CHAPTER 031
NAPA-UNGOL SI DEMANI nang sa pagdating niya sa kanilang bahay ay makita ang sasakyan ni Van na nakaparada sa garahe. Mabilis siyang bumaba sa sinakyang taxi at pumasok sa loob ng gate.
Habang naglalakad siya patungo sa front door ay sinulyapan niya ang oras sa relos. It was quarter to seven. Bakit maagang umuwi si Van? Sa nakalipas na mga araw ay maaga na ang alas dies na uwi nito. Dati naman, noong hindi pa sila nagtatalo tulad nito'y alas siete y media lagi ang uwi nito.
Pagdating sa front door ay pinihit niya pabukas ang pinto. It was unlocked. Naroon na nga sa loob ang asawa. Pumasok siya, sa loob ay nakapatay pa rin ang mga ilaw.
Maliban sa kusina.
Doon siya dumiretso.
Nang marating niya ang entry ng kitchen ay inabutan niya si Van na nakasandal sa lababo; hinihintay na matapos ang pag-brew ng kape. Tumikhim siya upang kunin ang pansin nito; at doo'y lumingon ang kaniyang asawa.
"So you're back," walang ka-emo-emosyong sabi nito bago ibinalik ang pansin sa coffee maker.
"Ano'ng oras ka dumating?" she asked quietly.
"Two hours ago."
"You came home early..."
"Two of my meetings this afternoon got canceled, that's why."
Tumango siya at humakbang papasok; inilapag niya ang bag sa isang upuan bago lumapit sa lababo kung saan niya nakikita ang nagkalat na coffee granules. Sa hula niya'y nagbukas ng panibagong box ang asawa at nang buksan nito iyon ay natapon. Kumuha siya ng tissue at nilinis iyon.
"Where have you been?" tanong ng asawa. Ramdam niya sa kaniyang likuran ang pagsunod ng tingin nito sa kaniya.
Ini-tapos na muna niya sa trashbin ang tissue na ginamit bago ito nilingon. She looked her husband in the eye.
Nagdadalawang-isip siyang magsabi ng totoo. She was worried he'd misunderstood her again.
But...
What was there to misunderstand, anyway? She went out to buy groceries, pero bago iyon ay dumaan muna siya kina Maureen upang—
Bigla siyang nahinto sa pag-iisip kasunod ng pagsinghap.
Nakalimutan niyang mag-grocery!
Oh my God...
Nang dahil sa nalaman ni Maureen mula sa pagtawag ni Levi ay sumama ang pakiramdam nito. She got dizzy and she had to stay with her cousin until her Aunt Ynes, Maureen's mom, arrived.
Nang sa palagay niya'y maayos na ang kalagayan ng pinsan ay saka siya nagpaalam sa mga ito. Nag-book siya ng taxi at nagpahatid sa Antipolo. Na-stuck siya sa traffic, at habang nasa taxi ay wala siyang ibang inisip kung hindi ang ginawa ni Jimmy sa perang ipinahiram niya kay Mau.
Perang naging dahilan kung bakit masama ang loob ng asawa niya sa kaniya. Ang dahilan kung bakit may pader na namang namamagitan sa kanila.
And she was so engrossed with the thought that she missed doing the main reason why she left the house that day.
"I'm asking you, Demani. Where have you been?"
Malakas na kumabog ang kaniyang dibdib.
Teka... Bakit ba siya kinakabahan? Eh ano kung malaman nitong dumalaw siya sa pinsan? Maureen was like her bestfriend; her sister. Bakit siya kabadong malaman nito kung saan siya galing?
Ahhh, damn it. Since she and Van had started arguing about the family, she felt like she was always walking on eggshells!
"I went to Maureen's house."
There, she decided it's best to tell the truth. Pero hindi na kailangang sabihin pa rito kung ano ang nangyari, at kung ano ang nalaman niya sa ginawa ni Jimmy. She knew it would trigger him again.
Tumango si Van at ibinalik ang pansin sa coffeemaker nang marinig iyong tumunog. Ilang sandali pa'y nagsalin na ito ng kape sa nakahanda nang tasa. At habang ginagawa nito iyon ay muli itong nagsalita.
"I sent you a text message—did you get it?"
Napasulyap siya sa bag kung saan naroon ang kaniyang cellphone. Hindi niya nabuksan iyon simula nang umalis siya sa bahay ng pinsan.
"No, I haven't checked my phone since I left Mau's house."
"Ano ang silbi ng cellphone mo kung hindi mo gagamitin? Mobile phones were invented to help people communicate easily. Paano ko malalaman na hindi ka kinuha ng kung sino mula rito sa bahay? Na ligtas ka at wala sa panganib?"
Hindi niya napigilan ang mga matang umikot paitaas. May pakiramdam siyang naghahanap lang si Van ng mapagtatalunan na naman nila. And she was getting tired of it.
"You are exaggerating things, Van."
"No, I'm not." Muli siya nitong sinulyapan. "You forgot to lock the door before leaving; ano sa tingin mo ang mararamdaman at iisipin ko matapos datnan na hindi locked ang bahay at wala ka sa loob? Did you expect me to just sit back and shrug my shoulders?"
Ugh. Nakalimutan na naman niyang i-lock ang front door. Pangalawang beses na iyon sa buwang ito. Noong una'y nagawa pa niyang balikan dahil papalabas palang naman ang taxi na sinasakyan niya sa subdivision.
At paano ba namang hindi mawawala sa isip niya iyon, eh laging lumilipad ang utak niya dahil sa nangyayari sa pagsasama nila.
"Ginalugad ko ang lahat ng mga kwarto sa itaas. I was calling out your name." Inilapag ni Van sa mesa ang tasa ng kape; ang mga mata'y tutok na tutok pa rin sa kaniya, ang anyo'y blangko. "I was worried, I thought someone broke in and took you. I tried calling your phone twice, but you weren't picking up. I sent you a text message next. No answer again. Tinawagan ko ang mommy, at buti pa siya, alam kung nasaan ka."
Nahihimigan niya ang panunumbat sa tinig nito sa huling sinabi, kaya imbes na aminin niya ang pagkakamali ay uminit din ang ulo niya.
"Look who's talking," tuya niya. "Sa nakalipas na mga araw ay hindi ka rin naman nagsasabi kung saan ka pupunta, ah? Hindi ka rin nagsasabi na gagabihin ka. May natanggap ba akong text message mula sa'yo? Wala rin, hindi ba?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Van sa sinabi niya; halatang hindi nagustuhan ang narinig.
"At least you know I was in the office. At alam mong kung nasa opisina ako'y trabaho ang ginagawa ko. Eh ikaw? Nang umalis ka ngayong araw nang hindi nagpasabi, plus the door left unlocked, sa tingin mo ba'y okay lang na manghula ako kung nasa ka? I was worried sick that something bad might have happened—"
"Reverse psychology," tuya niyang muli. "Pinapalabas mong nag-alala ka para bigyang dahilan 'yang galit mo. Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na naiinis ka dahil sa pamilya ko na naman ako pumunta?"
Van groaned in annoyance. "Here we fucking go again..." Kinuha nito ang tasa ng kape, tumalikod, at lumabas ng kusina.
Nagpupuyos ang dibdib na sumunod siya.
"No, h'wag kang umiwas, Van. Ano ba ang gusto mong gawin ko, ha? Layuan ang pamilya ko? Ang hindi sila kausapin? Ang hindi makipagkita sa kanila? Ano ang gusto mo? Magkulong ako rito sa bahay at mamatay sa pagkabagot?"
"No one dies in boredom, Demani—"
"That is not the point! Ang ibig kong sabihin ay gusto kong lumabas at libangin ang sarili ko kapag wala ka rito. At nalilibang ako kapag kasama ko ang pamilya ko! Pakiramdam ko'y may kakampi ako, may kasama. Hindi katulad dito sa bahay na buong araw akong mag-isa. Tapos, kahit narito ka naman sa nakalipas na mga araw ay parang wala rin—"
"I don't want to argue with you, Demani." Nilakihan nito ang paghakbang upang lalong makalayo sa kaniya. He went towards the stairs.
Sumunod pa rin siya.
"Well, para sa kaalaman mo, Van Dominic Loudd—kahit ano'ng mangyari ay hindi ko tatalikuran ang kahit na sinuman sa pamilya ko. Patuloy akong makikipagkita sa kanila, at patuloy ko silang bibisitahin—"
"Hindi kita pinipigilan na gawin iyon, Demani!" anito na nahinto at nilingon siya. Naroon na rin ang galit sa anyo nito sa mga sandaling iyon. "What I wanted is for you to let me know where you're at. Kalmado akong nakikipag-usap sa iyo kanina—hanggang sa nag-umpisa kang magsalita nang pabalibag. Ano ba ang problema mo?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!"
"Ako pa ngayon ang problema?"
"Yes! Because why can't you just love and respect my family?"
"Just because I didn't agree with the tradition doesn't mean I don't love and respect them!"
"If you really love and respect my family, you wouldn't question the tradition!"
"Dahil hindi ako tanga na sasabay na lang basta-basta sa agos kahit alam kong sa bangin ako babagsak!"
"Ano ang ikababagsak mo sa pagtulong sa pamilya, Van? Sa pagpunta sa Sunday-get-together? Sa pakikihalubilo sa kanila? Ano ang ikababagsak mo roon?"
"Hindi ka ba babagsak kung sa patuloy mong pagsubo ng tulong sa kanila ay abusuhin ka nila balang araw? They asked for bread and you gave it to them right away; can't you teach them how to bake? Hanggang kailan sila aasa sa tinapay na gawa mo? At hindi ka ba babagsak kung sa pakikihalubilo mo sa kanila ay masiraan ka ng kompiyansa sa sarili? Look what happened that last Sunday get-together; harap-harapang ni-insulto ni Uncle Lau ang mga anak niya sa pagpili ng mga lalaking hindi pumantay sa criteria niya. In short, the family traditions suck, Demani!"
"Oh, you're a heartless person, Van Dominic Loudd!"
"Ha! Ako pa ngayon ang heartless? You are barking at the wrong tree, Demani!" Muli itong tumalikod at itinuloy ang pagpanhik sa hagdan.
Naiwan siya roon sa ibaba, pigil-pigil ang pagbagsak ng mga luha at gigil na gigil sa galit.
*
*
*
SA KABILA NG PAGTATALO NILA ay doon pa rin sa master's bedroom natulog ang dalawa.
Matapos ang pagtatalong iyon ay dumiretso si Van sa home office nito, habang si Demani naman ay binalikan ang bag sa kusina, hinablot, saka umakyat na rin diretso sa kwarto. She washed up and went to bed early. At habang nasa kama ito'y tuluy-tuloy pa rin sa pag-iyak, hanggang sa tuluyan na itong hinila ng antok.
Bandang alas-once ng gabi nang maramdaman nito ang paghiga ni Van sa kama. She pretended sleeping—she didn't want to talk to him. Kung masama ang loob nito sa kaniya ay ganoon na rin siya rito. At hindi siya makikipagbati rito hanggang sa hindi ito hihingi ng pasensya sa muling masasakit na salitang sinabi nito tungkol sa pamilya.
Yes, parang naulit lang sila sa dati. Laging ganoon ang pinag-aawayan nila.
Lagi na lang ang pamilya niya ang rason nito.
Ilang sandali pa'y narinig niya ang banayad na paghinga ni Van. Ibig sabihin ay tulog na ito.
Napa-ismid siya. Buti pa ito; kay daling makatulog sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan.
Ipinikit na rin niya ang kaniyang mga mata at sinikap na makakuha ng tulog. Pero makalipas ang mahabang sandali ay nanatili siyang gising. Hindi na siya makakuha pa ng tulog.
Bumangon siya at dahan-dahang humakbang palabas ng silid. Doon na lang siya sa living area magpapalipas ng oras. Ayaw niyang magising si Van sa pabaling-baling niya sa higaan. Kapag nagising ito ay baka may sabihin itong makapagpapainit na naman ng kaniyang ulo.
Paglabas ng silid ay dumiretso siya sa hagdan. Pagdating niya sa second floor ay tutuloy-tuloy na sana siya sa hallway nang mapadaan siya sa home office ni Van. Bahagyang nakabukas ang pinto, at mula sa loob ay may naririnig siyang ingay.
And she knew what it was.
A phone ring.
And it was her husband's.
Sino ang tatawag dito sa ganoong oras?
Humakbang siya patungo sa pinto ng home office nito at initulak ang bahagyang nakabukas na pinto. Pumasok siya sa loob at hinanap ng tingin ang tumutunog na cellphone ng asawa.
Doon niya nakita ang umiilaw na screen sa gilid ng couch. Tinatakpan iyon ng hinubad nitong coat.
She walked toward it and took the phone. Sa screen ay hindi pamilyar na pangalan ang nabasa niya.
Lara.
"Lara?" aniya, titig na titig sa screen.
Hindi niya mapagdesisyunan kung tama ang ginagawa niya. Hindi niya pinakikialamanan ang cellphone ni Van, pero alam niyang kung kliyente ay kadalasan, may kasamang surname ang saved info roon.
Not just the first name.
Not just 'Lara'.
May kung anong tinig sa likod ng kaniyang isip ang bumubulong sa kaniyang sagutin ang tawag. At bago pa man niya napigilan ang sarili ay nagawa na niya.
She pressed the 'answer' button and put the phone to her ear.
Hindi pa man siya nakakapagsalita ay kaagad nang nagsalita ang babae sa kabilang linya.
"Hey, sweetie. Still up? I just wanted to... you know, check on you and see how it goes between you and the wife."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro