon ang kaniyang asawa? At alam nito ang nangyayari sa kanila ni Van? What did she care? Sino ba ito?

"Hello?" pukaw ng babae sa kabilang linya. "Van?"

Biglang nanakit ang kaniyang lalamunan, at alam niyang anumang sandali ay aalpas na ang kaniyang pag-iyak.

Gusto niyang itanong sa babae kung sino ito at kung kaanu-ano nito ang kaniyang asawa. Since alam nitong may asawa si Van, bakit nito tatawagin ng ganoon ang mister niya? At bakit ito nangingialam sa pagsasama nilang asawa?

Nang may maisip ay sandali siyang natigilan.

Then, a muffled cry came out of her throat.

Was her husband cheating on her?

And this woman, Lara.

Was she the other woman?

Oh, pakiramdam niya'y unti-unting gumuguho ang kaniyang mundo. Pakiramdam niya'y tatakasan siya ng malay sa labis na pighating nararamdaman sa dibdib. Gusto niyang humagulgol. Gusto niyang magwala.

"Hello, Van Dominc Loudd..." masuyo at pakanta pang wari ni Lara.

Gusto niyang sumigaw. Gusto niya itong sigawan at sabihing layuan ang asawa niya; ipaalam dito na siya ang asawa at naririnig niya ang paglalandi nito.

But she couldn't find her voice. She couldn't find the strength to fight this woman at this moment. She was overwhelmed with what she had learned and she didn't know what to do... or what to say.

Ang kaniyang lalamunan ay tila pinasukan ng buhangin, at ang kaniyang mga mata'y nag-iinit na.

Hanggang sa... hindi na niya napigilan pa ang pagkawala ng hikbi sa kaniyang lalamunan.

Doon niya ibinaba ang cellphone saka tinapos ang tawag. Sunod ay ibinato niya iyon sa couch na tila iyon isang mainit at nakapapasong bagay.

Sa sumunod na mga sandali ay umiyak siya nang umiyak sa loob ng opisina ng asawa hanggang sa wala na siyang luhang mailabas pa. Nang huminahon na siya'y wala sa sariling napatitig na lang siya sa pader; tinatanong ang sarili kung bakit niya iniiyak ang isang bagay na hindi pa naman sigurado at puro hinala lang.

Paano kung hindi naman talaga babae ni Van ang Lara na iyon? Paano kung nagkamali lang siya? Did she just overreact?

Besides... Kaya ba ni Van na gawin iyon sa kaniya? Kaya ba siya nitong saktan sa ganoong paraan?

Matapos maisip ang mga iyon ay tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa carpet, pinahid ang mga luha, at inayos ang sarili.

She must talk to Van about it first.

Or maybe not? Obserbahan kaya muna niya ito?

Follow him, maybe? Pasundan?

Huminga siya nang malalim at itinaas ang mukha.

Yes, she would investigate.

Saka na siya iiyak kapag napatunayan na niya.

*

*

*

DEMANI WOKE UP LATE THE NEXT DAY. Paggising nito ay tanghali na, at nang bumaba ay wala na ang asawa. Sabado ang araw na iyon, hindi niya alam na papasok ito?

Ilang beses niya itong sinubukang tawagan, but Van wasn't answering any of her calls. Pagdating ng ala-una ng hapon ay siya naman ang nakatanggap ng tawag mula rito.

"I'll be home late," was the first words he said. Wala na namang emosyon ang tinig nito.

She bit her lower lip to stop herself from asking him about Lara. H'wag muna. H'wag muna ngayon. This wasn't the right time to confront him about the woman. Kailangan muna niyang mag-imbestiga. Kumalap ng ebidensya.

Para sa oras na magkomprontahan sila ay may sapat siyang batayan

"Hindi mo ako ginising..." aniya makalipas ang ilang sandali.

Matagal na natahimik si Van, at kung hindi pa niya naririnig ang tunog ng mga sasakyan sa kinaroroonan nito'y iisipin niyang tinapos na nito ang tawag.

"Naramdaman kong madaling araw ka nang nakatulog," he answered. Ang tinig ay bahagyang naging malumanay. "I thought you needed more sleep, kaya umalis akong hindi nagpaalam."

Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan. That was right. Nang huli niyang sulyapan ang orasan sa bedside table ay alas dos na ng madaling araw. Matagal pa ang lumipas hanggang sa makatulog siya. She probably had fallen asleep around three in the morning.

Paano ba naman kasi siya makatutulog kung naririnig pa rin niya sa kaniyang isip ang tinig ng Lara na iyon? Hindi rin maalis-alis sa utak niya ang mga sinabi nito. Gulung-gulo ang isip niya. Siguro naman, kahit sinong asawa na makatanggap ng ganoong tawag sa dis oras ng gabi ay hindi makatutulog?

At hindi niya alam na gising pala ito at nakikiramdam sa kaniya?

And he said nothing? Dati naman, kapag nararamdaman niyang hindi ako makatulog ay niyayakap niya ako at tinatanong kung ano ang problema—ngayon ay makikiramdam na lang siya?

Muli siyang tumikhim. Ayaw niyang mahalata nitong may nalaman siya. Dahil kapag nalaman nito'y baka mag-ingat ito sa mga galaw at mawalan siya ng pagkakataong makapag-imbestiga.

"So... nasaan ka ngayon?"

"In the office."

You're not seeing Lara, are you?

Pinigilan niya ang sariling itanong iyon.

"At hindi ka na naman uuwi nang maaga, sabi mo?"

"Yes. So don't wait up."

She was about to ask him if he would be eating dinner at home, pero naputol na ang linya at natapos na ang tawag. Mangha siyang napatitig sa cellphone.

Did Van just really end the call without saying goodbye?

"Oh, you bastard!" Bago pa niya napigilan ang sarili ay naibato na niya ang cellphone sa sahig, dahilan upang mabasag ang screen niyon ay mamatay ang device.

Pinanlakihan siya ng mga mata. She didn't mean to do it.

Damn it; she was getting out of control.

*

*

*

NAPABALIKWAS SIYA NG BANGON nang marinig ang pagbukas ng gate at pagpasok ng sasakyan ng asawa sa garahe. Sinulyapan niya ang oras sa digital clock na nasa bedside table.

It was already eleven in the evening.

Kanina pa siya naroon sa higaan at sinusubukang matulog subalit nanakit na lang ang kaniyang mga mata ay hindi pa rin siya hinihila ng antok. Hanggang sa marinig niya ang pagdating ng asawa.

Mabilis siyang bumangon at lumabas ng silid. Pagdating niya sa hagdan ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng front door. Nanatili siya sa puno ng hagdan at hinintay ang pagsulpot nito sa ibaba. Nakita niya ang pagbukas ng ilaw sa kusina, kasunod ang pagbukas at pagsara ng fridge. Later on, the light turned off, and she heard Van's footsteps approaching.

Hanggang sa nakita niya ang pagsulpot nito sa ibaba ng hagdan. Bitbit nito sa isang kamay ang coat, at habang umaakyat ay inaalis nito ang butones ng suot na polo. Nasa kalagitnaan na ito ng hagdan nang mapatingin sa itaas at makita siya.

He halted.

"Are you hungry?" she asked in a flat tone.

"No," blangko ring sagot ni Van. "Kumuha lang ako ng tubig sa kusina. Kumain na ako sa labas."

"Sino ang kasama mo?"

Bahagya itong kinunutan ng noo. "Why are you asking?"

"Masama bang magtanong?"

"Hindi, pero nasa tono mo na tila kasalanan ang pagkain ko sa labas—"

"Hindi ba?" Oh, she wasn't planning to argue with him. Hindi siya bumangon upang salubungin ito ng ganoon. Pero sa buong maghapon ay hindi na nawala sa isip niya na baka magkasama ito at ang babaeng nagngangalang Lara.

Nakita niya ang pagdaan ng iritasyon sa anyo ng asawa. "Ano na naman ang problema mo?"

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko."

"I ate alone. There. Happy?"

"Bakit? Hindi ka ba nabubusog sa mga luto ko kaya naghanap ka ng ibang pagkakainan?" and she meant what she said, emphasizing about 'the other woman'.

Van was about to answer when she cut off his argument.

"Ilang beses ka nang kumain sa labas nang mag-isa at uuwi rito para sabihing hindi mo kakainin ang mga luto ko, ha, Van?"

Hindi ito kumibo, ang iritasyon sa anyo ay hindi na nawala. Pero imbes na sagutin siya ay ini-tuloy nito ang pag-akyat.

"Sa mga nakaraang gabi na ipinagluto kita ng hapunan, galing ka ba sa restaurant at kumain mag-isa?"

Nahinto si Van dalawang dipa mula sa landing. Diretso siyang tinitigan. "Ngayong gabi lang, Demani. Dahil sinabi kong gagabihin ako at h'wag ka nang maghintay, hindi na rin ako umasang maghahanda ka ng hapunan. Pagkatapos ng meeting namin sa opisina kaninang alas nueve y media ay kumain ako sa labas."

"How about the other nights? May kasama ka?"

"Why are you even asking kung alam mong madalas na sa dinner meeting ako kasama ang mga kliyente at—"

"Kasama ang mga kliyente?" she scoffed. "Hindi kaya si Lara ang kasama mo sa mga nakalipas na gabi?"

Oh shit.

Hindi na niya napigilan pa ang sarili at nagtuluy-tuloy na ang kaniyang bibig. Ang plano niyang lihim na pag-imbestiga ay wala na.

Damn her, she was so stupid!

"What?" ani Van na sandaling natigilan sa narinig.

Itinaas niya ang mukha at pailalim itong tinitigan. "Sino si Lara, ha, Van?"

Muling nagsalubong ang mga kilay nito; muling nairita.

"How did you—"

"H'wag mong sagutin ang tanong ko ng tanong din!" Oh, sasabog na yata siya sa pinaghalong sama ng loob at galit. "Sino siya, ha, Van? Ano mo ang Lara na iyon?"

Subalit hindi natinag si Van sa galit niya. Hindi nagbago ang anyo nito nang muling nagsalita. "You sounded like I was cheating with her—"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi ako katulad ni Sam—"

"Then who the hell is Lara?!"

Huminga ito nang malalim. Ang pagkakasalubong ng mga kilay ay nahawi. Ang iritasyon ay nawala sa anyo at napalitan ng dismaya.

"Bago ka nambintang ay nagtanong ka muna sana."

"Oh, shush your mouth, Van. Sagutin mo na lang ang tanong ko para wala nang gulo—"

"Ikaw lang ang naghahanap ng gulo, Demani. Ikaw lang at ikaw lang palagi," tuya nito bago itinuloy ang pag-akyat at nilampasan siya.

Nainis siya sa ginawa nito. Sumunod siya, at bago pa man makalayo ang asawa ay hinila na niya ito sa braso. Doon ito muling humarap.

"Are you cheating on me with that woman, Van?"

He released an exasperating sigh. Nakikita niya sa anyo nito ang pagpapasensya, kasama ang dismaya. "I am very disappointed in you, Demani."

"Don't use reverse psychology on me again, Van Dominic Loudd. Walang silbi."

"Lara is Attorney Salviejo's daughter—she is my best friend."

Sandali siyang natigilan. Hindi niya inasahan iyon. But then... knowing who Lara was didn't answer her question.

Sa nanginging na tinig ay muli siyang nagtanong. "So... are you cheating with her?"

"No," kaagad nitong sagot. At sa pagkakataong iyon ay nahihimigan niya ang sama ng loob sa tinig nito. "Nakakahiya kay Lara iyang mga iniisip mo, Demani. At ganito na ba ang tingin mo sa akin? Kasing-baba ng pagkatao ng asawa ng pinsan mo? Have shame on yourself."

Then, he turned his back on her.

At habang sinusundan niya ng tingin ang paglayo ng asawa ay sunud-sunod namang nagsibagsakan ang kaniyang mga luha.

Araw-araw na lang siyang umiiyak. Araw-araw na lang silang nag-aaway.

Saan patungo ang pagsasama nila kung lagi silang ganito?

At... siya nga lang ba ang may problema at laging gumagawa ng issue sa kanilang dalawa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro