Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 024 - Canceled Plans



ISA-ISANG INAYOS ni Demani ang mga damit na dadalhin nila ng asawa patungong Palawan. Mamayang alas sinco ng hapon ay darating ito upang sunduin siya. They would be leaving tonight, at hindi na siya makapaghintay na makasama ang asawa at makapagliwaliw matapos ang mahabang panahon.

The last time they were away was after the wedding. Iyong honeymoon pa nila, at hindi na nasundan pa iyon.

Van had been busy with work; with the company. At walang problema sa kaniya iyon. Naiintindihan niya. Hindi siya nagre-reklamo dahil para rin naman iyon sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

Besides... kahit walang honeymoon ay hindi nagkulang sa kaniya si Van. She was always loved.

And satisfied.

Nasa ganoon siyang kaisipan nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng side table. Sinulyapan niya kung sino ang tumatawag, at nang makita ang pangalan ng pinsang si Coreen ay napabuntonghininga siya.

Great. Matapos nitong ignorahin ang text message niya kahapon nang makita niya ito at si Sam ay tatawag ito? Para ano?

Manigas ka, usal niya saka inituloy ang ginagawa.

Nagtuluy-tuloy ang ring ng kaniyang cellphone. Namatay makaraan ng ilang sandali, saka muling nag-ring.

Coreen would surely never stop.

Isang buntonghininga pang muli ang pinakawalan niya bago hinablot ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Now what, Cori? Paano mong—" Natigilan siya nang marinig ang paghikbi ng pinsan sa kabilang linya. At hindi na siya nagulat pa.

She had somehow expected this. She had somehow known this was going to happen.

Ano pa nga ba ang aasahan niya?

"Demani..." humihikbing wari ni Coreen.

"Isang gabi lang kayong nagkabalikan, tapos ngayon ay iiyak-iyak ka na naman?"

Lumakas ang pag-iyak ng pinsan, kasunod ng pag-ungol.

Kinunutan siya ng noo. "What's happening, Coreen?" Bumangon ang pag-aalala sa kaniyang dibdib. Her cousin was crying and groaning at the same time. She sounded like a wounded animal—at doon siya kinabahan. "May masakit ba sa'yo—"

"I need to.... go to the hospital, Dems. Like, right now."

Napatayo siyang bigla. "Why, what happened?"

"P-Please... Just come..."

Nataranta siya, at akmang aalis subalit napasulyap siya sa bagaheng hindi pa niya tapos i-empake. Sinulyapan niya ang oras sa relos. It was already 1PM. Van said he would be collecting her at 5. Kung aalis siya ng Antipolo ngayon at pupuntahan ang pinsan sa bahay nito sa Alabang, she wouldn't be able to go back in time.

What would she do?

"H-Have you called Maureen?" Bakit kaya siya ang tinatawagan ni Coreen imbes na ang kakambal nito? Tutal ay alam na rin naman nina Mau at ng mga magulang nila ang nangyayari, bakit hindi na ito dumiretso sa mga iyon?

"I—can't call Mau, Dems. She's pregnant, and I don't want to give her stress—ow!"

Sinapo niya ang ulo. "Bakit kailangan mong pumunta sa ospital, Cori? What's going on? Kung may masakit sa'yo ay tumawag ka na ng ambulansya. H'wag mo na akong hintayin, I won't be able to fly from Antipolo to—"

"I have called the ambulance and it's on its way, Dems. I just need someone to stay with me in the hosp—ah!"

"Cori? Coreen? What's happening?"

"My tummy hurts, Dems," umiiyak na sagot ng pinsan. "And I'm... bleeding."

Malakas siyang napasinghap. Coreen was pregnant?

Sa naisip ay tuluyan na siyang nilamon ng pag-aalala. Hinanap niya ng tingin ang handbag; nakita niya iyon sa ibabaw ng chest of drawers, mabilis niya iyong nilapitan at hinablot. Mabilis siyang lumabas ng silid pagkatapos ay bumaba ng hagdan.

"Tinawagan mo na ba sina Uncle Lau? Paano ang mga bata—"

"Nakakuha ako ng yaya sa mga bata, Dems. And please don't tell Ma and Pa. Ayaw kong lalo silang magalit sa akin..."

"They need to know, Cori. Mga magulang mo sila—"

"No! Oh, just come, okay? Ikaw lang ang pwede kong tawagan ngayon. Please... Demani, please..."

Naramdaman niya ang panginginig ng katawan sa labis na pag-aalala. Umaatake ang stress niya. Natataranta siya. Katulad kahapon. Katulad ng mga nakaraan.

Coreen wasn't just a cousin. She and Mau were like sisters to her. Hindi niya ito pwedeng talikuran na lang at hayaan. Kaya kahit na hindi maganda ang nararamdaman niya sa sariling katawan ay pinilit niyang umalis upang puntahan ito.

Bago pa man pumasok sa isip niya ang konsekwensya ng pag-alis niya'y lumabas na siya sa kanilang bahay. She needed to rush to Coreen. Her cousin needed her.

Pagdating sa labas ay taranta siyang nagbook ng cab. Saalubungin na lang niya iyon sa labas ng subdivision.

And so... she left.

And she just had no idea that her actions and decision that day... would be a start for her marriage to crumble slowly...

She just had no, effing idea...

*

*

*

KABADONG BINUKSAN NI DEMANI ang pinto ng kanilang silid nang gabing makauwi siya galing sa ospital kung saan dinala si Coreen at ngayon ay nagpapahinga na. She got home at 10PM, and she knew her husband was waiting for her.

At kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung ano na naman ang magiging reaksyon nito sa nangyari.

Nang umalis siya nang hapong iyon upang puntahan si Coreen sa pinagdalhang ospital dito ay sinubukan niyang tawagan ang asawa. She tried to call him twice, but he didn't pick up.

Then, she remembered that Van was having three big meetings that day, at naisip niyang baka hindi nito dala sa conference room ang cellphone. Kaya nag-iwan na lang siya ng text message at sinabi rito na may emergency si Coreen at siya lang ang maaaring tumulong dito. She also suggested they leave the next day, maaari namang i-book ang ticket para sa panibagong oras o araw; hindi masasayang iyon.

Pero... hindi nagreply ang asawa.

Noong nakarating siya sa ospital ay nilamon siya ng pag-aalala at lungkot nang makita si Coreen. Her cousin had miscarriage. Nagdadalangtao pala ito sa pangatlong anak, at sa labis na stress at pagkapabaya sa katawan ay hindi naging matagumpay ang pagdadalangtao nito.

Maliban pa roon ay may nakita siyang panibagong sugat sa bibig nito, at pasa sa braso. Which she believe was from Sam's beating. Inamin din naman iyon ni Coreen. Sinabi nitong nagkita at nagkaayos ito at si Sam noong nakaraang araw, subalit nang mahuli raw nitong may babae na namang kausap si Sam sa cellphone ay nagtalo na naman ang mga ito. Which led to Sam leaving again, and Coreen all bruised up.

Nais man niyang sermonan ang pinsan sa pagiging tanga nito sa asawa ay minabuti niyang manahimik na muna. She knew that patients like Cori was not only physically broken at the moment, but also mentally and emotionally unstable. She was a nurse, so she knew better.

Ang pagkawala ng isang sanggol ay magdadala ng labis na stress sa ina, at alam niyang hindi magiging madali ang lahat kay Cori, kaya pinili niyang manahimik at h'wag nang dagdagan pa ang bigat na dinadala nito.

Coreen asked her to not inform the family, pero hindi niya gustong itago iyon sa buong pamilya, kaya naman tinawagan niya ang mommy niya at sinabi ritong kausapin ang mga magulang ni Coreen. She had told her mother about Cori, kaya naman habang tulog si Coreen sa unit nito matapos ma-stabilize ang kondisyon, ay dumating sa ospital ang Tito Lau at Tita Ynes niya, parehong nag-aalala.

Hindi na niya sinabi pa sa mga ito ang tungkol sa muling pambubugbog ni Sam sa asawa; alam niyang kaya ayaw ni Coreen na ang mga magulang ang tawagan ay dahil malalaman ng mga itong bumalik si Sam. Her Uncle Lau had been looking for that asshole; desidido ang uncle niya na ipakulong ito; whether or not Coreen would cooperate.

Bandang alas otso ng gabi nang muli niyang maalalang silipin ang cellphone, at nang makitang ni-seen lang ng asawa ang text message niya ay doon na siya kinabahan. Alam niyang magdadamdam na naman ito, at positibo siyang magiging sanhi na naman iyon ng panibagong pagtatalo.

Pero ano ba ang magagawa niya? She couldn't just turn her back to her family. Bago dumating sa buhay niya si Van ay naroon na ang mga ito para sa kaniya.

Habang sakay siya ng taxi pauwi ay sinubukan niya na muling tawagan ang asawa, but Van's phone was out of reach.

Kaya ngayon... heto at nakatayo siya sa harap ng pinto ng kanilang silid; pigil-pigil ang paghinga habang inihahanda ang sarili sa komprontasyon. Alam niyang ang hindi pag-reply ni Van sa kaniyang text message, at ang hindi ma-kontak nitong cellphone, ay bidya na galit ito.

And she understood.

Her husband had planned this weekend get-away for the whole week. Doble kayod ito at nag-ta-trabaho pa rin sa gabi para gawin ang mga trabahong maiiwan nito habang wala sila. He was super excited and he had been looking forward to this; tapos ay kakanselahin lang niya?

Oh well, may oras pa naman sila. At kung ginawa nito ang suhestiyon niyang i-rebook ang ticket sa ibang oras ay matutuloy pa rin naman sila.

Kahit pagod siya sa ginawa niya sa maghapong iyon ay itutuloy pa rin niya ang lakad nila.

If Van would still be up for it...

Muli siyang huminga nang malalim saka dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto. Nakabukas ang lamp sa loob ng silid, at lalo siyang kinabahan nang makita ang asawang nasa kama. His back was leaning on the headboard, he was holding and reading a document.

Napalingon ito nang maramdaman siya, sandali siyang tinapunan ng tingin bago ibinalik ang pansin sa dokumento.

"How's Coreen?" anito.

Ini-sara na muna niya ang pinto bago sumagot. "Kasama na niya sina Uncle Lau at Tita Ynes. Tulog siya nang umalis ako, pero stable na ang kondisyon niya. She... lost her third baby."

Napansin niyang sandaling natigilan si Van nang marinig ang huli niyang sinabi. Nilingon siya nito, ang anyo ay blangko. "And Sam?"

A frustrating sigh escaped her throat. "He's a dumbass. That asshole would never change."

Ibinalik ni Van ang pansin sa dokumentong hawak. Sandaling natahimik.

Hinintay niyang may sabihin ito tungkol sa lakad nila kaya nanatili siyang nakatayo sa likod ng pinto.

Until... he spoke again.

"Have you had dinner?"

"No, wala akong gana. How about you?"

"I went to dinner with my clients."

Tumango siya. Mukhang nag-iba na nga ito ng plano para sa araw na iyon.

"W-When are we... leaving?" she asked. Kinakabahan siya habang hinihintay ang sagot nito.

"I don't know. I-kansela na lang siguro natin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro