CHAPTER 025 - Mistreated
"WHY?" tanong niya sa asawa. "We can still go, hon. Hindi mo ba natanggap ang text message ko kanina? I suggested na ilipat na lang natin ang oras ng flight. Siguro mamayang madaling araw? O bukas ng umaga. We still have time—"
"Nah, don't worry about it. Naisip kong marami rin pala akong kailangang gawin sa opisina." Ibinaba na nito ang mga papeles at inilapag sa sidetable. "Besides..." he trailed off and looked at her. "...who knows, baka bukas ay tawagan ka na naman ng isa sa mga miyembro ng pamilya. Baka kailanganin ka na naman nila. Or worse, baka kahit naroon tayo sa bakasyon ay hindi ka pa rin nila tatantanan."
She could hear mockery and sarcasm. At dahil kasalanan niya ay hindi niya papatulan ang sinabi ng asawa. Naiintindihan niya kung bakit nito iyon sinabi. May mali siya. She should have just contacted Coreen's parents.
"Hon, I'm sorry..." she said. Lumapit siya sa kama at naupo roon, habang si Van naman ay inaayos na ang unan upang maghanda sa paghiga. "Naiintindihan ko kung bakit masama ang loob mo, it's my fault. Pero ako ang may mali dahil hindi ko laging nagagawang humindi kapag kinakailangan nila ako. I could have just said no. But it's hard, Van, lalo kung sa dalawampu't anim na taon ng buhay ko ay ganito na ang personalidad ko. You need to understand that—"
"We're not having this conversation again, Demani," bagot na wari ni Van. "I understand that you can't turn your back on family; I got that. I understand. Pero hindi ba dapat ay binibigyan mo rin ng oras ang asawa mo? We are preparing to have our own family, as well. We are building our future family together. I am your partner; I am your other half now. Pero bakit hindi ako ang priority mo?"
She opened her mouth to say something, but Van beat her off.
"Sure, you can't turn your back on the family. I got that, okay? Pero hindi ibig sabihin na sa tuwing kailangan ka nila ay lilipad ka kaagad patungo sa kinaroroonan nila. Hindi lang naman ikaw ang miyembro ng familia Dominico, ah? Hindi lang ikaw ang pamilya ni Coreen. Pero bakit ikaw lagi ang sumbungan nila? Bakit ikaw lagi ang nilalapitan nila? Bakit ikaw lagi ang inaabala?"
Nahihimigan niya ang sama ng loob sa tinig ng asawa kaya minabuti niyang manahimik. It was her fault, at aminado siya roon kaya hahayaan niya itong maglabas ng sama ng loob nito sa kaniya.
"Kailangan ka nila lagi, pero kailangan din kita. Kailangan ko rin ang asawa ko. And I am part of that family, too. Pero bakit parang balewala lang ako sa'yo, ha? Bakit hindi kaparehong oras at atensyon ang natatanggap ko mula sa'yo? Bakit tira-tirang oras mo lang ang nakukuha ko? Am I not important to you?"
"Of course you are—"
"Kung ganoon, bakit hindi ko maramdaman, Demani?"
Inabot niya ang asawa, nais niya itong yakapin upang iparamdam dito na mahal niya ito at nasasaktan siya sa mga naririnig niya mula rito. She wanted to let him know that he was important, too. That she cared for him and she loved him with all her heart. Nais din niyang mangako rito na hindi na mauulit pa ang nangyari. Na kahit siya ay napagod na rin sa ginagawa ni Coreen sa sarili—sa buhay nito.
Pero nang akma na niyang hahawakan ang asawa ay umiwas ito at banayad na tinabig ang kamay niya.
"Nevermind, Demani. Alam kong kahit ano ang sabihin ko ay papasok lang sa tenga mo at lalabas din sa kabila. Kampante kang nakaiintindi ako at mahal kita kaya ka ganiyan. Let's not talk for now, baka kung ano pa ang masabi ko."
Hindi na siya nakapagsalita pa nang patayin na ni Van ang lamp at tinalikuran siya.
Nanlulumong tumayo siya at pumasok sa banyo. At doon sa loob, ay tahimik siyang umiyak dahil ang kaniyang puso ay binabalot din ng konsensya.
She was sorry for her husband, and she wanted to make it up for him.
Humarap siya sa salamin at matagal na tinitigan ang sarili. She needed to make it up to her husband.
At habang tinititigan niya ang repleksyon sa salamin ay nagdesisyon siyang bukas na bukas din ay ipararamdam niya kay Van na mahalaga ito sa kaniya. Bukas na bukas din ay babawi siya.
*
*
*
KINABUKASAN, SABADO. Nagising si Demani na wala na sa tabi si Van. Naisip niyang baka lumabas lang ito para mag-jog, o baka nasa home office para maagang umpisahan ang trabaho.
Like usual ay bumangon siya. Dumiretso sa banyo upang maagang maligo. Makalipas ang ilang minuto'y natapos na rin siya; she took her daily vitamins. Her pills and her medications for stress na ni-reseta ng doctor na inumin niya hanggang sa matapos ang treatment niya.
Matapos mag-ayos ay lumabas siya ng silid upang maghanda ng almusal.
Alas-siete y media pa lang. Normally ay nag-aalmusal sila ng alas otso y media. She still had an hour to prep for breakfast.
Bago bumaba ay sinulyapan niya ang home office ng asawa. Tinungo niya iyon upang silipin ito. Nang buksan niya ang pinto at magkitang wala roon si Van ay muli siyang umatras at ini-sara iyon. That convinced her that Van must have went out for a jog.
Bumaba siya at dumiretso sa kusina. Nag-brew muna siya ng kape bago nagsaing at naghanda ng mga lulutuin. Van's favorite for breakfast was sunny-side-up eggs; iyong toasted ang gilid pero malasado ang yolk. She had been practicing and she got them perfectly. Kahit iyon lang ang kainin ng kaniyang asawa kasama ang kanin o tinapay ay nabubusog na ito.
She would make that, and then ham and sauteed beans as well.
Makaraan ang kalahating oras ay naluto na niya ang lahat ng ulam. Hinihintay na lang niyang maluto rin ang kanin nang sulyapan niyang muli ang oras.
"Wala pa rin siya?" aniya saka sumilip sa front door. Dapat, sa ganoong oras ay nakabalik na ito kung nag-jog lang.
Dalawampung minuto pa ang lumipas at wala pa rin ang kaniyang asawa. Doon na siya umakyat pabalik sa kanilang silid upang kunin ang cellphone at tawagan ito. Makalipas ang ilang ring ay may sumagot sa kabilang linya.
And it was her husband.
"Where are you?" she asked. Nakahinga siya nang maluwag; akala pa man din niya ay may nangyaring masama rito kaya hindi kaagad nakabalik mula sa pag-ja-jogging.
"I left early to go to the golf club. I am meeting some of my clients over breakfast," sagot nito na tila balewala lang ang ginawa. He didn't even say goodbye nor told her that he wouldn't be around in the morning!
Huminga siya nang malalim upang alisin sa dibdib ang namumuong pagdaramdam. Sigurado siyang hindi nagpaalam si Van dahil masama pa rin ang loob sa pagkaka-kansela ng bakasyon nila.
"You didn't tell me you won't be here today..." aniya sa kalmadong tinig. Ayaw niyang isipin nito na nagdaramdam siya. Ayaw niyang dagdagan ang gusot sa pagitan nila.
"I did tell you I have some jobs to do."
"What time are you coming home then?" she asked after a while.
"I don't know, maybe late."
"Buong araw kayong nasa golf course?"
"No, I'll go to the office after breakfast."
"Magta-trabaho ka ngayong araw?"
"Well, yes. Bakit, may problema ba?"
Pumikit siya at humugot muna ng malalim na paghinga.
Calm down... Calm down... Calm down, Demani...
"O-Okay then. Hihintayin kita mamayang hapon."
"Gagabihin ako kaya h'wag ka nang maghintay."
"Hindi ka rin magdi-dinner dito sa bahay?"
"Probably not."
"Why?"
"I have to meet someone."
"Who?"
"An old friend."
"Babae?"
"God, Demani. Tingin mo ba sa akin ay katulad ng asawa ni Coreen?" iritang sagot ni Van sa sinabi niya.
"I didn't mean to—"
"I'm gonna hang up now. Talk later."
And just like that, Van finished the call.
Ibinaba niya ang cellphone saka pinakatitigan iyon. Hindi siya makapaniwalang dahil sa sama ng loob ay nagagawa siyang tratuhin ng ganoon ng asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro