Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 029




"I CAN'T BELIEVE YOU ACTUALLY HIRED ME TO WORK here in your company. Akala ko ay nagbibiro ka lang nang i-offer mo ang trabahong ito sa akin."

Napangiti si Van nang marinig ang sinabi ni Lara, ang nag-iisang anak ni Attorney Salviejo at kababata niya.

"Well, I just thought you needed a hobby while you're here in the country."

"True." Ngumiti ito saka tumayo. Tinungo nito ang chest of drawer kung saan may nakapatong na tatlong magkakaibang brands ng whiskey. Lara took out two glasses from the drawer and poured whiskey in them. Ilang sandali pa'y bumalik ito sa mesa bitbit ang dalawang basong may lamang tig-da-dalawang shots ng alak.

Inilapag nito ang isa sa kaniyang harapan bago bumalik sa pagkakaupo sa harap ng mesa niya.

"I'll only stay here for a month or two," anito bago dinala sa bibig ang baso. She sipped a little, put the glass down, and smiled at him again. "Okay lang sa'yong lumayas ako at iwan ang mga trabahong ibibigay mo makalipas ang dalawang buwan?"

Nagkibit-balikat siya saka kinuha ang basong nasa harapan at dinala rin sa bibig. "Why can't you just stay here in the Philippines and work in my company? Matagal nang namayapa ang mommy mo at mag-isa lang dito ang daddy mo. His house is big enough for the two of you—"

"I don't like the weather here." Ngumisi ito saka muling sumimsim ng alak. "Matagal na ang dalawang buwang bakasyon ko rito."

"Well, ngayong binigyan kita ng 'hobby' ay baka masanay ka na rito. Malay mo, mag-enjoy ka sa pagta-trabaho sa kompanya ko at magpasiyang mananatili na lang rito for good?""

"No, thanks. Not gonna happen."

He chuckled and shook his head.

Lara was Attorney Salviejo's only daughter and they became friends when he was sixteen. She was two years older than him, but she never treated him as a junior. Kahit siya, pakiramdam niya'y magkaedad lang sila nito.

When he first met her fifteen years ago, he had a crush on her. Ilang taon din siyang nagkagusto rito; not because of her beauty, but because of her boyishness back in the day.

Back then, Lara used to wear oversized T-shirts and jeans. May suot din ito laging sombrero sa ulo at ang ngipin ay ilang taon ding may retainer. She wasn't that pretty before, but he liked her a lot.

His crush on her stopped when Lara married her ex-husband. That was eight years ago.

She's no longer boyish now; she became the classy, gorgeous woman who liked expensive women's clothes and shoes.

Nang mag-divorce ito at ang asawa nitong Amerikano matapos ang dalawang taong pagsasama ay naging madalas na ang pag-uwi nito sa Pilipinas. Three times a year. Kaya naman madalas sila nitong magkita o magkasama. However, last year, Klara became so busy with her job as a marketing manager in a huge company in New York that she was not able to visit the country for over a year. Hindi ito nakadalo sa kasal nila ni Demani; hindi rin nito nakilala ang kaniyang asawa.

Isang linggo na ito sa bansa pero hindi pa rin ito nakadadalaw sa bahay niya, o hindi pa niya ito naipakilala kay Demani.

Lara had been busy with other stuff, plus he and Demani had problems in the past couple of days. Ngayong nagkabati na silang muli ng asawa ay nais niyang magkakilala ang dalawa; Demani would surely love Lara.

"Kung hindi pa ako sinuyo ni Dad ay hindi ako magta-trabaho sa'yo, 'no," Lara joked after a while. Malapit na nitong maubos ang alak na nasa baso nito. "I never once dreamed of you to be my boss."

Muli siyang natawa sa naturan nito. "Oh come one—all you really need to do is to attend my dinner meetings and record my shit. May maliit na anak ang sekretarya ko at lagi akong nako-konsensya kapag inisasama ko pa siya sa mga dinner meetings. You once worked as a corporate assistant; you know what this job requires. Kapag wala naman akong meeting ay malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo."

Totoong ni-offer lang niya ang 'trabahong' iyon sa kaibigan para maaliw ito—at kung magugustuhan nito ang pagta-trabaho sa kompanya niya ay baka magpasiya itong manatili na lang sa Pinas. Tutal ay mag-isa lang din naman ito sa apartment unit nito sa NY. Lara and her ex-husband had never had a child; there was really no reason for her to go back.

"Oh well, it's better than nothing," she said before finishing off her drink. Matapos nitong maubos ang alak ay inilapag nito ang baso sa ibabaw ng executive table niya, nangalumbaba roon saka nakangising nagsalitang muli,

"Dad and I are going to the Polo club this Sunday. Would you like to come?"

"Nah." Ipinaypay niya ang kamay sa ere, dinala ang alak sa bibig at tulad ni Lara ay inubos na rin 'yon. "I'm gonna ask Demani about her plans on Sunday. Kapag sinabi niyang wala ay pupuntahan namin kayo sa polo club. Kapag gusto naman niyang lumabas kaming dalawa ay maaaring hindi ako magpakita sa inyo ng buong araw. I will spend my whole Sunday with her."

"You really love your wife, don't you?"

"Of course, Lara. She's my everything." He then turned to the portrait on the wall. It was him and Demani in the picture, on their wedding day.

"When am I going to meet her?"

Hindi siya kaagad na nakasagot sa tanong ni Lara nang may kumatok sa pinto ng opisina, kasunod ng pagbukas niyon. It was his secretary, nasa kamay nito ang isang sobre.

"Sir, may natanggap po akong isang letter galing sa banko na nakapangalan kay Mrs. Loudd. Dito po sa building naka-address."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "For Demani?"

Lumapit ang kaniyang sekretarya saka inilapag sa mesa ang isang sobre mula sa bangko. Alam niyang sa bangkong iyon ay may existing account ang kaniyang asawa mula pa noong dalaga ito. Demani had probably changed her contact details and used the company address as her postal address.

Pero bakit magpapadala ng letter ang bangko sa kaniyang asawa? As far as he knew, Demani didn't open a credit card account. Kumuha siya ng dalawang visa cards para rito sa ibang bangko. She had enough; hindi na nito kailangan pang magbukas ng panibago.

Payment dues, maybe?

Doon bumangon ang kuryosidad niya.

Nagpasalamat siya sa kaniyang sekretarya, at nang makalabas ito'y saka niya binuksan ang sobre.

Namangha siya sa nakita.

*

*
*

HINUBAD NI DEMANI ANG SUOT NA APRON nang marinig ang paghimpil ng sasakyan ng asawa sa garahe. Tamang-tama, katatapos lang niyang magluto at mag-set ng mesa.

Ini-itsa niya ang apron sa ibabaw ng malinis nang lababo, pumasok sa restroom na karugtong ng kusina at sinulyapan ang sarili sa salamin. Nang sa tingin niya'y maayos ang kaniyang itsura ay humakbang siya palabas ng kusina at patungo sa front door upang salubungin ang asawa.

Saktong pagdating niya sa pinto ay bumukas iyon. Naghanda siya ng malapad na ngiti—subalit nang makita niya ang blangkong ekspresyon ng mukha ng asawa ay kaagad na nawala ang ngiting iyon.

Si Van na pumasok bitbit sa kamay ang coat nito ay sandali lang siyang sinulyapan bago siya nilampasan at humakbang patungo sa hagdan.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka.

Galit ba si Van? May nangyari ba sa kompanya? May ginawa ba siyang mali?

Bigla siyang kinabahan.

No, baka pagod lang ang kaniyang asawa.

"Let's talk in my office."

Mabilis siyang sumunod. "I prepared dinner—"

"Wala akong gana."

Nahinto siya sa pagsunod at mangha itong sinundan ng tingin hanggang sa marating nito ang hagdan at umakyat doon.

Sigurado siyang may problema. Hindi aakto ng ganoon si Van kung wala.

Lumingon siya sa kitchen entry, at mula sa kaniyang kinatatayuan ay nakikita niya ang dining table. Masasayang na naman ba ang inihanda niyang hapunan?

No. Kailangang maayos niya kung ano man ang problema sa gabi ring iyon mismo para hindi masayang ang inihanda niya. Kailangang paglabas nila sa home office ay hindi na galit ang asawa; malambing na ulit at nakangiti.

Mabilis siyang sumunod. Pagdating niya sa second floor ay saktong nakapasok na sa home office nito si Van.

Pagdating din niya roon ay nakita niya ang asawang nasa harap ng mesa niya. Ang coat nito ay kung paano na lang nitong ini-hagis sa couch doon sa loob. His hands were pushed in his pockets, his face unreadable still.

Humugot siya nang malalim na paghinga bago ini-sara ang pinto sa likuran niya. She then walked toward the desk and stood in front of her husband.

She frowned. "What's happening?"

Imbes na sagutin siya nito'y may inilabas na sobra si Van mula sa kanang bulsa nito. The envelope was folded twice. Sumunod ang tingin niya roon nang ni-itsa iyon ni Van sa ibabaw ng mesa.

Ang pagkakakunot ng kaniyang noo ay kaagad na nahawi nang makita niya ang logo ng sobre. Biglang bumangon ang kaba sa kaniyang didbib; kasunod ng dahan-dahan niyang paghugot ng malalim na paghinga.

Shit.

Nakalimutan niyang palitan ang postal address niya sa bangko.

At mukhang alam na niya kung bakit ganoon ang inaasal ni Van.

"Totoo bang nag-loan ka ng isang milyon sa bangko, Demani?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro