Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 022 - Drifting Apart



HUWEBES NG HAPON at naisipan ni Demani na magtungo sa isang shopping center upang mamili ng mga bagong summer dresses na dadalhin niya sa bakasyon nila ng asawa sa El Nido, Palawan. Nag-e-empake na siya ng mga gamit na dadalhin nila nang mapagtanto niyang wala siyang gaanong beach clothes kaya naisipan niyang pumunta muna sa Ortigas para mamili.

Nakausap na niya ang mga magulang noong isang araw na bumisita siya sa mga ito. Nagpaalam siyang magbabakasyon sila ni Van at sa susunod na Lunes na makauuwi. Surprisingly, her family didn't question it, at nang magpaalam siya sa Lola Val niya ay natuwa pa nga ito nang malamang nagkaroon ng oras si Van para sa kaniya.

Masaya siyang hindi na siya nahirapan pang humibla ng mga kwento para lang hindi ng mga ito kwentyunin ang hindi nila pagdalo sa susunod na Sunday get-together, at kahit ang kaniyang asawa ay natuwa ring matutuloy ang pag-alis nila.

Van had canceled an important meeting with clients on Saturday to prepare for their trip. She could feel her husband's excitement; naisip niyang bilhan na rin ito ng mga bagong Hawaiian shirt na magagamit nito sa beach.

Pumasok siya sa isang clothing store na nasa loob ng isang malaking mall sa Ortigas Center. Doon ay may nakita siyang pambabae at panglalaking mga beach clothes. Sisiguraduhin niyang magiging kaakit-akit siya sa mga mata ng asawa. Aba'y mahigpit na ipinagbilin ng lola Val niya na dapat daw ay may laman na ang tiyan niya sa kanilang pagbabalik.

Oh, hindi niya magawang sabihin sa mga ito na hindi pa sila handa ni Van na magkaanak...

Matapos mag-ikut-ikot ay nakapili siya ng tatlong Hawaain shirts para sa asawa, at limang pirasong bikini para sa kaniya—the styles would surely impress Van. Oh, she couldn't' wait to wear them!

Matapos niyang magbayad ay tinungo niya ang kalapit na men's store. Ibibili rin niya ng mga bagong beach shorts si Van. At habang naglalakad siya patungo roon ay hindi inaasahang may nakasalubong siya.

Nagsalubong pa ang mga kilay niya dahil hindi siya makapaniwala. Akala niya'y guni-guni lang niya.

But it was really Coreen.

Kasama si Sam.

Nanlaki ang mga mata niya.

Are they back together?

Oh, gusto niyang sabunutan ang pinsan.

How could Coreen disrespect herself like this? Hindi pa ba ito nagtanda?!

Si Coreen na nakahawak sa braso ni Sam at sweet na sweet na nakikipag-usap ay nahinto sa paghakbang nang makita siya. She was only five meters afar, of course her cousin would see her!

At tulad niya'y nagulat din ito. Sandaling naging mailap ang mga mata, bago napayuko. Ang kamay nitong nakapulupot sa braso ni Sam ay bumaba, hanggang sa tuluyan itong bumitiw.

Napailing siya sa pagkamangha. Hindi niya alam kung ano ang pinakakain ni Sam sa pinsan niya para magpakagaga na naman ito. How could Coreen be so stupid to reconcile with this SOB?

Si Sam ay hindi siya nakita. Nakatuon ang tingin nito sa isang shop ng mga sapatos, and he continued to talk thinking Coreen was still listening.

Humakbang siya palapit. Gusto niyang komprontahin si Sam sa ginawa nitong pagbubugbog kay Coreen dalawang linggo na ang nakararaan. Pero nang makita siya ng pinsan— na marahil ay nahulaan din ang kaniyang gagawin— ay kaagad nitong hinila si Sam na walang kaide-ideya. Tumalikod ang mga ito, at si Coreen ay patuloy sa paghila kay Sam hanggang sa makaakyat ang mga ito sa escalator.

Nanatili siya sa kinatatayuan na labis na namangha. Hindi siya umalis doon hanggang sa hindi nawala sa kaniyang paningin sina Coreen.

She was very disappointed with her cousin. How could she easily forgive and go back to her useless, jackass husband? After what that donkey did to her, ay binalikan pa rin nito?

Oh, humanda lang talaga ito sa muli nilang pagkikita. Makatitikim talaga ito sa kaniya!

*

*

*

MATAPOS NIYANG MAMILI ay kaagad siyng umuwi sa bahay nilang mag-asawa at naghanda ng hapunan. She would be cooking beef pochero for dinner, and she also made custard pie for dessert. At habang nagluluto ay hindi maalis-alis sa isip niya ang nakita kanina sa mall.

Hindi niya inasahang makikita roon ang pinsan. Paano ba naman, sa dami ng malls sa Maynila, ay doon pa talaga sila nagkita? Dagdagan pang hindi niya inasahang makikita ito kasama ang walang'yang asawa. Sinadya ba ni Coreen na doon makipagkita kay Sam sa pag-aakalang walang makakakita rito? Her family lived in the South; Paranaque, Las Pinas, and Alabang. Why else would Coreen go to Ortigas if she wasn't hiding?

Dahil wala sa ginagawa ang isip ay nahawakan niya ang nakasalang na stainless cooking pot. Doon niya pinakukuluan ang beef, at dahil kanina pa iyon nakasalang ay sobrang init na, dahilan upang mapaso siya. She shrieked and ran to the sink. Hinugasan niya ng malamig na tubig ang palad na namula.

Kumuha siya ng malinis na basahan, binasa iyon ng malamig na tubig, pinigaan, saka ipinulupot sa kamay na napaso.

Matapos iyon ay tila siya hapung-hapo na naupo sa harap ng mesa at tinapunan ng masamang tingin ang pot. Sandali muna siyang nanatiling ganoon at hinayaang lumambot ang karne sa loob ng kontrabidang pot.

Kasalanan kasi talaga ito nina Sam at Coreen.

Alas siete ng gabi nang marinig niya ang pagpasok ng sasakyan ng asawa sa garahe. Taranta siyang tumayo at sinilip ang pot; this time, she made sure she had a kitchen glove on her hand.

Hindi pa malambot ang karne at hindi pa niya nailalagay ang mga sahog na gulay.

Oh, speaking of which!

Nilingon niya ang mga gulay na nasa kabilang sulok ng lababo, at nang makitang hindi pa niya nahihiwa at naisasahog ang patatas ay lalo siyang nanlumo. Iyon ang tinungo niya, inilagay ang lahat ng patatas sa aluminum bowl at hinugasan bago isa-isang binalatan.

Dahil sa napasong kamay ay bumagal ang kilos niya.

Lalo siyang nagpanic nang marinig ang pagpatay ng makina ng sasakyan ng asawa, kasunod ng pagtunog ng mga susi nitong papalapit nang papalapit sa front door. Binilisan pa niya lalo ang ginagawa, muntikan pa niyang mahiwa ang daliri sa pagmamadali.

Narinig niya ang pagbukas ng front door, at doon ay lalo siyang nag-panic. Nang mahiwa niya ang lahat ng patatas ay ibinuhos niya ang mga iyon ng kung paano na lang sa loob ng pot.

Matapos iyon ay niyuko niya ang oven upang silipin ang ginawang pie. Muli siyang nag-panic nang makitang umuusok ang nasa loob.

Nasusunog ang custard pie niya!

Napamura siya, at sa nanlalaking mga mata ay madali niyang ini-suot muli ang kitchen glove, binuksan ang oven saka kinuha ang umuusok na ceramic dish.

Nagkamali ba siya ng pag-set ng heat temperature? Kung saan-saan na naman kasi napunta ang isip niya, at marahil sa pagmamadali, ay hindi niya namalayang mali ang adjustment niya ng init?

Ahhh, damn it. Late na nga ang dinner, palpak pa. And the meat wasn't even properly cooked because it wasn't yet tender.

Pabagsak niyang inilapag ang ceramic dish sa lababo saka sinapo ang ulo.

Pinigilan niya ang pagbangon ng inis. She was losing her temper; gusto niyang sumigaw.

At habang nakaharap siya sa lababo ay bigla niyang naramdaman ang paghawak ng asawa sa kaniyang bewang na ikina-igtad niya. Napaharap siya at naiinis na initulak ito.

"Ano ba?"

Nagulat si Van sa naging reaksyon niya—at ganoon din siya.

She didn't mean to raise her voice. She didn't mean to push him.

Nagulat lang siya at kanina pa naiinis dahil sa mga nangyayari.

Kinunutan ng noo si Van. "Are you all right?"

Muli niyang sinapo ang ulo, at imbes na sagutin ang tanong ng asawa'y umiwas siya saka tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang mga plato nila. Nang muli siyang humarap ay nakita niya si Van na nakatingin sa lababo. Nakita nito ang sunog na custard pie.

Nilingon siya nito; nasa anyo ang pag-aalala. "What's going on? Did something happen?"

Hindi siya sumagot at dumiretso na sa dining area. Inilapag niya ang mga plato at kubyertos sa mesa sa padabog na paraan.

"Demani, I'm talking to you," ani Van na sumunod sa kaniya. "Did something happen?"

"No, I just messed up dinner," sagot niya. Naiinis pa rin siya sa tuwing naiisip ang palpak na niluto.

Hindi iyon ang unang beses na nag-bake siya ng custard pie, pero iyon ang unang beses na pumalpak siya dahil sa dami ng iniisip.

"Why did you mess up?" tanong pa ni Van. Humakbang ito palapit sa kaniya, at ang akma niyang pagbalik sa kusina ay naudlot nang humarang ito sa daraanan niya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Babe, what's wrong? Did I do something?"

Huminga siya nang malalim, at sa nanlulumong tinig ay, "No, Van, you didn't do something. I just... messed up. I wasn't myself today and—" Nahinto siya nang itinaas ni Van ang kamay niyang namumula.

Salubong ang mga kilay nitong sinuri iyon, saka siya muling sinulyapan. "What is this? What happened?"

"I told you, I messed up," aniya sabay bawi ng kamay. Pinakawalan niya ang sarili mula rito at bumalik sa kusina upang muling silipin kung luto na ang karne. Binuksan niya ang takip ng pot, tinusok ng tinidor ang beef, at nang maramdamang medyo malambot na iyon ay inabot niya sandok upang tikman ang sabaw. Just twenty minutes more, probably. And they could eat dinner.

Nang matikman ang sabaw ay napangiwi siya. Kulang ng lasa. Inabot niya ang salt shaker, at ang planong kaunting asin ay sumobra nang matanggal ang takip niyon. Nabuhos niya ang lahat ng asing nasa loob ng shaker sa kaniyang sabaw.

Mangha siyang napatitig sa kumukulong sabaw habang sinusundan ng tingin ang takip ng salk shaker na lumutang-lutang doon.

At habang nakatutok ang mga mata niya roon ay unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin at nanikip ang kaniyang lalamunan.

Kasunod niyon ay ang pag-bagsak ng kaniyang mga luha.

She messed up—completely.

Inis niyang pinahiran ang mga luha bago pinatay ang stove at inihagis ang sandok sa lababo.

Inis na inis siya na hindi na niya napigilan pa ang sariling umiyak sa harap ng stove—at nasa ganoon siyang kalagayan nang lumapit ang kaniyang asawa at hinawakan siya sa balikat.

"Hon..."

"Kumain ka na lang ng tinapay," padabog niyang sambit bago hinubad ang apron at nilisan ang kusina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro