Chapter 021 - Didn't Want To Take Sides
TULAD NG KANIYANG inasahan, tahimik lang si Van sa durasyon ng kanilang byahe pauwi.
Maayos itong nagpaalam sa buong pamilya nang sila'y umalis, at inalalayan pa siya nitong makapasok sa sasakyan. Palabas sila ng siyudad nang tanongin siya nito kung gusto niyang dumaan na lang sila sa isang restaurant upang magdinner subalit dahil busog pa siya sa masaganang lunch kasama ang buong pamilya ay tumanggi siya.
Simula noon ay tahimik nang nagmaneho ang asawa, habang siya nama'y hindi komportable dahil alam niyang sirang-sira ang mood nito sa nangyari sa lunch at pilit lang na nakikipag-usap sa kaniya. At alam niyang mananatili itong tahimik at kikimkimin na lang ang inis kung hindi niya ito pipiliting kausapin siya.
Naisip niyang mas makabubuti sa kanilang relasyon kung maging totoo sila at mapag-usapan nang maaga ang problema kaysa kimkimin iyon at kalaunan ay pagtalunan pa nila. Katulad ng nangyari noong nakaraan.
Nang makauwi sila ay hinintay muna niyang makapasok sila sa bahay bago niya kausapin ang asawa, subalit saktong inigagarahe na nito ang sasakyan ay may bigla namang tumawag sa cellphone nito. It was Attorney Salviejo, and Van needed to take the call so he proceeded to his home office and stayed there for a while.
Alam niyang kapag si Attorney Salviejo ang tumatawag ay matatagalan ang pag-uusap, kaya minabuti niyang igawa muna ng tsaa ang asawa habang hinihintay na matapos ang diskusyon ng mga ito.
Thirty minutes later, she went upstairs and checked on him. Dala niya ang tray kung saan nakapatong ang green tea nang katukin niya ang asawa sa opisina nito. The phonecall had ended, and Van was facing his laptop when she came in.
She smiled at her husband and walked into the room. Inilapag niya ang tsaa sa mesa nito, niyakap ang tray saka naupo sa kaharap na upuan.
"Are you working tonight?"
Van glanced at her and smiled weakly. "Yeah, I'm sorry, babe. Kailangan kong gawin ang trabahong ito ngayong gabi."
Tumango siya at sandaling nanatili roon. Alam niyang kapag nagtrabaho ang asawa ay inaabot ito ng madaling araw. Ibig sabihin ay mauuna siyang matulog, at ayaw niyang matulog nang hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa nangyari sa lunch kasama ang pamilya. Gusto niyang bukas ay hindi na masama ang timpla ni Van at hindi pilit ang mga ngiti.
Tumikhim siya, at doon ay muli niyang nakuha ang pansin ng asawa. Sandali nitong tinigilan ang pagta-type sa keyboard at muli siyang sinulyapan.
"Do you need anything?"
She bit her lower lip in hesitation. Hindi niya alam kung paano at saan mag-uumpisa. "Uhm... I just need to talk to you about... today."
Nagsalubong ang mga kilay ni Van, ang bahaw na ngiti'y napawi. Alam niyang alam na nito ang ibig niyang sabihin, at hindi nito ini-kubli sa kaniya ang pagbabago ng mood.
Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy. "Hon, pasensya ka na sa nangyari kaninang pananghalian. Don't worry, I will talk to mom and tell her to speak to the oldies about it."
Sandali siyang tinitigan ng asawa; tila ito may nais sabihin pero pinag-iisipan kung paanong gagawin nang hindi siya masasaktan. And she waited for him to speak about it, but....
"Don't worry about it," maiksing sagot nito bago ibinalik ang pansin sa ginagawa.
"Galit ka ba, hon?" Oh, hanggang maaari ay ayaw niyang mag-away sila. Van was doing his best to fit in with the family. Alam niyang ginagawa nito iyon para sa kaniya; and she appreciated that. Kaya hahabaan din niya ang kaniyang pasensya. Maybe her husband just needed more time to adjust with the family's tradition.
"Well, I don't know, Demani."
Napatitig siya sa asawa nang marinig ang sinabi nito. Van rarely addressed her with her name. Kapag galit ito at nagtatalo sila ay doon lang nito iyon sinasabi. Katulad noong nakaraan. Kaya ang maring niya ang pagbanggit nito sa kaniyang pangalan ay naghatid ng kung anong kaba sa kaniyang dibdib.
Inisandal ni Van ang sarili sa swivel chair nito, saka hinagod ang ulo.
"Being with the family always makes me feel uncomfortable, and I hope I could make you understand why." Nagpakawala muna ito ng malalim na paghinga bago nagpatuloy. "The oldies want Jimmy and Levi to compete with me—iyon ang dating ng pagtatalo nila kanina. Now, those guys would start keeping their eyes on me; they're probably thinking by now na ako na naman ang magaling. Ako na naman ang perpektong anak. Ako na naman ang paborito. Kaya sa susunod na pagkikita namin, ano? They wouldn't see me as part of the family anymore, but a business competition. And it sucks, Demani.
They also talked about Cori and Mau's poor choices, making them feel insecure about themselves. If this insecurity builds up, baka mauwi iyon sa hindi ninyo pagkakaintindihang magpipinsan.
As much as possible, I don't want to have any dramas within the family. Ganoon na lang ba lagi kapag nasa Sunday get-together tayo? I don't want people to compare me and my life to others, as much as I love your parents and respect Uncle Lau, I can't just deal with them comparing me with your cousins' husbands or with Levi. I don't want them to see me as their competition, or worse, their enemy. Kahit hindi ako komportable sa mga 'yon ay gusto ko pa ring may payapang relasyon sa kanila. Not this!"
"I'm sorry," she said, looking down. And yes, she was sorry. Dahil naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito. Kahit siya ay hindi nagustuhan ang ginawang iyon ng Uncle Lau niya.
At tama si Van; maaaring simpleng papuri lang ang pinakawalan ng Uncle Lau at ng mga magulang niya kay Van kanina, pero ano ang dating niyon sa mga pinsan niya?
"Hayaan mo at kakausapin ko rin ang mga pinsan ko; sasabihin ko kung ano ang saloobin mo."
Umiling ito. "No, hindi mo kailangang gawin iyon." Van took a deep breath and ran his fingers through his hair. Frustration was all over his face. "Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang gawin iyon. Marahil para sa kanila ay motivation? Encouragement for Levi and Jimmy to do better? Maybe. Pero hindi nila kapareho ng perspective ang dalawang iyon kaya sana sa susunod ay sa ibang paraan nila i-motivate ang dalawa. It is making me uncomfortable. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hirap na hirap akong tumayo tuwing Linggo. Sundays are the worst for me. Just thinking about spending that day with the whole family makes me feel like... hell."
Muli nitong hinagod patalikod ang buhok, saka tinitigan siya nang diretso. Sandali pa itong natigilan dahil siguro'y nakita nito ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.
She wasn't crying because she's angry. No, far from it. She was crying because she was stuck in the middle. Naiintindihan niya kung bakit ganoon ang mga lumalabas sa bibig ng asawa, alam niyang mali ang nangyari kanina. Pero nasasaktan din siyang makarinig ng mga salitang kontra sa kaniyang pamilya. Pakiramdam niya'y kay sama-sama ng pamilya niya sa mata ng kaniyang asawa.
And she didn't want to take sides. Ayaw niyang pumili ng papanigan.
At habang nagtatalo ang isip at puso niya sa kung sino ang mas matimbang sa kaniya ay kumawala na ang luha niya.
That's what changed Van's facial expression. Tumayo ito at umikot sa panig niya. Napatingala siya sa asawa, at nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat ay tumayo siya.
"I'm sorry," anito. Sa pagkakataong iyon ay malumanay na ang tinig nito. "Hindi lang ako sanay sa ganito, Demani. Napag-usapan na natin ito noong nakaraan, hindi ba? And you already know how I feel. Alam mong lumaki akong walang pamilya at hindi ko naranasan ang mapagitna sa ganoong sitwasyon. And I hate being compared with others. I just can't stand it."
Nakaiintindi siyang tumango. Sandali niyang inilapag ang tray sa mesa, pinahiran ang luhang kumawala at naglakbay sa kaniyang pisngi, saka niyakap ang asawa. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito.
"I'm sorry, hon," she said; her voice was shaky. "H'wag kang mag-alala, ipaaalam ko ito kina Mommy para maisawan nang muling mangyari ang ganoon. Kakausapin ko rin ang mga pinsan ko para sa susunod na linggo, walang tensyong mamagitan. Ayaw ko rin na magtanim sila ng sama ng loob sa atin."
Muling huminga ng malalim si Van, niyakap din siya nito nang mahigpit saka dinampian ng halik sa ibabaw ng kaniyang ulo. "Do we really have to spend our Sunday with your fmaily? Next week, can we skip the get-together and maybe go somewhere else— just you and me? Let's go to the beach maybe? Or out of town trip. We'll leave Friday afternoon. I just want to be with you full day next weekend, hon."
Kung para iyon sa ikatatahimik ni Van, at para hindi na nila pagtalunan, ay walang problema sa kaniya. Magpapaalam na lang muna siya direkta sa mga magulang niya at kay Lola Val. Maghahanap na lang siya ng dahilan. Ngayon ay nais na muna niyang pagbigyan ang asawa.
"Okay, let's have an out-of-town trip next weekend."
Hinawakan siya ng asawa sa magkabila niyang mga braso, sandaling inilayo saka niyuko. Nagulat ito sa pagpayag niya; namangha. Tila hindi ito makapaniwala.
"Really?"
Tumango siya at ningitian ito. "Of course. Gusto kong pagbigyan ang asawa ko para hindi siya magtampo."
"Oh, I can't wait, babe." Muli siya nitong niyakap nang mahigpit.
Matagal silang nagyakap hanggang sa banayad siyang kumawala. Hindi na rin mabigat ang dibdib niya ngayon dahil nakita na niya itong ngumiti. Umaasa siyang pagkatapos ng maiksi nilang bakasyon ay hindi na masama ang loob nito sa pamilya niya. She would make it up to him.
"Okay, gawin mo na ang trabaho mo. H'wag kang magpapagabi masyado ha?"
Ngumisi ito. "I changed my mind. I'll just work on it tomorrow in the office." At sa pagkagulat niya ay binuhat siya nito.
Awtomatiko siyang napahawak sa mga balikat ng asawa saka natatawang nagsalita. "Where are we going?"
Hindi sumagot si Van; nakangisi lang sa kaniya. Akala niya ay lalabas sila sa home office nito, pero hindi. Dahil nang maramdaman niya ang paglapat ng kaniyang likod sa couch na naroon sa opisina ay nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Seriously?" Excitement ran through her nerves. Nagkunwari siyang na-e-eskandalo para hindi nito mahalatang nasasabik siya.
Patuloy sa pagngiti si Van nang tuwid na tumayo saka nag-umpisang magtanggal ng butones sa suot na polo.
Umayos siya ng upo at kagat-labing pinanood ang asawa na isa-isang hinuhubad ang saplot.
Polos off.
Next was his belt.
Then the button of his pants.
And the zip....
And then...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro