CHAPTER 027
SUBALIT DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS at hindi pa rin bumabalik sa dati si Van. He continued to give her cold treatment, making her really angry and sad at the same time.
Noong Linggo ng gabi ay umalis ito nang hindi nagpapaalam sa kaniya, saka umuwi ng madaling araw na naman naman. Tumabi ito sa kaniya sa pagtulog, subalit patalikod. She tried to cling on him, put her arm on his body, but he gave no reaction at all.
Nang sumunod na araw ay late na itong bumaba. Matapos nitong maligo at maghanda sa pagpasok sa opisina ay sumilip lang ito sa kusina kung saan siya naghahanda ng almusal para sabihing nagmamadali at hindi na kakain. He did come to her and kissed her on the cheek, pero maliban doon ay wala na itong ibang sinabi.
Naiwan siyang tulala sa kusina. Ang dibdib ay naninikip sa samut saring damdamin.
Kinagabihan ay umuwi ito ng bandang alas dies na. Malamig na rin ang pagkaing inihain niya. Sa kusina ay naghihintay siya, halos dalawang oras na nakaupo sa harap ng hapag habang hinihintay ito.
Van normally comes home at around seven. Alas otso siyang natapos sa pagluluto dahil sa tagal ng pagpapalambot ng karne. Alas dies itong dumating upang sabihin lang sa kaniyang hindi kakain dahil lumabas ito kasama si Attorney Salviejo at ang anak. Pagkatapos niyon ay tinapunan lang nito ng tingin ang pagkaing ilang oras niyang niluto bago tumalikod at umakyat na sa kanilang silid.
Masama ang loob na niligpit niya ang mga nakahain at padabog na inilipat sa mga plastic containers saka ini-silid sa frigde.
Ikatlong araw ay ganoon pa rin. At habang kumakain sila ng almusal sa hapag ay pigil-pigil niya ang mga luha sa pagbagsak.
She missed her husband.
Masama rin ang loob niya sa ikinikilos nito pero mas lamang ang pagkasabik niya rito.
He was there... and yet he was distant.
He was close... and yet so far.
Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.
Sa gabi ay yayakap siya rito pero para itong tuod na hindi nagpapakita ng reaksyon. Sa umaga ay sasalubungin niya ito ng pilit na ngiti kahit na kay bigat-bigat na rin ng kaniyang loob. Kahit ang magpanggap na lang ay hindi pa rin nito magawa. He would just look at her with his empty eyes and eat silently.
Napapagod na rin siya.
Magparaya. Umintindi. Magpasensya.
Kaya nang gabing iyon ay nag-plano siyang muling kausapin ang asawa. They needed to talk and work things out.
Alas dies na naman ng gabi nang umuwi si Van. Hindi na rin bago sa kaniya iyon. Somehow, she had gotten used to him coming home late at night. Hindi na rin siya nagtatanong dahil isa lang naman ang sasabihin nito.
"Sumama sa mga kliyente sa labas."
And she believed him. Of course, she knew her husband would never lie to her.
"Gusto mong kumain?" salubong niya nang pumasok ito sa front door. Unlike other nights, Van didn't reek of alcohol. At mukhang hindi ito nakasimangot.
He even gave her a light smile.
"You waited again," he stated.
Napahigpit ang kapit niya sa suot na silk robe, kanina pa siya nilalamig dahil malibang malakas ang buga ng centralized AC sa sala ay malakas din ang ulan sa labas.
"Of course, hindi ako nakatutulog kapag nasa labas ka pa." Kahit papaano ay masaya siya dahil sa loob ng ilang araw ay ngayon lang siya muling kinausap nang ganoon ng kaniyang asawa.
"Kumain na ako kanina," he said, taking his coat off. "Kasama ko si Attorney Salviejo."
"Oh, nagkita pala ulit kayo." She wanted to keep the conversation going. Kinuha niya mula rito ang hinubad nitong coat. "Would you like some tea?"
"No, I'll just wash up and sleep. Pagod ako." Nauna itong naglakad patungo sa hagdan habang tinatanggal ang butones sa magkabilang cuff ng suot nitong polo.
Ang kaninang pag-asang bumangon sa dibdib niya sa pag-aakalang mag-aayos sila ng asawa ay muling nalusaw. Akala pa man din niya ay magkakaayos na sila dahil nag-umpisa na itong muli na kausapin at ngitian siya. Pero mukhang ganoon pa rin.
At mukhang ayaw na nitong makipag-usap pa dahil pagod na.
Napayuko siya at mabigat ang dibdib na sumunod.
Maybe tomorrow.
Baka bukas ay pwede na silang mag-usap.
"What did you eat for dinner?"
Mabilis siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang tanong nito. May kung anong pag-asa na naman ang sumiklab sa kaniyang dibdib. Nasa unang baitang na ito ng hagdan, nakaharap sa kaniya habang ang isang kamay ay nakapatong sa handle.
Nanikip ang kaniyang lalamunan. Ang kaniyang mga mata'y nag-init.
"I... I didn't eat dinner tonight."
Van's forehead furrowed. "Why?"
"I... waited for you to come home."
Nanahimik ito matapos marinig ang kaniyang sinabi. Ang anyo ay lumambot. May kung anong damdamin din siyang nakita na dumaan sa mga mata nito. Damdaming noon lang niya nakita mula rito.
It was guilt.
Nang nanatiling tahimik si Van ay muli siyang nagsalita. This time, her voice quiver. "Hindi pa rin ba tayo magbabati? Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?"
Hindi ito sumagot. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Nagpatuloy siya. "You didn't speak to me for five days, Van. At dahil alam kong may kasalanan ako kaya ka naging bato sa akin sa nakalipas na mga araw ay pinili kong habaan ang pasensya ko at intindihan ka. Nagparaya ako. Nagbigay espasyo. Hinayaan muna kita kahit na nasasaktan na ako. Kahit na nahihirapan ako. But I couldn't take this anymore, Van. Hanggang kailan ka magiging ganito?"
Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ni Van bago sumagot.
"So, now you know how hard it is to be in my shoes, huh?"
"What?"
"Ako lagi ang umiintindi sa'yo, ako lagi ang nagpaparaya, ilang beses akong nagpasensya. Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal kita kahit na hirap na hirap na rin ako—kahit na higit kong kailangan ang asawa ko."
Natigilan siya sa narinig mula rito.
Van was speaking to her with tenderness; tila ito nakikipag-usap sa isang bata matapos pagalitan.
At dahil sa tagal na hindi niya narinig ang masuyo nitong tinig ay doon na sunud-sunod na nagbagsakan ang kaniyang mga luha.
Van stood still and continued to talk. "Demani, before I met you, I was nothing but a shrewd businessman. Wala akong ibang ginawa sa buhay ko kung hindi ang gumising at magtrabaho. It was the same routine every day for me. I would wake up and go to work, meet clients, fix the company's problems, meet with my associates, and then go home and sleep. I had a boring life. I have dated women before you, of course, but they were just temporary entertainment. Pero nang makilala kita, mas lumawak ang tingin ko sa buhay. And when I married you, my days became brighter. Waking up to see you next to me every morning put joy in my heart. Eating breakfast that you cook gives me energy, going to work with a smile on my face gives a big difference in how I handle my business. I worked so hard still, marami pa ring problema sa kompanya pero hindi na ako nahihirapan at nauubusan ng lakas dahil alam kong may uuwian akong asawa na mag-aalis ng pagod ko. You became the reason for my happiness. You lighten up my dull, boring world. At noong pinakasalan kita ay ipinangako ko sa sarili ko na ikaw ang lagi kong uunahin.
I did everything for you. Kahit ang mga bagay na labag sa paniniwala ko; I did them for you. Matagal akong nagpasensya, umintindi. Maybe for you, that planned vacation was just nothing. But for me, it was the remainder of my male ego, Demani. Hindi mo ba napansin na halos nanlilimos na lang ako ng oras mo? Hindi mo ba napansin na halos magmakaawa ako sa'yo noong gabing iyon para pumayag na magbakasyon tayo? I was a shrewd businessman inside my building, no one would ever believe that back home, I was just begging for my wife's time and attention.
Noong araw na nagpadala ka ng mensahe para sabihing baka hindi matuloy ang bakasyon natin dahil isa na naman sa pamilya Dominico ang nangailangan sa'yo ay para akong binagsakan ng mundo. Why can't I have my wife's time and attention? Why do I always have to be the second priority? Why can't I be the priority just for once? Bakit tira-tirang ikaw na lang ang nakukuha ko?
Hindi kita ipinagkakait sa pamilya mo, Demani. You can help them, go to them when they need you. But what I am asking is for you to give me some of your time, too. Hindi iyong pilit. Hindi iyong parang utang na loob ko pang pinagbigyan mo ako."
Ramdam na ramdam niya ang bawat salitang lumabas sa mga labi ng asawa. Ramdam niya ang hinanakit, ang sama ng loob, lungkot at pagdurusa. Kaya naman ang kaniyang mga luha'y walang humpay sa pagdaloy sa magkabila niyang mga pisngi.
She was so hurt that she couldn't even talk.
Nang walang sagot na nakuha sa kaniya ay muling nagsalita si Van.
"Masama ang loob ko, Demani. At hindi ko itinago iyon sa'yo para malaman mo kung gaano ka-lalim ang sugat na inidulot mo sa akin. What you did wasn't even a sin, yes. But you made me feel unloved and unappreciated. What I need is... a wife who would make me feel loved because you are the only person I have. Because you are the person I chose to spend my whole life with. Kung ngayong wala pa tayong anak ay ganito ka na, paano na lang kapag nag-umpisa na tayong bumuo ng pamilya? Just thinking about it made me feel even worse. I can't bear to even think of it; kahit wala pa'y nasasaktan na ako sa magiging mga anak natin."
"I would never do that to our future children, Van," she said, still crying. "Believe me, kapag nagkaanak na tayo ay ibubuhos ko ang lahat ng oras at atensyon sa ating pamilya; sa ating mga anak. No, actually... starting tonight, I will put you first amongst anyone else. I will put our marriage first. Kasi..." She stopped and sniffed. "Kasi... hindi ko kayang... galit ka sa akin. Hindi ko kaya ang ganito. Please... Magbati na tayo."
Matagal na nakatitig lang sa kaniya si Van hanggang sa nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga. Bumaba, lumapit sa kaniya, saka banayad siyang hinila at niyakap.
Doon siya napahagulgol. Binitiwan niya ang hawak na coat nito saka gumanti ng kasing higpit ding yakap sa asawa. At sa bisig nito, siya at umiyak nang umiyak.
At nang maramdaman niya ang pagdampit nito ng halik sa ibabaw ng kaniyang ulo ay lalo pang lumakas ang hagulgol niya.
"Hush now," he whispered, tightening his embrace. "Sandali akong dumistansya sa'yo dahil nagpalamig muna ako ng ulo. Alam kong kung magsasalita ako na mainit ang ulo at masama ang loob ay baka may masabi akong pagsisisihan ko sa huli. I know I was hurting you, and I felt sorry, too."
"I missed you..." naiiyak niyang sabi rito.
Tumango ito at muli siyang dinampian ng halik sa ibabaw ng kaniyang ulo. Inasahan niyang sasabihin nitong nami-miss din siya nito, subalit hindi. Van said nothing anymore.
Hanggang sa unti-unti itong kumawala sa kaniya. Niyuko siya, at banayad na pinahiran ang mga luhang dumaloy sa magkabila niyang mga pisngi.
"Let's move on and not argue over this matter anymore. Let's just work our marriage out. Ayaw ko rin na nagkakaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan. And just to be clear... hindi sa ayaw kong tulungan mo ang pamilya mo. All I want is... for you to balance your time and attention."
Tumango siya sa pag-sang-ayon.
"Okay, let's go upstairs now; magpahinga na tayong pareho. I can see you're tired and sleepy."
Where is my... I missed you, too? My... I love you? The... I'm sorry I acted like a jerk—I won't do that again? Where are they?
Gusto niyang sabihin iyon sa asawa, pero nawalan siya ng lakas ng loob.
Hindi pa ba sapat na niyakap siya nito nang mahigpit?
Nagpaakay siya kay Van nang hawakan siya nito sa siko at inalalayan nang umakyat sa hagdan. Pagdating sa kanilang silid ay dinampian lang siya nito ng halik sa noo bago tumalikod at pumasok sa banyo.
She stood in the middle of the room, feeling uneasy. Her eyes stayed on the closed bathroom door.
At habang nakatitig siya roon ay hindi niya napigilang mag-isip ng kung anu-ano.
Bakit siya... patuloy na kinakabahan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro