Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 026




PASADO ALA-UNA ng madaling araw nang marinig ni Demani ang pagdating ng kotse ng asawa. Mabilis siyang humakbang patungo sa front door upang salubungin ito. Subalit ilang minuto na siyang naghihintay sa likod ng pinto ay hindi pa rin itong pumapasok.

Kunot-noong binuksan niya ang pinto at lumabas. Naglakad siya patungo sa garahe, at nang marating iyon ay lalo siyang nagtaka sa nakita. Van was standing on the side of his car. Hands on the roof and his head down. Nakapatay na ang makina ng kotse, pero ang pinto ng driver's side ay nakabukas pa.

Lumapit siya sa pag-aalala. Pero nakakailang hakbang pa lang siya'y muling nahinto nang marinig si Van na umungol.

She frowned.

May masakit ba sa asawa niya?

Napasinghap siya sa naisip.

Hindi kaya nagkaroon ng maliit na aksidente sa daan si Van at may masakit na nararamdaman sa katawan?

Doon siya biglang nagpanic at itinuloy ang paglapit.

And as she got closer to her husband, a weird smell coming from him assaulted her nose.

She knew what it was.

Alcohol.

Van reeked of alcohol.

"Hon...?"

Mahinang ungol lang ang ini-sagot nito sa kaniya, hindi pa rin nag-aangat ng tingin.

Doon na siya lumapit nang husto saka masuyo itong hinagod sa likod. "Bakit ka ba nagpakalasing? Buti at walang masamang nangyari sa'yo sa daan." Pumailalim siya sa kanang braso nito upang alalayan itong maglakad. "Let's go."

"No, I'm fine," pagmamatigas nito bago inalis ang braso sa kaniyang balikat. Pinilit nitong ituwid ang tayo, ang mga kamay ay ini-siksik nito sa magkabilang bulsa saka tumingala.

Nakikita niya sa anyo ng asawa na pilit nitong kinokontrol ang sarili, pilit na ibinabalik ang huwisyo. Pilit na pinatitibay ang pagtayo.

Napabuntonghininga siya. "Bakit ka ba kasi nag-inom?"

Hindi ito sumagot.

Muli siyang nagsalita. "H'wag mo nang uulitin 'to dahil baka sa susunod ay hindi ka na maka-uwi nang buo sa akin. I was worried about you the whole night, ni hindi ka tumawag para sabihin na aabutin ka ng madaling araw—"

"Well, I guess you know how I feel whenever you do the same."

Natahimik siya at pilit na pinipigilan ang pag-alpas ng galit. Sinubukan pa rin niyang magsalita nang kalmado. "Well, in my case, hindi ako inuumaga ng uwi at hindi galing sa inuman."

"Same banana. Nawalan ka ng pakialam sa taong naghihintay sa pag-uwi mo."

Matapos nitong sabihin iyon ay nilampasan siya nito at naglakad na patungo sa front door. Mangha niya itong sinundan ng tingin. Nakita niyang pagewang-gewang ito sa paglalakad at nagpupumilit na ayusin ang tindig.

Imbes na sumunod ay nagpalipas muna siya ng ilang sandali sa kinatatayuan. Unti-unting kumukulo ang dugo niya pero pilit niyang kino-kontrol ang sarili.

Ilang beses siyang humugot ng sunud-sunod na malalim na paghinga.

Ayaw niya itong patulan dahil lasing.

Ayaw niya itong patulan dahil desidido siyang makipagbati rito matapos ang nangyari kagabi.

Ayaw niya itong patulan dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon ay baka lumaki pa ang problema nilang mag-asawa.

Ayaw niyang patulan dahil ayaw niyang ibalik nito sa kaniya ang lahat ng mga sasabihin niya-- katulad na lang ng ginawa nito kanina.

Mas mainam nga sigurong manahimik na lang siya at hayaan itong magsalita nang magsalita. At kapag tumino na ang utak nito bukas ay saka nila pag-uusapan ang ginawa at sinabi nito.

Yes, iyon ang tamang paraan. Iyon ang dapat niyang gawin.

Ini-sara niya ang pinto ng kotse ng asawa saka sumunod dito. Inabutan niya si Van na paakyat na sana ng hagdan nang tawagin niya ito.

"Nagluto ako ng dinner kanina. Iinitin ko lang."

"I'm not hungry. Gusto ko nang magpahinga," ang tanging sagot nito, hindi man lang nag-abalang lingunin siya. "At hindi ba ang sabi ko'y h'wag mo akong hintayin? Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Demani?"

Okay, he's drunk. He didn't mean everything he said...

Nang walang narinig na sagot mula sa kaniya ay napailing si Van saka ini-tuloy na ang pag-akyat. Mahigpit nitong hawak-hawak ang handle ng hagdan upang tulungan at alalayan ang sarili.

Nanatili lang na naka-sunod ang kaniyang tingin hanggang sa makaakyat at tuluyan nang mawala si Van sa kaniyang paningin.

Isang buntonghininga ang muli niyang pinakawalan bago laglag ang mga balikat na naglakad sa kusina. Nang nasa entry na siya ay napahinto siya at sinulyapan ang mga pagkaing tinakpan niya sa ibabaw ng mesa.

Totoong sinabi nito na gagabihin ng uwi at hindi na maghahapunan doon, pero naghanda pa rin siya.

Just in case...

Just in case his mood changes.

Nanlulumong napasandal siya sa pader, niyakap ang sarili, saka tumingala sa kisame upang pigilan ang pagbagsak ng mga luha.

She didn't want to cry. She didn't want to entertain any negativities in her heart.

She was responsible for the way her husband acted. She was responsible for his animosity. At tulad ng sinabi na niya kanina ay nakahanda siyang magpasensya... at umintindi... hanggang sa tuluyan nang malusaw ang sama ng loob nito sa mga maling desisyon niya.

At tama ito. She should start prioritizing him.

Dahil may asawa na siya ngayon, dapat ay ito ang inilalagay niya sa ibabaw kasunod ang Diyos na gagabay sa pagsasama nila. What comes next after him must be evaluated. At dapat ay hinihingi muna niya ang opiniyon nito, o ang pag-payag sa magiging desisyon niya, bago gumawa ng mga bagay-bagay.

Because... as a married couple, her decision must be in line with his.

Bakit ba ngayon lang niya naiisip ang mga ito? Ngayong nasaktan na niya ang kaniyang asawa. Ngayong nagdaramdam na ito.

Oh well, hindi pa naman huli ang lahat.

Marami pa siyang pagkakataon para bumawi sa asawa. It would surely be a hard task, but she was going to endure 'em all. For the sake of their love.

*

*

*

LINGGO KINABUKASAN, at dapat ay nasa Palawan na sila ngayon ay nagsu-swimming kung hindi lang dahil sa maling aksyong ginawa niya noong isang araw.

And since they were not able to leave for the vacation, nag-iisip si Demani kung pwede pa niyang yayain ang asawa na pumunta sa Sunday get-together...

Nasa harap sila ng hapag nang umagang iyon at si Van ay tahimik na naupo sa pwesto nito. He was experiencing a terrible hangover when he woke up, but he still managed to get up, walk, and prepare for work.

He opened the newspaper like usual, sipped the coffee she made for him and ate his breakfast with gusto.

It was the usual scene every day.

Maliban sa... panlalamig nito.

He wasn't the same sweet and clingy Van who would hug her in the morning when he woke up, cuddle and kiss her until they'd end up making love. He wasn't the same Van who would complement the coffee she made, or thank her for the delicious breakfast.

No. He was different today.

And of course, she knew why.

"Do you have plans for today, hon?" aniya makalipas ang ilang sandali. Naubos na ng asawa ang pagkaing nasa plato nito at tinatapos na lang ang pagkakape.

Van shrugged his shoulders. "I have some work to do." Then he sipped his coffee one more time, stood up, and placed the newspaper beside his plate. "I'm done. Thanks for the meal."

Manghang napatitig siya sa bakanteng upuan ng asawa nang makaalis na ito roon.

"Wait."

Nahinto si Van nang marinig siya.

Bumaling siya sa asawa, at doon ay nakita niyang ni hindi man lang ito nag-abalang lumingon sa kaniya.

Tumayo siya, humugot nang malalim na paghinga upang patatagin ang sarili, saka nagsalita. "We can't be like this, Van. Hanggang kailan mo balak na umakto ng ganito?"

Doon ay dahan-dahang humarap ang kaniyang asawa, ang anyo ay seryoso, blangko. Walang kahit na anong bahid ng damdamin.

He looked her in the eye, went quiet for a while before taking a long, deep breath. He then pushed his hands into his pockets and said,

"Siguro ay hanggang sa mawala ang sama ng loob ko."

She couldn't help but scoff. "Ano ka, bata?"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit, Demani? Wala na ba akong karapatang magdamdam? May pinipili bang edad ang sama ng loob?"

"But this is too childish, Van! Sa edad mong 'yan ay dapat na pinaiiral mo ang pag-intindi at pagpapalawak ng isip—"

"I did, Demani, but nothing works for you. Lumalala ka pa nga sa labis kong pag-intindi."

"Oh! So now it's back to me, huh?"

Balewala itong nagkibit-balikat saka muling tumalikod. "I'll be working in my home office for the whole morning and I can't be disturbed."

Mangha niya itong sinundan ng tingin hanggang sa makaakyat ito sa hagdan.

Ilang sandali pa'y nai-kuyom niya ang mga kamay sa sobrang inis.

Naiinis na siya rito.

Napipikon na siya.

Pero sige. Hahabaan pa niya ang pasensya niya.

Sa ngayon ay hahayaan niya ito.

Two days. She'd give him two freaking days. Kapag sumobra sa dalawang araw ang pag-iinarte nito'y magwawala na talaga siya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro