Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 028



THE NEXT FEW DAYS WENT BACK TO NORMAL for Demani and Van. They were happy again, and everything seemed to be working well.

Or so she thought.

Well... iyon ang nais mangyari ni Demani.

But no matter how hard she tried to bring back the old bonding, parang may pader nang namamagitan sa kanilang dalawa ni Van. Parang naiilang na siya. Parang may kung anong pumipigil sa kaniya na gawin at sabihin ang lahat ng gusto rito. Tinatantiya niya muna kung pwedeng sabihin o gawin ang isang bagay dahil hindi niya alam kung magugustuhan iyon ng asawa o ikasasama na naman ng loob nito. She became cautious; she didn't want to do or say things that would cause an argument.

And no matter how hard Van would try to smile at her and make her feel loved... something was just lacking.

Hindi niya alam kung siya lang ang nag-iisip ng ganoon o kung ramdam din ni Van. Hindi niya alam kung napa-praning lang siya o talagang hindi na sila katulad ng dati.

Dumating na naman ang araw ng Linggo. At nagpasiya siyang h'wag nang pilitin ang asawa kung hindi ito makapupunta sa family get-together. Naisip niyang pupunta na lang siya nang mag-isa. Madali nang sabihin sa buong pamilya na abala si Van. Hindi na iyong pagtatakhan ng lahat. At makabubuti iyon sa iba niyang pinsan na naiinis na marahil sa presensya ng kaniyang asawa.

Gah. Blame the oldies for comparing her husband to Mau and Cori's husbands, and also to her cousin Levi!

Alam niyang sa araw na iyon ay walang appointment si Van, nakita niya ang schedule book at calendar nito. The date was empty. At umaasa siyang kahit hindi na niya yayain ang asawa ay kusa itong magsasabi na sasama.

Van would surely say that. Wala itong choice.

Unless... ayaw na nitong gawin iyon dahil wala na itong kailangang patunayan sa pamilya niya.

At sa kaniya.

Oh, hihintayin pa rin niyang kusa itong magsasabi.

Alas otso ng umaga nang magising ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatunghay rito, at nang makita ang asawa na pumihit paharap ay kinuha niya ang tasa ng kape sa bed side table na mainit-init pa saka hinintay na magmulat ng mga mata si Van.

And when he did, she greeted him with a wide smile on her face.

"Good morning, hon."

Ngumiti ito pagkakita sa kaniya; ang mga mata'y dumapo sa kapeng hawak niya.

"Morning," he answered in a hoarse voice. Kinusot-kusot muna nito ang mga mata bago bumangon at sumandal sa headboard. "What time is it?"

"Ten minutes past eight."

"Gah..." Umungol ito saka hinagod ang ulo.

"What's wrong?"

"Nothing, I've just forgotten something." Ibinaba nito ang mga kamay saka kinuha mula sa kaniya ang tasa ng kape. Akala niya'y dadalhin nito iyon sa bibig subalit muli lang iyong inilapag ng asawa pabalik sa bedside table. "I want to hug my wife..."

Ngumiti siya, yumuko, saka niyakap ito.

Good, she thought. Maayos ang mood ng kaniyang asawa. At iyon ang timing na hinihintay niya.

"Hon..." she started.

"Hmm?" he answered as he gently caressed her back.

"Today is Sunday."

"I know."

Nakahinga siya nang maluwag; mabuti at alam nito kung ano ang araw na iyon. Hindi na niya ito kailangang paalalahanan pa.

"I was going to tell you. Nakalimutan kong may kailangan pala akong lakarin ngayong araw."

Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Van. Kaagad na sumaklob ang langit sa kaniya. "O-Oh."

Humiwalay ang asawa at tinitigan siya nang diretso. "May darating akong bisita mula America. He was one of my father's closest friends. Plano niyang mag-invest sa kompanya kaya magkakaroon kami ng meeting mamayang gabi. I wanted to make a good first impression, so I offered to fetch him from the airport and invited him for lunch. Kasama ko si Attorney Salviejo na makikipagkita sa kaniya."

Oh, okay.

Mukhang mag-isa nga lang siyang pupunta sa Sunday get-together...

Nagpakawala siya ng pilit na ngiti. "Oh, then have fun, hon. At sabihin mo kay Attorney Salviejo na dumalaw sa atin paminsan-minsan. Matagal ko na siyang hindi nakikita, matagal-tagal na rin siyang hindi nakadadalaw sa atin."

"Yeah, maybe next week papupuntahin ko siya rito. Oh, and you should also meet his daughter."

"Kaya nga, eh. Ni hindi ko nalamang may anak siya. If they aren't too busy next week, maybe we can have dinner together? Dito o sa labas, walang problema sa akin."

Si Van naman ay nagpakawala ng masuyong ngiti nang maalala ang anak ni Attorney Salviejo. "Hindi ko yata naikwento sa'yo ang tungkol do'n. Oh well, there wasn't really much to it. He got married after he and Dad finished college. But his relationship with his ex-wife didn't last long. They separated after two years. Nagkaroon sila ng anak, but his wife brought their child to the US. Doon na siya lumaki at paminsan-minsan ay dumadalaw rito sa bansa. She's two years older than me, and I met her when she was eighteen. Since then ay naging malapit kaming magkaibigan. You should really meet her. She's a lovely lady."

Tumango siya at tuluyan nang humiwalay sa asawa. Tumayo na siya at hinila ang kumot na tumatakip sa katawan nito. "Bumangon ka na at maghahanda na ako ng almusal sa baba."

Umungol ito at hinila rin ang kumot.

Natawa siya nang makita itong bumaluktot at pumailaim sa kumot saka muling ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang mapansin nito ang dismayang naramdaman niya nang malamang hindi ito makadadalo sa Sunday get-together ng pamilya.

Oh well, simula nang muli nilang pag-awayan ang tungkol sa pamiya niya'y nagpasiya siyang hindi na ipilit dito ang tungkol doon. She didn't want to pressure him. She didn't want them to argue about the family's tradition anymore.

Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay maayos ang relasyon nilang mag-asawa. Sooner or later ay magpa-plano na rin silang magkaroon ng anak; kailangan nilang magkasundo at ayusin ang kanilang pagsasama.

Banayad niya itong hinampas sa braso upang muli itong gisingin. "Come on now, lazy bone. H'wag mo nang hintaying lumamig ang pagkain."

Ungol lang ang ini-sagot nito na ikina-tawa niya nang bahagya. Tumalikod na siya at humakbang patungo sa pinto. Nang akma na niyang hahawakan ang seradura ay muli niyang narinig ang tinig ng asawa.

"Hey, babe."

Pilit muna siyang nagpakawala ng ngiti bago ito nilingon. Nakita niya ang asawa na nakahiga pa rin subalit nakatingin sa kaniya. Seryoso ang anyo nito.

"Yep?"

"Okay lang ba sa'yong pumunta sa weekly get-together nang mag-isa?"

Do I have a choice? she wanted to say, but she stopped herself.

"Of course, hon. No dramas."

Ngumiti ito. "You have fun, alright? And give me a call if you need anything."

Tumango siya at muling hinarap ang pinto. Doon nawala ang pilit na ngiting ibinigay niya rito.

Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at lumabas ng silid. Nang nasa hallway na siya ay niyakap niya ang sarili saka bagsak ang mga balikat na humakbang pababa ng hagdan.

*

*

*

TULAD NG KANIYANG INASAHAN ay hinanap ng lahat si Van. Alam ng buong pamilya na hindi natuloy ang pag-alis nilang mag-asawa patungong Palawan kaya hindi na nagtanong pa ang mga ito.

Tulad ng parati niyang ginagawa kapag hindi nakapupunta ang asawa ay sinasabi niya sa mga itong may importanteng lakad si Van. Which was true, pero minsan ay hindi na rin siya nagiging komportableng sagutin ang maraming katanungan ng mga ito tungkol sa asawa.

At nang araw na iyon, upang makaiwas sa dami ng katanungan ng buong pamilya ay pumasok siya sa silid ni Lola Val na sa kabila ng dinaramdam ay nagagawa pa ring tumayo upang salubungin siya ng yakap. Her granny was watching a drama series which she paused when she arrived. Sandali silang nag-usap, hinanap nito sa Van, at pagkatapos ay nanatili lang siya roon upang samahan itong manood ng telebisyon habang ang iba ay abala sa paghahanda ng lunch sa kusina.

Nang nasa hapag na silang lahat ay hindi na muling nag-usap ang matatanda tungkol sa negosyo. Kumustahan lang, tungkol sa mga apo, tungkol sa mga nangyari sa kani-kanilang buhay sa nakalipas na buong linggo. At habang nag-uusap-usap ang matatanda ay kapansin-pansin naman ang pananahimik ng kaniyang mga pinsan, most especially the twins; Mau and Cori. Pareho lang ang mga itong nakayuko sa pagkain.

Nang dumating siya kanina ay binati pa siya ng mga ito. They seemed normal, pero pansin niya ang alalahanin sa mukha ng dalawa. For Cori, she could understand why.

Kay Maureen siya nagtataka.

Kaya naman nang matapos ang pananghalian ay nilapitan niya ito. Dumiretso ito sa veranda at umupo sa wooden bench na naroon habang ang iba'y nasa sala.

"Hey Mau," she started, sitting next to her cousin.

"Hey," anito, may pilit na ngiti sa mga labi.

Itinuon niya ang tingin sa malaking pond na nasa harap ng veranda at tahimik iyong pinagmasdan. It was her favorite part of the house. Doon sa pond siya madalas na tumambay doon bata siya upang kausapin ang mga alaga nilang goldfish. Kapag nagtatalo naman ang mga magulang niya noon ay doon lang siya tutungo upang libangin ang sarili, at kapag malungkot siya ay iyon din ang ginagawa niyang tambayan. Dati ay may puno ng mangga malapit sa pond at doon ay ginawan pa siya ng duyan ng papa niya.

The mango tree was long gone. At malawak na hardin na ang katabi ng pond.

"Back when we were kids, kapag bumibisita kayo rito sa bahay ay lagi ninyong binabato ng kung anu-anong pagkain ang pond. Mum would always scream at you and Cori dahil namamatay ang mga goldfish niya." She added it with a giggle before turning to Mau.

At ang kaniyang paghagikhik ay nahinto nang makita ang itsura nito. Sandali siyang napatda sa kinauupuan.

Si Maureen ay tahimik na lumuluha.

"What's wrong?" nag-aalala niyang tanong.

Humarap ito sa kaniya. "I... I'm worried."

"About what?"

"Sa sasabihin ng buong pamilya."

"About what?" she repeated. Hindi niya ma-gets ang sinasabi nito.

"About Jimmy and his business."

Umusog pa siya palapit sa pinsan, sinulyapan ang buong pamilya sa loob ng sala na abala pa rin sa pag-uusap-usap, bago ibinalik ang tingin sa pinsan. "Why? What's going on?"

Nagpahid muna ito ng mga luha bago sumagot. "Jimmy's business is going down, Demani. Maliban pa roon ay napag-alaman kong hindi na niya nababayaran ang bahay na ni-loan namin sa bangko. I just learned about it when I got a notification letter from the bank. Tapos, noong pumunta ako sa bangko para i-check ang joint account naming mag-asawa ay lalo akong nanlumo. We are losing money, Demani. At mahaba na ang isang buwan bago kami mag-alsabalutan at tumira sa kalsada."

Naitakip niya ang isang palad sa bibig. That explained why Maureen seemed off!

At hindi siya makapaniwalang nangyayari ang ganoon sa pinsan.

"Hindi ko pa nakakausap si Jimmy tungkol dito; kahapon ko lang nalaman. I pretended not to know. Gusto kong mag-imbestiga muna para malaman kung saan napunta ang kinikita ng negosyo niya pati na ang pera namin sa bangko."

"May... naisip ka na bang maaaring dahilan?"

Tumango si Mau; ang luha ay patuloy sa pagdaloy. "His addiction to gambling."

Gusto niyang manlumo. Of course. Of course, it was Jimmy's gambling problems that caused all these.

Natigilan siya nang bigla siyang hawakan sa magkabilang braso ni Maureen, at sa tinig na puno ng pagsusumamo ay,

"Please, Demani. Please help us."

Naguguluhan siyang napatitig dito. "B-But how, Mau?"

"Tulungan mo akong makapag-loan ng pera kay Van. Siya lang ang kilala kong maaaring tumulong sa amin para maisalba ang negosyo."

Unti-unting lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdid. Gusto niyang tulungan si Maureen, pero hindi niya alam kung kaya niyang sabihin sa asawa ang tungkol doon.

She was worried.

She was worried because she knew that Van wouldn't like it. Lalo kapag nalaman—o napatunayan nila— na nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagsusugal at kapabayaan ni Jimmy.

Bumaba ang tingin niya sa tiyan ni Maureen. Namumukol na iyon. Her cousin was eight months pregnant; ilang linggo na lang ay manganganak na ito. Sa kalagayan nito ay hindi maaaring hindi siya tumulong.

She needed to help Mau somehow.

She had to.

At hindi niya kailangang humingi ng tulong sa asawa para magawa iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro