Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 030







NAPA-KAGAT-LABI SI DEMANI. Hindi alam kung papaano ipaliliwanag sa asawa ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa.

"Totoo ba?" ulit ni Van, ang tinig ay bahagyang tumaas.

She opened her mouth to say something, but she just couldn't find the right words to say. Ano ba kasi dapat ang una niyang sabihin? Humingi ba muna siya ng paumanhin sa ginawa niya? Magpaliwanag ba muna siya?

Damn it.

Wala siyang balak na sabihin sa asawa ang tungkol sa bank loan na iyon. She was planning to hide it from him until she completed paying it off. At wala rin siyang planong manghingi rito ng pambayad. She had invested in stock market, at buwan-buwan siyang nagwi-withdraw roon. Iyon ang ipambabayad niya. Besides, isang buwan lang naman niyang sasaluhin ang payments, dahil nangako rin si Maureen na mag-uumpisang magbigay sa kaniya sa susunod na buwan.

Yes, she had loaned that money to help her cousin. Maliit lang ang halagang iyon kung tutuusin, pero sapat na iyon upang mabayaran ni Mau ang late payments nito sa ni-loan na bahay, at upang muling bumangon ang pabagsak nang negosyo ni Jimmy.

Hindi dapat iyon malaman ni Van. Pero dahil sa katangahan niya ay hindi niya napalitan ang address kung saan dapat na ipadala ang bills at notice mula sa bangko. She was planning to have them sent to her parents' address.

Ahh, damn it.

Napaka-laking tanga niya.

"Sasagutin mo ba ang tanong ko, Demani?"

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. "Let me explain—"

"That's why we're here. I need explanations."

She was intimidated by her husband's strong tone. Kahit na madalas na silang mag-away sa nakalipas na mga linggo ay hindi niya ito nakaringgan ng ganoong tono.

"M-Maureen needed help—"

"Of course; ang pamilya na naman," anito na pumutol sa sinasabi niya. Nasa anyo nito ang pagkamangha at inis.

Hindi na siya nakasagot pa. Napayuko na lamang siya at mariing kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang panginginig niyon.

"May plano ka bang sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na ito?"

Umiling siya; nanatili pa ring nakayuko.

"Why?"

"B-Because I know you wouldn't like it. I know you would react this way—"

"Maybe, but I wouldn't be angry!"

Nag-angat siya ng tingin at sinagot ito. "I just wanted to help Maureen!"

"Bakit, ikaw lang ba ang pamilya niya?"

"Ako lang ang may kakayahan!"

"How, Demani? You don't have a job!"

Hindi siya kaagad na nakasagot dahil sa biglang paninikip ng kaniyang lalamunan. Heto na naman at nagsisigawan na naman silang dalawa.

"Did Mau come to you asking for financial help? Why would she do that kung alam niyang wala kang trabaho?" Lalo itong nag-alburoto. "Dahil sa akin, hindi ba? They knew I am richer than anybody else in the family, and I could easily help. Let me guess—sa akin niya gustong humingi ng pinansyal na tulong, hindi ba? Kaya lang ay alam mong may problema ako sa tradisyon ng pamilya Dominico at ayaw mong may sabihin na naman ako tungkol sa pamilya na makasasakit sa damdamin mo kaya pinili mong gawin ang ginawa mo. Hindi ba, Demani?"

Muli ay hindi siya nakasagot. What he said was spot on.

"Can't you see it, Demani? Your family is ruining our happy marriage!"

"Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan para masira, Van!" There, hindi na niya napigilan ang sariling sumagot. At ganoon din ang kaniyang mga luha. Hindi na niya napigilan pang bumagsak ang mga iyon.

"Ako? Ako na naman?"

"Hindi ba? Kung itinuturing mong pamilya ang pamilya ko ay hindi ka mag-iisip ng ganito laban sa kanila! If you are treating my cousins as part of my family, you wouldn't react this way! Ni hindi mo muna tinatanong kung bakit ko ginawa ito!"

"Fine! Bakit mo ginawa ito, ha, Demani? Bakit? Dahil nagpaawa na naman ang mga pinsan mo sa'yo?"

"Jimmy's business was on the rocks and it was stressing Maureen! Buntis siya, at kung hindi ako tutulong ay baka sa kalsada siya manganak at tumira!"

"It was Jimmy's fault, Demani! Kahit hindi mo sabihin ay alam kong nangyari ang ganito dahil sa pagsusugal niya. Ang problemang ito ay dapat na solusyunan ni Jimmy, hindi ikaw! At imposibleng sa kalsada sila manirahan! Wala ba silang mga magulang?"

Hindi na siya sumagot pa. Kahit ano ang sabihin niya ay sarado ang utak ni Van na intindihin ang mga dahilan niya sa pagtulong sa pamilya. This man would never understand. He would never understand no matter how hard she tried to make him so.

Matagal na naghari ang katahimikan sa pagitan nila ni Van matapos ang huling sinabi nito. Nasa anyo nito ang galit, habang siya nama'y luhaan. Hindi katulad noong mga nakaraan ay hindi na epektibo ang pag-iyak niya upang kumalma ito at suyuin siya.

Hindi tulad noong nakaraan ay mukhang walang pakialam ang kaniyang asawa kahit maglupasay pa siya roon.

Ilang sandali pa'y nakita niya itong humugot nang malalim na paghinga, kasunod ng pag-hagod nito ng buhok patalikod. He was supressing his anger.

She sniffed and looked down.

Oh, she felt so pathetic.

"You could have just told me, Demani."

Umangat muli ang tingin niya nang mahimigan ang kalmado nang tinig ng asawa. Pero kahit kalmado na ang tono ng pananalita nito'y muling naging blangko ang anyo nito.

"You could have just told me because I know how to help Jimmy. Hindi ako magbibigay ng pinansyal na tulong, pero tutulungan ko siya para maisalba ang negosyo niya. And that's how you were supposed to help them."

Muling bumagsak ang mga luha niya.

"You can't feed your family forever, Demani. You have to teach them how to feed themselves because that's how they learn—that's how they stop relying on you."

Matapos iyon ay inalis na ni Van ang tingin sa kaniya, humakbang patungo sa pinto, nilampasan siya, saka siya iniwan sa silid na iyon.

Nang mawala ang asawa ay saka siya umiyak nang umiyak.

Nang gabing iyon ay hindi na sila muli pang nag-usap ni Van. Matapos siya nitong iwan sa home office nito'y nagtungo na ito sa kanilang silid upang magpahinga. Siya naman, nang tumigil na sa pag-iyak ay lumabas at bumaba sa kusina.

Pagdating doon ay muli siyang naiyak dahil nasayang na naman ang inihanda niyang hapunan. Niligpit niya ang mga iyon at ini-tambak sa frigde. Nawalan na rin siya ng ganang kumain.

Nang pumanhik siya sa kanilang silid ay inabutan niyang nakapatay ang lamp at nakahiga na ang asawa. Nakatalikod ito at kahit alam niyang gising pa ito nang pumasok siya'y hindi na rin siya umimik pa.

*

*

*

DALAWANG ARAW MAKALIPAS ay nakipagkita si Demani kay Maureen upang kumustahin ang lagay nito. Biyernes ang araw na iyon; araw rin ng grocery niya. Naisip niyang bago pumunta sa supermarket ay bisitahin muna niya ang pinsan sa bahay ng mga ito sa isang subdivision sa Sucat.

"Salamat sa tulong mo, Dems. Nabayaran ko na ang late payments ng bahay," paunang sabi ni Mau nang makaalis ang maid na nagdala ng inumin nilang dalawa. Pansin niyang kahit papaano ay hindi na stressed ang anyo ni Mau. Good for her.

Buti pa ito.

Pilit na ngiti ang pinakawalan niya. Her cousin had no idea that the money she transferred to her account wasn't Van's but her bank loan. She decided not to tell Mau. At wala rin siyang balak sabihin dito na nang dahil sa loan na iyon ay nagkaproblema na naman silang mag-asawa.

Simula nang gabing mag-away sila ni Van ay hindi na naging maganda ang bawat araw nila.

Sa nakalipas na dalawang araw ay kausapin-dili siya nito. Sa umaga ay sasabay itong kumain pero pareho silang tahimik. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang sasabihin. Gusto niyang mag-usap sila nang maigi tungkol sa ginawa niya, subalit ayaw niyang sirain ang araw nito kaya nagpasiya siyang sa gabi na lang pag-uwi nito niya gagawin.

Pero sa nakalipas na dalawang araw ay gabi na rin kung umuwi ang kaniyang asawa; malibang sasabihin nitong kumain na sa labas kasama ang anak ni Attorney Salviejo na hindi pa niya nakikilala, ay kaagad itong di-diretso sa banyo upang maglinis ng katawan at matulog.

He never bothered to speak to her about the bank loan anymore.

Hiling niya, bukas o sa Linggo, ay magkausap na sila nang masinsinan. Gusto niyang makipagbati rito, at ipaliwanag nang mas maigi ang sitwasyon.

"Paki-sabihan din si Van na nagpapasalamat ako sa tulong niya."

Ngiti lang ang ini-sagot niya sa sinabi ni Mau.

"Nakausap ko na rin si Jimmy; hindi ko sinabing kay Van nanggaling ang pera; ang sabi ko'y naghanap ako ng paraan. Sinabi niyang malaking tulong daw iyon; hiling ko'y magawa pa niyang isalba ang negosyo sa halagang ipinahiram ninyo, Dems. Don't worry, uunti-untiin namin ang pagbabayad."

Tumango siya; kinuha ang baso ng orange juice saka dinala sa bibig. Tila tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Gusto niyang magsabi sa pinsan na nag-away sila ni Van pero ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya at malungkot. Kaya sasarilinin na lang muna niya ang pinagdaraanan.

Hanggang sa makakaya niya.

Habang umiinom ay bumaba ang tingin niya sa tiyan ni Mau na sa mga sandaling iyon ay masuyong nitong hinahagod.

Ibinaba niya ang baso sa center table saka ibinalik ang tingin sa pinsan. "Kailan ka manganganak?"

"Maybe in three weeks. Pero ang sabi ng OB ko ay mag-expect daw ako ng mas maagang date. Kapag panganay raw kasi ay excited lumabas." Mau added it with a giggle.

Ngumiti siyang muli at sinulyapan ang tiyan nito.

"How about you and Van? Wala pa rin ba kayong balak?"

Kunwari ay balewala siyang nagkibit-balikat. "Napag-usapan naming palipasin muna ang isang taon bago mag-umpisang bumuo. Noong una ay... okay lang naman sa akin. Pero sa nakalipas na mga araw... ay parang gusto ko na ring magbuntis."

Yes, that was true. Dahil sa madalas nilang pag-aaway ni Van ay naisip niyang makabubuti siguro kung magbuntis na rin siya. Naisip niya kasing baka makatulong ang pagkakaroon nila ng anak para baguhin ang pananaw ni Van sa tinatawag na 'pamilya'. Baka sa pamamagitan niyon ay maging mas malapit silang mag-asawa; maging mas pasensyoso ito at maging mas mapagmahal. At baka rin sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng anak ay maging malapit ito sa buong pamilya.

Pero... alam naman din niyang hindi basta-bastang gawin iyon. Kailangang pareho nilang gustuhin ang pagkakaroon ng anak. Kailangang alam din ni Van ang nais niya. At plano rin niyang sabihin iyon sa asawa—pero hindi pa niya mahanap ang tamang timing.

Siguro kapag nagbati na silang muli... Pwede na niyang sabihin dito ang nais niyang mangyari.

Habang ganoon ang laman ng kaniyang isip ay malakas na tumunog ang cellphone ni Mau na nakapatong sa ibabaw ng center table. Doon nalipat ang kaniyang pansin. Someone was calling.

And that was their cousin Levi.

"Alam mo, feeling ko ay magiging mabuti kang ina, Dems. You are caring and thoughtful; you would surely be a great mum," ani Mau bago dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag. "Yes, Lev?"

Pinagmasdan niya si Mau habang pinakikinggan nito ang sinasabi ni Levi sa kabilang linya. At nang makita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Mau ay nagsalubong ang mga kilay niya.

Parang tinakasan ng kulay ang mukha ng pinsan kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata nito. Makalipas ang ilang sandali'y ibinaba ni Mau ang cellphone, ang kamay ay bahagyang nanginginig.

"Ano'ng nangyari?" she asked.

"Si... Jimmy." Mau's voice shook. "N-Nakita na naman daw ni Levi sa isang casino sa Pasay..."

"Now?"

Tumango ito. "Now. At... ang alam ko ay walang pera si Jim. Unless..."

"Unless, ginamit niya ang perang ipinahiram ko."

Doon kumawala ang mga luha ni Mau. "I'm sorry, Demani..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro